Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 7 ] The Other Sides of the Story

59.9K 852 87
By JeraldineTanL

90 votes :) I think worth it naman yung update na to para sa quota ko e. Ramdam ko din na konti lang readers ng SIL. Siguro hindi naman sa konti at sadyang hindi lang nagvovote yung iba. Please be active guys kahit sa pagvovote lang para naman sipagin ako gumawa ng update diba? :) Malay niyo magkasudden turn of events (^^,) but dont expect too much dahil baka hindi ko maabot yung expectations niyo at magkaroon kayo ng false hopes :) ANg masasabi ko lang, madaming twists ang book 2 at nareveal na yung ilan sa mga yun :)

Nagulat ako sa sobrang daming haters nina Mika at Risa :)) Narealize ko lang sa last update dahil sa mga comments niyo. Hindi ganun kalinaw yung sa last update diba? Nandito sa update na to lahat ng pwede niyo malaman at malilinaw na lahat. enjoy!

Please follow me on twitter :) I really don't follow back. Starter pa lang ako at hindi pa ko marunong gumamit but I'm learning ^^ @ilovejeraldine Salamat sa mga magpafollow. (^^,)

Fansign on the side by Diane Trinidad :)

VOTE || COMMENT || LIKE || BE A FAN

-AineTan

-------------------------------------------------------------

CHAPTER 7: The Other Sides of the Story

Papunta na ako ngayon sa condo unit ni Mika. Makikipagkita ako sa kanya dahil gusto ko siyang makausap bago ko pa man kausapin si Gab. Simula kasi nung mamatay si Jin, hindi ko pa nakakausap si Mika at sa tingin ko, ngayon yung tamang tyempo para magkausap kami. Pagkadating ko sa tapat ng unit niya, nagdoorbell ako kaagad at nagulat ako sa taong nagbukas ng pinto.

"G-Gab?! Bakit ka nandito?" tanong ko

"Mika, may bisita ka. Sige aalis na ako" -Gab

Lalabas na sana si Gab pero hinawakan ko yung braso niya.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko"

"Mamaya na lang tayo magusap" -Gab

"Oh KL! You're here na pala. Let's get inside. Wag ka na muna umalis Gab. Dumating lang si KL tapos nahiya ka na? C'mon! Kakarating mo lang kaya" -Mika

"Anong kalokohan na naman ba to Mika?" -Gab

"Teka lang ha? Naguguluhan na ako. Kahapon kasama mo si Risa tapos ngayon si Mika naman. Ano bang mayroon sa inyong tatlo ha? Pwedeng pakipaliwanag sakin?"

"Let's talk inside. Get in KL. Ikaw din Gab para marinig mo yung paguusapan namin" -Mika

Pumasok na kami lahat sa unit ni Mika at pumwesto sa living room. Magkatabi si Mika at Gab ngayon at kaharap ko sila. Ang dami kong gusto malaman.

"Anong meron sa inyong dalawa? Bakit siya nandito sa unit mo Mika? Ano bang relasyon meron kayo?"

"Well, he's my soon to be boyfriend kaso baka maudlot kasi dumating ka" -Mika

"S-soon to be girlfriend?!"

"Yes. Nagulat ka ba? Gab originally liked me. Bago niya pa magustuhan si Jin, may gusto na siya sakin. Don't you know that?"

"Alam ko. How could you do that Gab?! Sila yung may kasalanan kung bakit namatay si Jin pero kinakaibigan mo sila! Paano?"

"Mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong mo sakin kapag tayong dalawa na lang yung magkausap" -Gab

"KL, it's not my fault that an accident ocurred that time. Sinaktan ko lang siya by using Risa and tht where I'm at fault but you accusing me of killing that girl is so not cool kasi wala naman talaga akong kasalanan. Siguro naman naliwanagan ka na ngayon?"

Tama si Mika. Sinaktan niya lang si Jin pero kung nahulog man yung sasakyan ni Jin, wala na siyang kinalaman doon pero may kasalanan pa din siya kasi kung hindi nila sinaktan si Jin noon, siguro nakapagfocus siya sa pagdadrive.

"May kasalanan ka pa din Mika! Kailangan mong managot sa ginawa mo"

"C'mon KL! Use that mind of yours! Mahina ba talaga yang utak mo o sadyang hindi ka lang marunong umintindi?"

Tumayo ako at sasaktan ko sana siya kaso tumayo din siya.

"This is my place. Try to do something inappropriate at kakasuhan kita ng trespassing"

"Kakasuhan din kita sa ginawa mo sa bestfriend ko!"

"Five years has passed. Hindi na yan tatanggapin ng korte. Tinatakot mo ba ako? Alam mo, instead of whining, just move on! Lahat ng tao sa paligid mo, tanggap na yung nangyari and you are the only one that's kept on bringing back the past"

"You don't know how I feel Mika"

"She's dead KL. She will never come back except na lang kung may zombie apocalypse dito and that's the truth. Walang mangyayari sayo kung hindi mo bibitawan yung past. Remember that. I think I made myself clear and if you don't have any other concerns, you can go"

Kinuha ko na yung bag ko at tumayo saka ako lumapit sa pinto.

"May hihilingin lang sana ako aayo bago ako umalis" sabi ko

"What is it dear?"

"Iboyfriend mo na lahat ng gwapong lalaki pero wag si Gab dahil hindi ko matatanggap na kalevel ka ni Jin. She's way better than you and Gab's a good guy. You don't deserve him"

Pagkasabi ko nun, lumabas na ako ng unit niya at dumeretso sa CR dito. Inis na inis ako sa mga sinabe niya pero hindi ko magawang saktan siya.

Malinaw na ang isang bagay sakin ngayon. Hindi girlfriend ni Gab si Risa kaya wala akong dapat ipagalala.

Nagpalipas lang ako ng init ng ulo dito sa CR at saka ako lumabas. Nakita ko naman si Gab na naghihintay doon.

"Ang tagal mo" -Gab

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi ba halata?"

"Hindi ka na nagbago. Hindi ka pa din sumasagot ng deretso. Saan tayo maguusap?"

"Doon na lang sa unit ko. Mahirap na e. Ang ingay mo pa naman"

"Ang sama mo Gab! Bakit? May dahilan ba para masigawan kita?"

"Ewan ko. Tara na"

Pumunta na lang kami sa parking lot kung nasaan yung sasakyan niya at saka siya nagdrive papunta sa isang condominium na malapit lang din kina Mika. Pagkapark niya, dumeretso na kami agad sa unit niya.

"Infairness, malaki yung unit mo Gab ah?"

"Ganun talaga"

Pumunta siya sa kitchen at sumunod na lang ako. Kumuha siya ng in-can na softdrinks at saka niya hinagis sakin yun at nasalo ko naman.

"Doon tayo sa sala"

Pumunta na lang kami sa sala at umupo sa sofa. Ang lamig naman dito sa unit niya -___- Sagana sa aircon.

"May iba pa ba na nakatira dito?" tanong ko

"Oo"

"Sino?"

"Si Risa"

"Si Risa? Bakit siya dito nakatira? Ano bang meron sa inyong dalawa?"

"Wala. Sa bahay pa din siya nakatira pero minsan nandito siya"

"Wala? E bakit ganun na lang kung ipagtanggol mo siya kahapon? Akala ko girlfriend mo siya"

"Kapatid lang turing ko dun. Kagaya ng sinabe ni Mika kanina, wala naman siyang kasalanan kaya ayaw ko na sinasaktan mo siya"

"Mamaya na natin pagusapan yung pagkamatay ni bessy. Gusto ko muna malaman lahat ng nangyari. Diba may gusto sayo si Risa? For sure, aware ka doon. Anong nangyari?"

"May gusto pa din siya sakin hanggang ngayon"

"First love mo siya diba? Hindi mo ba naisipan na ligawan siya?"

"Kagaya ng sinabe ko kanina, kapatid lang tingin ko sa kanya. Nililigawan din siya ni Vince ngayon"

"Vince? Yung kapatid ni Jin?"

"Oo"

"So hanggang friends lang talaga kayo ni Risa? Wala ng sosobra pa dun?"

"Oo"

"Si Mika? Soon to be girlfriend? Is that true? Nililigawan mo ba siya?"

Hindi naman siya agad nakasagot at tipong iniisip niya pa yung sasabihin niya.

"Gab! Wag ka naman magpasuspense! Wag mo sabihin na totoo?! Susuntukin talaga kita!"

"Psh. Naniniwala ka talaga sa mga pinagsasabe nun?"

"Hindi! Tinatanong nga kita para malaman ko diba?"

"Hindi ko siya nililigawan"

"Bakit niya sinabe yun?"

"Iniinis ka lang niya"

"Pero anong meron sa inyong dalawa?"

"Boyfriend niya ako--"

"B-boyfriend?! Bakit mo yun pinatulan?!"

"Pwede patapusin mo muna ako?"

"Fine!"

"Sinasabe niya sa lahat na ako boyfriend niya. Ako din yung escort niya palagi kaya pinapalabas niya na lang na boyfriend niya ako"

"Bakit ka pumayag?"

"Laro lang naman yun. Kaibigan ko din siya kaya tinutulungan ko at wala akong nakikitang masama dun"

"Gusto ko lang linawin ah? Lumalabas ngayon na girlfriend mo siya, tama?"

"Oo"

"Alam ba ng lahat yun?"

"Oo"

"Kailan pa nagsimula yan? Parang girlfriend na din ba turing mo sa kanya?"

"Oo. Nung nakaraang taon pa"

"Edi ginagawa niyo din yung gawain ng magboyfriend?"

"Hindi. Nagbibigayan kami ng regalo pero yung kagaya ng iniisip mo, hindi. Pakitang tao lang kung ginagawa namin yun pero kapag kaming dalawa lang, magkaibigan lang kami"

"It's good to know that Gab"

Buti naman kung ganun. Akala ko naman kung gaano sila kasweet ni Jin noon, ganun din sila ni Mika ngayon. Hindi ko yun matatanggap kung nagkataon.

"May tanong ka pa?"

"Oo. Nagkagirlfriend ka ba bukod kay Mika?"

"Hindi"

"Pwede ko malaman kung bakit?"

"Kailangan ko ba talaga sabihin sayo yung dahilan?"

"Oo Gab. Gusto ko malaman"

"Kasi mahal ko pa din si Jin"

Tama ba ako ng narinig? Mahal niya pa din si bessy? Ang loyal talaga ni Gab kay Jin. Idol ko talaga siya kaso naaawa din ako sa kanya. Limang taon na pero hindi pa din siya nakakamove on. Parang kami lang ni Spencer pero yung kanila kasi, wala ng pagasa at yung samin, pwede pa.

"Totoo ba yan Gab?"

"Mukha ba akong nagjojoke?"

"Hindi. Bakit hindi ka pa nagmomove on kay Jin?"

"Parehas lang tayo na hindi matanggap yung nangyari sa kanya"

"Pero umaasa ka pa din ba na buhay siya? Kasi umaasa pa din ako Gab"

"Hindi na"

"Bakit? Akala ko ba mahal mo siya? Akala ko ba hindi mo matanggap yung nangyari sa kanya?"

"Mahal ko siya pero malinaw na sakin na hindi na siya babalik KL. Tanggap ko na patay na siya pero hindi ko matanggap na namatay siya ng ganun lang. Sana matanggap mo din na kahit kailan, hindi na siya babalik"

"How could you say that Gab?"

"Expectations will lead you to disappointments. Masasaktan lang tayo kapag umasa pa tayo. Hindi pa ba malinaw na nakita natin yung resulta ng physical examination sa kanya? Napatunayan na siya si Jin at imposible dayain yun"

"Tama ka Gab. May plano ka ba na magmahal pa ng iba?"

"Oo pero hindi pa sa ngayon"

"Bakit?"

"Masyado akong nagmadali noon. Natuto na ako. Makakapaghintay yun. 23 years old pa lang naman ako kaya madami pa akong oras para dyan"

"Ang dami kong natutunan sayo ngayon Gab"

"Ganun talaga"

"Masyado kang serious dyan! Hindi na kita nakitang ngumingiti. Oo nga pala, paano mo napatawad sina Mika? Akala ko ba sila din yung sinisisi mo sa pagkamatay ni Jin?"

"Nung una pero naliwanagan din ako nung natanggap ko na patay na siya. Napaliwanag na ni Mika sayo kung bakit wala silang kasalanan diba? Sana naliwanagan ka na din"

"Ang hirap kasi Gab!"

"Mahirap talaga kapag hindi mo pa tanggap na wala na siya"

"Nawalan ako ng bestfriend! Parang kapatid ko na din siya. Masakit yun para sakin"

"Hindi lang ikaw yung nawalan at nasaktan. Lahat tayo dumaan dun"

"Gab.."

"Matuto ka sa mga sinabe ni Mika. May halo man na kasamaan yung mga sinabe niya pero may point siya. Sana makuha mo yun"

Hindi ko na napigilan umiyak. Pagdating talaga sa pagkamatay ni Jin, nagiging emotional ako at hindi ko maitago yung nararamdaman ko.

"Halika nga dito" sabe ni Gab

Hinila niya ako at saka niya ako niyakap.

"Ssh. Tahan na" pabulong na sinabe niya

"Thank you Gab at naliwanagan ako dahil sa paguusap natin. Miss na miss ko na kasi talaga si bessy"

"Parehas lang tayo"

"Gab, nasaan si Risa ngayon?"

"Bakit?"

"Gusto ko siya makausap"

"Sige tatawagan ko"

Tinawagan niya naman si Risa at habang kausap niya si Risa, nagikot ikot lang muna ako dito. May nakita ako na picture nina Jin at Gab. Siguro kung nandito pa si bessy, masaya sila ngayon. Bumalik na din ako sa living room pagkatapos ko magikot ikot.

"Nakarating na ba dito si Jin?"

"Oo"

"Kailan?"

"New year nun. Isang beses pa lang siya nakakapunta"

Hindi rin nagtagal at dumating dito si Risa. Nagulat siya nang makita niya ako.

"KL, sorry sa--" -Risa

"Okay lang Risa. Ako yung dapat magsorry. Hindi dapat kita sinaktan"

"Kasalanan ko rin naman kaya tanggap ko yun"

Umupo muna siya sa upuan sa harap namin ni Gab.

"I still want to say sorry. Sinaktan ko yung bestfriend mo. If it wasn't because of my feelings for Gab, I wouldn't have asked Mika to help me steal away Gab from her. Malinaw na sakin ngayon na wala akong laban sa kanya kahit first love pa ako ni Gab. He still loves Jin until now and I envy Jin for that"

"But why did you do that? Sigurado ako na alam mo na may feelings si Gab kay Jin"

"Yes, I'm aware of that. I became immature and only thought of myself. Nung nalaman ko na magpopropose si Gab, natakot ako na mawawala na sakin ng tuluyan si Gab and I don't want that to happen so I became selfish. Hindi ko ginusto na mangyari yun sa kanya. All I wanted is to steal Gab away from her. Pinagsisihan ko na yung nagawa ko but I'm still hoping na may chance pa din ako kay Gab"

"I guess I can't blame you for that. Nagmahal ka lang. I'm contented na narinig ko yung side mo. I know that you've been through a lot because of your love for Gab. Thank you for explaining your side to me. I can't say na napatawad na kita but I know that I will, someday"

"Thank you for listening KL. I hope that we can be friends someday"

"We can. Sige aalis na ako. Thank you for your time"

Umalis na ako at saka umuwi.

Narinig ko na lahat ng side nila pero kung may kinaiinisan man ako ngayon, si Mika yun. Hindi pa din siya nagbago at ang sama pa din ng ugali niya. Hindi ko din matanggap na boyfriend niya si Gab kahit sabihin natin na laro laro lang yun. 

Naiintindihan ko din si Gab. Alam ko na tinutulungan niya lang ako na maliwanagan at alam ko na madami din siyang pinagdaanan dahil sa pagkamatay ni bessy. He is still in love with Jin and I'm happy because of that.

Nung makita ko si Risa, hindi ko mapigilan noon na mainis pero ngayon na alam ko na yung side niya, naiintindihan ko na siya. Kagaya nga ng sabi nila, "If you love someone, fight for it" at yun lang ang ginawa niya. Hindi niya naman kasalanan na sobra niyang mahal si Gab. Alam ko din na pinagsisihan niya yung nagawa niya at sincere siya sa pagsosorry niya.

Malapit na yung reunion at makikita ko na din si Zeke. Ano na kaya nangyari sa kanya? Mukha kasing hindi na sila nagkabalikan ni Mika. 

Continue Reading

You'll Also Like

15.9M 280K 53
Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer Buenavista. At ngayong magboyfriend at...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
292K 6.2K 56
Azalea Sage Pendelton everything she has is a blessing for her. But when cindy came back into her life. Everything was ruined she'll have nothing tha...
4.7M 112K 56
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Ang kwento ng matalinong-pilosopo na si Miller! Kung gusto nyong malaman ang kwento ng l...