Chapter 33

7.9K 85 46
                                    

Hinde na napigilan ni Asher ang pag-iyak ng yakapin siya ng kasintahan. Akala niya magiging super saya ang natitirang linggo niya sa piling ng kasintahan bago  siya bumalik ng New York, hinde pala.

Naisip ni Asher ang huling sinabi ni Ray, “if I can’t have you , no one can.” Lalo itong napaiyak. Tumalab na ba agad ang sumpa ni Ray? or may kinalaman na naman siya sa bagong development na to?” The thought na may kinalaman si Ray sa nangyayaring problema nila ni Gerald ay nakaramdam ng matinding galit si Asher. Mali sana ang kutob ko at kung may kinalaman ka dito Ray, ewan ko na lang saiyo . Hinde ko alam gagawin ko pag nagkataon.

“Sweetheart, huwag ka ng umiyak , kaya nga halos ayaw kong sabihen saiyo dahil ayaw kong mag aalala ka pa . Kung pwede ko nga lang sarilinin na lang para hinde mo na malaman pa.”

“Ang mahalaga , mahal mo ako , mahal kita. Kakayanin natin to dahil alam naman natin ang tutuo di ba?  Next time na makipag meeting ka uli sa kanila. alamin mo na kung ano talaga ang gusto nila , then reason out and compromise. Huwag mong daanin sa init ng ulo.”

“Buti na lang napaka reasonable mo , napaka uncomplicated mo. Ang dali mong makaintinde. Mas natanggap  mo pa ang news ko ng maayos kesa sa akin. Sana ikaw na lang ang ka love team ko on and off camera. Ayaw mo ba talagang mag artista? “ biro na nito sa kasintahan.

“Buti nga hinde ako artista, baka mas komplikado pa, yang pagkaseloso mo na yan , baka lahat ng artistang lalaki  na madikit sa akin , may issue ka. “

“Hinde lang issue , baka may bigwas pa, seryosong sagot ni Gerald.

“See , paano naman kaya ako pag nag umpisa na ang promo ninyo ng mga projects mo? Di bale baka nasa New York na ako nun, hinde na lang ako magbabasa ng mga filipino tabloids and newspapers.  

Napahigpit ang yakap ni Gerald kay Asher pagkarinig ang pagbabalik nito sa New York. Yun pa ang isang nagpapagulo ng utak niya.  Palapit ng palapit ang araw ng pag alis ni Asher, yun lang ay hinde na niya alam kung paano ang gagawin niya pag wala na ito.

Inabot na ang dalawa ng halos hatinggabi sa may pool na magkayakap na nakaupo  sa isa mga lounging chair. Kung hinde pa sila inumpisahang kagatin ng lamok ay hinde pa sana sila papasok sa loob ng bahay nina Asher , Duon nila na realized na gabi na kaya nag hesitant na ring nagpaalam si Gerald.

“Good night hon, ingat ka sa pagmamaneho ha. Kaya natin to, bukas may maiisip na tayong solution sa problema natin.”

Dinampian ni Gerald ng halik ang labi ng dalaga. “Good night sweetheart. Sana nga mag dilang anghel  ka.”

“Tawag or text ka ha pagdating mo ng bahay  nyo para alam kong safe ka ng nakauwi.” Bilin ni Asher .

Napangiti si Gerald, wala na siyang hahanapin pa sa girlfriend. Alam niyang nasasaktan din ang dalaga at nag aalala pero pinipilit pa rin nitong maging positive at palakasin ang loob niya. Pinaparamdam sa kanya ang suporta nito kahit ano pa ang mangyari. Tama siya , kaya namin to. Kahit ano pa sabihin or ipagawa sa amin as long as alam namin ang tutuo, yun ang mahalaga. Yung alam naming mahal namin ang isat isa. Haharapin ko to with an open mind gaya BabyGirl. Isa kang inspirasyon.

Matagal na nakatitig si Asher sa harap ng laptop niya. Huminga ito ng malalim at nag umpisang mag type.

Natigil lang ito sa ginagawa ng marinig ang phone na nag buzz. Alam niyang si Gerald yun, nakarating na siguro ng bahay. Kinuha ang phone at binasa ang message ng boyfriend.

“Tulog ka na Babe, love you! “ Reply ni Asher sa text ni Gerald.

Hinde napigil ni Gerald na halikan ang phone niya sa tuwa sa girlfriend. Napaka swerte niya, naalala niya ang sabi ni Matteo nung unang araw na makilala niya si Asher na nun daw yatang naghagis sa taas ng talents ay si Asher lang ang gising at nasalo na niya lahat. Ngayon masasabi niyang hinde lang talents ang nasalo ng kasintahan kundi pati lahat ng magagandang ugali na pwede mong sabihen sa isang tao ay nasa kanya na.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon