Sana Ikaw Na Nga

By Baby_Ash25

481K 4.1K 2.2K

More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 28

7.7K 88 79
By Baby_Ash25

Hindi na kumibo si Gerald pero ramdam niya na nag-iba na ang mood ni Asher. Pagbaba nila kung saan naghihintay ang mga kasamahan ni Gerald ay bumati sila sa lahat ng nandoon. Tumabi naman si Asher sa handler at road manager ng kasintahan.


“Nakapagshopping ka din ba Asher? Nabili mo ‘yung mga kailangan mo?” tanong ni Nhila sa kanya.


“Oo ate. May dagdag pa nga eh, itong jacket na suot ko. Bigla ko na lang nakita sa bag pagbukas ko.”


“Typical na ugali na niya iyan. Natutuwa ‘yun pag nakakabili ng little something sa mga mahal niya sa buhay at there’s no doubt na sa ngayon ikaw ang pinakamamahal niya,”  medyo kinikilig na sabi ng handler ni Gerald.


Ngumiti lang si Asher. Napakaswerte nga niya kung tutuusin sa boyfriend. Kailangan lang talagang ihanda niya ang sarili sa mga fans na gaya nina Cheska at Trina. Hindi naman siya nagseselos sa mga fans. Natutuwa pa nga siya sa mga ito pero for some reason kinakabahan siya sa dalawang babaeng ‘yun.


Kinakausap ni Fred si Gerald pero ang isip nito ay nasa kasintahan na palihim niyang pinagmamasdan habang kausap ang handler niya. Ngumingiti ito pero walang kislap ang mga mata. Something is bothering her, he can tell. He is sure it's not because of the fans earlier. Naalala na naman niya ang dalawang babaeng nakasalubong nila. That’s what’s bothering her.


Hindi na nakatiis ang binata at nilapitan ang kasintahan. Nagulat pa ang dalaga nung maramdaman ang pagyakap ni Gerald sa likod niya habang nakikipagkwentuhan kay Nhila. Nilingon niya ito na may nagtatanong na mga mata.


"Wala, napansin ko lang na matamlay ka. Inakay niya palayo ang dalaga sa karamihan. What is bothering you sweetheart?”


"Hindi ako nagseselos sa mga fans mo ha. Don't get me wrong. There is something I cannot explain yet about those ladies na nakasalubong natin kanina.”


"I am starting to understand what you mean nung sinabi mong kinakabahan ka sa kanya. Don't worry, she is not my type."


"It's not that. There is more to that. Mag-iingat ka sa kanila ha."


"Hay salamat, akala ko sa akin ka galit. I love you,” hinalikan ang dalaga sa labi na walang pakialam kahit alam niyang maraming tao sa paligid.


"Bro, huwag kang mang-inggit!" sigaw ni Enchong.


"Tama ka na nga,” sabay kurot ni Asher kay Gerald. “Ayan tinutukso na tuloy tayo."

"Hayaan mo sila. Wish lang nila may girlfriend din silang gaya mo," proud na sabi ng binata.


"Sige na, doon ka na sa kanila para mapag-usapan n’yo ang game mamaya. Okay lang ako dito kina Ate Nhila."


Nag-aalangan pa sanang iwanan ni Gerald si Asher pero nakikiusap ang mga mata nito na iwanan na lang muna siya para tigilan na sila ng mga kaibigan sa panunukso.


"Bro, pambihira ka naman. Alam mong ikaw lang ang may girlfriend na nandito, mula pa sa airport wala ka nang ginawa kundi mang-inggit," reklamo ni Young JV.


Tinapik lang ni Gerald ang balikat ng kaibigan. "Bro, baka ‘pag dumating na ang Asher sa buhay mo, hindi mo na iwan,” paliwanag ng binata. "Iisipin mo ang corny pero wala, ‘yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.”


"Actually bro, kita naman na mahal mo talaga siya at sa nakikita namin, pareho lang kayo ng nararamdaman pero mas nakikita sa iyo o talagang reserved lang siya. Bagay talaga kayo," dagdag pa ni Young JV.

Pagdating sa venue sinadya ni Asher na dumistansya kay Gerald. Malakas ang kutob niyang makikita niya uli sina Cheska at Trina doon. Hindi nga siya nagkamali, nasa ring side ang mga ito at todo ang kaway nung makitang pumasok sina Gerald sa basketball court. Abot tenga ang ngiti ni Fred, poker face naman si Gerald. Nakapagpalit na ng outfit ang dalawa. Tinalo pa ang costume ng mga cheerleaders sa igsi ng mga shorts at tight na t-shirts. Mga sigaw nila ang nangingibabaw.


"’Yung dalawang ‘yun ba ang kanina pa nagpapacute kina Fred sa lobby ng hotel?" tanong ni Nhila sa katabing road manager.


"Sila nga, wala ng iba," sagot ni Gidget.


"Hindi ko gusto style nila. Asher, kilala mo ba ang mga ‘yan? Bakit kung umasta, parang close na close na kay Gerald?


"Nakasalubong namin kanina sa lobby. Kinakabahan nga ako sa kanila Ate, parang may something wrong sa kanila.”


“What do you mean Asher?”


“Napansin ko na sila sa eroplano pa lang. Nasa may unahan namin sila, sa kabilang side. Pakiramdam ko pinakikinggan niya kami ni Gerald at nahuli ko siyang nakatingin sa amin. Iba yung tingin niya sa akin at iba din ang tingin niya kay Gerald. Noong una akala ko nga mga fans ni Gerald at Kim na galit lang sa akin pero hindi, iba talaga.”


Nag-isip na rin si Nhila. Unang kita pa lang din niya sa dalawang ‘yun sa may lobby ng hotel ay nakaramdam na rin siya ng inis sa sobrang lapit agad sa mga alaga niya lalong lalo na ‘yung Cheska kay Fred at ngayon naman kay Gerald.


“Hindi naman kaya nagseselos ka lang Asher kaya mabigat ang loob mo sa kanila? Bukod kasi sa mga sexy na eh mukha talagang mga artistahin din.”


“Sana nga Ate ganoon lang, kasi kung selos lang ‘yun at least nawawala din agad dahil alam ko naman kung ano ‘yung nararamdaman ni Gerald para sa akin at para sa mga fans niya. Wala pa naman akong nakikitang dapat kong ipagselos sa kanila. Oo nakayakap agad sila sa kanya pero sila naman ang yumayakap hindi naman si Ge.”


Warm up palang ay napakagulo at ingay na nina Cheska at Trina. May isang AshRalds fan sa tabi nilang hindi nakatiis at sinabing huwag naman masyadong maingay dahil masakit daw sa tenga pero sa totoo ay nabubuwisit lang ito sa mga kinikilos nila.


Tinarayan lang ni Cheska ang fan lalung-lalo na nung makitang nakasuot ito ng AshRalds t-shirt. “Eh di umalis ka sa tabi namin!” mataray na sagot ni Cheska.


Gusto sanang patulan ng AshRalds fan si Cheska pero sinenyasan ito ng pinakaleader nila at sinabing humanap na lang sila ng ibang lugar.


Napansin naman ‘yun ni Nhila kaya lalong tumaas ang kilay nito. “Don’t tell me tinarayan niya ang mga AshRalds?” Nakita kasi niyang naghahandang lumipat ng lugar ang mga ito.


Tumayo si Nhila at lumapit at sinenyasan ang mga AshRalds na doon sila sa may likod  nila lumipat. Mas maganda pa ang lugar.


Natuwa naman ang mga fans at sumunod sa senyas ng handler ni Gerald. “Tama ba ‘yung nakita ko na tinarayan pa kayo ng dalawang ‘yun? “ tanong ni Nhila sa mga AshRalds.


“Opo, Ms Nhila. Sinabi lang naman namin na huwag masyadong maingay dahil ang sakit sa tenga ng mga boses nila. Sagot eh di umalis daw kami sa tabi nila. Papatulan ko sana pero sabi ni Ate Elaine huwag na lang daw. Lumayo na lang daw kami.”


“Tamang hindi dapat pinapatulan ang mga ganyang tao,” sang-ayon ni Nhila. “Dito na lang kayo malapit sa amin ni Asher. May chance pa kayong makita ng malapitan si Gerald dahil sigurado akong lalapit dito ‘yan bago mag-umpisa ang laro.”


“Salamat po Ms. Nhila,” sabay-sabay na pasasalamat ng grupo. Kumaway sa kanila si Asher na lalong nagpasaya sa kanila.


Nakita din ‘yun ni Gerald at nung mapatingin sila dito ay kumaway din ito sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga fans sa gesture na ‘yun ni Gerald.

Lalo namang nag-init ang ulo ni Trina sa ginawa na ‘yun ni Gerald. Kanina pa sila sigaw ng sigaw at tawag ng tawag sa binata pero parang hindi sila naririnig nito. Buti pa si Fred at panay ang kaway sa kanila.


“Sinasadya yata ng Gerald Anderson na ‘yan na huwag akong pansinin,” naghihimutok na reklamo ni Trina kay Cheska. “Gusto yata niyang makita kung paanong mainis si Trina Reyes,” banta nito.


“Easy ka lang friend, andiyan ‘yung girlfriend. Syempre kahit gusto niya ay ayaw niyang magalit or magtampo ‘yung girl niya. Bakit ba kasi sumunod ka sa outfit ko? Sinabi ko na sa iyong magpakademure ka dahil nakita mo ba ‘yung Asher Concepcion kung magdamit? Simple pero classy. Dahil ginaya mo ako, ang labas mo niyan cheapy-cheapy at kung makasigaw ka daig mo pa ako. Mukhang hindi ganyan ang type nung taong ‘yun.”


“Paano niya akong mapapansin kung magpapakahinhin ako? Gusto ko nga mapansin niya ako at maikumpara sa manang na girlfriend niya,” sagot naman ni Trina.


“Be careful girl, nagiging personal ka na yata. Mukhang tinamaan ka kay Gerald Anderson. Sabagay hindi kita masisisi, ang hot naman talaga niya pero ingat ka girl. Trabaho ‘to, baka mapahamak tayo. Nagiging careless ka.”


“Huwag kang mag-aalala girl. Sisiguraduhin ko sa iyo, we will hit two birds with one stone. May datung na, may hot pang papa, o diba?”


Naghigh five ang dalawa at halos lumundag sa kilig sa posibilidad na magkatotoo ang mga balak nila.



As expected ay lumapit nga muna si Gerald kay Asher bago mag-umpisa ang laro. Tuwang-tuwa ang mga AshRalds sa nakitang pagpapahalaga ni Gerald sa girlfriend. Kitang-kita nila ang kaligayahan ng hinahangaang artista na nandoon si Asher. Narinig nilang naglalambing ito ng good luck kiss, kinikilig naman ang mga fans na nakakarinig. Halatang naiilang si Asher at pinandidilatan si Gerald pero wala itong pakialam at dinampian ng halik sa labi ang dalaga. Kitang-kita ng mga fans ang malambing na pagpitik ni Asher sa tenga ni Gerald. Hinawakan lang ni Gerald ang kamay na pumitik sa kanya at pinatayo si Asher para kumaway sa mga AshRalds na kilig na kilig sa nakitang sweetness ng dalawa.



Ang eksenang ito ang lalong nagpagigil kay Trina. Wish niya siya ang hinalikan ni Gerald. Lalong halos mamatay ito sa inggit. “Easy ka lang girlfriend. ‘Yang mata mo, masyado kang mahahalata niyan,” paalala ng kaibigan na medyo kinakabahan na dahil kilala niya si Trina.


“Whatever Trina wants, Trina gets.”


“Kaya humanda ka na Asher Concepcion mas mapapadali ang dating ng datung namin dahil mukhang ang kaibigan ko ay all eyes sa iyong loving boyfriend,” tuwang may halong kabang nasabi ni Cheska sa sarili. Napalakas tuloy ang sigaw nito sa magkahalong tuwa at excitement.  “Fred ang cute, cute mo talaga!” sigaw nito.



Napatingin si Asher sa lugar nila Trina. Pinisil ni Gerald ang kamay ni Asher. “Sweetheart, huwag mo akong iiwanan ha. Natatakot ako sa babaeng ‘yun, baka mamaya kung anong gawin sa akin,”  biro nito na natatawa.


“Punta ka na nga doon at baka ikaw na lang hinihintay para mag-umpisa na ang game. Sige na, para matapos na ‘tong game na ‘to. Naiinip na ang mga tao.”  


“Yes sweetheart, basta protect me from them okay?” sabay kindat sa dalaga.


“Sira ka talaga!” Kahit na medyo nag-aalala pa rin ay natatawang sinundan ng tingin ang boyfriend.



Medyo nahirapan sina Gerald sa game na ‘yun. May pagkaphysical ang laro. Ilang beses na nabalya si Gerald ng kalabang team. Everytime na nasasaktan si Gerald ay napapatayo sa upuan niya si Asher.  Maririnig din ang malakas na sigaw ni Trina.


During the halftime ay lumapit uli sandali si Gerald kina Asher. Umupo sandali sa tabi ni Asher. Tinignan naman ni Asher ang balikat ni Gerald na madalas tamaan ng siko ng isa sa mga players ng kabilang team.


“Masakit ba?” tanong ni Asher sa boyfriend.


“Medyo pero mamaya konting masahe mo lang ay mawawala na ‘yan.” bulong ni Gerald sa dalaga.


“Ikaw, nasaktan na panay biro pa.”


“Nagyayaya pala sina Fred na lumabas mamaya. Ano sama ba tayo?”  


“Ikaw, kung gusto mo bakit naman hindi. Sige sama tayo.”


“Parang ayaw ko, lagi naman kaming nagbo-bonding ng mga ‘yan eh. Maiintindihan na nila kung hindi tayo sumama. Sila man ang nasa kalagayan ko ay mas gugustuhin nilang magstay with their loving girlfriend.”


“Kaya mo pang maglaro? Sana hindi magbruise ‘yan. Ilang beses din niyang ginawa ‘yan ah. Ano ba ang problema nung player na ‘yun?”


“Part ‘yan ng game sweetheart. Talagang ganoon, basta walang personalan. Sige, doon na muna ako,” at pumunta na ito sa mga kasamahan.


Pahirapan ang pagscore sa game pero nanalo pa rin sina Gerald ng 4 points. Pagkatapos na pagkatapos ng game ay tumakbo na ang mga fans papunta sa mga players. As expected si Gerald ang pinagkaguluhan. Kahit ang mga security guards ay walang nagawa lalung-lalo na kina Cheska at Trina na talagang sumugod agad kay Gerald. Nagulat pa si Gerald nung bigla siyang yakapin at halikan ni Trina sa labi. Hindi siya nakakilos dahil walang pakundangang kumapit ito sa leeg niya at mapusok siyang hinalikan samantalang si Cheska naman ay panay ang kuha ng pictures.


Napatanga ang lahat sa ginawa ni Trina.  Halos lahat ng kaibigan ni Gerald ay sabay-sabay na napatingin sa lugar ni Asher. Nagulat din si Asher sa nakitang ginawa ni Trina. Pinagmamasdan naman niya ang reaction ni Gerald. Luckily, nagulat man noong una si Gerald ay nakarecover naman agad ito at inalis ang pagkakayapos ni Trina sa leeg niya at pasimpleng inilayo sa kanya. Pero mabilis pa rin itong nakayakap uli sa kanya at tuwang-tuwang sinabing ang galing-galing n’ya talaga samantalang wala namang tigil sa pagkuha ng pictures si Cheska. Ang AshRalds fan na tinarayan ni Cheska ay hindi na nakatiis sa nakita at kunwari ay  ginaya si Trina at yumakap din kay Gerald na sinundan din ng iba pang mga AshRalds. Pinaligiran na nila si Gerald hanggang sa hindi na makasingit si Trina at walang nagawa kundi lumayo na at hanapin si Cheska.


Ang ginawa naman ni Asher nung makitang safe na si Gerald from Trina ay nilapitan nito si Cheska at nakangiti nitong binati na ang ganda naman ng camera nito. Tinanong niya kung anong model, etc. Proud namang sinagot ni Cheska ang mga tanong ni Asher. Magiliw na tinanong ni Asher kung pwedeng makita ang camera, balak din daw kasi niyang bumili ng bagong camera. Binigay naman ni Cheska ang camera kay Asher. Pagkabigay ng camera ay husto namang sumisigaw si Trina sa inis dahil naiipit siya ng mga AshRalds. Yun naman ang hinihintay ni Asher at mabilis niyang  tiningnan ang first and last pictures sa camera. Parehong with Gerald ang first and last. Tinignan niya si Cheska na kinakausap si Trina. Ilang pindot pa sa camera at na-reformat na ang SD card nito.


Narinig ni Asher na tinawag siya ni Nhila, “Asher let’s go. Gerald is  looking for you.”


“Okay Ate Nhila, I am coming. Hey Cheska!  I thought you took  lots of pictures, how come it says no image found dito sa camera mo?”


Nagulat si Cheska at kitang-kita ang panic sa mukha nito. Gustong matawa ng malakas ni Asher sa nakitang pamumutla ni Cheska at lalong nagmukhang papatay ng tao sa inis na mukha ni Trina. Hinablot ang camera kay Asher at tiningnan agad kung totoo nga ang sinabi ni nito. Nagulat na lang ang mga tao sa paligid ng biglang sumigaw si Trina at ibinato ang camera. Susugurin sana nito si Asher na nagulat sa biglang pagsigaw ni Trina pero mas mabilis sina Matteo at Fred. Hinila ni Matteo si Asher at madaliang inilayo palabas ng baskeball court. Hinarangan naman ni Fred si Trina na sinundan ng mga AshRalds para hindi na nito masundan ang dalaga.


"Padaanin mo ako. Sinabotahe niya ang mga pictures ng camera namin. She’s a bitch!”  nagsisigaw sa galit si Trina. Si Cheska naman ay mangiyak-ngiyak na kinuha ang basag na camera.


"Bakit mo ibinato ang camera ko? Malay mo naman corrupted lang yung SD card, hindi lang agad lumabas mga pictures. Pwede pa namang marecover yun,” pilit na hinahanap kung saan tumalsik ang sd card. Basag na basag ang camera sa lakas ng pagkakabato ni Trina na tumama sa isa sa mga poste ng gym.


Narinig ‘yun ng mga AshRald at palihim din nilang hinanap. Hindi nila alam na si Asher mismo ang nakakita nito. Nadaanan nila ni Matteo habang papalabas na sila at palihim itong pinulot ni Matteo.


"Sinumpong ka na naman pagkapilya mo ‘no?" natatawang tanong ni Matteo sa kaibigan. "Winner ang ganti mo mahal na prinsesa."


"Ako pa!” kurot ni Asher sa kaibigan.

Iniabot ni Matteo ang SD card kay Asher with a knowing smile sa isa’t isa. "I owe you one my friend,” bulong ni Asher kay Matteo.


Sinalubong sila ni Gerald at niyakap agad ang kasintahan. "Anong nangyari doon, bakit nagwawala naman ngayon ‘yung weird na babaeng ‘yun? At bakit yakap-yakap ka ni Matteo?" hindi mapigil na tanong ng binata.

“You better go back to your room. Baka abutan pa kayo ng babaeng ‘yun, mas magwala na naman.”


"Salamat uli Matt!” sigaw ni Asher sa kaibigan na palayo na para kunin ang mga gamit na naiwan sa locker room nila.


"May taxi na sa labas naghihintay sa inyo. Mauna na kayo. Kami na ang bahala sa gym bag mo Gerald," nag-aalalang sabi ng handler ni Gerald. "Asher, huwag mong lalayuan ‘yan ha. Ingat kayo."


Magkahawak-kamay na lumabas ang dalawa. May nakaabang namang dalawang security para makasakay sila ng maayos sa sasakyang naghihintay. Pag-upo ay hahalik sana si Gerald sa dalaga pero pabirong sinabi ni Asher na magtoothbrush muna ito at baka daw may naiwan pang laway si Trina sa bibig ni Gerald. Niyakap ng mahigpit ni Gerald ang kasintahan. Nagpapasalamat na hindi ito galit sa ginawa ni Trina.


"Bakit ang lalim naman yata ng pagbuntong hininga mo diyan?” tanong ni Asher kay Gerald.


"Alam mo bang unang-una kitang naisip nung halikan ako ng Trinang ‘yun? Nag-alala ako na baka siya pa ang dahilan ng una nating tampuhan at sirain niya ang time natin dito sa Cebu."


"Hindi naman ako ganoon ka unreasonable ‘no! Nakita naman ng dalawang mata ko na hindi ikaw ang humalik sa kanya saka sabi ko naman sa iyo na may duda ako sa kanila kaya sila ang susunod na project ko."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Something’s telling me hindi nila ini-expect na kasama mo ako dito sa Cebu. Can you imagine if I did not come with you here at lumabas ang mga pictures na nakuha nila with you? Lagi pa tayong magkasama ng lagay na ‘yun pero ang mga pictures n’yo together ay parang kayo lang dalawa ang palaging magkasama. How much more kung wala ako?"


Napatitig lalo si Gerald sa kasintahan. Are you saying  someone is trying to sabotage our relationship? Someone wants us separated? Who could that be?"

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 442 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
102K 3.3K 40
There are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na bi...
1.2K 69 11
JISOO ALCANTARA AY ANG BABAENG MABAIT,MAGANDA,MATULUNGIN... ULILA NA SYA SA INA BATA PA LANG SYA PATAY NA ITO HABANG ANG TATAY NAMAN NYA AY SUMAKABIL...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...