Chapter 24

2.7K 116 11
                                    


Chapter 24

Di kalaunan ay natapos na rin mag ayos sila Irene at Cherry. Nakanguso ako habang pinagmamasdan silang talaga habang nakatayo sa mataas na salamin ni Cherry dito sa loob ng kwarto nya. Mukhang silang supermodels pag maayusan. Magaganda pala 'tong mga kaibigan ko na 'to eh.

"You two seriously looks gorgeous kapag nagkapag ayos ng ganyan. Why don't you two try that in school? Siguradong magiging popular kayo." Kumento ko.

Ngumisi din sila sa akin.

"And why don't you try this at school too? Subukan mo kayang pumasok ng nagsusuklay o nagaayos manlang? Siguradong magsisisi si Kristof at pinakawalan ka." Tumawa si Cherry pero ako at hindi natawa. Tumungo ako at binalingan ang cellphone ko ng maramdaman ang pagvibrate nito.

Romeo:

I'm on the way

Nang mabasa ko ang text na 'yun galing sa kanya ay kaagad kong naramdaman ang pawis sa noo ko sa kabila ng malamig na kwarto ni Cherry. Sa di ko malamang dahilan ay kinakabahan ako at para bang ayaw ko ng tumuloy. Panay ang suway sa akin ni Cherry dahil walang humpay ang paghila ko sa dress ko pababa. Hindi kasi ako comportable at feeling ko ang iksi-iksi nito sakin kahit ang sabi nila ay hindi naman daw.

"Nasa labas na daw si Romeo ng gate. Sabihin ko papasukin nalang sya." Sabi ni Irene at ipinasok ang cellphone nya sa kanyang maliit na bag. Bumuntong-hininga ako at kinagat ang aking ibabang labi.

"Let's go." Sabi naman ni Irene at nauna na silang lumabas ng kwarto.

Isang beses pa akong bumaling sa salamin. Kumurap-kurap ako pagkatapos ay pinahid ang lipstick ko sa likuran ng aking palad bago sumunod sa kanila pababa ng hagdan.

Nasa hagdan palang ako ay natanaw ko na si Romeo na nakaupo sa sofa habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Nang magangat sya ng tingin ay kaagad na nagsalubong ang mata naming dalawa. Kumurap sya at tsaka ako pinasadahan ng tingin. Maramdaman ko ang kakaibang kalabog ng dibdib ko ng dahil doon. Pinagdikit ko ng madiin ang labi ko dahil ramdam na ramdam ko ang painit ng aking mukha ng dahil sa hiya. Nagiwas ako ng tingin at kahit na ganun ay ramdam na ramdam ko parin ang init ng titig nya sa akin. Shit.

"Ano, Romeo? What do you think? She looks pretty, right?" Ani ni Cherry at hinawakan ang balikat ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na marinig ang sagot nya.

"H-her skirt is way too short." Malamig na sabi nya. Nagangat ako ng tingin sa kanya ng dahil doon. Kunot ang noo nya at halos hindi maipinta ang mukha. It looks like he didn't like what he saw. Tumalikod sya pagkatapos ay lumabas na ng bahay nila Cherry.

Umismid ako. Okay. I wasn't expecting that reaction from him.

"He's just shy. Did you see his face?" Ngumisi si Irene.

Umiling-iling ako.

"His face was so red." Bulong nya sa akin. Umiling-iling ako dahil hindi ako naniniwala doon. I saw his face and he looks pissed. Hindi ko alam kung bakit.

Pumasok na rin kami sa sasakyan pagkatapos noon. Wala paring imik si Romeo. He's pissed and I'm starting to get pissed too sa hindi ko malamang dahilan. Umupo ako a front seat at ng ilagay ko ang seatbelt ko ay naramdaman kong may ibinato sya sa akin. Kinuha ko 'yun at nakitang ito ang jacket na sout nya.

"Wear that." Malamig na sabi nya at nagsimulang paandarin ang sasakyan.

"Hindi bagay 'to sa dress ko." Ngumuso ako at ipinatong nalang 'yun sa aking hita.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon