Chaper 41

2.1K 95 3
                                    

Chapter 41


Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay kaagad na naitulak ng bahagya si Romeo ng dahil doon. Narinig ko naman ang tikhim nya pagkatapos ay inalalayan akong bumaba sa aming sink. Malakas ang kalabog ng dibdib ko at hindi maintindihan kong bakit sa lahat ng pagkakataon ay kinailangang sa ganitong paraan nya pa kami makita? Unte-unte akong tumingin kay Kuya Diego at nakita ang mata nyang diretsyong nakatingin sa akin habang naninigarilyo. Napalunok ako bigla. Crap. Isusumbong nya ba ako kay mommy at daddy?

"Bakit hindi ka kumakatok?" dinig kong sabi ni Romeo.

Ngumisi naman si Kuya Diego at ibinuga ang usok ng kanyang sigarilyo.

"Do I have to knock at my own house?" Sagot nya.

Uh, is he pissed?

Lumunok ako. Okay. Kalma, Belle. Hindi naman si Kuya Diego ung tipo ng tao na nangingialam sa personal kong buhay or whatever. At alam kong hindi din naman 'to chismoso. Subukan nya akong isumbong kila Mommy at Daddy, isusumbong ko din sya sa mga kalokohan nya.

"Can we talk?" Aniya kay Romeo pagkatapos ay bumaling sa akin. "And you, young lady. Pumasok ka muna sa kwarto mo." Utos nya sa akin.

Kumunot ang noo ko pagkatapos ay hinila si Romeo at tinago sa likuran ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Romeo ng dahil doon. Mukhang nagulat din si Kuya Diego pero ilang sandali lang ay nakita ko din kung paano sya humagalpak ng tawa sa harapan ko. Seriously, baliw ba 'tong kapatid ko?

"Easy. Hindi ko naman sya susuntukin. I just want to talk to him." Aniya.

Mas kumunot ang noo ko. "I don't trust you."

"Come on." Natatawang sabi ni Kuya Diego.

"Bakit kasi hindi kayo magusap ng andito ako? Bakit kailangang umakyat pa ako sa taas?" tanung ko pagkatapos ay binalingan ng tingin si Romeo na nakatingin lang din sa akin. Nakanguso sya at tila nag piligil ng ngiti.

"I want to talk to him one man to another." Ani ni Kuya

"Tungkol san? Sabihin mo muna sakin kung tungkol san." Pagmamatigas ko.

Nadinig ko ang ngisi ni Romeo sa likuran ko bago ako hinila papunta sa kanya. Natatawang lumapit sya sa akin at hinalikan ang pinsge ko.

"You're cute. Come on babe, umakyat ka muna sa taas and let me handle this." Aniya.

Uminit ang mukha ko ng dahil sa hiya. Hinawakan ko ang pisnge kong hinalikan ni Romeo pagkatapos ay tinignan si Kuya Diego na nakataas ang kilay sa amin. Sarkastiko syang ngumiti.

"You have guts to do that infront of me Mondragon, huh." Dinig kong sabi nya habang nakangisi. Okay, that's one dangerous smile. Will it be okay kung aalis ako?

Kinalaunan ay wala din akong nagawa. Patakbo akong umakyat sa kwarto ko dahil 'yun ang gusto ni Kuya Diego. Hindi naman sila magsusuntukan diba? Isa pa, they're bestfriends. Pero ano bang paguusapan nila?

Hindi ako makapali at gustong-gusto ng bumaba para madinig ang usapan nila ng makita kong umilaw ang aking cellphone. Tinignan ko 'yun at nakita na si Dom ang tumatawag. Nagmamadali ko naman 'yung kinuha at sinagot.

"Dom! I miss you!" bungad ko sa kanya.

"I miss you too! Kumusta?" tanung nya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa matamlay nyang boses.

"Ok naman. Napatawag ka? May problema ba?" tanung ko sa kanya. Matagal bago sya nakasagot sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko pagkatapos ay hinintay syang magsalita.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon