Because We're Having a Baby (...

By Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... More

Because We're Having a Baby
Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman
Travis Marlakch Markovska
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
First Impression Lasts
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❤
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick or Treat Part I
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❤
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
***Yuletide Romance***
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❤ Stupid Cupid! ❤
❤ Stupid Cupid II ❤
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

So its You? II

21.5K 385 8
By Koolkaticles

CLEO's POV~

"Hoy Clarence Edward!"- Sigaw ko ng buong lakas ng diaphragm ko.

Kapag galit kasi ako sa kanya, hindi ko siya tinatawag na kuya, instead sa buong pangalan niya.

Sinusugod ko siya ngayon sa parking.

Paano ba naman kasi,  binigyan ko na nga siya ng cookies at dinagdagan ko pa yun, sabi kasi sa akin ni Manang Rosa (Aming Mayor Doma) na may kasama pa siyang  classmate niya sa study room. At dahil sweet at butihin akong kapatid,  dinagdagan ko ang parte niya.

Pero anong ginawa ng magaling kong kapatid??

Pagkasigaw ko noon, humarap naman sila ng kasamahan niya.

Nandito pa pala ang kasamahan niya, akala ko umalis na. Pero wala akong paki! Inis ako!

"Oh Baby!"- Nakangiting bati sa akin ni Kuya.

"Don't you baby baby me Clarence!"- Sigaw ko ulit. Alam niya ang ginawa niya sa akin at alam din niyang galit na ako.

Papalapit palang ako sa kanila. Grabe kahingal na ah.

Nang makalapit na ako.

*Bugsh*

Bigla ko siyang binigyan ng straight job sa braso niya.

"Ouch! You're harsh."-Nakangiti pa rin siya kahit na masakit ang ginawa ko sa kanya.  Masakit yun for sure, napahimas-himas pa siya sa braso niya eh.

"How dare you to eat all of my cookies?! Dinagdagan ko na nga yang sayo dahil sabi ni Mang Rosa may kasama ka, nakakahiya namang hindi ko rin siya pakainin diba? Tapos ano?"- Sabay turo ko ng kaliwang kamay ko ang lalaking kasama niya pero kay kuya pa rin ako nakatingin.

"Ah hehehe.. Sorry baby,  hindi ko napigilan eh. Ang sarap mo kasing gumawa. Kuhang-kuha mo na  ang recipes ni Mamu.--Aw!"- Pabirong sabi niya pa sa akin. Aba't  talagang inuto pa ko nito ah.

"Shut up!"- Sabi ko sabay suntok ulit sa kanya sa braso.

Inis na inis ako! Paano ba naman kasi, wala talagang natira sa akin! Sabi ko pa naman, dadalhan ko si Vana dahil gusto niya rin yun, pero wala ng lahat! Kailangan ko pang gumawa ulit kung hindi si Vana naman ang kakaltok sa akin nito.

Nahagip ng paningin ko ang kaklase ni Kuya. Nakatingin siya sa akin at nakatulala. Napatingin lang din ako sa kanya noong tinititigan niya ako.

"Problema mo?"- Pagmamataray ko. Sabay tingin sa kanya ng masama.

Parang nakita ko na ang isang ito ah?

Napansin kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"You?"- Parang gulat na sabi niya. Pero kalmado lang ang itsura niya.

"And you?"- Takang tanong ko rin. Abah maka-you you siya sa akin. You you-hin ko nga rin siya. Hah!

"You - you are the nosebleeding girl na bumangga sa akin!"- Mahinahon lang siya pero halatang medyo gulat.

Ano daw? Nosebleeding? Bumangga sa kany--

"Ahhh!"- Sigaw ko. "So its You? You are the pader guy na humarang sa akin noon!"- Pasigaw kong sabi sa kanya.

Naalala ko na ang kupal na toh! Kaya pala familiar ang pagmumukha.

"Excuse me, hindi ako humarang sayo. Ikaw ang bumangga sa akin."- Suplado ang peg? Paano ba naman, pagkasabi niya niyan, bigla siyang tumingin sa ibang direksyon.

"Hoy mister pader! Hindi  kita binangga! Why on earth would I do that? Talagang paharang harang  ka lang sa dinaraanan ko noh!"- Pasigaw kong sabi.

Grabe! At talagang ngayon ko pa makikita ang ungas na toh? At sa pamamahay pa namin talaga ah! Nakakainis talaga.

"Tss. As if I know. Baka nagpapansin ka lang sa akin. *smirk*"- Aba't talagang inuubos nito ang pasensiya ko ah!

Kanina kay kuya Clarence tapos ngayon sa habog na toh! Putchaness!

"What? Naririnig mo ba  ang mga sinasabi mo? Kinikilabutan ka ba?"- Galit kong sigaw sa kanya  pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Ahm.. guys, do you know each other?"- Sabat ni kuya sa amin na mukhang takang taka na siya.

"NO!"- Sigaw namin ng sabay at harap kay kuya Clarence.

Noong narinig namin nagsabay pala kami, nagkatingin kami ng masama.

"Gaya-gaya ka!"- Sabay ulit naming sabi. Nakakadiri! Mukha bang iisa lang ang nasa isip namin?

Nagiwasan kami ng tingin. Ako pumaikot ang mga kamay sa chest.

"Tss.. As if naman!" Wah! Sabay na naman kami! Oh lord! Ano ba naman ang pader na toh?! Nakakakilabot!

"Ano ba? Wag mo nga akong gayahin!"- Nanlaki na naman ang mga mata ko. For the Nth time!  Sabay na naman naming sabi sa isa't isa.

"Woah guys. Ang init ng mga ulo natin ah."- Pagpapakalma sa amin ni kuya.

"Wag kang makialam!"- Okay, for the record. Sabay na naman po naming sigaw kay kuya.

Tinaasan ko siya ng kanang kilay ko at tiningnan ng masama. Siya naman nakitingin lang sa akin at mukhang inis na rin.

He rolled his eyes to me at umiba ng tingin.

"Got to go Ackerman.  Pakikadena ang alaga mo. Baka hindi siya makapagpigil at kainin na ako."- Tumalikod siya sa akin at naglakad na papunta sa kotse niya.

Aba't talagang hambog ang unggoy na toh ah! Sarap isumpa! Grrr!

"Hoy kapal mo! Hindi kita kakainin kadiri ka! Kakagatin lang!"- Sigaw ko kahit nakatalikod na siya sa akin.

"Sige Markovska."- Pasigaw ni kuya dun sa pader na hambog na mayabang na napakakapal ng pagmumukha!

Kinawayan lang siya nito at pumasok na sa kotse.

"Mabundol ka sanang pader ka!"- Pasigaw kong sabi kahit alam kong si kuya lang nakakarinig.

Kumakaway pa si kuya sa kanya at nakangiti habang umaandar ang sasakyan niya papuntang exit.

Napatingin ako sa side mirror niya at nakita kong nakatingin siya sa akin.

"Bleh!"- Dinilaan ko siya sa vision niya sa side mirror niya habang naka-arm cross ako.

Sira ulong yun! Ang  yabang talaga! Sarap pilipitin ng mukha! Kung hindi lang kasing laki ni kuya yun, malamang ginulpi ko na siya.

Katakot ang laki eh. Pader na pader ang peg! Laki pa ng katawan. Tss.

Pero hindi ko siya aatrasan! Sa susunod na makita ko ang unggoy na yun, kakaltukan ko talaga siya ng bongga hanggang sa sumayad ang mukha niya sa lupa. Argh!

"Hey baby, kilala mo pala si Markovska?"- Ay! Kasama ko pa pala si kuya. Naiwan pa rin kami dito sa parking.

"Hindi nga sabi! Siya yung bumangga sa akin noon kaya nagdugo ang ilong ko."- Pagmamaktol kong sabi at nakasimangot pa rin.

"Really? Siya pala yun. Gusto mo, iganti kita baby?"- Sabay akbay sa akin ni kuya

"No need. Kaya ko na siya. Makikita niya noh!"

"Whoa! You look so fierce baby. Haha"- Panginis niya sa akin. Bwisit na toh!

"Shut up kuya! May kasalanan ka pa sa akin ah!"

"Ha? Sorry na kasi. Tutulungan nalang kitang gumawa ulit."- Sabay ngiti ng malapad sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Dapat lang noh"- Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at hinigit ko na siya palabas ng parking.

Makikita ng pader na yun kapag nagkita kami ulit! Pigil na pigil lang ako kanina kasi nandun si  kuya. Baka pagtripan ako kapag nakita niyang ginulpi ko ang kaklase  niyang pader. Pero kanina ko pa talaga yun ginugulpi sa isip ko eh..  Argh!

----------------------------------------------------------------------

TRAVIS's POV~

Pagharap ko sa sumigaw kay Ackerman. Nakita ko ang isang babaeng mukhang mas bata sa akin.

"Oh baby!"- Sigaw ni Ackerman. Mukhang ito yata yung girlfriend niya ah.

"Don't you baby baby me Clarence!"- Sigaw ulit nung girlfriend ni Ackerman.

Bigla siyang sinuntok ng girlfriend niya. Under pala tong isang toh. Nakakahiya siya.

Nagbanggayan lang sila sa harap ko at tila hindi nila ako alintana. Hindi na nahiya.

Tapos narinig kong dahil pala sa cookies ang pinagaawayan nila. Mga immature naman ng mga toh.  Yun siguro yung kinakain ni Ackerman noong lumalabas labas siya saglit sa study room nila at ngumunguya na pagbalik.

Nakatingin lang ako sa kanya, lalo dun sa babae. Ang bata niya pa siguro. Pedophile pala itong si Ackerman.

Habang pinagmamasdan ko siya, mukhang nakita ko na siya dati ah. Hmn.. Saan nga ba?

"Problema mo?"- Hindi ko napansing nakatingin na pala siya sakin. Mas nakita ko ang mukha niya.

Teka! Mukhang siya yun ah! Tama! Siya nga ang babaeng yun!

Nanlaki ang ng mata dahil sa naalala kong ito.

"You?"- Tanong ko sa kanya at pati na rin sa sarili ko! Siya nga ang babaeng nakabangga ko dati.

"And you?"- Ang sungit nito ah! Sabagay, halimaw ang isang toh. Sa boyfriend pa nga lang niya kung makaaway siya eh.

"You - you are the nosebleeding girl na bumangga sa akin!"- Sabi ko sa kanya.

Bigla siyang sumigaw at naalala na rin niya ako. Nakakarindi talaga ang isang toh.

Pinagbintangan na naman niya akong binangga ko siya. Eh siya naman talaga ang nag-dive sa harapan ko noh!

Sinabe kong hindi ko siya binangga pero nagpupumilit pa rin siya. Ang kulit ng batang toh.

Sa inis ko at rindi sa kanya, iinisin ko nalang din siya.

"Tss.. As if I know nagpapansin ka lang sa akin."- Sabay smirk ko at pagiba ng tingin.

Magwawala na toh panigurado.

At hindi nga ako nagkamali. Nanggagalaiti na ang isang toh sa akin ah. Sarap namang inisin nito.

"Ahm.. guys, you know each other?"- Sabat ni Ackerman.

Tiningnan ko siya at sinabing..

"NO"- Nang pasigaw.

Teka, mukhang sabay pa kami ng nakakairitang ito ah.

Nakatingin kami.

"Gaya-gaya ka!"- Sigaw ko ulit pero nagkasabay na naman kami. Kairita talaga tong matsing na toh.

"Tss.. As if naman!"-  Naknang.. Ginagaya ako ng babaeng toh ah. Mas nakakairita palang ganito.  Palage kaming sabay at parehas pa ng sinasabi. Tss..

"Ano ba? Wag mo nga akong gayahin!"- Mabilis kong sabi pero for the Nth time! Sabay na sabay  na naman kami! Mananalo kami nito sa sabayang bigkas eh.

"Woah guys.. Ang init ng mga ulo natin ah.."- Si Ackerman yan, nakikisingit na naman.

"Wag kang makialam!"-  Okay, I quit! Talagang iisa lang ang palagay namin sa isa't isa ng  babaeng toh. Nakakairita na talaga sa bahay na toh.

She look at me so fiercely! Parang ginugulpi na niya ako sa isip niya ah.

Kung hindi lang din naman siya babae at girlfriend pa ng Ackerman na toh, baka nakatikim na rin toh sa akin.

I rolled my eyes to her at tumalikod na.

"Got to go Ackerman.  Pakikadena ang alaga mo. Baka hindi siya makapagpigil at kainin na ako."  - Pagpapaalam ko kay Ackerman at pangiinis sa babae niya. Bagay na  bagay sila. Parehong nakakairita.

"Sige Markovska."- Sigaw ni Ackerman.

Pumasok na ko sa kotse ko at tiningnan ko ang babaeng yun.

Nakita kong bumukas ang bibig niya at nagsalita siya.

Mukhang galit na galit na siya. Siguro hinihiling nitong mabundol ako. Baliw talaga.

Habang nagmamaneho ako palabas ng parking nila, sinilip ko siya sa side mirror ko.

Tumingin din siya sa side mirror ko ng masama sa akin at bigla akong dinilaan.

Napakaisip bata naman nito. Sabagay, bata pa pala siya. Tss..

Nakakairita naman talaga sa bahay na yun! Sa dinami daming lugar na pwede kong makita ulit ang babaeng yun, kina Ackerman pa.

Bwisit lang at hindi ko man lang masigaw sigawan ng malakas yun, baka kasi kami pa ni Ackerman ang magpangabot. Wala ako sa mood makipagaway sa kanya.

"Bagay na bagay nga sila"- Sarcastic ko nalang na sabi.

Nandito na ko ngayon sa bahay. To be specific, sa kwarto ko at naglalaro ng PSP habang nakahiga sa kama ko.

Pero lutang ang isip ko dahil sa babae ni Ackerman. Paano kaya sila naguusap kung palaging nakasinghal yun. Nakakakot.

Sana pala yung kapatid  niyang babae nalang ang nakita at nakilala ko. Sarap kasi ng cookies na ginawa niya eh. Kakaiba sa lahat ng nakain ko.

Sa sobrang takam ko sa cookies na yun, kumakain pa ulit ako ngayon ng cookies pero mas masarap talaga yung ginawa nun.

Te-teka! Ano bang pinagsasabi ko? Bakit ko iniisip na makilala ang kapatid ng nakakairitang Ackerman na yun?

Dahil sa paborito kong cookies?

Baka nga pero kailan pa ako nagkainteres sa iba bukod kay Shanelle?

Bah malay! Nagtataksil na yata ako kay Shanelle ah. Babaero na ba ako nito? Tss!

Kahit anong tuon ko sa nilalaro ko, pilit pa ring sumasagi sa isip ko ang babae ni Ackerman.

Ano ba yan Trav! Wag mo sabihing type mo ang nakakairitang yun?

Hoy konsensiya hindi ah! Nakakadiri ka!

Iisipin ko nalang ang  mga naggagandahang kotse nila. Tama! Yun nalang. Kapag ako naging  magaling na doktor na, yun kaagad ang una kong bibilhin.

Kahit kasi kayang kaya namin bumili ng mga ganun din, ayaw naman nila ng maraming kotse. Tama na daw yung makakasakay sila.

Tss. Wala talaga silang mga interes sa kotse.

Naaatat na rin ako sa  pagkarera namin ni Ackerman. Gustong gusto ko na ring ipagyabang sa  kanya ang mga koleksyon kong kotse at ang bago kong big bike.

Teka! Big bike?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko noong may maalala ako.

Yung BMW HP4 na yun!

Ang rider nun ay yung..

Sabi ni Ackerman, sa baby niya daw yun. Yuck. Kasuka endearment nila.

Eh kanina, yung baby niya ang nagwawalang tigre na bumangga pala sa akin dati.

Ibigsabihin...

"Siya yun?"- Sabi ko sa sarili ko habang nakapaupo sa kama ko at tinigil ko ang paglalaro ng PSP ko.

Siya yung mayabang, hambog at nakakairitang rider ng BMW HP4 na yun!

At talaga namang ang liit ng mundo ah!

Yung maangas na babaeng yun pala ang rider nun. Tss..

Hindi ako makapaniwala na yung babaeng tigre at rider na yun ay iisa.

Astig na sana siya kaso talagang nakakairita!

Balak ko pa man ding  hamunin ng pormal ang mayabang na rider na yun kaso siya pala ang girlfriend ni Ackerman. Wag nalang! Baka isipin pa nun type ko  girlfriend niya. Nakakadiri!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

           

(A/N): Don't forget to vote and comment! :)

Follow me:

FACEBOOK/TWITTER/INSTAGRAM/SNAPCHAT

@Koolkaticles

Lovelots!

~KK

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 76 1
Paano kung nanghalik ka ng Patay, not an ordinary dead but a 'Handsome yummy dead' handa ka ba sa consequence ng paghalik mo Then what if, maging Pat...
403K 9.5K 75
Wish Granted.... Sana Magustuhan nyo.. Nasa kanila na ang lahat.... Looks, Wealth , Body , And A Happy Family.. Same Face Different Characteristic ...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
3.6M 41.4K 77
Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accident...