PANSAMANTALA (ViceJack)

muddy_maddie tarafından

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... Daha Fazla

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Veintiuno - Real JM

472 12 0
muddy_maddie tarafından

"Jaki..." napatingala naman ako sa kanya noong tawagin nya ako.




"We just wanted to be loved the way we deserved. There's nothing wrong about it. Tandaan mo yun." Then he smiled. Tumalikod na sya at biglang humarap muli.

"Another thing, kapag natalo ka dyan sa phone ko libre mo ko." Nagulat naman ako dahil nagwink pa sya.

"Yaman yaman nagpapalibre." Bulong ko pa nong papasok na sya sa banyo.

"Narinig ko yon!" Sabi nya noong maisara na nya yung pintuan.

Nilaro ko naman iyong nasa phone nya.

Kalaking tao ang nilalaro parang pambata.

*end of flashback*

Vice's POV

"Huy! Bat dito? Mamaya magalit sa akin may-ari nito talaga." Sabi nya sa akin na may kasamang hampas pa sa braso.

Nasa tapat kami ng condo. Yung di ko masyado natutuluyan.

"Madali kang makikita ng tinataguan mo pag nasa may bar ka lang baliw."

Magtatago pero sa malapit lang. Ano kaya yun.

Di naman na sya nagreklamo pa.

Pagkadating sa penthouse ay binuksan ko na ito. Medyo nahirapan pa ko sa pagbukas gamit yung susi dahil medyo matagal na nung huli akong nagpunta dito.

"Kaya mo na ayusin 'to?" Tanong ko sa kanya.

Medyo pinapagpag nya yung mga gamit dito.

Maalikabok lang naman dito dahil ilang buwan na rin noong huli kong nabisita 'to.

Naglakad ako papunta sa masters bedroom, sa balcony.

Bakit kasi iniwan mo sa akin 'to.

Sa dami ba ng pera mo wala kang mapaglagyan at ito pa yung naisipan kong bilin?

Tinanaw ko yung ilang building na nandito, mga bahay, smog.

Hayyy..

"Iniisip mo nanaman?" Naputol yung pagkausap ko sa kanya sa isip ko nang itanong iyon ni Jaki.

Napangiti naman ako. Kilalang kilala na nya ko kapag may iniisip.

"Masaya na yun. Wag ka mag-alala."

"Di naman kasi maiiwasan na isipin talaga. Lalo na kapag naiisip kong parang kasalanan ko talaga."

"Aksidente 'yon. Di ba sabi ko huwag mo sisihin sarili mo."

"Sige na. Tutulungan na kita maglinis dito. Hahaha. Sorry na di ko naman aakalaing ganito kaalikabok dito e. Kung pwede lang ibenta 'to e kaso baka ano gawin sa akin nun mas nakakatakot 'yon." Pag-iiba ko ng usapan.

Natawa naman sya sa huli kong sinabi.

Binuksan ko yung closet at iginilid yung mga ilang piraso ng damit ko dito.

Lumapit naman sya sa akin.

"Pasamahin mo na dito mommy mo kaya?" Suggestion ko sa kanya. Dahil ang dami pa namang room dito. May dalawang bakante pa nga e.

"Amoy cabinet na mga damit mo." Hinampas naman nya ko sa braso. Hindi man lang sinagot suggestion ko.

"Yaan mo muna dyan. Malinis naman yan kahit ganyan amoy, hinawi ko pa papunta sa gilid yung mga nakahanger.

"Tatawagan ko si tita pag di mo pinapunta dito."

"Bakit ba kasi?" Iritableng tanong pa nya

"Hoy! Nanay mo yun malamang. Tsaka kung ayaw mong kumain ng pancit canton, instant noodles at piritong sunog dito mo na patulugin mommy mo. Nababaliw ka na talaga."

"E bakit di nalang ikaw?" Na-off guard naman ako doon.

"Lalaki pa rin ako Jaki. Kapag nga nagpupunta ka sa bahay mas gusto kong puntahan nalang kita kung nasaan ka e."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"E paano ko sasabihin, bigla ka nalang nagpupunta wala ka namang pasabi."

"E bakit ka nang-aaway?" Lumayo pa sya sa akin.

"Luh, parang baliw."

Natawa nalang kami.

May times talaga na trip lang nya makipagusap ng ganon. Kaya minsan nakakalimutan na namin yung pinaguusapan kapag may nasisingit na kalokohan.

Minsan hindi na namin nasosolve yung tanong o di nakakapagdecide kapag nag-uusap ng di ko masabi kung may kwenta ba o wala.

Tinext ko naman si tita sa pagtuloy ni Jaki dito.

Sinabi ko rin kay Madc na samahan kaibigan nya dito. Para kaming may kapatid na bata ni Madc dito.

"Nagtext na ko sa mommy mo."

Natigilan naman sya sa pag-aayos ng damit nya.

"Ano sabi?" Tinignan ko naman sya na nakasalampak sa floor at inabot sa akin yung basahan na bilog.

"Puntahan ka raw nya pag nakapaglinis na sya sa inyo. Bigay ko nalang daw yung address."

Di naman sya umimik. Pero nakatingin pa rin sa akin habang nagpupunas ako ng cabinet.

"Sinabi ko rin na pupunta puntahan ka ni Madc dito. Para di mag-alala."

Sabi ko sa kanya para hindi naman isipin ni tita na sobrang lungkot nya.

"Okayy.." sabi nalang nya.

Di ko alam kung saan pa pupunta yung usapan namin kaya't nagdecide ako na bumili nalang ng pagkain.

"Bibili ako sa baba ng pagkain sa baba, anong gusto mo ipabili?" Tanong ko sa kanya.

"Pagkain. Ikaw na bahala." Binuklat nya naman yung wallet nya at nag-abot ng 1000.

"Pagkain? Worth 1000?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak na ko sa door knob.

"Basta makakain. Pang merienda buong week."

Napatango nalang ako.

"Good for 2." Pahabol pa nya noong nagpihit na ko ng pinto para lumabas.

Tinanguan ko nalang sya.

Habang nasa elevator ay nag-iisip ako ng mga bibilhin.

Nilabas ko nalang yung phone ko para ilista doon yung pwedeng bilin.














Jaki's POV

Yung lalaking 'yon. Di man lang ako tinanong kung gusto ko sumama.

Pero sa bagay, ang alikabok kasi dito. Sayang oras kung di malilinis 'to.

Di ko na kaya, baka umatake nanaman allergy ko kapag di pa ko nagmask.

Naghalungkat naman ako sa mga cabinet dito kung saan may mask.

Yung mask na nakita ko, yung disposable. Pwede na 'to imbes na wala.

Sinimulan ko na ulit maglinis.

Kahit naman di ako magtatagal dito lilinisin ko na. Magkasakit pa ko sa alikabok.

Naalala ko nung una't huling dala nya sa akin dito..

Dito sa lugar na 'to. Dito ko sya mas nakilala.

Akala ko magpapakamatay na sya e. Medyo tipsy pa sya noon.

Dito ko nalaman yung mga bagay na iniisip nya kapag mag-isa sya. Kung paano sya nakarecover sa mga nangyari sa buhay nya.

Doon ako humanga sa pagkatao nya.

Kung paano nya tinake yung mga pangyayari. Kung paanong dumaan sa process, the way na magkwemto siya. Kung paanong inayos nya yung sarili nya after what happened. Sya yung dahilan kung paano bumukas yung isipan ko na everything takes time. Na lahat ng tao may kanya kanyang takbo ng buhay. Where people decides para sa sarili nya kung pipiliin mong maging mabuti at masama. Kung pipiliin mong maging maayos o hindi, na kapag na binalikan mo yung time na 'yon.. hindi ka magsisisi whatever your decisions are.

Kaya siguro dito nya rin ako dinala.

Nagpatuloy lang ako sa paglilinis.

Hanggang sa mapunta yung atensyon ko sa painting.

Tumungtong pa ko sa stool chair para mas malapitan iyon.

May nakalagay pa na pirma sa ilalim.

JM Viceral

Artistically inclined talaga pamilya nya.

Nung namahagi yata ng husay sa pagguhit hindi ako nainform.

Pinunasan ko naman ang frame nito.

Maalikabok rin pero hindi tulad ng mga gamit dito. Ito yung mas walang alikabok. Maayos pa rin naman yung ibang gamit pero maalikabok lang talaga.

"Mahal na mahal ka talaga ni Vice." Kausap ko pa dito sa painting.

"Baka naman mhulog ka dyan miss." Napahawak naman ako sa pader dahil muntik na ko mahulog sa gulat.

"Muntik na. Dahil sa'yo."

Nakita ko namang nakababa yung mga pinamili nya sa floor at nakabukas lang yung pintuan.

"Bumaba ka na nga dyan." Sabi pa nya tsaka lumapit sa akin.

Nilahad ko naman yung kamay ko para manghingi ng tulong sa kanya para makababa.

Walang alinlangan namang inabot nya iyon.
Tsaka ako dahan dahang bumaba sa upuan.

"Alam mo, kapag umupo ka dito, high chair na sya." Pang-aasar nya pa sa akin kaya't inirapan ko sya.

"Baka matanggal mata mo nyan. Lumuluwag eh." Pang-aasar nya pa lalo.

Nagmake face naman ako at kinuha yhng mga nakalapag na groceries na nasa kraft paper bags. Save Mother Earth nga raw kasi.
Nagtungo naman ako sa kitchen nya para iayos na 'to.

"Vice!!! Seryoso ka dito!?" Tawag ko sa kanya dahil yung 1k ko wala na yatang sukli.

Prenteng sumandal lang siya sa pader. At nagcross arms

"Sabi ko merienda, hindi pang heavy meal." Dahil yung mga pinamili nya manok gulay at mga panahog sa niluluto.

"Mas makakatipid ka kung magluluto ka." Sabi pa nito sa akin while scratching his head at akmang babalik sa pagkakaupo nya sa sofa.

"As if namang may oras ako magluto?"

"Kaya nga pinapunta ko Mommy mo di ba?" Malakas na sabi nya dahil nasa labas na sya ng kusina. Aurghhhh! Asar!

Tinungo ko naman kung saan sya ngayon nakaupo at nanonood lang ng football sa tv

"Asan na yung mga merienda ko?" Nilahad ko pa kamay ko.

"Here." Sabay abot nya sa akin nung katabi nyang paper bag.

Napangiti naman ako noong mapansin kong nakabili naman siya ng mga pantawid gutom ko.

"Magkano kulang?" Di naman nya ko sinagot.

Binato ko sa kanya yung throw pillow na kakapagpag ko lang.

"Tsaka mo na bayaran. Sa sweldo mo."
Tutok pa rin sa tv yung mokong.

"Magkano nga?" Tanong ko may extra pa naman akong pera. Tsaka sabi ni mommy wag magpapalibre basta basta. Naniniwala naman ako doon. Napagsabihan nya ko noong uminom kami dati sa bar nya tapos libre.

Hahaha.

"Okay na yung paybhandred kasama yung sa akin dyan." Dumukot naman ako ng 500 sa wallet ko.

Lumapit naman ako at inabot iyon sa kanya.

"Oh, bumili ka nanaman ng pistachios mo."

"Alam mo namang paborito ko 'yon." Sabi pa nya.

Inabot naman nya yung pera.

"Nagpadeliver na rin ako ng tubig nyo."

"Thanks, san ka pala matutulog mamaya?"

Napatingin naman sya sa akin.

"Baka sa bahay." Matapos nya sabihin iyon ay binalik nya yung atensyon nya sa panonood.

Nakita ko nanaman yung pagiging interesado nya sa mga sports.

"Goal!!!!" Napatayo pa sya sa pagkakaupo nya at tumingin sa akin.

"Goal!!!!!" Ulit nya pa rito. Tsaka lumapit at hinawakan ako sa magkabilang kamay at tinaas iyon.

"Parang kateam mo yung nanalo ah?"

"Syempre mga kumpare ko yan." Sabi pa nito.

Tsaka ako inakbayan at dinala sa sofa.

"Kita mo yan? Yan yung center forward nila..."

Tuwang tuwa siyang nanonood talaga ng ganito.

"Nakikinig ka ba?" Tanong nya nung nahuli nya kong nakatitig lang sa kanya.

"Oo nakikinig ako pero maglilinis po muna ko okayy?"

"Sige na nga. Linis ka na dyan."

Tinuloy ko naman yung pagpupunas ko sa mga appliances at furnitures nya dito.

"Up all night on my mind got me thinking
Wanna stay, can you give me a reason?
I don't think so, I don't think so.."

Nagulat naman ako sa pagpapatugtog nya ng kanta sa tv. Nilagay nya yung app nung tv nya sa youtube kaya nasa tv.

"I'm in love with someone, but I'm not sure
She can love someone back the way they love her
I don't think so, I don't think so.." lumapit naman sya sa akin. At kinuha yung basahan ko tsaka siya naglinis habang kumakanta.

May sapak na yata 'tong kasama ko.

"Waking up to nothing when you're super far from home.
And I watch you fall asleep at night and lay there on my own."

Sabi pa nya tsaka kinuha yung walis at ginawang microphone kunwari.

Natawa naman ako doon.

"Sayawin mo nga 'to?" Sabi pa nya sa akin.

Nagpauto naman ako sa kanya.

Nakita ko namang masaya sya sa mga kabaliwang nagaganap dito sa penthouse.

Patuloy lang naman kami sa paglilinis at pagconcert dito.

Naroon pa yung paghahamon nya ng kanta ako naman ay hinahamon siya sa sayaw. Di yata ako papatalo.

"Kelan ka ba huling natulog dito?" Tanong ko habang pinapagpag yung mga throw pillow at pinalitan ito ng pillowcase na binigay nya.

"Alam mo pwede mo ko ihire na taga bantay at taga linis nito." Natatawa ko pang sabi.

"Baliw. Hahaha. Di ko na alam kung kelan e. Months ago?"

"Nung nagpunta tayo dito?" Tanong nya.

"Oo. Noong nalaman mo yung tungkol kay JM."

*7 months ago*

Third person's POV

Alas nueve ng gabi ng may tumatawag sa telepono ng isang dalaga habang siya ay nag aabang ng masasakyan pauwi.

Agad naman nya itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hello, Jaki?"

"Yes, JM. Napatawag ka?" Sagot ng dalaga.

"Nakauwi ka na?" Rinig sa magkabilang linya ang mga ingay sa kalsada.

"Pauwi pa lang bakit?" Balik tanong naman ng dalaga.

"Sunduin kita okay lang? May sasabihin sana ko." Sagot naman ng binata.

Magkahalong kaba at puno ng pagtataka ang dalaga sa sasabihin ng binata kaya't um-oo na lamang ito.

Di rin nagtagal ay huminto ang isang hindi pamilyar na sasakyan sa harapan ng dalaga.

Naroon pa ang takot niya ng may huminto sa tapat niya. Pero agad naman iyon nabawi nang bumaba sa sasakyan ang kaibigan niya.

"Napakadami mo namang sasakyan?"

"Hindi sa akin 'to. Pinaalaga lang sa akin pero hinayaan na sa garahe sa bahay."

Napatango na lang ang dalaga sa binata.

"Nagpaalam ka na ba kay tita?"

"Do you want me to do it for you? Saglit lang naman." Sabi ng binata. Halata sa pananalita nito ang lungkot. Pati sa mga mata at kung paano ito ngumiti.

"Ah, hindi na. Itetext ko nalang." Agad naman din nagtext ito sa kanyang magulang.

Jaki's POV

Nababalot ng awkwardness yung sasakyan ni JM. Papunta na kami sa hindi ko alam. Basta raw sumakay nalang ako. Pinayagan na rin naman ako ni mommy.

Di ko alam kung anong meron ngayon sa kanya pero di ko maipaliwanag kung ano bang nararamdaman nya tho sya naman talaga nakakaalam nun. Transparent kasi syang tao kapag masaya at malungkot pero sa ngayon miced emotions? Iyon yung hindi ko mabasa sa kanya.

Pero nung huli kong nakita sa kanya 'to. Problemado sya. Ngayon parang hindi naman.
Kalmado naman siyang nagmamaneho. Panakanakang sumusulyap sa lugar ko nagbibigay ng ngiti pero awkward talaga.

Bumaba kami sa isang magarang condominium. Di ko alam 'to. Pero parang di sya kilala. Dahil sa nakikita ko ay iilan lang ang may bukas na ilaw siguro ay dahil gabi na nga.

Pagpasok sa elevator ay pinindot naman nya ang pinakahuling floor.

Woooaaahhh.

"Last floor? Totoo ba? Roof top ganon?" Tanong ko sa kanya.

"May ipapakilala lang ako sa'yo baliw." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Medyo di na rin awkward.

Napabalikwas naman ako sa pwesto ko nang maalala yung floor na pinindot nya.

"Papakilala sa huling floor?! Uy ah nakakakaba ka na."

"Baliw. Di kita ihuhulog pababa."

"Magjujump shot tayo from roof top hanggang basement."

Pinindot ko naman yung susunod na floor para bumukas yung pinto. Ayaw kasi sumagot ng maayos.

"Huy ano ba yan, joke lang. Ipapakilala ko kapatid ko. Nasa taas sya." Pagpipigil nya sa akin noong lalabas na ko sa elevator.

"Ahh, okayy.." nagpatianod nalang ako.

"Bakit sya nasa roof top?"tanong ko pero ngiti lang yung sinagot nya sa akin.

May sapak talaga 'tong kaibigan ko. Hinayaan ko nalang. May tiwala naman ako sa kanya.

Paglabas ng elevator ay hinila nya naman ako papunta sa hagdan at umakyat kami doon.

At dumeretso sa pinakadulong pinto.

Pagbukas nya dito. Tumambad sa akin ang maayos, malinis, at maluwag na penthouse.

WOW!

"Pasok ka." Sabi nya.

Babae siguro kapatid nya.

Pero ang minimalist ng style.

Nasa kanan namin ang kitchen na may counter at electric stove na katapat ng mga glass cabinet na may ilang panlutong nakalagay at nasa divider nito ang mga wine. Collection yata iyon dahil ultimo mga wine ay nakaayos base sa kanilang height.

Nasa kaliwa ko naman ay may pinto. Maaaring cr ito katulad ng nakakagawian sa mga condo.

Sa tapat namin ngayon ay ang living room na may sofa at single sofa. Naroon sa tapat ng sofa ang flat screen tv nya na nakakabit sa pader.

Wow. Ganito ba talaga sila kayaman?

Hindi ko naman napansin na may hallway pa sa kaliwa ko bago mapunta sa sala nila.

"Na saan pala kapatid mo?" Tanong ko sa kanya dahil baka magulat yun na may ibang tao dito.

"Nandito." Sabi nya tsaka tinungo yung dulong pinto sa hallway.

Sumunod naman ako.

Walang tao.

Naglakad siya patungo sa katapat ng higaan na cabinet. May mga pictures dito.

Pamilya yata niya.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng kwarto na 'to.

Maaliwalas, malinis, maayos. Puti at itim lang ang kulay. May walk in closet.

Lumapit naman ako kay JM.

"Ito. Ito yung mga kapatid ko." Sabi nya habang hawak ang tatlong picture frame na pinagpatong patong niyang hawakan.

Naupo siya sa paanan ng kama. Ganun din naman ako.

Nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila.

"Ito yung family picture namin. Photoshop lang si tatay dito."

"Pero ito talaga yjng picture na original"

Nasa picture na iyon ang dalawang magkatabing babae. Ang isa ay bata pa ang isa naman ay halatang may edad na.

"Si nanay(turo niya sa nasa kanan na babae) tapos katabi nya si ate." Sandali siyang huminto sa pagsasalita at para bang nagipon ng lakas ng loob.

"Ito naman si ate babot" turo naman nya sa kaliwang lalaking mahaba ang buhok. Gaya ng nabanggit niya dati. His brothers are gay at walang masama naman akong nakikita doon.

"Tapos si ate Ema." Sabi nya na nakangiti.

"Siya yung madalas tumalak sa akin. Sya rin yung nagpauwi sa akin after nung birthday mo. Naaalala mo?" Tumango naman ako.

Naaappreciate ko yung bagay na ginagawa nya ngayon. Siguro ginagawa nya 'to dahil kapag napupunta siya sa amin kapag naihahatid nya kami nila ate Madc ay naipapakilala ko siya sa pamilya ko.

Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay yung taong magka-akbay.

Mas matangkad ang isa dito pero parang in-scan yung mukha nila. Ang isa ay malinis tignan ang isa naman ay may tattoo sa dibdib. Kita iyon dahil sa suot niyang v neck shirt. Parehas sila ng damit. Pero yung may tattoo ay may beard short lang naman. Ang lakas nung datingan. Parang..rockstar.

"This is my brother. Siya yung may-ari nitong penthouse." Turo nya sa lalaking kamukha niya na mas maliit sa kanya na may beard. Pero hanggang tenga naman nya.

"Kamukhang kamukha mo. Kambal ba kayo?" Tanong ko.

Inabot naman nya iyon sa akin.

"Hindi. He's younger. 3 years younger."

"JM yung pangalan nya."

Napalingon naman ako sa kanya.

"Kamukhang kamukha mo talaga." Sabi ko sa kanya na naging dahilan para magchuckle siya.

"Kapatid ko yun syempre."

"Para kayong kambal." Sabi ko pa.

"May banda yan." Sabi pa nya.

"May girlfriend na ba 'to? Wala pa ba sya dito? Pakilala mo na ko!" Sabi ko pa sa kanya.

"Baliw. Ayaw ko nga. Nililigawan ka nung ex mo e. Mamaya di mo naman sagutin kapatid ko." Sabi pa nya.

Nililigawan nga pala ko nung ex ko. Pero yung pag sundo lang kanina ay di nya nagawan ng paraan. Pero ayos lang naman busy raw sya e. May work pa raw siya.

"Sus. Malay mo naman mas better sya sa manliligaw ko. Tsaka malay mo type nya ko." Mahangin ko pang sabi.

"Ganda mo rin e no? Hahahaha." Natatawa nyang sabi sa akin.

Tinignan ko naman yung huling picture fram na nasa ilalim

"Di mo naman sinabi may girlfriend pala." Binalik ko naman sa kanya yung mga picture frame dahil may picture ito na kasama ang isang babae na nakahawak ang mga kamay sa balikat niya at ang kapatid nya naman sa bewang nung babae.

Kitang kita ko yung pagmamahal sa tinginan nila kahit napapaligiran sila ng maraming tao.

"Concert nya 'to. Ako kumuha nung picture na 'yan." Sabi pa nya.

"Pero di naman na nya yan girlfriend ngayon. May asawa na 'tong si Karylle." Sabi pa nya.

"Di pa nakakamove on kapatid mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Knowing my brother.. alam kong gusto nya maging masaya si Karylle." Sabi nya at napalunok pa sya dahil doon.

"Bago sya nawala.. alam ko, mahal na mahal nya si Karylle."

"Bago ko sya payagan sa drag race na 'yon at maaksidente sya." Dagdag pa nya.

"I lost my brother, Jaki. I lost one of the people who accepts all my imperfections."
Nakita ng dalawang mata ko yung pag-agos ng luha sa mga mata nya.

Unti-unting dinudurog  yung puso ko sa nakikita ko.

I just hug him tight.

Humihikbi siya sa balikat ko na parang isang batang nawalan ng magulang.

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya.

"Sana hindi ako pumayag. Sana pinigilan ko sya." Patuloy lang siyang umiiyak habang magkayakap kami.

"Shhh... di mo kasalanan. Aksidente yung nangyari." Sabi ko habang hinihimas yung likod nya para mapagaan yung loob nya.

Vice's POV

Tama yung desisyon ko. Tama na sa kanya ako nagkwento ng sakit na nararamdaman ko.

"Shhh... di mo kasalanan. Aksidente yung nangyari." Sabi nya sa akin. Nakaramdam ako ng pagiging komportable sa kanya. The way na yumakap sya at dahan dahang patahanin ako na parang bata.

Napahigpit ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat sa pakikinig mo sa akin." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng luha pero patuloy pa rin ito sa pagiyak.

"Sorry. Nabasa ko damit mo." Sabi ko sa kanya. Para tumawa sya. Baka kasi naaawkward na sya.

"Wag mo muna isipin yung kung anong nararamdaman ko. Ang isipin mo muna yung nararamdaman mo." Sabi nya.

"Kahit nasasaktan ka na. Mas iniisip mo pa rin yung kalagayan ng iba." Tumulo naman yung luha mula sa kaliwa nyang mata.

"Kainis ka pinapaiyak mo ko." Sabi pa nya at hinampas pa ko sa braso kaya napabitaw naman ako sa kanya.

"Sorry." Sabi nya pa.

"Birthday ng kapatid ko ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Birthday nung totoong JM."

"Bakit pala JM? Jose Marie din siya?" Tanong nya sa akin.

"Juan Miguel siya tapos Jose Marie ako. Noon ang tawag nila sa akin, Viceral o kaya Vice. Then Miguel died. Ako lang yung tumatawag sa kanya ng Miguel. Lalo kapag kami lang dalawa."

"Tapos nung kinuha na sya ni Lord. Sabi ko dala dala ko naman yung pagsisisi talaga na 'yon. Doon ko ginamit yung nickname nyang JM."

"Sabi ng mga kaibigan namin, di ko naman kailangan gawin yon." Patuloy lang syang nakikinig sa mga kwento ko.

"Ginawa kong parusa sa sarili ko yun. Dahil everytime na maririnig ko yung JM nasasaktan ko yung sarili ko."

Tumayo ako at kumuha ng paboritong wine ni Miguel.

"Sabi ko sa pamilya namin, call me JM kahit hindi ko man mapalitan yung presensyang nawala ko, andun pa rin naman sa pangalan. Noong una ayaw nila. Pero sabi ko kasalanan ko naman. Nagkakaaway pa kami dahil doon. Pero siguro nasanay na rin sila. Yun na tawag nila. Tapos nasanay na rin naman ako."

Nagsalin ako sa isang glass.

"I tried to do whatever his routines are noon. Pero hinding hindi talaga mapapalitan 'yon. Pinanindigan ko nalang yung pagiging JM. Hanggang sa natanggap na nila yung pagkawala nung kapatid ko. Ako nalang hindi. Nasanay na sila na JM tawag sa akin kahit di naman nila intensyon na punishment ko yun sa sarili ko."

Sabi ko matapos inumin yung sinalin ko.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

Lumapit naman sya at inabot yung isa pang glass.

Sinalinan ko iyon at naglakad papuntang balcony. Nakasunod lang siya sa akin para makinig.

"Vhong and Billy knows everything." Tila nagtaka sya sa nabanggit ko pang pangalan.

"Billy. My bestfriend." Tumango naman siya at uminom muli.

"After nung accident, Karylle go back to her family sa di ko alam kung saan. Di ko sya nakausap noon. I tried to communicate sa kanya pero wala. Kahit nagkakalabuan sila ni Miguel non. Nakita ko sa hospital kung gano nila kamahal yung isa't-isa. Kung paano ko nasira yung pagiging maayos sana nila. Ilang sorry yung nasabi ko nun pero parang di nya na yata ako mapapatawad." Uminom ako muli dahil nararamdaman kong tumutulo nanaman yung mga luha ko. Pero pinipigilan ko kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko.
Nakamasid lang ako sa malayo habang nakatayo at nakahawak sa railing ang isang kamay.

"Pagkatapos nun. Ilang weeks lang lumipad na si Anne papuntang Austrilia dun based family nya e. Si Billy, nagpakabusy sa business. Sobrang close kasi si Miguel sa kanila."

"Pero, si Vhong. Hindi sya umalis." Di ko napigilang bumagsak yung mga luha sa mata ko.

"Doon kami nagsimula magtayo ng firm. Sabi ko sya nalang, sakanya nalang ipangalan. Pumayag sya basta raw andun ako. Kaya kahit nagdaan ako sa mid life crisis. Pinili ko magstay doon, dahil alam ko yung pakiramdam na maiwan."

"Di na nagpakita mga kaibigan mo?" Tanong nya. Nakita kong nakatingin siya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"May communication pa rin naman. Pero madalang na."

"Bumalik naman si Billy. Nagtayo sya ng business dito. Pero focus pa rin sya doon."

"Yung family mo, kumusta?"

"Okay naman na. Tanggap na nila. Pero dati noong bumalik kami sa California. Kahit anong pilit kong pakikisama, ramdam ko na awkward talaga e. Pakiramdam ko sobrang kasalanan ko kahit di naman iyon yung gusho nila parating."

"Kapag naglulunch, dinner. Etc."

"Kaya nagdecide ako na dito nalang sa Pilipinas. Kaya ko naman e."

"After ilang years, nakatanggap ako ng invitation. Ikakasal na si Karylle."

"Doon kami nagkausap. Masaya kong masaya na sya. Nagsorry ako sa kanya. Hindi ko raw kasalanan. Pero yung naiisip ko na.. kung hindi namatay yung kapatid ko.. sana silang dalawa yung masaya."

"Pero kilala ko si Miguel. Masaya siya para kay Karylle. It's just.. I can't stop blaming myself. Kahit sinabi ni Karylle na nag-away sila noong araw na naaksidente kapatid ko. Sabi nya pinagtalunan nila yung pagrarace ni Miguel. Di ko alam na he's part of drag race tho legal naman. Ang sabi nya kasi noon last na. Sabi nya rin kay Karylle last na. Iba yung saya nya kapag nagdadrive sya sa race. Kaya ako pumayag. Pati na rin si K. At sinisisi nya rin pala sarili nya noon. Kaya lumayo muna sya. "

"Hindi naman natin alam kung ano talaga yung mangyayari sa atin. Sa paligid natin. Nakikita kong sinisisi mo pa rin yung sarili mo sa pagkawala nya. Stop blaming yourself. You dont deserve punishment to the things you've never commited." Deretso nya kong tinitigan sa mata.

"Hindi naman na mababago yung nakaraan. Kahit sisihin mo yung sarili mo. Feeling ko magiging masaya yung kapatid mo kung hindi mo sisisihin yung sarili mo. Kasi hindi mo naman kasalanan." Naglabas naman sya ng panyo sa bulsa nya.

"Oh, magpunas ka ng luha mo. Laki laki mo na e." Natawa naman akong inabot yung panyo nya.

"Tara nga dito." Sabi ko sa kanya.

Pagkalapit nya ay niyakap ko sya. Nung una ay maluwag lang.

"Thank you!" Sabi ko pa at unti unti kong hinigpitan hanggang sa hampasin na nya ko.

"Aray ko! Nananakit ka na. Di na ko makahinga walangya ka!" Kinirot nya pa ko sa tagiliran ko.

"Aray! Joke lang e. Hahahaha! Jaki! Pag ako nahulog!" Sabi ko dahil nangingiliti na sya.

"Ang bango ng panyo mo. Akin nalang 'to ha?" Sabi ko sa kanya.

"Sige. Remembrance sa pakukwento mo dito."

"Pero thank you talaga. Gusto ko lang malaman mo kung sino talaga ko. Kasi kaibigan kita. You deserve to know the real me."

"Salamat din. So ano bang pwede ko itawag sa'yo?" Tanong nya.

"Vice. You can call me Vice. Or Viceral"

"Tara sa loob. Medyo mahamog baka masipon ka pa." Sabi ko sa kanya at umakbay sa kanya pero nakatakip sa ulo nya ang palad ko.

Ginulo-gulo ko pa iyon.

Kwinento ko sa kanya yung hilig ni Miguel sa sasakyan, sa F1, sa motocross. Siguro magkakasundo pa si Tom at Miguel kapag ganun buti nalang hindi sila nagkakilala. Sa painting, sa music.

I told her everything about Miguel at kung gaano kami maging sanggang-dikit.

Kung paano kami mag-away, magbati, kung paano siya mainis.

At kung gaano ko siya kamiss.

"Alam mo may binigay sya sa akin dati. Di ko pa binubuksan. Bago sya mawala."

Tumayo naman ako at kinuha iyon sa cabinet nya.

******

Merry Christmas Everyone!

Regalo ko na sa inyo 'to. Hahahaha sana maging mas fruitful year ang Christmas and New Year para sa ating lahat.
Mag-eedit sana ko ng picture pero ang dami rin kasing ginagawa.

Ingat kayo! Salamat! ☺

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...
189K 5.3K 44
para ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost
1.4K 346 44
People always ask me, "Do still love him?" Honestly, I really don't know basta ang alam ko lang there's something about him that I can't let him go...
6.3K 53 7
A CaitBea short story! This is purely fanfiction only! I read this story on one of the sites of fanfics, and I was inspired to do a story, but this...