Chapter 23

8K 98 46
                                    

Masaya at magkahawak-kamay na pumunta na sa backstage ang dalawa. Marami pa rin ang bumati sa kanila, karamihan ay kinikilig pa. Marami ang nagsabing bagay na bagay daw sila. Nakita nila si Ray na nakatingin lang sa kanila at nang magtama ang mga mata nila ni Asher ay ngumiti ito. Hindi naman magawang hindi ngitian din ni Asher. Kapansin-pansin ang pag-aliwalas ng mukha ni Ray nung suklian ni Asher ang ngiti nito.  Napansin din ‘yun ni Gerald pero hindi na lang ito kumibo. Mabait lang talaga ang dalaga kaya hindi niya magawang hindi din ngumiti sa nakangiting si Ray.

“Tara magbihis na tayo, bumalik na lang tayo agad para panoorin ang number ni Sam,” yaya ni Gerald kay Asher na parang nabigla pa.

“Mabuti pa nga, mukhang hindi pa naman sila ang susunod na magpeperform,” sang-ayon naman ni Asher.

Huminto sandali si Gerald sa tapat ng dressing room nila Asher at hahalik sana ito nang biglang bumukas ang pintuan. Nagulat pa si Kim nang makita sila na nandoon. “Uy, kayo pala. Pasok kayo, wala namang ibang tao sa loob,” imbita ni Kim sa kanila. “Lalabas na rin ako, susunod na kami nina Maja.”

“Thank you, pero dito na lang ako sa labas, nakakahiya naman kung biglang may bumalik, makita pa ako sa dressing room ninyong mga girls,” nakangiting sagot ni Gerald kay Kim na nagmamadali nang lumabas pero biglang may naalala at sinabing, “Siyanga pala Asher, may nagpadala ng bouquet of flowers sa iyo. Andoon sa harap ng mirror.”

Natigilan si Asher at napatingin ito kay Gerald. “Thank you Kim!” pahabol na pasasalamat ng dalaga kay Kim.  “Sa iyo ba galing yung flowers?”  tanong nito kay Gerald na nakatiim bagang.  

“Hindi sa akin galing ‘yun pero alam ko kung sino ang nagbigay. Nakita ko siya kaninang hawak-hawak niya ang favorite flowers mo. Alam ko na agad na para sa iyo ‘yun,” may tonong inis na sagot ni Gerald.

“Sa kanya pala galing. Talagang ayaw niya akong tigilan ‘no? Bakit kaya? Ano kaya ang nakain at masyado naman yata ang pagpaparamdam?”  

“He wants you back. Don’t you know that yet? Wasn’t that the reason why he gate crashed your party? He wanted to know if you still love him. He doesn’t believe that you have already moved on and don’t care about him anymore!”

“Bakit sa akin ka nagagalit?” Asher made a face at him. “Nagseselos ka ba?”

“Bakit kasi kailangan mo pa siyang ngitian? Di ba dapat galit ka sa kanya? Bakit mo sinuklian kanina yung smile niya sa iyo? Nakita mo ba kung gaano mo siya napasaya? Parang nanalo sa lotto eh.”

“Anong nangyari sa iyo? Sobra naman yata ‘yang inis mo sa kanya? Nadaig pa yung galit ko ah.”

“Sige na nga, magpalit ka na. Baka ma-miss pa natin yung number ni Sam, ako pa sisihin mo.”

“Okay,” pumasok na si Asher sa dressing room nila at nang isasara na niya ang pinto ay bigla siyang kinabig ni Gerald at hinalikan siya nito. Napahawak si Asher sa leeg ng binata sa gulat at namalayan na lang niya na tinutugunan din niya ang halik nito.

“You are mine. He has no business in your life now, can you not tell him that?” mariing sabi ni Gerald.

Kinurot ni Asher ang binata. “Gumising ka nga, nakakalimutan mo yata ang nature ng relationship natin. Kung makaselos ka para namang totoo.”

“Gusto mo yatang mahalikan uli para maramdaman mo yung selos na may halong tampo this time,” pilyong biro ni Gerald para itago ang kirot na nararamdaman tuwing pinapaalala ni Asher ang tunay nilang relasyon.

“Sige na, see you later, baka ma miss natin yung number ng kapatid ko, talagang ikaw ang sisihin ko.”  Sinara na ni Asher ang pinto bago pa makahirit uli si Gerald. “Ang kulit naman talaga.” Nilapitan ang bulaklak na bigay ni Ray at binasa ang note. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng lungkot. “Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? Bakit ginugulo mo na naman ang tahimik ko nang buhay? Wala ka naman na talagang karapatan pang guluhin uli ang buhay ko. Minahal kita ng sobra-sobra noon pero sana naman matanggap mo na hindi na pwedeng maibalik pa yung dati. Sinaktan mo na akong maigi. Hindi mo na kayang burahin pa yun.”

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon