My Brother's Bestfriend (Bad...

By RJPM18

192K 6.6K 581

Belle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact... More

My Brother's Bestfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chaper 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 44

2K 86 4
By RJPM18

I've been so busy because of Christmas! Merry Christmas and Happy new year! Enjoy~

-


Chapter 44


Nalaglag ang panga ko at hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Daddy. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Romeo dahil litong-lito ako at gulong-gulo. What is happening? Parang hanggang ngayon ay hindi padin na pro-process sa utak ko ang lahat. I can't believe this. Ang saya-saya lang namin kanina.

Tumayo ako pagkatapos ay humarang sa harapan ni Romeo. I don't know exactly what I'm doing pero isa lang ang alam ko, ayokong umalis si Romeo. Ayokong mahiwalay sa kanya. Kung talagang papaalisin sya ni Daddy ay hindi ako papayag.

"D-daddy, what are you saying?" tanung ko

"Ang Daddy ni Romeo at ang mommy mo may relasyon! Mga hayop!" sigaw ni Daddy. Kumalabog ang puso ko. This is the first time I've seen like that. Ngayon ko lang sya nakita na ganyang kagalit.

"S-sinabi ko sayong wala kaming relasyon! Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin? Bakit ba sarili mo lang ang pinapaniwalaan mo?" sigaw ni Mommy pabalik. Hindi ako nakapagsalita. Binalingan ko ng tingin si Mommy at nakita kong namumugto ang mga mata nya. Para bang kanina pa sya umiiyak.

"At paano mo mapapatunayan 'yun ha? May nakakita sa inyo sa Davao!"

"Hindi sya sya kasama sa Davao! Sinisiraan lang nila ako!" Sigaw ni Mommy.

"Mga hayop! Sinong niloko nyo?!" sigaw ni Daddy pabalik, umiling-iling sya at sumabunot sa kanyang buhok. Sarado ang isip nya sa kahit anong paliwanag.

Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Gulong-gulo din ako. Binalingan ko ng tingin si Romeo at nakita ko ang galit sa mga mata nya. Romeo's relationship with his Dad is not good. Matagal na syang may galit dito at ngayong naririnig nyang nagloko ito ay baka lalo syang magalit at baka mas lalong magkaroon ng lamat ang relasyon nilang dalawa. Sandali akong nakaramdam ng takot. This is the first time I've seen that expressions in Romeo's eyes.

"R-romeo, Calm down." Halos ibulong ko sa kanya.

Bumagsak ang tingin nya sa akin.

"You should stay with your mom. Kailangan ka nya." Malamig na sabi nya

"I-ikaw? P-pano ka?" Nanginginig na tanung ko.

"I'm going to leave. Pinapaalis na ako ng Daddy mo." Aniya.

Lumalim ang paghinga ko. Pakiramdam ko may biglang dumagan sa dibdib ko ng dahil sa sinabi nyang 'yun.

"H-how.. about me?" nabasag ang boses ko.

Nakita ko kung paano lumambot ang mukha ni Romeo ng dahil doon. Tumulo ang luha sa mga mata ko at hindi ko napigilan ang paghagulgol ko. Mabilis akong nilapitan ni Romeo. Kinulong nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang palad.

"I'm sorry." Nabasag din ang boses nya.

"S-sasama ako sayo."

"H-hindi pwede. Your mom needs you." Aniya

"But, I need you too." Bulong ko.

Umiling-iling sya sa akin at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga pag-iling nyang 'yun. Bumukas ang pinto pagkatapos ay inuluwa nun si Kuya Diego na mukhang gulong-gulo din sa mga nangyayari. Kaagad nyang nilapitan si Mommy at dinaluhan ito. Umakyat naman si Romeo si itaas at mabilis ko syang sinundan doon. I'll talk to mom later. Sa ngayon, I need to talk to Romeo first. He's going to leave at hindi ako papayag.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto nya at nakita kong nasa kama ang kanyang backpack at padabog nyang nilalagyan 'yun ng gamit. Kumunot ang noo ko. Is he serious? Wala manlang syang sasabihin? Aalis nalang sya bigla-bigla?

"Aalis ka talaga?" tanung ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa nya. Pinagmasdan ko ang balikat nya at napansin ko ang panginginig nun. He's mad. He's freaking mad at ramdam na ramdam ko 'yun.

"Are you leaving?!" sigaw ko pagkatapos ay inagaw ang kanyang bag. Napatigil sya pagkatapos ay tinignan ako. Punong-puno ng galit ang mga mata nya. Madilim ang ekspresyon ng mga mata nya at sandali akong nakaramdam ng takot dahil doon.

"I need to leave, Belle." Kinagat nya ang ibabang labi nya, halatang nagpipigil ng galit.

"P-paano ako?"

"Your mom needs you. Kailangan ka nya ngayon. Wag mo syang iwan."

"A-alam ko.." Yumuko ako pagkatapos ay hinawakan ang laylayan ang damit nya. "P-pero iiwan mo ako, H-hindi ko kaya.." Nanginginig na sabi ko.

Natatakot ako sa ideya na aalis sya. Natatakot ako na kapag umalis sya baka hindi na sya bumalik. Anong gagawin ko kapag hindi na sya bumalik sa akin? Paano na ako pag nawala si Romeo sa akin? I'll die from pain. H-hindi ko kaya. Hindi sya pwedeng umalis lalo na ngayon at mahal na mahal ko na sya. Hindi pwede.

"S-sigurado akong pagkakamali lang ang lahat. Na-misunderstood lang ni Daddy. H-hindi 'yun magagawa ng Mommy ko. H-hindi din 'yun magagawa ng Daddy mo. I-I'm sure-"

"Belle.." Hinawakan ni Romeo ang kamay ko. Napatigil ako pagkatapos ay binalingan sya ng tingin. Namumula ang mga mata nya. He looks so fragile at pakiramdam ko anumang oras ay iiyak na sya.

"Romeo, bakit-"

"M-matagal ko ng alam. I'm sorry." Aniya

Kumunot ang noo ko ng dahil doon.

"W-what?"

"T-the reason why.. kung bakit hindi magawang mahalin ng Daddy ko ang Mommy ko was because of your mom."

Umiling-iling ako.

"W-what? No. R-romeo.. Hindi-"

"Tita was my Dad's one great love. Kahit kinasal na sila ni Mommy ay si Tita padin ang mahal nya, hanggang ngayon."

Laglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala.

"That's one of the reason kung bakit matindi ang galit ko kay Daddy. Mom loves him. My mom loves him so damn much. Si Mommy ang sumalo sa kanya noon. Si Mommy ang walang sawang sumusunod sa kanya kung san man nya gustong pumunta dahil sa putang-inang paghahabol nya sa pangarap nya. Pero sa huli, si mommy padin ang nasasaktan. Sa huli, hindi nya padin ito magawang mahalin. So, I'm freaking mad. I am so fucking mad right now, Belle. Sa sobrang galit ko gusto ko ng sumabog. Gusto ko syang sugurin at suntukin ngayon. Gusto ko syang saktan. Pero mas gusto kong pumuntahan ngayon si Mommy. She's in pain. She needs me." Aniya.

Isa-isang nagsilaglagan ang luha sa mga mata ko ng dahil doon. Matagal ng alam ni Romeo. Kuya Diego probably knows it too. Ako lang ba sa pamilyang to ang walang nalalaman? All this time I thought Mom and Dad was okay. Palagi silang walang dalawa at ang buong akala ko ay busy silang dalawa sa negosyo, pero ang totoo, matagal na palang nagkakalamat ang relasyon nila. I thought everything is okay. Ako lang pala ang nagiisip nun. Everything was just a fantasy. I thought I have to most perfect and happy family in the world. Mayaman kami, kilala ang pamilya namin. I have damn thing that I need in my life. Buong akala ko ako ang mali sa pamilyang ito. Ang buong akala ko, ang kawalan ko ng tiwala sa sarili ang pinakamali sa pamilyang ito pero hindi pala. Hindi..

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko pagkatapos ay bumaling sa pinto ng marinig kong bumukas ito. Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko ng dahil sa sobrang mugto nito. Naniningkit akong sinilay si Kuya Diego na pumasok sa pinto pagkatapos ay sinandal nya ang kanyang sarili doon habang naka crossed arms sa akin. Walang bahid ng lungkot mukha nya. Mukhang ayos lang sa kanya ang lahat. Mukhang ako lang ang affected.

Is he always like this? May advantage din pala ang attitude nyang ganyan. He's the type of person who can easily detached himself. Sya 'yung klase ng tao na mabilis mag move-on. Mabilis makalimot. Mostly, wala syang pakialam. Sana ay ako rin ganun.

"Wala ka bang balak kumain?" tanung nya.

Hindi ako sumagot pagkatapos ay umiling-iling lang. Magmula nung umalis si Romeo kagabi ay hindi na ako tumayo sa kama ko at hindi na din ako tumigil sa pagiyak. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng tubig sa katawan dahil naiyak ko na lahat. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Mommy at Daddy dahil hindi na ako bumaba pagkatapos noon. Masyadong mabilis ang pangyayari. Parang kagabi ang saya pa namin ni Romeo tas biglang ngayon ang gulo-gulo na. Biglang wala na sya dito.

"Magmumukmok ka lang ba dito sa kwarto mo? Wala kabang pasok-"

"Alam mo din hindi ba? Bakit hindi mo sinabi sakin?" pagputol ko sa kanya.

Nadinig ko ang tikhim ni Kuya Diego.

"Walang ginagawang masama si Mommy. Nabubulag lang si Daddy sa selos."

"Alam nyo ang nakaraan ni Mommy at ang Daddy ni Romeo. Alam nyo na hanggang ngayon, si Mommy padin ang mahal ng Daddy ni Romeo. Kaya magulo ang pagsasama ng parents nya. H-hindi ko maintindihan, matalik na magkaibigan ang mga magulang natin sa magulang ni Romeo, paanong-"

"It's true. Dad and Romeo's Dad are best buddies since highschool days. Tito fell in love with Mom first. Mom fell for him too but eventually naghiwalay din sila because Tito left for States. Naiwan si Mommy. Naging sila ni Daddy then the rest was history." Ani ni Kuya.

"Alam ba ni Daddy na naging si Mommy at Tito?"

"Yep. But it doesn't matter, though. Bago maging sila ni Daddy at alam ni Tito ang lahat. Isa pa, Tito left mom first. Nag-asawa si Tito sa ibang bansa."

Inawang ko ang bibig ko. Si Tita 'yun.

"But I knew it, No. Actually, Romeo and I always knew it. Tito Caesar always love Mom eversince day one hanggang ngayon. Kitang-kita namin 'yun. Kaya nga hindi nya magawang mahalin si Tita. Hindi sila magsundo. Palagi silang nagaaway dalawa. Romeo seen all of that, kaya matagal syang tumira sa kanyang Nana. Malayo ang loob nya sa Daddy nya."

Hindi ako nagsalita. Naiinis ako sa sarili dahil ngayon ko lang 'to nalaman. Hindi ko alam na may ganitong issue sa pamilya namin. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang dinadala ni Romeo. I know his not close to him Dad kahit pa noong may bata pa kami pero hindi ko akalain na mayroon palang mga ganitong issue.

"Bakit hindi nyo sinabi sakin?" tanung ko.

"Anung gagawin mo kapag nalaman mo?" tanung nya pabalik sakin.

Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba?

"Mahal ni Mommy si Daddy. Hindi nya ito lolokohin. Pero kilala mo si Daddy, sarado ang utak nya kapag galit sya. Let them cool off first. Magiging maayos din ang lahat." Aniya.

"P-paano si Romeo?" nabasag ang boses ko.

Hindi nagsalita si Kuya Diego kaya binalingan ko sya ng tingin.

"Romeo can handle it himself. Just give him time too." Sagot nya sa akin.

Isang linggo ng wala si Romeo at miss na miss ko sya. Pagkatapos ng paguusap namin ng gabi na 'yun at hindi na kami nagkausap pa. Ilang beses akong na tempt na tawagan sya o itext pero palagi ko ding pinipigil ang sarili ko. I don't know what to say. Ni, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung talagang nagtataksil ang mommy ko at daddy nya, ibig sabihin ba nun hindi na kami pwedeng dalawa?

Is he okay? Ano bang ginagawa nya ngayon? Nagkausap na ba sila ng Daddy nya? Hindi ko alam! Ang dami kong tanung. Ilang araw ng naka-off ang cellphone ko at hindi ko 'yun binubuksan. Hindi ko alam kung san ako natatakot. Natatakot akong makausap si Romeo. Baka kasi mamaya, biglang sabihin nalang nya sakin na ayaw na nya. Na hindi na pala kami pwede.

Ibig sabihin ba nito break na kami? Break na ba kami ni Romeo?

Bumaba ako sa kusina. Mabagal akong naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig. Sa wakas ay nagkaroon na din ako ng lakas para bumangon kahit papaano. Nilabas ko ang pitchel ng tubig pagkatapos ay napansin ang note na nakadikit sa pinto ng ref namin. Kinuha ko 'yun pagkatapos ay binasa.

Mommy.

"...I'll be back, Anak.. I just need time to be away from your father.." mahinang basa ko sa letter na iniwan nya doon.

Bumagsak ang balikat ko pagkatapos ay kinagat ang aking labi. Gabi-gabi kong nadidinig ang pagiyak ni mommy at ang pulit-ulit nyang pagsasabi na wala syang ginagawang masama pero sarado ang utak ni Daddy at ayaw nyang makinig. Kuya Diego wants to stay away with this. Kilala ko si Daddy mahirap syang kausapin lalo na kapag galit sya. Mom has been so patient with him pero siguro ay may hangganan din talaga 'yun.

Maybe Mom got tired and left.

Sobrang gulo na ng pamilya namin at pati ang puso ko ang gulo-gulo na din. Halos isang linggo akong nagkulong at sa wakas ay nagkaroon din ako ng lakas para pumasok sa University dahil kung hindi ay talagang babagsak na ako sa mga subjects ko. Mom is nowhere to be found. Hindi nya sinabi kung saan sya pumunta. At nung nalaman ni Daddy na umalis sya ay pinaratangan nya itong makikipagkita sa lalaki nya. Kuya Diego got mad at nagayaw sila ni Daddy. Tumakbo ako sa kwarto ko pagkatapos ay nagtakip ng tenga at umiyak na umiyak. Ganun palagi ang nangyayari. Paulit-ulit. Nakakasawa.

"Mabuti at pumasok kana! Alam mo bang nauubusan na kami ng excuse sa mga Professor natin kung bakit hindi ka pumapasok." Sabi ni Cherry sa akin.

Hindi ako sumagot. Umihip ang hangin kaya inipit ko ang takas na hibla ng buhok sa tenga ko.

"My God, Belle! Nakikita moa ng sarili mo? Ang haggard mo! Palaging mugto yang mga mata mo! Ano ba, umayos ka nga! Sabi pa ni Cherry.

Hindi parin ako sumagot. Wala naman kasi akong sasabihin at wala din akong gustong sabihin. Nakwento ko na sa kanila ang nangyari sa parents ko pati na din ang magalis ni Romeo. And now they are thrilled, bakit daw ako nagmumukmok kung may pwede naman akong gawin. Eh, anong gagawin ko?

"Bakit hindi mo kasi puntahan?" tanung sa akin ni Irene.

Binalingan ko sya ng tingin.

"Hindi naman ganun kadali 'yun."

"Namimiss mo diba? I'm sure nami-miss ka din nya."

"H-hindi ko alam." Yumuko ako.

Umirap si Cherry.

"Kasi naman, why did you turn off your phone? Paano ka kokontakin nung tao? Isa pa, Baka kasi alam nyang galit ka? Diba nga naging matindi ung pagaaway nyo nung nakaraan sabi mo?"

Lumunok ako.

"Baka kasi kapag nagusap kami bigla nya nalang sabihin na ayaw na nya. Na hindi na kami pwede." Sabi ko.

Nakita ko kung paano umirap si Cherry sa kawalan.

"Hay nako! Yan! Yan ang nakakainis sa ugali mo! Masyado kong nega! Masyado kang paawa! Ano ka ba naman, Belle! Intindihan mo din 'yung tao. He's with his Mom. Malamang nasa tabi 'yun ng Mommy nya para damayan ito. Isa pa, sinabi ba nya mismo sayo yan? Kasi kung hindi naman, there's no point para magpakalunod ka sa mga negative thoughts mo na yan! Akala ko ba matapang kana? Bakit naduduwag ka na naman?" Aniya sakin.

Nagangat ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko nasampal ako ng dahil sa mga sinabi nyang 'yun sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil pakiramdam ko naiiyak na naman ako at ayaw ko ng umiyak. Sobrang sakit na ng mga mata ko at hanggang ngayon ay magang-maga pa sila. Baka kapag umiyak pa ko ulit ay mahulog na ang mga eyeballs ko at mabulag ako.

"Look, Belle. Hindi ka namin inaaway ha. We are your bestfriends and trabaho naming sabihin sayo ang totoo. Kasi, sino pa ba ang may karapatang prangkahin ka ng ganito kundi kami lang, hindi ba? Tapang-tapang din minsan, girl. Don't easily assume things. Masyado mong pinapangunahan ang mga bagay-bagay. Nilulunod mo ang darili mo sa mga negative thought na nasa isip mo lang naman. Ang dami mo kaagad na kinu-conclude kahit na hindi mo pa naririnig ang side ni Romeo. You're always like that. Ayaw mong mapagod sya sayo but the truth was, nakakapagod ka naman talaga." Nagkibit-balikat sya. "Okay, we get it. You've been traumatized. You've been betrayed by most people in your life. But girl, hindi lahat ng tao mag aadjust sayo because of your past. You have to fucking get over it. You have Romeo, you have me, You have Irene, You have Dom. Hindi naman ka naman magisa. Sometimes it's just all in your head. Come on, belle. Romeo is fighting his own battles too. Hindi lang ikaw. Hindi palaging ikaw. He's always been there for you kahit noon pa. He understands you. He respects you. He loves all your flaws, all your imperfections. At ngayon, sana ganun ka din sa kanya. I hope you do the same." Ngumiti si Cherry sa akin.

I feel like I've been slapped by her words. Parang biglang nagising ako galing sa matagal kong pagkakatulog. Umuwi ako ng maaga ng araw na 'yun at inimpake ang mga gamit ko. Kung hindi ako magiging matapang ngayon ay walang mangyayari sa akin. Tama si Cherry. Hindi palaging ako nalang. Hindi palaging issue ko nalang sa sarili ang pinapairal ko. Romeo's probably there fighting his own battle to. His mom is depressed, his not close to his Dad. Madami din syang problema pero ni isa doon ay wala syang nirereklamo sa akin. Instead, he always listen and understands me. Sobrang makasarili ako at hindi 'yun nakitang lahat.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang kumakatok. Lumunok ako ng ilang ulit pagkatapos ay pinractice muli ang mga dapat kong sabihin sa oras na makita ko sya.

"I'm sorry. I was wrong. Sorry umiwas ako. Please, wag tayong magbreak.." Paulit-ulit na sabi ko.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay muling kumatok. Wala bang tao? Maling bahay ba ang napuntahan ko? Isang katok pa ang ginawa ko pagkatapos ay bumukas ito. Tumambad sakin ang gulat na mukha ni Romeo. Nagulat din ako. Well, una dahil di ko inexpect na makikita ko syang walang pangitaas na damit and.... Only in his boxers.

Uh, Okay.. Hindi ako nainform na humadero pala talaga 'tong lalaking 'to.

"Umm.. Hi." Mahinang sabi ko. Hindi sya sumagot at tinitigan lang ako. Parang hindi sya makapaniwalang nakikita nya ako ngayon. Nakaawang lang ang labi nya at hindi nagsasalita. Lumunok ako. He looks so fine as always at sa isang linggong hindi namin pagkikita ay talagang miss na miss ko sya. Gusto ko na nga syang sunggaban ngayon eh. Nagpipigil lang ako.

"A-ano. Uh. I heard from Kuya Diego na.. Andito ka sa bahay ng lola mo. Um." Nagkamot ako. "H-hindi nila alam. I mean, umalis ako sa bahay. H-hindi ako nagpaalam. But.. um. It's fine. It's fine. I s-swear. Mom left. Dad's always out as well as Kuya Diego.. so.. It's fine." Ngumisi akong mukhang natatae.

Cause it's true. Hindi naman talaga ako nagpaalam. Umalis nalang akong bigla sa bahay. Binalingan ko ng tingin si Romeo at nakita kong nakakunot lang ang noo nya habang pinagmamasdan ako. Okay. Why won't you talk? Natatae na ko sa kaba dito.

Pinasadahan nya ako ng tingin pati na ang malaking bag na dala ko. Yumuko ako pagkatapos ay nakaramdam ng hiya. Baka isipin nito dito na ko titira dahil sa dami ng dala kong gamit. Suminghap ako.

Oh. Great. 'Yung sasabihin ko pala sa kanya. Dinilaan ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay huminga ng malalim.

Crap. I practiced this!

"I'm sorry. I was wrong. Sorry umiwas ako. Please, wag tayong magb—"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng bigla nya akong hilain papunta sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa gulat at bago paman ako makapagsalita at naramdaman ko ng ang madiin at malalim nyang paghalik sa akin. Wala syang sinabi at hinalikan lang ako. Pumikit ako pagkatapos ay hinalikan sya pabalik. I miss him. I miss him so much at halos mabaliw ako sa isang linggo na 'yun na wala sya. And now he's here. Hindi na sya mawawala pa..

Continue Reading

You'll Also Like

47K 1.2K 34
He treated me like his own sister. Dinamitan, pinakain at pinatuloy sa sarili nitong mansyon kasama ang kapatid ko. I thought I can't cross the li...
91.2K 1.5K 32
Profession: CEO and Teacher [Completed and under revision]
470 112 33
In a world where love holds the power to conquer at all but, "Are you ready to forgive the person who loves you most and give them another chance?" A...
256K 4.2K 41
Vienna Nikkola Velasquez is a girl with a toxic attitude. She gets what she wants, even if it means she'll chase for love. Even if it means she'll ch...