PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Diecisiete - Love..

497 13 11
By muddy_maddie

*Present*

Naglalakad kami papasok ng mall nang matanaw ko yung nakamotor kanina. Di yata sila magkasundo nung angkas nya. Di ko talaga feel magmotor. Parang ang delikado kahit maingat ka naman.

Padabog namang inabot yung helmet nung babae sa lalaki.

Kahawig nya yung dati kong nililigawan.



"Vice, gusto ko chicken. BonChon tayo."


"Ah- osige ba." Umangkla naman sya sa braso ko habang naglalakad papuntang bonchon.






"Honey glazed pa rin?"

Tumango naman sya at naeexcite na base sa kanyang ngiti.


"Hanap ka na muna upuan natin oorder na ko." Sabi ko sa kanya.



"Ayaw, sabay na tayo."



Nilingon ko naman kung marami bang mauupuan.

Dalawa lang naman kami kaya meron pa naman.


Sumunod lang sya sa likod ko

"Adahskaljaslalabskaa sir?" Sabi nung nasa counter ang dami nya kasing sinabi di ko naintindihan ang alam ko lang tinatanong nya order ko.

"Dalawang order ng 2 piece chicken. Honey Glazed. Pa-add nalang ng water."

"Blahblahblahblah."



Inabot ko nalang yung bayad ko. Ganun din naman yun eh.


Hinila naman ni Jaki yung shirt ko.


"O? Bakit?"


Nagningning naman yung mata nya ng mapatingin sa harap ko.
Nandito na pala yung order.

"Thank you." Sabi ko tsaka kinuha iyon.

Agad naman naghanap ng mauupuan yung kasama ko at sumunod ako.



"May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil bago pa maayos yung order ay hinila na nya yung damit ko.



"Wala. Lamig kasi eh."

"Sasabihin ko sana hanap na ko upuan."


"Wala akong dalang jacket eh sorry. Mamaya hanap tayo."



"Hanap?"

"Bili tayo mamaya. Bago maglaro."

"Ang sarap naman nito! Ang sarap mo naman beshywaps!" Di naman nya ko pinansin. Nagfocus nalang sya doon sa pagkain nya talaga.


Kumain na rin ako. Na paminsan minsan ay sinusulyapan siya.


This lady don't deserve to be hurt.


Lahat naman hindi deserve pero yung saktan sya ng wala naman syang ginagawa sa taong 'yon na 'di maganda. Hindi nya deserve 'yon.


"Ayaw mo na?" Tanong nya sa akin habang nakaturo yung tinidor nya sa isa pang manok sa plate ko.

"Gusto mo pa ba?" Tanong ko sa kanya

Sumubo naman sya ulit nung hinimay nyang manok na tinusok nya na tinidor. Tsaka siya tumango.



"Hati tayo. Medyo gutom pa ko eh." Sabi ko naman.

"Paanong di ka magugutom eh di ka naman kumakain. Nakatunganga ka ĺang sa akin."


"May dumi ka kasi sa mukha." Sabi ko sa kanya na natatawa.

Naalala ko lang yung ginawa nya sa akin dati.

Kumuha naman sya ng tissue tsaka nagpunas ng bibig.

"Meron pa?"

"Joke lang yun."

Naramdaman ko namang tumama sa mukha ko yung tissue na ginamit nya.

"Kumain ka na nga."







"Peram phone."

Sandali ko namang binitawan yung mga kubyertos at inabot itong phone mula sa bulsa ng pantalon ko.

"Pagkatapos mo sa bag mo muna lagay pati wallet ko."



"Uki!" Mataas nanaman energy nya. Busog na eh.



Nakita ko namang nagpicture doon. Selfie. Mga ganon haha. Napailing nalang talaga ako.



Hindi ko pa nga nababago yung pinalit nyang wallpaper noong nakaraan pa tapos madadagdagan pa yata.


Oo kapag nanghihiram siya ng phone ko naglalaro siya, nagseselfie. Minsan pa nga ay may stolen pa ko doon.

Pagkatapos ko kumain ay umakbay siya at hinatak palapit sa kanya.

Hindi ko na nagawang mahreklamo nasanay na rin ako.

"Picture tayo."


Nagwacky naman ako. Kaya asar na asar sya. Ayaw nya kasi kapag di kami parehas ng maayos kapag yung nakasmile lang na picture. Pero kapag sya yung gumawa non sa akin. Tuwang tuwa sya.


"Ayusin mo." Hahahaha.

Kaya naman sumunod na ko.


Sobrang genuine lang talaga ng mga ngiti namin.

"One more."

Tumingin naman ako sa kanya at napangiti. Di ko alam ay sunod sunod na pala yung pagpindot nya. Kaya kung anu-ano nalang ginawa nami pose hahahaha.


Ganun yung ibig sabihin nya ng one more.


We always save at least 1 picture everytime na lumalabas kami. Kahit kami kami nila Madc. Remembrance kumbaga.



"Tara na?" Aya nya sa akin dahil nakita na nyang tapos na talaga ko kumain.

"Yeah, pero may bibilhin lang ako"

"Owkayy" nag-ayos naman sya nung mga gamit nya at tumayo kaya tumayo na rin ako.


"San ka bibili?" Ano pala bibilin mo?" Sunid sunod nyang tanong na nagtataka talaga.

"Uniqlo"

"Bibili ka damit? Tanong nya sakin tsaka humawak sa braso ko.

"Yes po."


"Ako pipili." Pagpresinta pa nya.

Hahahaha ewan ko ba sa kanya. Kapag sinasama ko sya dati ganun na rin nakagawian namin eh. We're bestfriends, best buddies she's one of my favorite persons. Alam nya 'yon.

"Hoodie bibilin ko."


"Okayy."

Pagkapasok na pagkapasok namin sa store ay agad syang namili sa mga hoodies.

Nakatayo lang ako sa tabi nya dahil kapag may tinitignan siya ay tinatapat nya iyon sa katawan ko para makita kung bagay.



"Anong mas prefer mo? White or black? I'll go for white. Ang presko."

O di ba di nalang ako sumasagot kasi sya rin talaga namimili hahahaha.

"White nalang."


Binayaran na rin namin iyon.



Paglabas ng store ay hinila ko sya ulit pabalik dito.

Hindi sya makakasuot nito sa damit nya. Nakadress sya. Nakalimutan ko ako nga pala namili ng damit nya.



"O bakit? May nakalimutan ka ba?"


"Bili kita shirt tsaka pants."


"Huh? Bakit?"


"Basta, just follow me."

"Okayy."
Agad naman sya sumunod sa akin.


"Get this." Sabi ko sa kanya at tinapat yung shirt sa katawan nya. I think it fits perfectly.



"And this one." Kinuha ko yung pants chineck ko muna yung size. Kasya naman sa kanya
'to for sure.

"Another one." Sabi ko sabay abot sa kanya nang hindi ko tinitignan.


"Ang dami naman! Sukat ko. Sumama ka."


Nagpunta naman kami doon. Hinintay ko lang siya sa labas ng hallway nung fitting room. Habang hawak 'tong bag na regalo ko sa kanya.


"Vice!" Napalingon naman ako ng tawagin nya ko. It fits on her perfectly. As I said.

"Great!" Sabi ko.

"Yung isang pants pa wait lang"

Di naman siya masyado matagal magsukat. Normal lang siguro.

Ilang sandali pa ay lumabas sya at rumampa pa dito na parang kami lang yung tao.

"Huy! Ano ba yan! Magbihis ka na. Nakakahiya 'to." Medyo pabulong kong sabi sa kanya at tinutulak sya pabalik doon sa fitting room.



"Ngayon pa nahiya. Dami dami na nating kahihiyang pinaggagagawa sa mundo." Sabi pa nya tsaka nagpose doon sa tapat ng room.

Napaface palm nalang talaga ko.

Maya-maya pa ay lumapit na sya at kinuha yung bag nya. Tinulungan ko naman sya sa pagsusuot noon. Nagbayad muli.




Pagkalabas ng store ay pinagbihis ko naman sya sa pinakamalapit na rest room.


Baka kasi magkasakit sya. Dahil nararamdaman kong medyo malamig na rin.

"Dapat talaga ako nalang kumuha ng damit kanina. Di mo sinabi kasi na maglalaro pala tayo." Nagpacute pa sya sa pamamagitan ng pagpout.

"Larong laro ka na ba? Haha, sige na magbihis ka na. Tanggalin mo yung mga tag. Hintayin kita sa waffle."

"Turo ko sa stall na malapit lang sa amin."

"Okayy."



"Hey!" Tawag ko sa kanya nang makalakad na sya ng kaunti palayo sa akin.

Lumingon naman sya na nakakunot ang noo.

"Yung bag mo, dadalhin mo talaga? Pwede mo iwan sa akin."


"Okay lang." Sagot nya at naglakad na ulit pabalik. Naiwan naman sa akin yung hoodie na binili ko rin.

Pumjnta naman ako sa waffle para tumingin. Oo tingin lang busog pa ko sa kinain namin eh. May stalls kasi dito na mga crafts and everything. Mga diy na arts, handmade. Mga ganon.


"Ahm, miss.. ginagawa mo 'to on the spot?"

Tanong ko sa kanya habang hawak yung maliit na keychain na may nakaukit na name. Kasing haba lang yata ng pangalawang guhit ng daliri ko yung pinakamahabang nakadisplay dito.

"Yes sir!"

"Ohh nice!"

"Customize 'to lahat?"

"Yes po."

"Sige nga miss, pagawa naman ako ng tatlong may name."

"Ano po ilalagay natin Sir?

"Uhm, okay lang ba hintayin natin yung kasama ko? Para sya nalang magdecide?"

"Sure sir."

"Magkano pala isa nito?"

"35 nalang para sa inyo sir. Gawin nyo na pong apat bigyan ko po kayo discount."

"Totoo?" Nagnod naman ito.

"Sige ate apat na. Wait lang po ah?" Kinapa ko naman yung bulsa ko para matawagan si Jaki.


Nasa kanya nga pala yung phone ko. Nasa bag nya pati wallet.

May pera pa naman ako sa bulsa para dito hintayin ko nalang sya.


"Vice?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.


Isang babae at lalaki na nakajacket na pang rider. Seems familiar. Nasa likod lang sya nung babae.

Yung babaeng sinayang yung oras ko. Itong lalaki, ito yung pinalit nya sa akin? Honestly, mukha lang syang mabait. Thats all. Normal lang mukha nya walang wala sa datingan ko. Mukha pa lang. Parang ako na yung panalo.




"Uh, yes?" Sagot ko kasi di ko alam kung ano ba dapat isagot.


"Long time no see." Sabi pa nya na nag-aalangan ngumiti.
Di naman sila gaano magkadikit nung kasama nya. Unlike me and Jaki.

"Ahh, oo nga." JAKII NASAAN KA NA BA, ANG AWKWARD DITO.


"Kamusta ka na?" Di pa rin nagbabago. Kumusta not kamusta.

"Ayos naman."


"Uhm, boyfriend ko nga pala. Si RJ. RJ, kaibigan ko si Vice."
Pakilala nya pa.

Parang awkward din sila sa isa't isa. Di ba sila okay? Pakialam ko naman dun. Hayyyy.

Gago! Ako nga pala yung ginago nyo dati.

"Nice meeting you pare. Nakukwento ka ni Claire sa akin madalas noon." Inalok pa nya ko ng shakehands. Pero suot pa rin yung gloves nya.




Tinignan ko lang muna iyon.



"Love!" Napalingon naman ako sa gilid ko dahil kilala ko yung boses na yun. Yung nag-iisang may ganoong epekto sa akin kapag naririnig yung boses nya.

Love? Jaki? Anong trip nitong babae na 'to?

"Love. Andito ka na pala."


Binawi naman nung RJ yung kamay nya.


"Love! Okay na yung binibili mo? Sorry ah natagalan ako sa cr." Salubong nya pa sa akin at pinulupot ang mga braso nya sa bewang ko.

Jaki, you're saving me. Alam na alam mo kung kelan ko kailangan ng tulong.

Umakbay naman ako sakanya.

Nakita nya siguro yung mukha ni Claire. Pinakita ko kasi picture ni Claire dati nung napag-usapan namin.

"Okay lang love. Di pa ko nakakapili hinihintay kasi kita. I forgot my phone in your bag. Tatawagan sana kita e." Sakay ko pa sa trip nya.

Nagets ko naman sya kahit medyo late na sa inaakto nya ngayon dahil matagal na nya 'to napagplanuhan. Kapag daw nakita nya si Claire papamukha nya na sinayang ako ng sobra.


"Love, si Claire nga pala, tsaka si..." kunwari ay nakalimutan ko ang pangalan niya.

"RJ" cold na sagot ni RJ mismo.

"Ayun. RJ, boyfriend nya."



Kumalas naman si Jaki sa pagkakayakap sa akin at may kinukuha sa bag nya.


"Ay love oh, yung phone mo." Inabot nya sa akin na nakaharap kila Claire yung screen.
Tapos pinindot nya yung lock para bumukas yung phone sa pagkakasleep.


Nakita ko naman na kakapalit lang nung wallpaper. Yung picture namin kanina lang ang pinalit nya pala.

"Si Jaki nga pala, girlfriend ko." Pakilala ko naman sa kanila.

"Hello! Ikaw pala si Claire. I dont know if I should say this pero thank you ha? Kasi di ko sya makikilala if naging kayo."

Napansin ko naman na mas giniginaw si Jaki dahil naka shirt lang siya. Dahil nakahawak sya sa magkabilang braso nya kahit nakaakbay ako sa kanya.


"Maybe, di lang talaga kami soulmate."

Kinuha ko naman yung hoodie na nasa paper bag na hawak ko.

"Love, suot mo na 'to. Baka magkasakit ka nanaman e."


Tinulungan ko naman sya na isuot 'yon.

"Thanks, Love." Sabi nya sa akin sabay halik malapit sa labi ko pero sa cheeks lang.

"Kinikilig ka nanaman!" Sabi pa nya na bahagyang tinapik ako sa pisngi.

Namumula na yata ako.

"Ahm, Vice. Alis na nga pala kami may pupuntahan din kasi kami."

Paalam ni Claire sa amin dahil nakalimutan na yata namin na andito sila sa pagpepretend namin.

"Aalis na kayo? You can join us naman. Double date? Uso pa ba yun? haha" natatawang suggest ni Jaki.

Hinawakan ko naman yung kamay nya.
Napakalamig ng kamay nya. Kaya't mas naging firm pa yung paghawak ko dito.

"Excuse me sir." Napatingin naman kaming lahat doon sa nagsalita.

Si ateng nagtitinda kanina.

"Sya po ba yung hinihintay nyo? May magpapagawa po kasi. Itatanong ko lang po sana kung ano po yung ilalagay para mauna ko na po."

"Ay Love, look at these. Ang cute di'ba? Ano gusto mo palagay natin?"


"Hmmmn, Love. Para lagi mo ko maaalala."

"Kayo RJ? Baka gusto nyo nito oh. Sagot ko na." Sabi ko sa kanila na may ngiti sa mga labi.

"Hindi na, aalis na rin kami di ba?" Nilingon nya pa at tiningala ng kaunti dahil mas mataas sa kanya yung boyfriend nya.

Tumango naman iyon bilang sagot.

Nakita ko naman na wala nang pakialam si Jaki dun sa dalawa at focused doon sa name tags na keychain.


"Alright. Good too see you then." Sabi ko. At tipid na ngumiti.

Maglalakad na sana sila palayo.

Pero lumingon si Claire at bumalik at sinabing..

"Vice, I know you're a whole life is better without "me" in your life."


"Well, a lot better, I hope you too." Sabi ko tsaka ko sya tinalikuran at bumalik kay Jaki.




"Love! Tignan mo 'to. O di ba ang cute kapag Love nakalagay may paheart pa." Sabi pa nya.

Nakita ko namang kinuha ni RJ yung kamay ni Claire para hilahin na palayo dahil naiwan ko syang nakatulala lang doon.

Binalik ko naman yung atensyon ko kay Jaki. Seryoso syang namimili talaga.


"Love." Tawag ko sa kanya kahit malayo na yung dalawa.

Ang sarap pala pakinggan ng ganun. Ang sarap pala tumawag sa ganoong paraan.

Napalingon naman sya at tinignan yung paligid tsaka tumawa.


"Success!" Sabi pa nya at natatawa pa rin.

"Thank you!" Sabi ko sakanya tsaka niyakap siya.


"Ma'am sir, eto na po yung iba pa."

Kinuha ko naman iyon. At kumuha sa bulsa ng 150.

Pagtingin ko naman doon sa name tags,

Love nga talaga yung nakalagay tapos may heart pa. Isang blue. Isang pink.

"Seryoso ka dito?" Ngiti kong tanong ko kay Jaki.

"Ayaw mo ba? Akin nalang parehas. Cute kaya. Tsaka hayaan mo na. Remembrance sa 'Love' hahaha" sabi pa nya.


"Cute nga e. Sa akin yung pink." Hahaha. Alam ko kasing gusto nya 'yon talaga.


"Ang daya!" Nakita ko naman na may hawak pa syang pink at orange.


"May pink ka pa naman dyan e."

Talagang pinagtalunan pa namin 'to.

"Eeee, pooh and piglet 'to ih." Pacute nanaman po siya.

"Tara na nga dun sa arcade. Mamaya na natin pagtalunan yan."



"Ah! Alam ko na. Sa'yo si piglet! Akin si pooh. Para lagi kita kasama. Tapos sa'yo 'tong blue na love." Paliwanag nya pa habang naglalakad kami papuntang arcade. Naglalakad pa sya patalikod habang nakaharap sa akin.

Tinitignan ko naman yung dinadaanan ny baka matisod, mapano pa siya.


Bigla ko naman siyang pinigilan noong may malapit na sya mabangga at umayos na rin sya ng lakad.

"Okayy po, akin na si piglet mo tsaka yung blue."

Binigay naman nya iyon ng ngiting ngiti.

Parang may napagtagumpayan lang.

Nagpaload na kami ng card habang nasa pila ay napakagulo namin.

Kaya kinulong ko na sya sa bisig ko. Naroon pang kinagat nya yung braso ko para bitawan ko sya.

"Ouch! Jackque Gyl!" Reklamo ko sa kanya dahil diniinan na nya yung kagat nya. At lumayo na sa akin.

Tinignan ko pa kung nagdugo iyon. Mabuti na lang ay hindi.


"500 miss." At inabot ko naman sa kanya yung card.

"Pacheck na lang sir ng balance."

"Thank you."

Agad ko namang nakita si Jaki na seryosong nanonood doon sa nagbobowling na game.

May totoong bola pero mas maliit sa totoo.

Lumapit ako sa kanya at sinabing..

"Gusto mo itry?"

Nagnod naman sya na seryoso pa rin at tila pinag-aaralan kung paano ba mapatumba lahat yung nasa screen.

"Yung kilay mo, nakakunot. Ayusin natin." Hinarap ko naman sya tsaka kunwaring inaayos ang kilay nya.

Dahil doon ay dinakma ng maliit nyang palad yung pagmumukha ko.

"Aray naman!" Reklamo ko dahil nauntog ako doon sa salamin sa gilid namin.

"Hala sorry! Hahahaha!" Yung paghingi nya ng tawad alam mong sincere kahit natataw sya. Hinimas pa nya yung nauntog sa akin.

Umalis naman na yung naglalaro kanina dahil puro na lang sa canal napupunta yung bola.


Nagswipe naman ako.

"Your turn."

"O, 2 players pala yan e. Player 1 ka." Sabi ko pa sa kanya.

Pinanood ko naman sya na tinatansa pa yung sentro na parang tunay. Hahaha.

pagbitaw nya ng bola....

"HAHAHAHAHA! ISA PA! GO PIGLET!" Pagchicheer ko pa sa kanya. Dahil napunta sa canal yung bola.


Pagbitaw nya naman sa pangalawang try ay may tinamaan sya.

Isa. HAHAHAHAHA.

"Yun! Galing mo don!"

"Tse! O ikaw na. Tignan natin galing mo."
Sabi pa nya at humalukipkip.




Pinagulong ko naman yung bola ng swabe lang. Kaya nakagitna syang gumugulong ngayon sa led screen.

Tinamaan ko lahat.

Humarap naman ako sa kanya tsaka nagshrugs.


Another try pa para sa akin. Dahil may score board din dito.

Ginawa ko naman ay tinakpan ko pa yung isa kong mata. Tsaka pinagulong muli yung bola. Hahaha gusto ko lang asarin sya.

Pagtanggal ko naman doon ay kalahati yung natumba.

"Yabang, alis nga dyan ako na." Natatawa naman ako dahil palagi nya sineseryoso yung laro namin.

Nakakailang try na sya pero di pa rin nya nagagawang maicenter yung bola.

"Wag mo kasi ihagis. Mamaya tumama sa screen yan ikaw ibabayad ko sige ka."

"Ano ka? Nanay ko? Ipambabayad ako sa cashier? Bata ba?" Pagmamaktol nya naman.

"Ganito kasi." Hinawakan ko naman yung malambot nyang kamay. Kamay yata ng baby 'tong kamay nito e. Kahit naglalaba malambot pa rin.

"Paguluhin mo. Yung hindi magbabounce pag pinagulong."

"O isa pa."

Nagtry naman ulit sya.

"Ayan ganyan."

Inaabangan nya pa yung bola kung mapupunta sa canal o hindi. Pero sure namang hindi.

"Yey!!!!" Sigaw pa nito na tinaas pa yung dalawang kamay.

Kaya napatingin sa amin yung karamihan.

"Panes!" Sabi pa nya tsaka ako iniwan sa kahihiyan. Lumipat sya doon sa parang water gun pero plants vs zombies.

Sinundan ko naman sya dahil tinatawag na nya ko na para bang kalaro talaga gamit ang kamay nya.


Habang naglalaro kami natutunan namin ang team work hahahaha.

"AY! ANAK KA NG!!! NI TITA. Piglet naman.." sabi ko sa kanya matapos nya ko wisikan noong matatapos na yung game.


"Hahaha!" Tawang tawa lang sya habang nagpupunas ako.



Kapag nga naman nagkaroon ka ng abnormal na kaibigan.

Inangat nya naman yung mukha ko tsaka pinunasan ng bimpo. May bimpo kasi sya palagi sa bag.


"You're welcome." Sabi nya pagkatapos punasan yung mukha ko.

Lumipat naman kami sa Basketball, initial d na race. Syempre ako yung panalo. Tapos nag-aya siya sa karaoke.


Nagwawala lang naman sya buong minuto na andoon kami.

Tapos pinakanta nya ko ng pinakanta hanggang sa magsawa sya sa boses ko.

Pero kinantahan nya ko. Para sa akin. Niloloko pa nya kong pinapakilig kahit mamamatay na yata ako dahil doon.

"Bili lang ako." Paalam nya noong huminto kami sa Claw machine.

Di man lang tinanong kung gusto ko man lang ba magpabili ng tubig.

Seryoso naman akong kinukuha 'tong baboy na pinapahirapan ako.

Pilit kong sinasakto yung pag-galaw ng contoller sa paghinto nito sa nakataob na peppa pig.

"GOTCHA! Pinahirapan mo ko. Magpapakuha ka rin pala." Kausap ko pa sa kanya.

Nagulat naman ako ng may tumapik sa braso ko. Kaya napalingon ako dito.

Bottled water.

Tapos nakita ko naman yung nag-aabot. Yung magandang babae. Walang iba kundi si Jaki.

"Uy! Thank you! May gift ako sayo!"

Kunwari ko pang tinago sa likod ko yung peppa pig.


Pinigilan nya naman iyon.

"Wow!!!! Thank you!!!! Ang cute nito!" Nanlaki pa talaga yung singkit nyang mga mata.



"Uwi na tayo?" Mukhang napagod ka na e.
Tanong ko sa kanya.
Palakad na sana kami ng hilahin nya ko papasok sa kulay puting room.


Akala ko nasa langit na ko. Nasa tabi ko na kasi yung parang anghel. Kung ganito yung makikita ko sa panaginip ko malamang di na ko magising at gustuhin kong mabuhay nalang na katabi nya.

Nawala naman iyon agad sa isip ko. Kung anu ano kasi naiisip may pamilya naman ako.



"Smile!!!!" Nasa loob pala kami ng photo booth.

NAPAKALIWANAG NUNG ILAW!

HAHAHA

Pero pinilit ko pa rin ngumiti.

Sa una yung maayos na picture. Yung huling lima kung anu-ano nalang yung naging itsura namin. Nandoon yung nakaakbay siya sa akin na pasakal meron din naman na gumanti ako sa kanya. Meron ding nakapikit kami na wacky. Tsaka yung scripted na nakatawa. Pero noong huli ay nagkatotoo na dahil nakita namin yung mga itsura namin sa gilid ng screen.

Lumabas naman na yung picture namin.

"Uy ang ganda talaga ng lighting dito. Peram nga phone mo mas maganda ko dyan e."

Sabi pa nya haha. Inabot ko naman yung phone ko syempre.


"Dito tayo magselfie daliiii!!!!"

Selfie na mas malaki talaga yung mukha nya dahil sakanya iyon nakatapat talaga pinasingit lang ako sa screen.

"1, 2, 3..."

"Gooooo!" Sabi ko naman kaya sinabunutan nya ko ng marahan pero naka3 shots pala yon kaya nakuhanan sya.

"Ayusin mo na."

Kaya mas lumapit naman ako sa kanya para close talaga.

"O tara na. Umuwi na tayo." Pag-aaya nya naman.

Ito yung part na kinakabahan ako sa susunod na pwedeng mangyari. Yung maalala nya ulit yung nangyari kanina o kagabi lang.

Na sandali lang na nakalimutan nya lang yung ginawa sa kanya nung ex nya.


"Starbucks tayo." Aya ko muna.

"Chocolate chip cream lang." Sabi ko pa dahil lumingon sya na tipong nagsasabi na. Acidic tayo tapos starbucks.

Nakakapagpaacid din naman yung chocolate kasi lactose.


"At least hindi kape."

"Owkayy."

Matapos bumili ay natahimik kami dahil na rin sa straw sa bibig namin.

"San ka uuwi?"

Tanong ko sa kanya. Di ko kasi alam kung sa kanila ba sya o sa condo nila.


"Okay lang ba sa condo mo muna ako? Kahit condo mo sa may bar mo lang." Siguro para kung bumalik nanaman yung ex nya ay hindi sya makita.

"Di ako magdudumi sa condo mo. Lilinisin ko pa" pangungumbinsi pa nya.

"Di ka ba umuwing Antipolo?" Tanong ko habang tinatahak yung pinagpark-an ko ng sasakyan.



"Kahapon. Sa bahay mo ko dumeretso nung naibaba ko na gamit ko sa condo."


"Okayy. Paano gamit mo? Ipipick up nalang natin?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Ikaw pa ba?"

"Basta wag mo lang iiwan yung susi sa loob." Dati kasing doon sya natulog nakalimutan nya yung susi.





"Hehehe, hindi na promise."

"Kahit magpinky promise pa tayo." Alok nya pa sa akin.

Pinagbigyan ko naman at pinagbuksan ko na sya ng pintuan.


Nang makarating sa condo nila ay pinaliwanagan na nya si Madc tungkol sa pag stay nya sa condo ko. Sabi ko naman kay Madc na pwede naman sila doon din matulog. Pero dun nalang daw sila sa condo nila para kapag nagpunta doon yung ex ni Jaki ay hindi aakalaing magkasama pa rin sila sa iisang condo. Nung bago pa kasi sila maghiwalay bago yung kagabi, naghiwalay na sila before. Kinausap ako ni Tom.

Nagkasagutan pa kami.


******

I really don't know kung magulo yung pagkakatype ko or yung flow. Sorry na agad kung may typo. Haha.

Salamat sa nagbabasa nito. Tsaka nagvovote. Message nyo lang ako kapag naguguluhan na kayo. Sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

Hasta la próxima, ¡adiós!

-awe_somebuddy

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 178 6
•This one is an OOC character •Gay, obviously Yuri here and your forever the star of the show, y/n. •The harem is still there, barely, because you're...
328K 9.6K 57
Is he the fulfillment of her wish?
209K 5.4K 38
This is a one shot different stories of Vicerylle.
1.1M 45.6K 52
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...