PANSAMANTALA (ViceJack)

بواسطة muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... المزيد

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying

336 13 11
بواسطة muddy_maddie

Tinext ko si JM na pupunta sana ko sa bar nya hindi naman ako iinom dahil nung huling beses ay sinabi na nya kay mommy. Gusto ko lang naman may mapaglabasan ng sama ng loob. Pero dahil di sya nagrereply. Tinext ko nalang sya na papunta na ko.

Sobrang weird kasi di naman sya madalas late nagrereply. Di ko na nga alam kung may ginagawa pa ba yun dahil kung makapagreply parang di nagtatrabaho bilang arkitekto.

Oo nagkabalikan nga kami ni tom nung nakilala ko si Jm pero ilang buwan naman matapos yun sobra nya ko sinuyo.
Wala e. Tinamaan nanaman ako. Pinipili ba talaga magpakatanga para lang sumaya? Wala bang ibang solusyon?

Kasi eto nanaman ako. Umiiyak. Tapos manunuyo sya. Gusto ko na kumawala na ayaw ko pa. Nararamdaman ko naman asing nagsisisi sya everytime na nagkakaganito kami. Siguro sobrang mahal ko nga sya talaga.
Pero di ako nagpapakita sa kanya ngayon. Nag-iisip pa ko. Ilang weeks na rin pero kapag naaalala ko yung nakipaghiwalay sya, naiiyak nalang talaga ko.

"Hoy babae! San ka pupunta?" Tanong sakin ni ate Madc. Nakabihis na kasi ako naghihintay lang ng go signal.

"JM" sagot ko sa kanya kahit umiiyak ako.

"Tumahan ka na nga dyan. Tumayo ka na. Ihahatid kita." Sabi nya sa akin.

"Oh, bimpo mo. Parang bata eh." Kahit sinasabihan naman nila ko ng ganun di naman ako naooffend.

Naggrab kami papunta doon. Napakamahal naman ng grab ngayon!

Nung nasa tapat na ay bababa na sana ko pero pinigilan ako ni ate madc.

"Teka! Yung tinataguan mo hinahanap ka yata."

Nakita ko naman si Tom kakalabas lang ng bar at sumakay na sa sasakyan nya.

Nang makaalis ito ay dali dali ako pumunta sa bar. Nagpaalam na rin ako kay ate Madc.

Nagvivibrate naman phone ko. Akala ko si Tom pero si JM pala.

"Hello JM, nasa labas na ko ng bar mo."

"Boss Jaki si boss JM!" Di ko na maintindihan yung mga sumunod nyang sinabi dahil medyo maingay.

"Toper!? Wait! Ano!? Nasa labas ako ng bar papasok na ko sandali."

Nagmadali naman ako pumasok sa bar.

Dumeretso ako sa counter kung nasaan madalas matagpuan si Chris. Pero wala sya doon. Si Greg lang.

"Ahm, Greg. Nakita mo ba si Chris?" Bahala na sya umintindi sa tanong ko. Kaya di ko 'to kinakausap e. Kahit tagalog yung sinasabi nya di maintindihan.

Tagalog na nga yung sinasabi may accent pa rin.

"Boss Jaki!" Napalingon naman ako kung saan nanggaling yung sigaw na 'yon ni Chris.

Sa tapat ng isang vip room.

Tumakbo ko sa kinaroroonan nya at nakita kong nakahiga si JM sa sofa at may nakatumba na yung bote sa sahig.

"Ano nangyari dito!? Di naman 'to nalalasing agad ah?" Tanong ko kay Toper. Nilapitan ko naman agad yung tulog na JM.

"Pagdating dito mainit ulo e. Tapos Nagpunta pa dito yung dating niligawan nya boss Jaki, nag-away sila pagkatapos nila makasagutan yung boyfriend mo."sabi nya. Ginising ko naman si JM sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat nito.
Naupo naman ako para makatapat siya. Dahil hindi sya umiimik.

"Si Tom?" Yun nalang yung naitanong ko dahil nakuha ng mukha ni JM yung atensyon ko. Hindi ko makita yung mahimbing na tulog sa mukha nya. Iba yung mukha nya ngayon, lungkot, galit, frustation, pain. Nakita kong basa ng luha ang mga mahahabang pilik mata niya. Malayong malayo sa palagi nyang ipinapakita na masaya, relaxed na tao.

"Oo, may iba ka pa bang boyfriend?" Tanong nya.

"Wala na kong boyfriend. Ex na tawag doon."

"JM.." tawag ko sa kanya tsaka ko dinampi ang mga palad ko sa mukha nya.

"Tulungan mo ko. Iakyat natin 'to." Nararamdaman ko rin na parang may lagnat sya. Napakainit nya.

Tinulungan naman ako ni Toper itayo si JM.

Syet! Ang bigat!

"Di naman 'to nakikipag-away di ba?" Tanong ko nang maalalayan ko si JM at inakbay ko sa akin ang braso nya.

"Hindi po.. depende e. Basta! Di pa naman sya lasing kanina e. Nakatayo pa nga 'to e." Sagot ni Toper.

"Anong hindi lasing!? Eto ngayon oh! Tulog. Ang bigat ng boss mo." Ginamit ko naman yung paa ko para ibukas pa yung pinto.
Nakasalubong namin si Greg, awkward talaga pag nakikita ko 'tong lalaking 'to. Kamukha ni Tom kapag sideview.

"Ay ma'am akow na pow. Saan pow ba dadalhin?"
Ayan nanaman siya sa slang nyang pananagalog. Nagpresinta sya kaya't inilipat nya sa kanya yung pagkakaalalay ko.

"Sa office ni boss tol."

Nauna naman na ko doon. Dumeretso ako agad sa kitchen nya.

Nakita ko naman yung stainless nyang wash bowl.

Dalawang beses palang ako nakakapunta dito. Nung una di ako gising pero nung pangalawa ay kinulit lang namin sya na tignan 'to.

Narinig ko naman na padating na sila Toper.

"Sa kwarto nya ninyo sya dalhin para komportable." Sabi ko nang makarating sila sa may lazyboy at ihihiga na sana doon. Habang nag lalagay ng malamig na tubig sa planggana, kumuha na rin ako ng ice bag. Naghuklat sa ref nya at kung anu-ano pa.

Hanggang sa maihanda ko na lahat ay dinala ko na yon sa kwarto nya.

"Ano ba kasi naisipan nya at nagpakawasted?" Sabi ko pagdating ko sa kwarto nya. Bumaba na rin si Greg dahil may ilang customer daw sa baba.

"Nakatayo talaga yan kanina bigla nalang nakatulog."

"Huh?" Kunot noo kong tanong dahil napakagulo talaga kausap nitong si Toper dati pa.

Kinulang yata sa buwan 'tong tao na kausap ko e.

"Kasi kanina tinawag nya ko pagkatapos lumabas nung niligawan nya, pasigaw pa nga e. Edi takbo ko dun syempre. Pagdating ko sabi nya wala raw syang makita. Tapos kinapa yung upuan tsaka doon naupo. Huling sabi nya 'wala akong makita. Madilim' tapos natulog na." Kwento nya habang nagpipilipit ako ng basang bimpo para ipamunas kay JM.

"Lasing ba yung ganun boss Jak? Di ko pa talaga nakikita yan na lasing e. Nagkukukong yan pag ganun."

"Di ko alam, baka ganun sya kapag nasobrahan na. Sa susunod pigilan mo na boss mo uminom kapag ganun." Malumanay kong sabi habang pinupunasan ang mukha ni JM. This man. Ano bang problema mo, pwede naman natin mapag-usapan.

"Baka po kasi mawalan ako trabaho." Sagot nya naman.

"Sige na ako na bahala dito. Baka may mga customer na ulit sa baba." Dagdag ko pa.

"Sige po."

Pinagpatuloy ko na yung pagpupunas sa kanya.

Nasasaktan ako sa nakikita ko.

Di naman nya deserve yung masaktan. Di ko nakita yon after namin magkakilala. Pero ngayon, ramdam ko. Ano bang ginawa nating masama para masaktan tayo ng ganito JM?

Di ko napigilan yung maluha. Sa dami ng nangyayari. Nagpaflashback lahat kung anu-ano yung nakakasakit sa akin.

Nilibang ko nalang yung sarili ko sa kitchen nya.

May instant soup naman sya dito kaya nilagay ko iyon sa side table malapit sa kama nya para kung magising man sya at nandito pa ko maipaghahanda ko sya.

Naramdaman ko namang nagvivibrate yung phone ko.

"Incoming call.. Ate Madc"

"Hello Jaki, anong oras ka uuwi?"

"Kapag gising na siguro si JM Ate Madc. Nakatulog sa bar nya bago pa ko dumating."

"Dyan ka na kaya matulog? Di naman siguro mag-iisip ng kung ano si Toper. Tsaka inaantok na kasi ako. Okay ka lang ba dyan? Yung kakausapin mo tulog kamo."

"Okay lang ate Mads, baka bukas nalang. Tawag nalang ako pag pauwi na ko."

"Sige ingat ka dyan baby girl."

"Owkayyy." Sagot ko bago ibaba yung tawag.

"May tea ka pala dito di ka naman nagsabi." Pagkausap ko sa sarili ko nang makita yung strawberry green tea nya.

May coffee maker din sya dito.

Napakaayos nya pala talaga sa gamit. Trinace naman ng mata ko iyon habang nagbubrew ng tea.

Yung mga gamit nya pantay pantay yung pagkakahilera,

Bahagya ako sumandal at humawak sa sink corner niya. Nakaayos ang mga gamit nya according to height at size.

Wow.

Binuksan ko naman muli yung ref nya.

Wala ba talagang makakain dito?

Lumipat naman ako sa cabinet nya sa taas ng ref.

Tumingkayad pa ko para maabot iyon.

Biscuits.

Pwede na 'to kumuha naman ako ng isa at bumalik sa kwarto nya dala ang tea at biscuits.

Tulog pa rin siya.

Pinalitan ko naman yung iniwan kong bimpo sa noo nya bago kumain.

Naupo naman ako sa sahig. Para lang makita at magkatapat kami ng mukha.

"Di ko alam kung anong nangyayari sa lovelife natin. Kahit nga mismo sa buhay ko e. Bat ba ganito? Pakiexplain naman." Lumingon naman ako sa kanya.
Payapang natutulog pa rin siya. Parang naiba naman yung mukha nya. Kanina lang sobrang expressive. Sobrang mixed emotions, pero ngayon medyo kalmado. Ang gwapo talaga nitong kaibigan ko. Trinace naman ng index finger ko yung nose nya at napabuntong hininga naman ako.

"Bakit ko ba kinakausap yung tulog?"

"Sa bagay okay na rin yon para di mo ko pagalitan. Alam mo ba, ayaw ko na eh. Ayaw ko na magkabakikan pa kami kasi nasasaktan na ko, palagi nalang. Lagi nalang kami nagtatalo, kahit simpleng bagay. Sa mga ayaw nya, sa ayaw ko. Tapos magiging okay naman ulit. Minsan kahit sobrang okay naman kami kinabukasan bigla nalang ako di papansinin, kakausapin. Weird di ba? Pero bakit ganun? Nasasaktan na ko pero kapag sinuyo nya ko kapag nakikita kong totoo naman na nagsisisi sya, bakit napipilitan nalang ako. Ang unfair ko di ba? Pero eventually kasi babalik nanaman yung feelings ko for him. Kapag naman nangyayari na yun, sya naman yung bumibitaw nanaman."

Napalunok naman ako.

"Ayaw ko na umiyak. Ang sakit pala sa lalamunan magpigil ng luha no?" Sabi ko pa sa kanya tsaka muling magsip ng tea tsaka kumagat sa biscuits.

"Sobrang tanga ko na ba para balikan pa sya?"

Natawa naman ako sa sarili ko.

"Tignan mo, bibig ko na mismo nagsabi, parang gusto pa balikan. Hahaha." Uminom naman ako muli tsaka kumain.

"Nakamove on ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Hinarap ko naman sya tsaka pinatong yung mga braso ko sa kama at pinagcross ito tsaka ko ginawang patungan ng baba.

"Bakit kaya di mo ko ligawan? Hahahaha! Biro lang. Baka totohanin mo."

"Nakakalasing ba yung tea mo? Kung anu-ano na kasing nasasabi ko."

"Ilayo mo nalang ako sa kanya. Huwag mo nalang ako palapitin sa kanya. Marupok kasi ako e."

"Gising ka na. Gusto kita makitang gising. Usap tayo." Sabi ko pa tsaka niyugyog yung braso nya.

Pero nabigo ako...

"Sana, lahat masaya nalang.. sana maging masaya ka JM, sana maging masaya na tayo."


















******
Short update muna.

Late na ko!!! 😭😭😭

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

44.1K 1.1K 20
jedean 💞 gawong 💞 This is for you guys :) Hope you like it ! This is my first story 😅
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!
10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
684K 33.8K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...