Chapter 28

7.7K 88 79
                                    

Hindi na kumibo si Gerald pero ramdam niya na nag-iba na ang mood ni Asher. Pagbaba nila kung saan naghihintay ang mga kasamahan ni Gerald ay bumati sila sa lahat ng nandoon. Tumabi naman si Asher sa handler at road manager ng kasintahan.


“Nakapagshopping ka din ba Asher? Nabili mo ‘yung mga kailangan mo?” tanong ni Nhila sa kanya.


“Oo ate. May dagdag pa nga eh, itong jacket na suot ko. Bigla ko na lang nakita sa bag pagbukas ko.”


“Typical na ugali na niya iyan. Natutuwa ‘yun pag nakakabili ng little something sa mga mahal niya sa buhay at there’s no doubt na sa ngayon ikaw ang pinakamamahal niya,”  medyo kinikilig na sabi ng handler ni Gerald.


Ngumiti lang si Asher. Napakaswerte nga niya kung tutuusin sa boyfriend. Kailangan lang talagang ihanda niya ang sarili sa mga fans na gaya nina Cheska at Trina. Hindi naman siya nagseselos sa mga fans. Natutuwa pa nga siya sa mga ito pero for some reason kinakabahan siya sa dalawang babaeng ‘yun.


Kinakausap ni Fred si Gerald pero ang isip nito ay nasa kasintahan na palihim niyang pinagmamasdan habang kausap ang handler niya. Ngumingiti ito pero walang kislap ang mga mata. Something is bothering her, he can tell. He is sure it's not because of the fans earlier. Naalala na naman niya ang dalawang babaeng nakasalubong nila. That’s what’s bothering her.


Hindi na nakatiis ang binata at nilapitan ang kasintahan. Nagulat pa ang dalaga nung maramdaman ang pagyakap ni Gerald sa likod niya habang nakikipagkwentuhan kay Nhila. Nilingon niya ito na may nagtatanong na mga mata.


"Wala, napansin ko lang na matamlay ka. Inakay niya palayo ang dalaga sa karamihan. What is bothering you sweetheart?”


"Hindi ako nagseselos sa mga fans mo ha. Don't get me wrong. There is something I cannot explain yet about those ladies na nakasalubong natin kanina.”


"I am starting to understand what you mean nung sinabi mong kinakabahan ka sa kanya. Don't worry, she is not my type."


"It's not that. There is more to that. Mag-iingat ka sa kanila ha."


"Hay salamat, akala ko sa akin ka galit. I love you,” hinalikan ang dalaga sa labi na walang pakialam kahit alam niyang maraming tao sa paligid.


"Bro, huwag kang mang-inggit!" sigaw ni Enchong.


"Tama ka na nga,” sabay kurot ni Asher kay Gerald. “Ayan tinutukso na tuloy tayo."

"Hayaan mo sila. Wish lang nila may girlfriend din silang gaya mo," proud na sabi ng binata.


"Sige na, doon ka na sa kanila para mapag-usapan n’yo ang game mamaya. Okay lang ako dito kina Ate Nhila."


Nag-aalangan pa sanang iwanan ni Gerald si Asher pero nakikiusap ang mga mata nito na iwanan na lang muna siya para tigilan na sila ng mga kaibigan sa panunukso.

Sana Ikaw Na NgaWhere stories live. Discover now