KERES ACADEMY

By Blue_BJAE

70.9K 2K 227

Keres Academy, is an exclusive school for the heirs of mafia, gangster and assassin. A school were killing is... More

MAIN CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34

CHAPTER 3

1.5K 61 7
By Blue_BJAE

Zizy POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong natulala dahil sa pagkabigla kanina nung pukinanginang halik nang hindi ko kakilalang nilalang.

Kapal ng mukha ng lalaking 'yon! Makita ko lang talaga ulit siya malilinktikan siya sa akin! Arrrgh!

"Galit na galit ustung manakit?" sinamaan ko nang tingin si Hazel na ngayon ay busy pa din sa paglandi kay Mikhail.

"Kung saktan kaya kita diyan!" asar kong sigaw sa kanya.

Kasalanan talaga 'to lahat ni Hazel eh kung hindi niya ko pinatawa edi sana hindi 'to nangyari. Bakit siya pa kasi napagtanungan ko sa dami nang estudyante dito. Edi sana kung iba 'yon, hindi ako nahalikan at hindi mamomobrelema ang isip kong mag-isip ng mga bagay kung paano mahahagilap ang lalaking walang hiya!

"Eto naman 'di mabiro. Sana pala ako nalang tumawa para ako nalang neheleken. Nepeke pege niya be, serep lips niya?"

Jusmiyo, ano ba 'to alien. Natatakot na ko sa kanya kaloka.

"Sana nga ikaw nalang." inismidan ko nalang siya at hindi pinansin nang makita ko na dumating na ang tagapagsalita dito sa orientation.

Buti naman at dumating pa siya.

"Good afternoon, newbies! It's been a long year noong magkaroon muli kami ng bagong estudyante dito, I know na aware naman kayo kung bakit?" tumigil siya sa pagsasalita at tinignan kami kung alam nga ba talaga namin.

Actually, hindi ko talaga alam. Brief history lang ang kwinento sa akin ni Daddy dahil masyado daw confidential ang mga information inside this academy.

"Hahaha, I think no," ilang na tawa niya nang malamang konti lang ang nakakaalam.

"Bago ko simulan ang kwento, I will introduced my self first.... I'm Jhonny Bravo Mctal ang punong tagapagsalita. Nice to meet you all." pagpapakilala niya habang todo ngiti at isa-isa kaming tinitignan. Nang dumako ang tingin niya sa pwesto ko... kita ko sa mukha niya ang gulat. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nang nahuli niyang nakatingin din ako sa kanya ay iniwas niya ang tingin niya.

Weird.

"Ang academy na 'to ay hindi tumatangggap ng estudyante every 2 years to ensure the safety of the academy and the students." maikling paliwanag niya na hindi malinaw sa akin. Walang nagsalita sa'min at nakinig lang kami sa kanya.

Hindi ko alam pero parang sa bawat bigkas niya sa salitang 'safety' ay kakaiba para bang may pilit siyang pinagtatakpan sa mga katagang 'yon.

Alam ko ang Academy na 'to. Walang word na safety dito because this school is not ordinary.

"This orientation is very important, dito niyo malalaman lahat ng katanungan niyo tungkol sa akademiya na pananatilihan niyo ng ilang buwan or taon. Ang Academy na 'to ay hindi kagaya nang inaakala niyo. Ang paaralang ito ay tapunan nang mga walang kwentang anak ng mga mayayaman na kagaya niyo." napataas ang kilay ko sa huling sinabi ni Johnny kita kong ganoon din ang iba. Nagsimulang umingay sa loob ng orientation room, samo't saring reaksyon ang namayani dahil sa katagang 'walang kwenta'.

Totoo naman ang sinabi ni Johnny na tapunan ito nang mga walang kwentang anak ng mga mayayamang; mga anak na hindi na nakayang disiplinahan, mga anak na barumbado at takaw gulo, mga anak na may bisyo at mga anak na kagaya ko na ginawang hamon ang pagpasok dito para matuto kung paano lumaban sa matalinong paraan at kung paano maging malakas sa physical na paraan. Alam kong hindi biro ang pinasok ko pero ito ang kagustuhan nang pamilya ko para sa kapakanan namin. Pinasok ko ang paaralan na ito para makalimot, mabago at mabuo muli.

"Quiet! I know na ang iba sa inyo ay nasaktan pero sinasabi ko lang ang totoo. This place is a game that you need to survive. Kung mahina ka talo ka. Kung malakas at may utak ka you have a chance to win the game. And always remember na lahat ng laro ay may papremyo pero hindi lahat nananalo. This place is a battle between you, your friends and your enemy. May kaibigan na magiging kaaway at may kaaway na magiging kaibigan but always remeber... Don't trust anyone else except yourself." malalim na boses na dugtong niya.

Nanatili lang kaming tahimik at nakikinig kay Johnny, walang nagtangkang magsalita dahil alam kong aware na sila kung anong pinasok nila.

"Sa paaralang ito ay may apat na section:

The Black Dragon - ang section na ito ang may pinakamalalakas na miyembro dahil mula sa kanilang ninuno ay dito galing sa section na ito. They are the special section because of their ability and strength na nakuwa nila mula pagkabata sa kanilang pagsasanay. Hindi lang sila malakas sa physical malakas din sa halos lahat ng larangan. Sila din ang pinakamayayamamg estudyante dito dahil halos lahat sa kanila ay tagapagmana," wika ni Johnny habang nakaturo ang isang daliri niya sa line na kinaroroonan namin. Tinignan ko ang mga estudyante at lahat sila ay sa amin nakatingin na para bang namamangha sa nakikita nila. Nakarinig din ako ng ilang bulungan  ng mga estudyante tungkol sa section namin pero hindi ko na lang pinansin. Naagaw lamang ang atensyon nila ng magsalita ulit si Johnny,

"Next, The Yellow Phoenix - is the second section na may malalakas na miyembro. Matalino sila sa strategy kung paano mapapabagsak ang kalaban sa madaling paraan. Hindi lang sila malakas sa physical kundi rin sa mental. Mula rin sila sa mga mayayamang pamilya." turo naman niya sa katabi naming line.

"Next, The Blue warriors - is the third section na may malakas na pangangatawan pagdating sa pakikipaglaban. Physical strength ang kanilang pang laban. They are good in metal weapon like knife, katana, swords etc." dugtong niya habang nakaturo sa pangatlong line. Nanatiling tahimik ang buong orientation room at nanood lang kami kay Johnny.

"The Green Archers - is the last section. They are good in archery, magaling sila sa pag-asinta ng kalaban kaya dapat maging maingat kayo sa kanila dahil hindi sila lumalaban ng physical, lumalaban sila ng may sandatang dala." huling wika niya at uminom ng tubig na akala mo naubusan ng laway dahil sa haba ng sinabi niya.

Nang malaman ko ang katangian nang bawat section ay hindi ko mapigilang mangamba dahil alam kong malalakas din ang mga kasama ko.

"Hindi kayo pinag-aral dito ng mga magulang niyo para mag excell sa academic, nandito kayo para matuto kung paano makipaglaban, kung paano mabuhay at kung paano pumatay. Your fate is in your hands. Huwag niyong hayaang ang tadhana ang magdikta sainyo, kayo ang magdikta sa tadhana niyo. Always remember na ang buhay niyo ang nakasalalay dito. Action is speak louder than voice, sabi nga nila. Maging matalino sa pagdedesisyon dahil isang pagkakamali mo lang buhay mo ang magiging kapalit," mahabang paliwanag niya.

Unti-unting umingay dito sa loob nang orientation room, marami na ang nagsimulang natakot, maski ako. I didn't expect na ganito pala ang kaganapan dito sa loob ng paaralang eto.

"Before I end this orientation, gusto ko lang sabihin na... Isa lang ang rule sa paaralang ito at malaya kayong gawin ang lahat, kaya enjoy!" aniya.

One rule?! Nagbibiro lang siya right?

"One rule, ano ang one rule?" malakas na sigaw ng lalaki at taka niyang tinignan si Johnny.

Napangiti na lang si Johnny sabay kindat sa lalaki.

"It's for you to find out!" malakas na sigaw niya at sinabayan 'yon ng malakas na pagtawa na bumalot sa buong orientation room.

Tumigil siya sa pagtawa at tinignan kami sa mas nakakatakot na tingin. Binalot muli ng katahimikan ang buong orientation room tanging tunog lamang ng aircon at electric fan ang maririnig.

"Rules is the most important here in this university because if you break it... you'll die." seryosong wika ni Johnny bago tuluyang lumabas ng Orientation room.

Natapos ang orientation na sobrang tahimik nang lahat walang nakuwang mag salita pagkatapos umalis ni Johnny. Naglakad kaming tahimik papunta sa kanya kanya naming dorm. Hindi ko na pinansin pa si Hazel na todo ang iyak at takot na takot dahil sa mga nalaman. Hindi daw niya inexpect na kaya siyang ipasok ng magulang niya sa ganitong klaseng paaralan. Isang pagkakamali lang naman ang nagawa niya at 'yon ay pumatay, na labis na niyang pinagsisihan. Sa totoo lang ay naaawa ako sa kaniya, hindi ko alam na sa kadaldalan niya at sa mga ngiti niya ay may mapait pala siyang nakaraan na pilit man niyang itago at kalimutan ay hindi niya magawa.

Naglalakad na ko patungo sa building kung nasaan ang dorm ko nang mahagip nang mata ko ang isang pamilyar na babae na hindi ko aakalain na makikita ko dito.

"Aeyesha?" Nangunot ang noo ko at naningkit ang mga matang sinundan ang pigura niya.

Anong ginagawa niya dito?

-------

A/N: Enjoy reading!

<Don't forget to Vote, Comment and Share. Thank you.>

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
3.7K 183 28
Vanth Academy, renowned for its gifted students, is where Corinne Narhiara, the Vice President, shines as the "Blessed Rose." With her stunning beaut...
5.1M 179K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...