Chapter 7

3.3K 112 7
                                    


Chapter 7

Alam ng pamilya ko pati na ang mga kaibigan ko ang isang bagay na pinakaaayawan ko sa mundong ito; Ang attensyon. Ni isang beses sa buong buhay ko ay hindi ako naging Attention Seeker. Hindi ako kasing lakas ng loob ng kapatid kong si Diego para makihalubilo sa ibang tao. Magkaibang-magkaiba kami. Kung sa University nila ay kilalang-kilala sya ng mga tao. Ako naman, parang hindi nageexist sa mundo and to be honest, I like it that way.

Gusto kong malunod lang ako sa dami ng tao. Ayaw kong may makakapansin sa akin. Mula nung bata pa ako ay palagi akong nakayuko kahit na may kumakausap sa akin. Takot ako sa tao. Takot akong mapansin ako. I am always curious and insecure. Mabuti nga at andyan si Dom na naging una kong kaibigan. Ni, hindi ko nga alam na may kakaibigan pala sa akin. Pero dahil simula nung highschool ay hindi na kami naging makasama dahil lumapat na sya ng school ay palagi na naman akong magisa. Thank God because I still manage to have friends; Irene and Cherry.

At sinasabi ko ang lahat ng ito dahil sa kadahilanan ito mismo ang nararanasan ko ngayon. Kahit na saang sulok ako ng University magpunta ay nakikita ko ang mga mata ng mga estudyante na nakasunod sa akin, ang iba nagbubulung-bulungan pa sa mismong harapan ko. Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong na-upload sa page ng University ang video ko na lasing habang nag ko-confess kay Kristof. Hindi ko rin alam kung paanu ako nakatagal ng isang linggo na ganito. Wala na akong ginawa kundi ang umiwas nalang at hindi na patulan ang mga kwentong naririnig ko sa bawat estudyanteng makakasalubong ko.

Hindi naman ako nagalit kay Irene. Alam kong hindi nya naman sinasadya kahit na gusto kong dukutin ang eyeballs nya sa inis. Naisip kong wala na rin naman akong magagawa pa. Kahit na magalit ako sa kanya ay hindi naman 'yun makakatulng para mawala ang issue sa akin.

"Isang lingo na pero hindi parin namamatay ang issue." Problemado si Irene habang nagbro-browse doon sa page.

"Tingin mo mamamatay 'yun ng ganun-ganun lang?"

"Oo! Bakit ung naging issue ng isang tourism student sa kabilang building? 'Yung paggawa nila ng milagro ng jowa nya sa CR ng mga lalaki? Dalawang araw lang patay ang issue, eh, mas malala 'yun ah! Tapos ung issue tungkol kay Belle isang linggo na andito parin." Aniya.

Umirap si Cherry sa ere pagkatapos ay binalingan ng tingin si Irene.

"Eh kasi nga po, ung mag jowang tourism students, normal student nalang naman sila dito! Paki ba ng tao sa mga 'yun! Alam mo kung ano ang naiba sa kaso ni Belle? Involve kasi si Kristof! Hello? Kristof? Campus crush? Campus Celebrity? Etchetera. Etchetera." Aniya.

Hindi ako umimik at tinikom ng madiin ang labi ko. Ayun na nga eh! Si Kristof kasi ang involve sa video na 'yun! Alam ko naman na kung ibang tao 'yun at hindi si Kristof ay hindi naman tatagal ng ganito ang issue.

"Kinontak ko ung Admin ng page para ipadown o tanggalin ung video. Ginawa nya naman, ang kaso shina-share parin ito sa page nung mga student na napanuod na. Habang tumatagal mas lalong dumadami ang views at share. Baka mag trending ka na nito." Ani naman ni Cherry.

Bumuntong-hininga lang ako habang nagkakamot ng ulo. Maski ako, hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko.

"I'm lucky dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakasalubong si Kristof o ang girlfriend nya, kung hindi, hindi ko alam kung anung mukhang ihaharap ko sa kanilang dalawa. Lalo na kay Kristof. Nahihiya ako. Nakakahiya!" Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"I'm so sorry talaga, Belle." Malungkot na sabi ni Irene.

Ngumuso ako at tinapik ang likuran nya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon