RBW series 6: THE NECROMANCER...

By Misa_Crayola

17.4K 850 75

"Ginawa ko ang lahat para maperpekto ang nekromansiya. Sa lahat ng tagumpay ko umpisa pa lang umasa na 'ko sa... More

The Necromancer's Heart
K1
K2: NEO
K3: Margareth
K4: MARKA
K5: Bagong Daigdig
K6: Selos
K7: SINO
K8: THE VOW
C10: PALAISIPAN
C11: LUCYLLE at TAM
K13: PAMILYA
K14: BAKIT?
K15: CAN'T HELP FALLING...
K16: HORUS
K17: HINDI NABABAGAY
K18: PINTUAN
K19: Nagmamay-ari
K20: Galit
K21: KATOTOHANAN
K22: PAGSUKO?
K23:UHAW
EPILOGUE
HULING BAHAGI ( SEVENTH )

K12: KAARAWAN

437 28 0
By Misa_Crayola


Abala ang lahat para sa kaarawan ni Margareth pero hindi talaga niya gusto noon ang araw na 'yon. Pero nang malaman niya na si Neo ang makakapareha niya parang gusto niyng madaliin ang araw. Magaan din sa pakiramdam na tila ba hindi hinahadlangan ng kahit na sino ang damdamin niyang mas umiigting pa habang tumatagal para kay Neo.

"Kung ano sa tingin mo ang magugustuhan ni Neo," ngiti niya kay Rozen na siyang pinili niya kahit pa may magagaling silang mananahi.

"Alam ko na dapat sa kanya ko 'to sabihin," hinaplos ni Rozen ang buhok niya, "Pero alagaan mo siya, ang mga lalaking katulad niya na malakas, maraming nalalaman, at hinahangaan ng marami ay kinakailangan ng isang babaeng kikilalanin nila ang salita. Maging mata ka niya kapag nabubulagan siya, maging tainga kung pinipilit niyang h'wag makinig at maging bibig kapag may mga galaw siyang hindi nabibigkas sa pamamagitan ng mga salita." Payo ni Rozen.

"Salamat," magaan ang loob niya rito kaya isa 'to sa nakakatanggap ng tipid niyang ngiti.

Nag tsa'a pa sila at nag-usap tungkol sa mga plano niya at isa si Rozen sa pinili niyang pagbuksan ng tungkol sa nararamdaman niya kay Neo. Ang madalas na salita ng mommy Emerald niya na may mga pagmamahal na maaari niyang ipagkamali sa pag-ibig at dahil unang beses 'yon kaya gulong-gulo siya.

"Margareth, kung tutuusin malaki ang agwat ni Neo sa 'yo at maaaring tama ang mommy mo na si Neo ay isa lamang pambatang pag-ibig, pero nakikita ko sa mata mo na hindi lang iyon 'yon. Naranasan ko nang umibig at alam ko kung gaano kaganda 'yon sa pakiramdam," ngiti nito na unti-unti ring nauwi sa kapaitan, "At kapag tunay kang nagmahal, masakit din kung hindi pala siya para sa 'yo," tinignan niya ang tsa'a niya at inalala ang mukha ni Crescent—sa dami nang pinagdaanan nito at nang pamilya nito, gusto niya nang kapayaan sa mga ito. Bakit napakalupit ng tadhana? Pero kung siya rin ang nasa kalagayan ni Lyra, 'di bale nang lumakad sa apoy at kamatayan basta para sa mga anak at sa lalaking minamahal niya.

Walang alam si Rozen sa tunay na katauhan ni Margareth kaya naman nahahalina siyang titigan ito. Tila kasi may similaridad 'to sa mga Wolveus.

"Binibining Rozen, " dumating sa gazebo kung nasaan sila si ang isa sa naninilbihan kay Rozen.

"Alya," si Rozen.

"Narito ang Binibining Sulli, kinakailangan niya ng kasuotan at kayo ang nais niyang tumahi niyon,"

"Sige, sabihin mo susunod na 'ko," ani Rozen kaya umalis na si Alya.

"Halika, wala ka pa namang sundo, mas mabuting makilala mo si Sulli." anito kay Margareth.

"Siya ba ang kilalang babaylan na si Sulli?" nakaramdam ng tuwa si Margareth. Ang babaylan na hindi pumalya kahit minsan.

"Oo, at baka may maitulong siya sa nararamdaman mo kay Neo,"ani Rozen kaya lalong nasabik si Margareth.

Sa loob ng tahanan ni Sulli naroon na si Sulli, nasa likuran bahay kasi ang Gazebo kaya naman hindi niya namalayan ang pagdating nito.

May puting buhok si Sulli kaya naman natitigan 'to nang husto ni Margareth. May pagkakapilak ang mga dulo niyon kagaya sa kanya. Katulad ang kuwento wala 'tong paningin dahil nakadiretso lang ang tingin nito at hindi ganoon kaningning ang mga mata.

"Mula ka saang lahi?" hindi mapigil ni Margareth magtanong kaagad kaya naman napatingin sa kanya si Rozen at ang babaeng alalay ng magandang propeta.

Nag-angat naman ng tingin si Sulli at pakiramdam ni Margareth isang kasinungalingan bulag 'to dahil alam na alam nito kung nasaan siya. Ngumiti 'to pero imbis na gumaan ang pakiramdam niya, nakaramdam niya ng kakaibang kaba at hindi naman niya alam kung takot ba 'yon o ano.

Ang ngiti nito'y napawi at bahagyang nangunot ang noo sa kanya.

"Sulli, isa siyang pureblood. Anak siya ni Emerald at Gerald, hindi siya pala-labas, si Margareth. Margareth si Sulli, ang propeta, " ani Rozen na inaya si Margareth na maupo sa mahabang sofa katapat si Sulli at nakapagitan sa kanila ang glass table.

"Anak siya ng parehong pureblood Vampire?" si Sulli na nakaharap na sa kanila.

"Kung ganoon, ikaw pala ang may kaarawan na pupuntahan namin." Ngiti ni Sulli na halata namang walang ibang kahulugan.

"Binibining Margareth, narito na ang sundo mo." Si Alya muli.

Gusto pa ni Sulli na makausap 'to lalo sa buhok nito pero hindi rin naman niya kayang itanong lalo't naroon si Rozen at ang iba pa.

"Magkita tayo uli, sana hindi ka mawala sa araw na 'yon,"nasa boses ni Margareth ang pakiusap bago 'to umalis matapos ngitian si Rozen at tunguhin ang pintuan. Binigyan pa niya nang huling tingin si Sulli bago tuluyang umalis.

NAKARATING na si Margareth sa Floating Empire ni Neo nang makasalubong niya si Lander, ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Neo. Kasama nito ang ilan sa mga lalaking mas mababa rito.

"Bakit ka nandito?" itatanong niya 'yon dahil ito ang isa sa madalas na kasama ni Neo.

"Princess, kanina ka pa hinihintay ni Emperor Neo, magpahinga ka muna at ipaparating ko sa kanya ang pagdating mo," ngiti nito kahit pa masungit siyang manalita. Isa 'to sa palangiti at hindi napipikon sa kanya.

"Nandito siya? Ako na ang pupunta sa kanya," hindi niya mapigil mangiti.

"Tatawa—"

"Ako na nga sabi, saan ba?" naiinis na niyang sabi.

"Nasa laboratory, sinusuri niya lang kung maayos na ang isa sa mga naroon—"

Hindi niya na 'to pinansin at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Napakarami nitong satsat kagaya nila Veronica. Tuwang-tuwa siyang ikuwento rito ang pagtatagpo nila ni Sulli, ang kulay ng buhok nito at ang dala niyang limang larawan na pagpipilian nang isusuot niya na ipapakita niya kay Neo para ito ang mamili. Lahat magaganda at ayon kay Rozen iyon ang tabas na gusto ni Neo, hindi bulgar at naitatago ang mga bahagi niyang hindi raw kaaya-aya sa mga kalalakihang katulad ni Neo. Sa kanila kasi walang problema 'yon, pero sabi ni Rozen, iba raw ang mga Vampires, parang sa 'ming mga Vampires showing skin is some kind of Art, pangkaraniwan na kaakit-akit ang mga Vampires.

Nakarating siya at nakita niya pa si Veronica na napabuga sa iniinom nitong kape sa laboratory.

"Bakit ka nandito, princess?" anito na nilapitan kaagad siya.

"Narito si Neo?" aniya habang hinahanap ang kinalalagyan ng mga Lab Gown. Kapag papasok sa k'warto na may bakal na pintuan alam niyang kailangan ng Lab Gown, nasabi 'yon sa kanya ni Neo noon.Hindi pangkaraniwang Lab gon 'yon at nakakaprotekta 'yon sakaling may sakit ang pasyente nito. Maging ang mask ay kailangan lalo na't maraming mikrobyo—sa palagay niya.

"Hintayin mo na lang siya—"

Hindi niya 'to pinansin at sinuot ang Lab Gown na ipinatong niya sa suot na bestida. Naglagay siya ng mask. Ilang buwan na siya rito pero hindi pa niya nakikita ang loob ng isa sa k'warto ng laboratory. Handa na naman siya sa makikitang katawang walang buhay, hindi kaaya-ayang amoy, at maaaring amoy ng matatapang na gamot na katulad nang inaasahan niya sa mga nag practice ng Necromancy.

"Bakit ka narito? Hindi ka p'wede rito lalo pa't—" boses 'yon ni Silvia na mukhang kapapasok lang pero 'di na niya pinansin o nilingon man lamang. Tinungo niya ang isa pang pintuan at pumasok na roon. Sumalubong sa kanya ang laboratory na maraming instrumento—mas maayos na tila isang research room at may isang kama na may kalakihan.

"Nasaan siya?" nilakad niya 'yon hanggang marating niya ang isa pang pintuan na glass kaya tanaw ang loob. Natigilan siya nangmakitang nakaupo si Neo sa isang stool at ibinababa ang roba ng isang babae na titig na titig naman rito.

Kumabog ang dibdib niya lalo nang makitang lumantad na ang halos buong dibdib ng babae kaya nakaramdam siya ng panghihina ng tuhod. Parang biglang sumikip ang paghinga niya at pakiramdam niya may nakasakal sa leeg niya.

Maganda ang babae. Gusto niya nang 'wag tignan pa pero hindi nga magawang humakbang patalikod ng mga paa niya. Kaya nasaksihan pa ng nanlalaki niya nang mata nang yumakap ang babae kay Neo.

Napalingon si Neo sa lugar niya kaya nagtagpo ang mata nila. Doon lang tila muling nagkapuwersa ang binti niya kaya nagawa niyang tumalikod at tumakbo. Maging si Silvia na nag-uusap ay nagulat sa bilis niya. Tumatakbo siya at hindi na hinubad ang Lab gown kaya tingin nila may nangyari.

Sumusunod na nga kaagad dito si Neo na hindi na rin nagtanggal ng lab gown pero wala itong mask. "Tignan ninyo si Sarah, namamaga ang kanang dibdib niya," ani Neo bago umalis at sundan si Margareth.

"Hmmm...?" si Silvia na napahalukipkip na tumitig kay Veronica na tumango na tila alam na nila ang nangyari.

PUMASOK si Margareth sa k'warto niya at siniguro niyang nakalocked ang pintuan niya.

Nakita nang dalawang mata niya, ano pa bang malabo ro'n? Nag-iinit ang mga 'yon na tila bumibigat na kaya hindi na niya napigil ang pagluha na pilit niyang inampat nang paulit-ulit.

"Tumigil ka," inis na pahid niya sa nag-uunahang mga luha.

"Margareth!" mga katok at boses ni Neo 'yon kaya naman lalong tumindi ang pakiramdam na kinuyumos ang puso niya.

"Bakit? Pasensiya na naistorbo kita," pilit niyang tinatagan ang boses para naman hindi nito masabing apektado siya.

"Ibukas mo 'to, mag-usap tayo,"

"Magpapahinga na 'ko, mamaya na lang sa hapunan," nakagat niya ang ibabang labi dahil kaunti na lang bibigay na ang pag crack ng boses niya. Pero hindi niya 'yon ipaparinig dito, hindi siya mahina at lalong hindi nito dapat malaman na nasaktan siya—nasaktan? Gusto niyang matawa sa sarili na talaga ngang nahulog na siya rito nang ganoon kabilis.

"Kung may iba kang iniisip, nagkakamali ka Margareth." Frustration na ang nasa boses nito.

"Kahit naman anong gawin mo,wala 'yon sa 'kin, don't mind to explain. C-can I rest now?" pigil na pigil ang pagluha niya.

"I'm sorry kung kailangan kong gawin 'to,"

Napalingon si Margareth sa pinto na bumubukas tila gumamit 'to ng salamangka. Hindi niya tuloy naitago ang lumuluha niyang mga mata na ikinabigla nito.

"Marga—" lumapit 'to at tangkang hahawakan siya sa mukha ng tabigin niya ang palad nito.

"Umalis ka! Why don't you understand a simple words? Mamaya na tayo mag-usap, and this is not about you. I'm just missing my family..." galit na turan niya rito. "I think I need to see them, I need to get out this castle of yours, but thank you for having me here, Emperor Neo."Bumaba ang tono niya.

Nabigla si Neo sa sinabi niya kaya nahawakan siya nito sa kamay niya.

"Iiwanan mo 'ko, hindi... hindi 'di ba? Margareth," hinalikan nito ang likuran ng palad niya at tila nag-iba bigla ang paraan ng pagtingin nito tila bigla 'tong nagkaroon ng takot.

"Neo—hindi mo naman kailangan itago sa 'kin ang babae—"

"Margareth isa lamang siya sa mga binuo ng salamangka't nekromansiya. Hindi ko siya itinago sa 'yo, hindi naman siya kasing-halaga mo, kung gusto mo handa kong alisin siya kung iyon ang magpapanatili sa 'yo rito, Margareth, hindi mo ko iiwanan hindi ba?"

"Hindi siya kasing-halaga 'ko?" tila hinaplos ang puso niya ng masuyong kamay. "Aalisin mo siya kung hindi ko siya gustong makita? Ganoon din ba sila Silvia, Veronica at iba pang matatagal mo nang tagasilbi?" paniniguro ni Margareth na nakatitig kay Neo.

"Manatili ka lang sa 'kin, handa 'kong alisin ang hindi mo gusto," hinawakan nito ang mukha niya.

"Bakit mo hinuhubaran ang babae? Tinitignan mo ang pribado niyang katawan! Ikaw ang nagbababa mismo no'n, maaari naman si Silvia o Veronica!" tinatanggal niya ang kamay nito sa mukha niya pero hindi nito 'yon pinakakawalan. Hindi pa rin siya buong naniniwala rito.

"Margareth, marami na 'kong hubad na katawang nakita, nahawakan, napag-eksperimentuhan sa tagal ng panahon ko bilang isang Necromancer, hindi na 'yon bago. Margareth, hindi sila mahalaga sa 'kin, ikaw ang mahalaga dahil... Minamahal kita nang higit sa buhay ko.."

Napaawang ang labi ni Margareth sa pagkabigla at kinuha naman 'yong tiyansa ni Neo para sakupin ang labi niya na ikinalaki lalo ng mga mata niya. Masuyo ngunit lumalalim. Hindi niya 'yon alam kung paano sasabayan pero nahihipnotismo siyang ipikit ang mga mata. Nanghihina ang tuhod niya mabuti na lamang at umikot na ang braso nito sa bewang niya.

Tama ba siya nang narinig?

"Minamahal kita nang higit sa buhay ko..."

Continue Reading

You'll Also Like

Tropa By MYK

Teen Fiction

12.8K 404 34
Isang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila n...
50.1K 1.3K 26
"I never thought that, being in love with you would change my view of this world." -Jessyree Park -&-
71.8K 2.1K 15
Meet the P5NTA Brothers! THE five 'hawt' guys, with old name, old fame, and old money. Introducing: CLINT MONTEVERRO - The Campus Sweetheart/Cold-Hea...
65.9K 1.3K 15
Isang one hit wonder na writer si MIA aka "Hot Mama" dahil sa book niya na naglalaman ng mga tips and advice para sa masayang sex life. Ang kanyang "...