Chapter 1

4.8K 129 6
                                    


Chapter 1

Bata palang ako ay tinuro na sa akin ng mga magulang ko na kahit na anung sama sayo ng isang tao ay kailangan mo paring hanapin ang kabutihan sa kanila. Always sees through them, katulad nalang sa mga criminal o sa mga taong napipilitang gumawa ng masama due to certain circumstances. Once, nagkaroon kami ng film showing sa school kung saan pinanuod namin ang isang inang napilitang magnakaw ng pera para sa anak nyang nanganganib ang buhay.

Kaya sa twing may nanakit sa akin o kung mga taong gumagawa ng masama ay palagi ko lang iniisip na may dahilan ang lahat ng 'yun. That they don't know what they're doing at hindi ko alam kung anung pinagdadaanan nila sa buhay at kailangan ko silang intindihan.

Isang tao lang naman ang hindi ko maintindihan....

Kahit na anung isip ang gawin ko ay hindi ko maintidihan kung bakit nya ako binubully o kung bakit ako nalang palagi ang nakikita nya. Nung nahulog ako sa kanal dahil tinulak nya ako I believed it when he said that he didn't mean it at aksidente lang ang lahat infront of my parents. Nang nahulog ako sa puno ng manga dahil hinagisan nya ako ng palaka ay nabalian ako ng buto so I have to wear cast in a month. When he said I'm a coward and dare me to enter the haunted house in our town but he ended up scaring me by dressing like a monster and had me fell in the stairs. Pumutok ang noo ko ng dahil doon kaya kinailangan itong tahi-in.

I tried to understand. I did. But I just can't. And then, I realized that my parents are wrong. Yeah. Maybe some have reasons why they did bad things but some are just pure evil namely; Romeo Dimitri Mondragon.

He's just a bad boy with a 'Devil' written all over his face.

"What? Romeo Dimitri is coming back?" Inayos ni Cherry ang salamin nya bago ako binalingan ng tingin. "Does it mean.."

"Yeah. It means hell, Cherry." Sabi naman ni Irene.

Yeah. He's back and that means that I should pack my things now and go to Mars and live there until he's gone.

Hindi ako sumagot at tulala lang. Isa-isang bumalik sa akin ang ala-ala ng hayop na Romeo na 'yun at gusto ko nalang masuka. He left for States four years ago at simula nun ay halos magsimba na ako araw-araw para magpasalamat sa Diyos but now he's coming back and it sucks.

But what sucks most is, he's my brother best friend and his parents is my parents best friend and they don't have a house here in the Philippines except for his Nana who lives in Manila so it means..

"He'll going to stay at your house?" Nanlaki ang mata ni Cherry.

My parents are business men and women so they don't usually stay in our house for a long time. Palagi silang wala. Our business is located in Manila kaya halos palagi silang naroon. I am with my brother Diego and our two maids which I call Tita's.

"Yes." Lugmok na lugmok ako.

"'To naman. Don't be so sad. Malay mo naman kasi hindi na katulad si Romeo ng dati. Malay mo he changed na." Ngumisi sya at isiniko pa ako.

Umirap ako sa kawalan.

"Once a devil always a devil, Cherry. And at his case? Wala na syang pagasa."

"Kaylan mo pa sya huling nakita?"

"Four years ago?"

"I bet he's hot as hell now. Ay no! Erase that! Hot na pala talaga sya noon pa, What I mean is, mas naging hot na siguro sya ngayon! Meghad!" Aniya. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Cherry. I can't believe she said that!

"Cherry!" Suway ko sa kanya. Sukang-suka ako sa sinabi nya.

"Oh bakit, hindi ba?" tanung nya.

Ngumuso ako at tumingin sa kawalan. Yes. I hope it's not true. Sana nga ay hindi sya magandang lalaki para maasar ko rin yang pangit katulad ng pangaasar nya sa akin kaso hindi, e.

"Oh diba? Hot sya? Kung hot naman ang mambubully sayo, ok lang 'yun!" Aniya. Umiling-iling ako.

"Baliw kana." Sabi ko.

"Totoo naman ah! Alam mo, hindi ko man alam kung bakit palagi kang inaasar ni Romeo, isa lang ang alam ko, four years had passed! Malay mo naman nagbago na sya diba?"

Ngumuso ako at nagisip. Sabagay, mga bata pa kami noon. Iniisip ko rin na baka nga nagbago na sya at hindi na sya 'yung dating bully na Romeo na kilala ko. Malay mo naman nakakilala na sya sa Panginoon at nagbagong buhay na sya. Malay mo pinagsisisihan na nya ang lahat ng kasalanang nagawa nya sa akin noon.

Yeah. Nagsisisi na sya. Yeah. I know nagbago na sya. Nakikita na nya ang liwanag at nagsisisi na sya sa lahat ng ginawa nya.

HAHAHAHAHAHAHA!

Sinong niloko ko? Lol. That's imposible.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon