Second Sight

By dark_princess0224

74.5K 2.8K 237

Naranasan mo na bang makita ang nakaraan ng ibang tao? Mga nakaraan ng taong hindi mo kilala? Naranasan mo na... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Character Profile
Extra Chapter - 1
Extra Chapter - 2
Extra Chapter - 3
Announcement
Black and White

Chapter 44

729 26 6
By dark_princess0224

A/N: Bukas pa dapat ang update ko, pero dahil sa natapos ko agad. Ito na! Enjoy reading!

Naomi's POV

Nasa garden ako ng bahay namin ngayon at nakatulala lang. Wala akong magawa. Nakakainip. Wala kasing pasok. At kapag wala akong ginagawa, naiisip ko na naman ang ayoko sanang isipin, na ampon lang ako. Mula nang malaman ko iyon ay hindi ko pa nakakausap sina mom and dad tungkol doon, even si kuya kahit na pinapaalalahanan ako nina Aya lalong lalo na si Kento na kausapin sila. Parang hindi ko pa yata kaya, natatakot ako. Naisip ko nga na huwag na lang buksan ang issue na iyon sa kanila, pero minsan napapaisip din ako kung sino ba ang tunay kong magulang? Nasaan kaya sila? Mabuti pa si Aya kasama na ang tunay na pamilya niya.

"Nao, nandito ka lang pala." tawag sa akin ni kuya sabay upo sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at binigyan ng bakit? anong kailangan mo look.

"Napapansin ko, parang lagi ka na lang tulala kapag mag-isa ka. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala naman."

"Napapansin ko din na medyo lumalayo na ang loob mo sa akin. Bakit?" parang nagtatampo siya sa tono ng pananalita niya. Umiling lang ako bilang sagot. Ayan na naman, naiiyak na naman ako. Nitong mga nakaraang linggo nga ay ilag ako sa kaniya, hindi lang naman sa kanya eh, pati kina mom and dad. Nandito pa din kasi 'yung feeling na, hindi nila ako tunay na pamilya. Naiisip ko na nga na sampid lang ako eh.

"Nao? Why are you crying? Ano ba talaga ang problema? You can tell me, I will listen." mahinahong wika niya. Sasabihin ko na ba?

"Nao?" tawag niya ulit. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Alam ko na." wika ko. Pinilit kong huwag ulit tumulo ang luha ko.

"Alam ang alin?" naguguluhang tanong niya.

"Na....na ampon lang ako." pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay hindi ko na naman napigilan ang luha ko. Napansin kong medyo nagulat siya sa sinabi ko. Magsasalita sana siya pero hindi niya itinuloy. Nanahimik lang siya. Ilang minuto siguro kaming tahimik bago siya nagsalita.

"Paano? Kailan?"

"Sa hospital noong naconfine sina tito Hide. Narinig ko sa mag-asawang kaibigan nina mom." paliwanag ko. Tumahan na din ako sa pag-iyak.

"Are you mad?" nag-aalalang tanong niya

"Wala akong karapatang magalit sa inyo. Masakit lang sa akin kasi all this time, hindi ko alam. Hindi niyo man lang sinabi sa akin."

"Binalak na namin sabihin sa'yo noon. Pero natakot si mommy na baka kapag sinabi namin sa'yo ay iwan mo kami at hanapin mo ang tunay mong mga magulang."

"Paano ako napunta sa inyo?"

"Dalawa or tatlong taon ka pa lang siguro ng mga panahong iyon. May kaibigan sina mom na naaksidente noon at naparalisa ang katawan. Siya ang nag-aruga sa iyo noon. Pero dahil hinang-hina na siya ay ibinilin ka niya sa mga magulang natin. Hindi na din naman daw magtatagal ang buhay niya."

"So patay na pala ang tunay kong magulang?"

"Hindi. Hindi namin alam. Hindi siya ang tunay mong ina. Apat na buwan pa lamang mula ng makita ka niya nang mangyari ang aksidente. Natagpuan ka daw niya noon sa gilid ng ilog. Inireport niya sa pulisya ang tungkol sa iyo, pero dahil sa wala pang naghahanap sa iyo noon ay siya muna ang nag-alaga sa iyo. Ibinilin ka niya kina mom dahil wala naman siyang ibang kaanak dito. Nag-iisa na lang kasi siya."

"Hinahanap kaya nila ako? Iyon ay kung buhay pa sila. Hindi kaya naaksidente din kami? Malas yata ako, nang mapunta ako sa babaeng tinutukoy mo ay naaksidente pa siya. Baka.. baka may mangyari din sa inyong --"

"Nao, hindi ka malas. Okay? Hulog ka ng langit sa amin at nagpapasalamat kami sa Diyos dahil dumating ka sa buhay namin. Kaya huwag mong iisipin at sasabihin na malas ka." wika niya. Naiiyak man ako ay pinigilan ko.

"Pakiramdam ko ngayon sampid lang ako." wika ko with a cracked voice.

"No. Don't say that. Mahal ka namin, okay? Pamilya ka namin. Hindi ka sampid." tinitigan ko lang siya tapos ay bigla siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

"Huwag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Hindi ka man namin kadugo, minahal ka namin na tunay na parte ng pamilya natin. Tinuturing ka nina mom na tunay na anak. Tinuturing kita na tunay na kapatid. Hindi mo ba naradamdaman 'yon?"

"Nararamdaman."

"Iyon naman pala eh. Kaya huwag mo nang isipin ang mga bagay na iyan. Kakausapin din natin sina mom kapag nakabalik na sila.Okay?" tumango lang ako sa kanya. Wala sina mom dahil nasa business trip sila ngayon sa singapore. Niyakap niya ako.

"Thank you. Thank you, nii-san." bulong ko at niyakap ko din siya pabalik. Gumaan na ang pakiramdam ko dahil nakausap ko na si kuya.

***

Nasa mall ako ngayon kasama sina Aya. Hindi nakasama sina Jess dahil pagkatapos ng klase namin ay nagmadali silang umuwi ni Marie. Matagal na din kaming hindi gumagala. Saka hindi na ako madalas makatambay kina Aya kasi kina Aki na siya nakatira. Hindi na ako madaling makakapunta, yung tatawid lang ako ng kalsada bahay na nila. Ang boring tuloy kapag nakauwi na ako sa bahay, sad.

"Sana ganito lang, walang iniisip kung may kalaban na susulpot." wika ni Akane. Naglilibot pa lang kami ngayon. Naghahanap kami ng makakainan, hindi kasi namin alam kung anong kakainin namin. Si Aya naman busy sa pagkalikot sa phone niya, tumitingin siya sa zomato, baka daw doon may makitang kaming pwedeng kainan.

"Pansamantala lang ang ganito, babalikan nila tayo." wika ni Aya na nasa phone pa rin ang paningin. Ako ang kinakabahan sa kaniya eh, baka madapa siya or mabungo.

"Kailangan pa din natin mag-ingat." wika ko naman.

"Bakit kasi kailangan pa nilang gawin ang mga bagay na 'yon?" malungkot na wika ni Akane. Si Akane minsan akala mo hindi makabasag pinggan, minsan naman mataray din. Magulo din ang isang ito eh, parang si Aya. Magkapatid nga sila haha.

"Nilamon na sila ng galit." tanging wika ni Aya. Tumigil na siya sa pagkalikot sa phone niya kaya itinago niya na ito sa bag niya.

"Sunnies Cafe tayo." yaya niya sa amin. Tumango kami ni Akane at nagpatuloy sa paglalakad nang may mabungo si Aya. Nag-aalala ako kanina kung may mabubunggo siya kasi nasa phone ang atensyon niya, ngayon namang wala nang hawak na phone saka naman may nabunggo.

"Sorry." sabay na wika nila at parehas nagulat ng makita ang isa't-isa.

"Midori." mahinang ani Aya.

"Kayo pala." tanging nasabi niya.

"Aba, naggagala mag-isa ha?" wika ko naman kaya napatingin siya sa akin at napansin kong napangiti siya pero hindi niya pinahalata.

"May binili lang." tipid na sagot niya.

"Tapos ka na mamili? Sama ka sa amin, kakain kami." yaya ko sa kanya.

"Okay" sagot niya kaya naglakad na ulit kami papunta sa cafe.

Sa paglalakad namin ay bigla na lang may nagtakip ng mga mata ko gamit mga kamay niya, nasa lukiran ko siya. Bakit nandito 'tong hambog na 'to? Amoy palang niya alam ko na kung sino siya eh, hawak pa lang niya alam ko na din.

"Kento, anong trip mo?" walang ganang tanong ko. Tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa mata ko saka nagpunta sa harap ko.

"Bakit alam mo agad? Saka bakit ang sungit mo?" nakasimangot na tanong niya. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit.

"Ay.. masungit ka na nga pala. Bakit pa ako nagtataka?" nakangising aniya. Susuntukin ko sana siya kaya lang ay nakalayo na siya tapos ay tatawa-tawa.

"Mag-isa ka lang?" tanong ni Akane sa kanya.

"Nope. Kasama ko si Haru. Ayan na pala." turo ni Kento kaya napalingon ako sa likod ko.

Nakasimangot siya at nakatingin sa isang direksyon. Nang tingnan ko ang tinitingnan niya ay natawa ako. Tinitingnan niya si Aya at Midori dahil magkatabi ang dalawa. Dire-diretso siyang lumapit kina Aya tapos ay tumitig ng masama kay Midori tapos ay tumingin naman kay Aya.

"Bakit magkasama kayo?" tanong niya kay Aya. Nagseselos. Feeling niya karibal niya si Midori. Well, tingin ko nga may gusto siya kay Aya.

"Nagkita lang kami dito sa mall kaya niyaya na siya ni Naomi sumama sa amin." sagot naman ni Aya kaya napatingin sa akin si Haru. Binigyan niya ako ng bakit mo niyaya look.

"Okay lang yan. Sometimes, you need a rival for you to bring out the best in you." wika ko. Haha ano daw?

"Huh?" takang tanong ni Haru.

"Wala. Tara na." yaya ko sa kanila. Hindi ko din nagets yung sinabi ko eh haha.

Nang makarating kami doon ay kanya-kanyang order at nang maiserve na ang pagkain ay kumain agad kami. Gutom na gutom lang.

"Ano pala ang balita?" tanong ni Aya kay Midori.

"Hindi masyadong nakakasama si Ren sa mga lakad ni dad. Kaya hindi niya pa alam ang mga plano. Hindi pa sinasabi sa kanila." paliwanag niya. Noong una ay hindi ko maintindihan itong si Midori. Pero okay naman pala siya. Ilang beses niya na kaming tinulungan noon sa mga kasama niya na gustong manakit sa amin. Iniligtas niya din ako sa kapatid niyang galit na galit noon na sasaksakin sana ako ng katana.

"Sa tingin mo ba malapit na silang bumalik?" tanong ko naman. Dapat mapaghandaan namin iyon.

"Sa tingin ko ay matatagalan pa sila bago bumalik dito." tugon ni Midori.

"Bakit? Paano mo nasabi?" tanong naman ni Haru.

"May mga inaasikaso din kasi si dad regarding sa business niya doon."

"So makakapagrelax pa tayo kahit papaano." wika naman ni Kento.

"Huwag na sana silang bumalik para wala ng gulo." wika ni Aya.

"Malabo yan." wika ni Midori.

"I know." --Aya.

Matapos namin kumain ay naglakad-lakad muna kami at nagwindow shopping. Mukhang kaming mga babae lang ang nag-eenjoy dahil mukhang nababagot ang mga boys.

"Archery. Tara." yaya ni Aya nang mapunta kami sa tapat ng Arrow Head. Isang archery range, meron pala dito niyan? Baka bago lang.

"Tara! Gusto kong matry!" excited na tugon ni Kento at nauna nang maglakad papunta sa counter.

Fifty arrows per head ang kinuha namin. Masaya 'to. Buti na lang wala silang masyadong customer ngayon. Dalawang grupo lang kaming nandito sa loob. Pero mukhang hindi gagawa ng matino yung kabilang grupo. Oh well, bahala sila basta mag-eenjoy kami. Kanya-kanya na kaming pwesto at naghanda.

WOOSH THUNK

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog na iyon. Nakita ko ang target ni Aya, bullseye. Nagsisimula na pala siya. Asintado talaga. Hindi naman na bago ito sa amin. Kasama din kasi sa training namin ang archery, pati nga baril marunong kaming gumamit.

Nakita ko naman na manghang mangha si Haru at Kento samantalang si Midori ay parang wala lang. Hindi na din siguro bago sa kanya ito. Pumosiyon siya at saka tumira na din. Bullseye!

Bumalik naman sa ulirat yung dalawa at pumwesto na din. Napansin kong mali ang ginagawa ni Kento kaya tinuruan ko siya. Ganoon din ang ginawa ni Aya kay Haru.

"Nakaside ka dapat kapag titira ka. Hmm.. square stance ang tawag dun. Magkatapat dapat ang mga paa mo tapos shoulder width apart." paliwanag ko ng makalapit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"May free archery lesson pala ako." tatawa-tawang aniya.

"Tsk, makinig ka na lang. Sa paghawak naman ng bow, ayan.. tama yang pinaglagyan mo ng hand guard. Since right eye dominant ka, left hand ang gagamitin mong panghawak sa bow. Tapos i-point mo na sa target, straight mo lang ang mga braso mo then hilahin mo na ang string." paliwanag ko. Inayos ko ang posisyon ng daliri niya sa string. Nasa itaas ng arrow ang index finger niya at nasa ibaba naman ang ring and middle finger niya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Kinikilig ang loko. Matapos niyon ay pumosisyon na siya at hinila na ang string.

"Idikit mo sa ibaba ng bibig mo ang index finger mo then aim your target and then release. Just relax. Take a deep breath before releasing the arrow." paliwanag ko ulit.

THUNK

Bullseye! Madali palang turuan itong si Kento eh. Nakarinig pa ulit ako ng arrow na tumama sa target at nang tingnan ko ay bullseye din si Haru. Aba? Magaling sila ha. Ay no! Magaling kami magturo ni Aya hahaha

Isa pa ulit tunog ng arrow at si Akane naman ang tumira. Bullseye din! Si Midori naman ang nagturo sa kanya.

Dahil marunong na sila ay nagkanya-kanya na muna kami hehe. Enjoy na enjoy naman yung tatlo sa pagtira. Nag-eenjoy na din ako nang bigla na lang namin marinig na parang may nag-aaway. Iyong isang grupo, inaaway yung staff/trainer dito sa archery range.

"Bakit hindi pwede? Napakadami niyo namang arrow eh! Padagdag lang!" galit na sigaw ng isang lalaki. Nakasando lang siya ng white tapos nakapantalon na may punit-punit. Hinila ni Midori si Akane palayo doon sa mga nag-aaway. Siya kasi ang pinakamalapit doon.

"Sir, hindi pwede. Twenty-five arrows lang ang naavail niyo." mahinahong paliwanag ng staff. Tadyakan mo na kuya! Mukhang hindi papatinag eh! May isa pang staff ang katabi niya pero mukhang bata pa ito.

"Damot!"

Napatingin naman sa amin 'yung isa niyang kasama. 'Yung madaming bling bling.

"Alam ko na. Manghingi na lang tayo sa kanila." aniya. Uh-oh.

"Mga sir, huwag niyong guluhin ang ibang customers."

"Kung pinapayagan mo kaming magamit ulit 'yung 25 arrows, hindi sana kami mang-iistorbo ng iba." mayabang at nakangising ani ng lalaking sumigaw kanina. Kinuha na kasi ng staff 'yung mga arrow nila pero hawak pa din nila ang mga bow nila.

Lumapit kay Midori 'yung lalaking nagsuggest na manggulo sa amin.

"Bata, pahingi ng arrow ha." aniya at akmang kukuha na sana ng arrow ng harangan siya ni Midori.

"Oh? Ang rude mo naman. Nagpaalam naman ako."

"Pumayag ba ako?" walang emosyong tanong ni Midori.

"Huh! G*g* pala 'to eh" sinuntok na sana ni Mr. Bling Bling si Midori pero nakaiwas siya. Lalong nainis ang lalaki at sinugod ulit si Midori. Panay suntok lang siya habang si Midori ay petiks na umiiwas at mukhang bagot na bagot sa ginagawa.

"Mahina." bulong ko pero narinig nila. Uh-oh. Nakatingin na sa akin ngayon si Mr. Bling Bling. Susugurin sana niya ako pero humarang si Midori.

Walang nagawa ang lalaki kaya si Midori agad ang sinugod niya. Puro iwas at depensa lang ang ginagawa ni Midori. Hindi nagtagal ay napagod ang lalaki at huminto. May tatlo pang lalaki sa likod niya, ang isa doon ay ang lalaking sumigaw kanina. Sabay sabay sumugod ang dalawa sa kanya samantalang nanunuod lang ang isa pero agad din niyang napatumba ang dalawa. Nanunuod lang kami nina Haru sa mga ginagawa nila. Napansin kong may kausap na ang staff sa telepono. Tumatawag na siguro sa security.

Lumapit sa amin si Midori na parang bagot na bagot pa rin. Nagsitayuan na ang mga nakalaban niya kanina at nakatingin ng masama sa kanya. At sa hindi namin inaasahan at sobrang bilis ng pangyayari, hawak na ngayon ng isa sa kanila si Akane. Iyong hindi sumugod kanina at nanunuod lang. Paano nangyari 'yon?

Nakaakbay sa kanya ang lalaki at nakangisi sa amin.

"Huwag mo na subukang pumalag miss, masasaktan ka lang. Maganda ka pala ano?"aniya tapos ay hahawakan sana ang mukha ni Akane pero tinabig niya ang kamay nito. Natawa ang lalaki.

"Palaban din ang isang ito. Mas nakakaexcite." nakangising aniya pero tiningnan lang siya ng masama ni Akane.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Aya pero parang hindi man lang siya nag-aalala. Dati rati kapag nasa panganib si Akane, kulang na lang sakmalin niya yung magpapahamak sa kapatid niya eh. Pero ngayon petiks lang siya, may plano ba 'to?

Tiningnan din nina Haru ang reaksyon ni Aya kaya napatingin sila sa akin. Nagkibit balikat lang ako.

"Kayo... huwag niyo din subukang lumapit dahil masasaktan ang babaeng ito."

Hinahaplos haplos ng lalaki ang buhok ni Akane, si Akane naman ay parang naiinis na. Hahalikan na sana siya ng lalaki nang bigla niyang tanggalin ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki saka niya pinilipit ang braso nito. Hinila niya palapit sa kanya ang lalaki tapos ay tinuhod niya sa sikmura nito ng dalawang beses, tapos ay pinatalikod niya ito at sinipa sa likod kaya matumba ito sa mga kasamahan niya.

Literal akong nakanganga habang nakatingin sa kaniya. Napatingin ako sa mga kasama ko at parehas ko ay gulat din sila. Huli kong tiningnan si Aya, nakasmirk lang siya. Para bang sinasabi niya na ano kayo ngayon?

Biglang sumugod ang tatlo kay Akane ewan, hindi ko na maexplain ang bilis ng pangyayari, bagsak na 'yung tatlo. Bigla namang sumugod 'yung lalaking manyak pero hindi 'yon napansin ni Akane. Bago pa man ito makalapit sa kanya ay nasipa na ni Aya sa mukha 'yung lalaki kaya bumagsak ulit ito.

Pare-parehong nakahiga sa sahig ang mga lalaki at namimilipit sa sakit. Napatingin sa akin si Aya na para bang natatawa sa reaksyon namin. Argh! Ang astig nilang tingnan.

Lumapit na sa amin 'yung dalawa.

"Hindi ako magtataka sayo Aya eh. Pero si Akane? Paano?" manghang tanong ko.

"I trained her." nakangisi at proud na wika niya.

"Grabe siya Naomi. Pinahirapan ako niyan. Buti pa sina kuya hindi ako masyadong pinahirapan." nakangusong ani Akane kaya natawa si Aya.

"Para din naman sayo 'yon."

"I know." nakangiting tugon ni Akane.

"Wow! In a short period of time? Ganyan ka na kagaling?" manghang singit naman ni Kento.

"Magaling ang mentor ko eh."

"Aya, ako din pwede mo ako turuan?" baling naman ni Haru kay Aya kaya sinimangutan siya nito.

"Marunong ka na. Hindi mo na kailangan ang tulong ko."

"Kailangan ko. Kailangan kita." abot tenga ang ngiti na ani Haru kaya sinuntok siya ni Aya pero nasalag niya 'yon gamit ang mga palad niya.

"Is this how you say tama na kinikilig ako? " banat ulit ni Haru at napansin kong namula ang mukha ni Aya. Kaya inambahan niya ulit ito ng suntok pero nasasalag at naiiwasan ni Haru ang bawat atake ni Aya. Napailing na lang ako sa dalawa.

Bigla naman lumapit sa amin 'yung staff nitong archery range.

"Ang gagaling niyo namang mga bata kayo." aniya.

"Tumawag na ako sa security. Parating na sila. Oh! Speaking!" dugtong niya pa at itunuro ang pinto saka niya sinalubong ang mga ito.

Kinausap niya saglit ang mga ito saka itinuro ang mga lalaking nakahilata sa sahig. Pinuntahan nila ito at saka itinayo.

"Siya na muna ang bahala sa inyo." aniya ng staff na itinuro ang isa pang kasama niya.

"Sasama lang ako sa security, pasensya na sa abala." aniya saka lumabas kasama ang mga security at mga lalaking nanggulo.

Ipinagpatuloy na namin ang ginagawa namin kanina. Nang matapos kami ay naglibot-libot ulit bago nagkayayaang umuwi. Nagpaiwan naman si Midori dahil may dadaanan pa daw siya.

"Naomi. Hatid na kita." yaya ni Kento nang makarating kami sa parking. Napatingin ako kina Aya at tinguan nila ako.

"Ingat kayo." paalala ko sa dalawa. Nasa tapat na kasi sila ng sasakyan ni Aya. Nakita ko pa na kinausap pa siya ni Haru pero nauna na kami ni Kento maglakad.

Magkatabi lang ang sasakyan ni Kento at Haru. Binuhay niya na ang makina nang dumating si Haru at pumasok na din sa kotse niya.

"Ingat." paalala ko kay Haru.

"Ingat din." aniya saka kami tuluyang umalis.

***

Akala ko ba ihahatid niya ako? Eh bakit nandito kami ngayon sa park? Anong trip ng lalaking 'to? Bumaba na siya ng kotse kaya bumaba na din ako.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko nang makababa ako. Hindi siya sumagot, sa halip ay dire-diretso lang na naglakad at naupo sa ilalim ng puno. Medyo padilim na din ngayon.

Sinundan ko siya at nakapameywang na hinarap.

"Anong trip mo? Akala ko ba ihahatid mo ako?"

"Oo nga, tambay muna tayo kahit saglit." aniya saka sumenyas na tumabi ako sa kanya. Tumabi naman ako sa kanya tapos ay umakbay siya sa akin. Inaalis ko ang pagkakaakbay niya pero ayaw patinag kaya hinayaan ko na lang.

"Kamusta kayo ng parents mo? Ng kuya mo?" tanong niya sa mahinahon na boses. Napabuntong -hininga muna ako bago sumagot.

"Nakausap ko na si kuya. Okay na kami. Kakausapin din daw namin ang parents namin pagdating nila." ikinuwento ko sa kanya ang mga nalaman ko kay kuya kung paano ako napunta sa kanila.

"Hahanapin mo ba sila?" ang real parents ko malamang ang tinutukoy niya.

"Gusto ko. Kaya lang hindi ko alam kung saan magsisimula. Wala naman akong clue kung sino sila since napulot lang din naman ako ng kaibigan nina mommy." paliwanag ko. Nasaan nga kaya sila? Matuwa kaya sila kapag nakita nila ako?

"Hmm..mahirap nga kung hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Pero sigurado ako na makikilala mo din sila balang araw. Parang si Aya, hindi naman niya hinanap ang tunay pamilya hindi ba? Ngayon kasama niya na. Hindi niya alam dati na nakakasalamuha niya na pala." paliwanag ni Kento.

"Paano kaya kung nasa paligid ko lang sila? Huh! Paano kung magkapatid pala tayo? May nawawala ka bang kapatid?" nanlalaking matang tanong ko pero pinitik niya lang ako sa noo!

"Ouch! What was that for? Si Aki ka ba?" nakasimangot na sigaw ko sa kanya.

"Oo, reenactment tapos ikaw si Aya." natatawang tugon naman ng loko kaya hinampas ko siya sa braso.

"Pero hindi nga? Paano nga kung ganoon?" tanong ko pa.

"Hindi tayo magkapatid. Sigurado ako dyan. Wala akong nararamdamang lukso ng dugo sa'yo. Lukso ng puso meron." sobrang lawak na ngiting aniya.

"Tsk, tumigil ka nga!"

"Yieee, kinikilig siya haha" pang-aasar niya habang sinusundot-sundot ang beywang ko. Baliw talaga.

"Tigil sabi!" natatawang suway ko.

"I love you." biglang banat niya. Natigilan ako tapos umiwas ng tingin sa kanya. Huminto siya sa pang-aasar, inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at isinandal ang ulo niya sa puno.

"I love you, too." bulong ko pero alam kong sapat ang lakas ng boses ko para marinig niya. Napansin ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.Kumurap kurap muna siya bago magsalita.

"Ano ulit 'yung sinabi mo?" nanlalaking matang tanong niya.

"Sabi ko, I love you too." biglang lumawak ang ngiti niya.

"Isa pa."

"Tsk, paulit ulit?"

"Sige na please."

"I love you. I love you. I love you. I love --" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa lips! MY GOSH!!!!! Mga three seconds lang naman pero sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. My gosh Kento! Tyansing agad?! Nagustuhan ko naman. My gosh talaga Naomi! Malandi lang?! After niya akong halikan ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Bumitaw siya sa pagkakayakap tapos hinawakan ang mga kamay ko.

"Ibig sabihin tayo na?" nakangiting tanong niya kaya tumango ako.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.

"Sino ngayon ang kinikilig ha? Parang gusto mo nang sumigaw eh. Pinipigilan mo lang." natatawang biro ko kaya natawa siya.

"Oo na! Saka masaya lang talaga ako." nakangiting aniya.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano bago napagpasyahang umuwi. Pag-uwi namin sa bahay ay dinner na kaya inaya ko na siya na dito kumain. Wala pa sina mom and dad kaya si kuya pa din ang kasama ko.

"Oh Kento, nandito ka pala. Kain." yaya ni kuya na nasa sala at papunta na sa dining area.

Nasa hapag kami at kumakain nang sabihin ko kay kuya na kami na ni Kento.

"Huwag mong sasaktan 'yang kapatid ko ha. Kapag nalaman ko lang na sinaktan mo 'yan pipira-pirasuhin kita tapos ipapakain sa mga buwaya 'yang katawan mo." seryosong ani kuya na nakatingin ng diretso kay Kento. Nanlaki naman ang mata ni Kento at napalunok. Bigla namang tumawa si kuya, baliw.

"Biro lang. Alam ko namang hindi mo sasaktan ang kapatid ko. Pero kapag nalaman ko talaga na ginawa mo 'yon. Gagawin ko 'yung biro ko."

Napalunok ulit si Kento.

"Kuya naman, napakabrutal mo. Saka alam mo naman na sa isang relasyon, hindi maiiwasan na masaktan niyo ang isa't-isa kahit na hindi niyo naman ginustong gawin 'yon, kahit na hindi mo sinasadya. May mga pagkakataon na darating 'yon para subukan kung gaano katatag ang relasyon niyo. Hindi ko maipapangako na hindi ko masasaktan si Naomi. Pero pinapangako ko na aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko siya." pagdating doon sa part na aalagaan niya ako ay ngumiti na siya.

"Aasahan ko 'yan. And a reminder, you know your limits okay?" nakangiting tugon ni kuya saka nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentuhan ulit kami ng mahigit isang oras tapos ay pinauwi ko na si Kento. Gagabihin na siya masyado. Para makapagpahinga na din.

"Nao." tawag ni kuya ng papasok na ako sa kwarto ko. Ginulo niya ang buhok ko.

"Dalaga ka na talaga." mapang-asar na aniya saka naglakad at pumasok sa kwarto niya.

Maswerte pa din ako dahil sila ang naging pamilya ko. Umaasa ako na balang araw ay makikilala ko din ang tunay kong pamilya.




P.S. Advance Happy New Year!!!

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
29 4 2
With each thread they pull, their lives become entangled in a nightmare from which they may never escape. Will they discover a way to break free from...
526K 6.2K 38
This is a very popular urban legend here in the Philippines. This was made even more popular when the book, True Philippine Ghost Stories(book 2), pu...
1K 95 37
Taong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya...