Chapter 64

1.3K 60 5
                                    


Chapter 64

Ngumiti ako dahil pakiramdam ko ay maayos ang takbo ng araw ko ngayon. Romeo and Kuya Diego are okay at hanggang ngayon ay hindi ko padin alam kung sa paanong biglang nagkaayos sila matapos nilang magsigawan at magsuntukan. Kanina pa ako nagtatanung pero wala silang maayos na sagot sa akin. I just want to know! Gusto ko lang naman malaman kung anong pinagusapan nila at kung paanong naging okay na ang lahat sa pagitan nila ng ganun-ganun lang.

Nang binalingan ko ng tingin si Kuya Diego at si Dom na may sarili nang mundo sa salas habang nanunuod ng movie. Pulang-pula ang pisnge ni Dom habang nakaupo sya sa pagitan ng mga hita ni Kuya. Ngumuso ako pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Romeo at hinila sya.

"Halika sa kwarto ko. Gagamutin ko ang sugat mo." Matama kong sabi na kaagad na kinaagaw ng pansin ni Kuya Diego. Kumunot ang noo nya sa aming dalawa ni Romeo.

"Hindi sya puwede sa kwarto mo!" sigaw nya galing sa salas. Nakita ko kung paano sya sapakin ni Dom sa braso ng dahil doon.

"Anong hindi pwede? Gagamutin ko ang sugat nya!" sigaw ko pabalik.

"Gamutin mo dito hindi sa kwarto mo!" Aniya.

"Nasa kwarto ko ang gamot!"

"May Medicine Kit sa CR dito sa first floor. Wag ka ng maghanap ng dahilan para makapagsolo kayong dalawa." Lintana nya.

Kumunot ang noo ko dahil sa kaartehan ng kapatid kong abnoy. Binalingan ko ng tingin si Dom at nakitang nangingiti lang sya sa akin. Tumungo-tungo sya na para bang sinasabi na sya na ang bahala kay Kuya.

"I'm fine. Konteng galos lang 'to at hindi naman ganun kalala. Hindi na kailangan pang gamutin." Mahinang sabi ni Romeo sa akin pagkatapos ay pinisil ang kamay ko. Pinagsawalang bahala ko lang ang sinabi nya.

"Sa kwarto ko kame wala kang magagawa!" Matapang na sabi ko pagkatapos ay hinila si Romeo. Kaagad naman syang napatayo at nagpatinaod na sa akin. Umakyat kami sa second floor pagkatapos tinulak ko ang pintuan ng kwarto ko. Nilingon ang ngising-ngising si Romeo. Kulang nalang ay mapunit na ang labi nya sa pagngisi nya.

"Umupo ka sa kama ko. Kukunin ko lang ang Medicine Kit sa banyo." Sambit ko at akmang tatalikuran sya pero mabilis ang kamay nyang hinuli ang braso ko at sinandal ako sa pintuan. Namilog ang mga mata ko ng labi nya ang sumalubong sa akin. Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay pinakiramdaman ang matinding kalampag ng aking puso.

I felt him smile between his kisses at napangiti din ako. Hinagit nya ako sa beywang pagkatapos ay mas inilapit ako sa kanya. Nang kumalas sya ng halik sa akin ay ngumiti ako.

"Gagamutin ko ang sugat mo." Sabi ko pero sa labi nya ako nakatingin. Kitang-kita ko ang sobrang pagkapula noon dahil sa halikan namin.

"Halik mo nalang ang gamot ko." Aniya at ngumiti. Nang ipinasok nya ang isang nyang kamay sa loob ng aking T-shirt sa likuran ko kaagad ko syang kinurot sa tagiliran. Uminda sya ng sakit pagkatapos ay kaagad na lumayo sa kanya.

"Manahimik ka at umupo ka nalang dyan sa kama ko!" utas ko.

"Opo mam." Nakangising sagot nya sa akin.

Pumasok ako sa banyo kahit na halos luting padin ako ng dahil sa mga halik nya. Kinuha ko kaagad ang Medicine Ki doon. Nang lumabas ako ay nakita ko si Romeo na nakaupo sa kama ko at pinapasadahan ng tingin ang buo kong kwarto. Uminit ang pisnge ko pagkatapos ay lumunok. Kagabi lang ay nasa kwarto nya ako, ngayon naman ay andito kami sa loob ng kwarto ko.

"Your room haven't change." Aniya at binalingan ako ng tingin. Umupo ako sa tabi nya pagkatapos ay inilapag 'yung maliit na transparent box na naglalaman ng mga gamot at bandage.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon