PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Veinte - Utak at Puso

394 13 14
By muddy_maddie

JM's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Ang labo ng paningin ko.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.
Ngunit unti unti naman itong nawawala.

May naaaninaw akong nakayuko sa kama ko. Kinusot ko naman yung mata ko para umayos na ang paningin ko. Hindi nga ako nagkakamali..

Si Jaki, dito pala sya natulog. Nagising ako noong may nagring na phone at narinig ko yung boses nya. Tumawag yata sa kanya si Madc dahil narinig ko yung pakikipag-usap nya doon. Gusto ko imulat yung mga mata ko kagabi pero sobrang bigat nito. Kaya't hinayaan ko na lang na nakapikit ako. Kahit na akalain nyang tulog ako. Narinig ko yung rants nya. Yung pagbibiro nya na bakit di ko sya ligawan.

Gusto ko man sagutin iyon. Pero hindi pa sa ngayon.

Tinignan ko yung kabuuan ng mukha nyang malaanghel habang natutulog siyang ginawang unan ang kanyang mga braso. Kinakabisado ang bawat angulo nito, bawat parte ng mukha nya. Gusto kita Jaki pero hindi pa pwede.

Ayaw ko syang ligawan dahil alam ko sa sarili kong talo ako. Ayaw ko dahil hindi ko pa kayang magtake ng risk tapos mawawala sya sa akin. Baka di ko kayanin. Ayaw kong umamin habang hindi pa sya handa, habang magulo pa rin yung utak nya. Ayaw kong magmahal kung yung taong mahal ko may mahal pa rin na iba. Ayaw kong masaktan. Ayaw ko manakit. Ayaw kong dumagdag pa sa mga iniisip nya ngayon.

Maingat akong bumangon para hindi siya magising.

Kapag kaya nilipat ko sya sa kama magigising kaya siya?

Sinubukan ko siyang gisingin pero di nagising.

So I decided to carry her. Maingat ko siyang binuhat para sa kama siya mahiga. Kinabahan pa ko dahil gumalaw siya pagbaba ko sa kanya sa kama. Saglit pa kong hindi gumalaw para hindi siya magising. Tinanggal ko yung sandals nya na suot at kinumutan na rin siya.
Nilapag ko naman sa tabi ng pinto yung sandals nya para madaling makita at naglagay na rin ako ng tsinelas sa paanan ng kama. Kung sakali mang magising siya.

Nakita ko namang may instant soup sa side table ko katabi nito ang isang cup na may tea bag pero ubos na yung tea.

Nasa cabinet ko 'to ah. Ano pa bang hinalungkat nitong babaeng 'to?

Tinungo ko naman yung kitchen para dito sa soup. Kumuha na rin ako ng isa pa. Pero di ko muna ginawa.

"Bakit kasi sumalampak ka sa floor. Pwede naman sa lazyboy." Pagtukoy ko kay Jaki.

Pagbalik ko sa kwarto ay naupo ako kung saan siya natulog kagabi. Nagpalit lang kami ng position.

Medyo di pa okay yung pakiramdam ko, pero okay lang. Nakakagaan naman ng loob yung mala anghel na natutulog na mukha nung nasa harapan ko ngayon e.

Habang nagsusoup paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanya.

Nangmatapos ko iyon ay nilapag ko muna sa side table.

Ginaya ko naman yung position nya kanina tsaka naghum naman ako ng everytime na kanta. Nahuli ko nalang yung sarili kong hinihimas yung buhok nya. Nagulat ako doon pero napangiti nalang ako. Hinawi ko naman yung buhok nyang humarang sa mukha nya.

"I'm scared to fall in love
Afraid to love so fast
Cuz everytime I fall in love
It seems to never last"

Pagkanta ko ng mahina. Pero nagulat ako ng gumalaw sya at nagkusot ng mata.

Ibinalik ko naman yung braso ko sa pagiging patungan ng chin ko para mapagmasdan yung paggising niya.

Ramdam na ramdam nya pa yung kumot na nilagay ko kanina.

Jaki's POV

Hayyyyyyy ang sarap mag-unat!
Ang sarap ng tulog ko.

"Thank you, Lord!" Sabi ko ng mahina pero may feelings talaga.

Ganda ng kanta sa panaginip ko.

Natigilan naman ako ng maalala yung kagabi. Panaginip nga ba 'yon?

Napatitig naman ako sa kisame. Hala! Na saan ako? Bakit parang sobrang lumambot yung kama ko.

Lumingon naman ako sa gilid. Nakita ko yung window. Sliding window. NO!!!!!

"Good morning!" Napalingon naman agad ako sa kanan ko dahil doon nagmumula yung boses na 'yon. Boses ni JM.

"Oh My God! Bat ako nandito sa kama mo!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang mapagtantong nasa opisina nya ko sa bar.

"Magaling ka na ba? Uminom ka ba gamot?" Kumain ka na?
Sunod-sunod na tanong ko tsaka hinawakan ng dalawang kamay ko yung magkabilang pisngi nya tsaka yung noo. Kinapa buong pagmumukha niya.

"Kumalma ka nga. Okay na ko. Thank you sa pagbantay sa akin matulog." Natatawa nyang sabi.

"Tayo ka na dyan. Ipagluluto kita." Sagot naman nya. Iniwan nya kong ganun ganun nalang tsaka lumabas

Napatakip naman ako sa bibig ko nang mapagtanto kong di pa ko nagtutoothbrush o kahit mumog man lang.

Nakakahiya! Pwede bang magteleport na ko pauwi?


Nag-ayos naman ako ng sarili ko, nalukot na rin yung damit ko sa pagkakahiga ko dito.

Tumabi ba ko sa kanya kagabi? Wala naman akong maalalang ganon.

Paglapat ng mga paa ko sa sahig ay may nakatabi na sa aking tsinelas.

Nakatabi sa may pintuan yung sandals ko.

Napakaprinsesa naman pala ng mga bisita nya dati kung meron man bukod sa ex niligawan nya.

"Jaki! Tayo na dyan. Sunny side-up o scrambled?"

"Sunny side-up." Sagot ko naman at lumabas na rin ng kwarto nya. Bakit biglang may itlog na? Kagabi lang wala akong makita sa ref nya kundi tubig.

Sinundan ko naman yung mga kalasing ng mga ginagamit nya. Nasa kusina sya.

May portable table pala siya dito.

Di ko napansin na nakafold pala yon at nakaattached sa pader.

Pati na rin yung upuan nyang folding.

"Napakalupit naman nito. Ikaw ba nagdesign nitong bar mo? Tsaka nitong opisina mo?" Sabi ko matapos maupo dito.

"Oo. Bakit ka pala napadpad dito? Hulaan ko, wala na kayo." Pangunguna nya naman sa akin. Humarap sya tsaka nilapag yung plato na may itlog at hotdog tapos may pandesal nanaman siya.

"Tinanong mo pa ikaw rin pala sasagot."

"Ito naman, biro lang aga aga nagsusungit ka nanaman." Sabi nya at inabot sa akin yung ketchup.

Kinuha ko naman iyon at naglagay sa gilid ng plate. Habang siya naman ay naghahati ng pandesal gamit yung bread knife.

"Thank you." Napatingin naman ako sa kanya. Sobrang sincere kasi nung pasasalamat nya.

"Ha? Para san?"

"Wala. Sige na kumain ka na." Inilapit pa nya yung plato ko sa akin.

"Eh ikaw?" Tanong ko naman

Kumuha naman sya ng pandesal. Tapos nilapag sa tapat ng plato yung tubig.

"Nagsoup na ko. Yung nilabas mo. Tsaka okay na ko dito." Pinakita pa yung pandesal nya. I mean yung tinapay na hawak nya.

Malay ko ba kung may ano sya. Hahahaha.

"Alam mo, kung di kita kaibigan aakalain kong baliw ka." Tinignan ko naman sya ng masama.

"Ngumingiti kasi mag-isa. Ano ba iniisip mo?"
Sabi nya at naupo sa harap ko.

"Tinititigan mo lang ako e." Pag-iwas ko naman sa kanya. Tsaka ako bumawas ng itlog at pinalaman ito sa pandesal.

"Sus, iniisip mo lang ako e. Crush mo ko no?"
Sabi pa nya bago kumagat sa pandesal nya, na hawak nya.

"Bakit ba napakakapal ng mukha mo?" Tinuro ko pa sya nung tinidor.

"Hoyyy, masama yan."

Bigla namang may namuong katahimikan sa aming dalawa. Tanging pagtama na lamang ng tinidor sa plato ang naririnig namin.

"May problema ba?" Pagbabasag nya sa katahimikan.

Kinuha nya naman sa bulsa yung phone nya.

"May text ka pala. Sorry di ko agad nakita kagabi. May kausap kasi ako nun."

"Okay lang."

"Ano ba yung gusto mo pag-usapan?" Tanong nya at tumingin sa akin. Sa mata.

"Ano.." nag-ipon muna ko ng lakas ng loob na magkwento.

"Hmm?" Saad nito na nag-aabang ng kwento.

Iyon palang yung nababanggit nya pero ang gaan na nung pakiramdam ko na magkwento. Na parang sinasabi na nyang makikinig siya.

"Si Tom, sorry pala kung anu mang ginawa nya sa'yo kagabi."

Natigilan naman sya sa pagkain.

"Pano mo nalaman?" Tanong nya.

"Pagkaalis nya dumating ako."

"Huh?" Sobrang takang taka naman yung mukha nya.

"Pinaalis ko na yun bago dumating si.. yeah pinaalis ko sya. Muntik na ko ma-out of balance kasi kaya nainis ako."

"Sorry."

"Ayaw ko nang bumalik pa sya. Pero napapaisip nanaman ako. Di ko na alam kung pano gagawin ko e. Tulungan mo naman ako."

"Alam mo, ikaw lang rin naman makakapagdecide para sa sarili mo. Kasi ikaw yung masusunod kung anong gusto ng puso mo. If you love him, then wait for the right time na alam mo na yung kung ano ba talaga. Kung mahal ka nya mahihintay nya rin 'yon. Nagiging complicated lang naman talaga yung lahat kapag hindi napag-uusapan. Pero bigyan mo naman ng limit yung sarili mo magpakatanga."

Grabe naman yung huling words na sinabi nya. Para kong pinatungan ng tanga na word sa ulo at lumubog dito sa upuan.

"Mahalin mo yung sarili mo. Tsaka mo alamin kung ano ba talaga yung gusto mo. Malay mo minsan di mo na pala mahal pero nasasanay ka lang na nandyan sya. Meron namang di mo alam na mahal mo na pala, hinahanap mo akala mo nasanay ka lang pero iba na pala. Magkaiba yung nasasanay ka lang sa hinahanap mo na."

"Wala pa nga akong sinasabi alam mo na agad yung sasabihin mo."

Nagslow clap pa ko.

"Di ko alam kung seryoso ka ba o ano e." Sabi nya. Napailing pa. Pero natatawa rin. Iniwasan ko nanaman kasi.

"Alam mo problema mo? Nagtatalo yung utak at isip mo. Gusto mo mapag-usapan pero di mo kaya. Kasi bibigay ka."

Sobrang tama talaga yung sinabi nyang bibigay ako.

Made in China talaga. Hayyyysssst mommy!!! Heeeeellllppp!

"Sige na tapusin mo na yan. Ihahatid na kita."

Tatayo na sana sya pero hinapit ko yung braso nya.

"Wait, maupo ka. May di ka pa kinukwento."

Saglit siyang natigilan pero agad din naman nyang binawi iyon ng may ngiting nakakawasak ng puso kapag nakikita mo. Dahil alam kong malungkot iyon.

Nagbuntong hininga siya bago magsalita.

"I dont know where to start. Maybe you can ask me questions for me to talk about it."

"Okay ka na ba ngayon?"

"Yes po. I'm good."

"Saan ka ba galing bago ka magpunta sa bar? Mainit yata ulo mo kagabi e."

"Sa firm, deadlines, revisions, clients..di pa ko nasanay. O baka nakalimutan ko na ganun kasi I almost gave it all kay Vhong pero kasi Vhong needs a friend. At ginugusto ko nanaman yung field na 'yon, kaya siguro apektado nanaman ako."

Ibubuka ko pala yung bibig ko para magtanong pero nasa momentum na yata siya ng pagkukwento kaya't hinayaan kong ituloy nya 'yon.

"Tapos dinaan ko sa inom, then your ex came. Nagkasagutan kami kasi mainit ulo ko. Yung kayabangan nya kasi di nakakatuwa. Sorry kung pinatulan ko. Di ko naman sinapak don't worry."

"Okay lang kahit sapakin mo. Matigas naman mukha nun e."

"Pero mahal mo." Sabi nya tsaka ngumiti nanaman ng may lungkot.

Bakit ba ang lungkot nya..

"Mahal ko pa." Sabi ko

"Pero parang ayaw ko na." Dugtong ko pa.

"Paano kapag sa huling chance kung bibigyan mo sya di natin alam na yun na talaga, okay na?"

Di ko na alam sa kanya ginugulo na nya ko lalo.

"Kanina parang mo na ilimit ko katangahan ko ngayon naman parang sinasabi mo na why don't I give him last chance, ano ba talaga, JM?"

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Sorry na. Well, di rin naman kasi natin alam talaga. Kaya nga na sa'yo ang bola 'di ba?"

Napatango nalang ako.

"Pero may isa pang dumating kagabi tama?" Tanong ko pa.

"Oo. Tumpak! Hahaha" natatawa nyang sabi.

Di ko malaman kung totoong tawa ba 'yon o natawa nalang sya sa sarili nya.

"Ano nangyari? Akala ko mas malakas ka sa alcohol. Itutumba ka rin pala non."

"Ewan ko, abnormal ng mata ko e inaantok yata ako kagabi kaya ganon."

Di ako sumagot at naghintay lang ng sasabihin nya kung may gusto man sya sabihin.

"Wala na kong pakialam sa kanya. Sa sasabihin nya. Sa mga rason nya. Nalinawan na ko before. Mas lalong naging malinaw sa akin kagabi na tama yung mga kaibigan ko. Tama yung pamilya ko. Na making tao pala yung minahal ko. Sobrang di ko lang naman malaman talaga yung kung bakit sa dami ng tao sa mundo bakit ako pa yung napili para lokohin. Para gawing gago. Nakamove on na ko Jaki, hindi ko lang talaga alam kung anong tawag sa nararamdaman ko kung nagagalit ba ko sa sitwasyon sa ginawa nya not sa kanya, sa ginawa nya talaga ganon. Kasi okay akong nakikita ko silang masaya sobrang wala akong pakialam. Yung feeling lang na bakit ako nalang palagi? Wala bang iba?"

Deretsong kwento nya.

Napainom siya ng tubig matapos sabihin 'yon.

Sa pagsalita nya na 'yon ay parang naubusan din ako ng laway.

"Di ba? Bakit tayo? Bakit tayo yung ginaganito? Ano bang ginawa nating mali? Hindi naman maling magmahal, mali lang naman yung taong minahal natin."

Ramdam kong walang bitterness doon sa tanong nya sadyang palaisipan lang talaga na pinagtataka nya yung huli nyang sinabi.

"Relak. Puso mo." Sa dami ng binanggit nya iyon lang yung nasabi ko.

JAKI!!! WRONG WORDS!

Di ko alam kung ano magiging reaksyon nya dahil nakatitig lang sya sa akin ngayon.

Nang dahan-dahan siyang ngumiti sa akin. At pinat yung ulo ko. Tapos ginulo ito.

Dahan-dahan ko namang inangat yung dalawang daliri ko.

"Hehe. Peace!"

"Abnormal ka talaga."

"Maliligo ka ba bago kita ihatid? Kasi maliligo muna ko bago umalis." Tanong nya pa.

"Wala akong damit."

Nabalot nanaman ng katahimikan yung kusina nya.

"Gusto mo magbihis nalang? May white shirts pa naman ako dito." Nahihiyang tanong nya.

"Okay lang ba? Ibabalik ko nalang." Sabi ko pa.

"Oo. May shorts din naman ako kung gusto mo."

Tumayo naman sya.

"San ka punta?" Tanong ko.

"Ay sorry sige kain ka muna hintayin kita matapos." Bumalik naman sya sa pagkakaupo.

"Uy, hindi okay lang."

"Kukuhanin ko lang damit mo sana."

"Go lang."

"Ahm, JM, may bimpo ka ba?"

"Meron kuha na rin kita." Sabi nya tsaka tumayo. Patapos na rin naman ako kumain.

Niligpit ko na yung pinagkainan at huhugasan na.

"Uy! Ako na dyan. Sige na magbihis ka na. Kung kailangan mo ng towel meron naman akong extra sa cabinet" Kinuha nya naman sa akin yung pinagsamang mga hugasin.

"Dito yung banyo." Pag-alalay nya naman sa akin.

Tinulak nya naman ako papasok sa banyo.

"Kung makatulak ka naman akala mo napakabaho ko ah!?" Reklamo ko sa kanya.

"Hehe di naman sa ganun. Para lang di ka makipagagawan sa sponge. Sige na. May shampoo dyan may sabon rin sa cabinet yung di pa gamit." Sabi pa nya tsaka sinara yung pinto.

Problema nun?

Wow, di naman kalakihan yung cr nya sakto lang para sa paliligo at may bowl rin. Pero maluwag pa rin.

Naglinis lang ako ng katawan. Dahil di naman ako makakaligo.

























Ang sarap sana kung ligo yung nagawa ko.

Paglabas ko ng pinto ay nandun si JM sa sofa nagkakalikot sa phone.

Di naman nya ko napansin kaya kinuha ko yung suklay sa bag ko at tumabi sa kanya habang nagsusuklay.

"Ay tapos ka na pala." Binitawan nya naman na yung phone at nilapag iyon sa tabi ko at di ko sinasadyang makita kung anong nakalagay doon. Naglalaro lang pala pero yung mukha seryosong seryoso.

"Saglit lang ha? Laro ka muna dyan sa phone ko wag mo papatalo ha?" Sabi nya tsaka ngimiti sa akin at tumalikod para pumunta sa banyo.



"Jaki...







******

May mga panahon na kapag gulong gulo ka na sa nararamdaman ng puso mo, kailangan mong alamin  kung ano ba yung sinasabi ng isip mo at timbangin kung ano man yung mas tamang gawin.

-awe_somebuddy

Good evening!

Continue Reading

You'll Also Like

678K 33.5K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
12.1K 286 29
This is the Love Story of CaitBea. Please continue to support This is a Fictional Story. CaitBea hanggang dulo
10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...