PANSAMANTALA (ViceJack)

Bởi muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... Xem Thêm

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Quince - Struggle is Real

373 9 0
Bởi muddy_maddie

I still remember how she smiled at me when I gave that bag to her. I still remember the first time she hugged me. I didn't expect that to happen.

*Days before Jaki's Birthday (a year ago)*

Lunes ng umaga habang nakahiga ako muli sa kama ay nag-iisip ako ng pwedeng iregalo kay Jaki.

Halos mapiga na yung utak ko kakaisip pero wala talaga. Ang alam ko lang sa kanya mahilig sya sa baboy at pink. Nakabili na nga ako ng baboy eh lulutuin nalang. Joke. Napalingon naman ako sa stuffed toy na nasa tabi ko na binili ko kagabi. Nagtatatlong isip pa ko kung maliit ba o malaki yung dapat bilin. Nagpasya akong itong maliit nalang yung 3 feet. Nung nagtanong kasi ako sa mall ang sabi para sa girlfriend daw ba. Yung malaki na raw bilin ko. Kaya nauwi dito sa 3 feet.

Kinurot ko naman yung ilong nung baboy.

Ano pa bang pwedeng iregalo sa'yo Jaki..

Bukod naman kasi dito ay gusto ko syempre yung magagamit nya araw-araw.

*Dialling Madc*












.









.



.

.



.


.

.

.

.

.

Tagal naman nito sumagot..

"Hello? Ano 'yon?" Sa wakas sumagot din sya, na tila ba nagmamadali.



"Wala pa kong regalo kay Jaki. Ano ba gusto nun? Tulungan mo naman ako." Sabi ko sa kanya matapos kong tumayo sa pagkakahiga mula sa kama ko.



"Bigyan mong bubble gum matutuwa na 'yon."
Sagot nya.


Kinuha ko naman yung kape sa side table at naglakad papuntang balcony.

"Gusto ko naman yung magagamit nya talaga."
Sagot ko sa kanya habang tinatanaw ang ilang bakanteng lote dito sa village na halos puro puno pa.

"Kung mahilig kayo sa sapatos, saan mahilig ang mga babae?"

Napaisip naman ako doon.


Sapatos sa lalaki.. sa babae...


"Uh, sa medyas?" Tanong ko sa kanya. At sumandal sa railing at humigop ng kape.





"Walanjo JM, saan mo napulot yan? Bahala ka na mag-isip. Di naman choosy 'yon. Tsaka sasabihin nun di naman kailangan ng ganon presence lang okay na."



"Okayy?"

"Sabay-sabay na tayo nila Melvie sa Wednesday. Miss ka na raw ni Bullet."
Monday naman ngayon.

"Yeah sure. See you then." Paalam ko at uminom muli ng kape.




"See you. Bye! Malelate na ko sa trabaho!" At agad na nyang binaba yung call. Naupo naman ako sa hammock dito sa balcony.

*Incoming Call Navarro..*

"Oh napatawag ka?" Nilapag ko yung kape sa mini table dito.

"Brad! Samahan mo ko!" Nagulat naman ako dahil sa tono ng boses nya ay urgent ito at parang kinakabahan siya.

"Saan? Kumalma ka nga. Kinakabahan ako sa'yo eh." Ang bilis naman yata nung epekto nung kape.



"Hong Kong. Gusto nung client natin doon magpresent. Brad kinakabahan ako!" Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko sa hammock.

"Bakit ka kinakabahan? Bugok ka ba? Di ba kamo pwedeng skype nalang?"
Unconciously my feet start pacing.


"Kasi nakakailang revised na 'yon tapos gusto nya doon na mismo."
Alam kong nag-aalala si Vhong dahil pangalan ng company ang nakasalalay dito.

At isa yung client na yun sa project na pinaghirapan namin makuha.

"Kelan yan?" Kinokontrol ko ang sarili ko para kumalma ang pagtatanong ko.

"Bukas."

"What!?" Tama ba rinig ko? Bukas!??? Paano!!!???

"Kelan mo pa alam?" Nai-stress ako sa sitwasyon.

"Kahapon lang. Di agad nasabi sa akin ng Admin." Mahinang sabi nya.


"May presentation material na?" Napasapo nalang ako sa ulo ko at nag-iisip kung paano gagawin.

"Perspectives pa raw sabi ng staff." Pumasok ako ng kwarto at kinuha yung susi ng sasakyan ko.



"I'm on my way. Dyan tayo mag-usap."
Sabi ko habang nagmamadali papunta sa sasakyan.

Bumusina naman ako para mapagbuksan ako ng gate ng mga angels ko. Kumakaripas naman sila ng takbo para buksan iyon.

"Sige Brad, ingat ka. Salamat." Binaba ko na agad yung tawag at nagdrive na papuntang opisina.

Bukas.. aabot naman sya kaso baka bukas pa nila matapos yun kung marami. G-drive nalang nila.

Pagkausap ko pa sa sarili ko.

Bukas tapos Wed. kailangan ko pumunta kila Jaki. Wala pa nga akong regalo eh.






Paano na. Malapit lang naman sya pero. Hassle. Walang pahinga. Kung 2 hours ang flight. 6 hours ang maigugugol ko papunta doon.
3 hours sa terminal, 2 hours flight

Balikan. 10 hours wala pa yung traffic na dadaanan ko dito sa pilipinas




Nang makarating sa ibaba ng opisina ay agad akong nagtungo sa elevator lobby.
Sakto namang kakababa lang nitong ground at pumasok na ko.

Hindi na ko nagmabagal pa at tumungo na sa office.

Ngiti at tango nalang ang naisukli ko sa mga bati ng staff ng ibang department.

Pagpasok ko ng opisina ay nasa likod si Vhong ng dalawang staff na naglulumion at plan.

"Navarro." Tapik ko sa balikat nya.

"Good morning sir."

Bati naman nilang lahat sa akin.


"Ano pa kulang?"

"Ahm, sir dalawang adjustments nalang nung base plan tsaka po irereflect." Tinuro-turo naman ni...ano nga ulit pangalan nito. Yung kabado.

"Ano nga ulit name mo? Sorry."

"Vitto po." Ahh oo nga the 'old friend'


Tinanguan ko nalang sya at naupo sa bakanteng computer chair doon.


Tinignan ko naman si Vhong. Kabado talaga.


Tumingin ito sa akin at pumunta sa loob ng opisina nya. Kaya sinundan ko na.



"Bakit ba kabang kaba ka? Ano bang problema? Alam mong aabot 'yon sa deadline. Kahit gdrive nalang aabot na 'yon."







"Kapag di nila nagustuhan. Icacancel nila 'to. Hahanap sila ng iba."




"Di ka ba tiwala sa design natin? Pati sa team nung project?" Tanong ko sa kanya.

Iyon yung pinaggugulan namin ng oras dati. Pati ng staff.


"Nauunahan lang ako ng kaba. Kasi sayang. Ayokong mawala yung pinaghirapan natin. Lalo nila. Halos dito na matulog yung mga yan e." Pagtutukoy nya sa staffs.

"Believe in yourself, Vhong. Sasamahan kita pero kailangan ko agad umalis kinabukasan."


"Nagpabook na nga pala sila. Dalawa yung binook. Nagulat nga ako pinadala na eh di man lang nag e-mail."



"So ineexpect talaga nila tayong dalawa?"



"Oo. Sandali nga. May lakad ka ba?"

Kalmado na nyang tanong.

"Oo. Birthday ni Jaki. Minsan lang ako yayain ng may birthday. Bigay mo na sa akin yun."

"Ayos lang naman sa akin. Pero sa kanila.. di ko alam. 2 days stay eh. May meeting kinabukasan. Pero kakausapin ko sasabihin kong may iba kang meetings. Kelan ba lakad mo?"


"Wednesday. Paano pag 'di pumayag?"






"Papayag 'yon.." Sabi nya.

"Sana." Dagdag pa nya. Na ngumiti ng nakakainis.

Babatuhin ko na sana sya ng libro dito sa shelf baka lang mapaano at ako lang papuntahin sa Hongkong.




"Anong oras ba kayo kila Jaki?"



"Oo nga no? Di ko alam eh. Brad, ano bang usually gusto ng mga babae?"



"Bag! Para naman di mo..."

"Gago!" Bulyaw ko sa kanya para di na nya matapos yung sasabihin nya



"Easy! Nagbibiro lang. Wala pa naman akong sinasabi eh."



"Kilala kita." Sabi ko sa kanya.


"Uwi muna ko. Anong oras flight?"



"Dito ka na matulog." Sa bagay may room naman kasi talaga dito. Nagexpand na nga yung office nung sobrang daming ot, kung dati bean bags lang doon sa free space ngayon nagpagawa na sa ibang floor ng head quarters para sa office. Tapos nagpabukod pa 'tong si Vhong para sa kanya. May guest room pa.

"8 am."

"Aalis tayo dito ng? 4 or 5?"

"Oo. May time ka pa naman siguro para sa Wednesday. Kung aalis ka doon ng 10 ng umaga, nandito ka na siguro ng 12 pm. Pwede ka pa magpahinga.

"Sige uwi na ko kuha lang ako damit."

"Sige. Email ko nalang rin yung tungkol sa pagpresent natin doon na ako nalang maiiwan kinabukasan."

"Sige salamat."

Paglabas ko naman ng opisina ni Vhong ay naabutan kong busy talaga sa trabaho yung team nung project

"Guys, I'll be back. Magcheck tayo pag balik."

"Okay sir." Awkward nilang sagot.

"Guys, best efforts!"


Bumaba na ako at sumakay ng sasakyan.

Wrong timing.
Di ko tuloy alam kung masusundo ko sila Madc. Hayyyyyyysssst.

Tawagan ko na nga.

*Dialling Madc."

"Hello Madc." Paunang bati ko sakanya habang nakaloud speak sya dahil nagmamaneho ako ulit pauwi.

"Hmm? Ano 'yon?" Sagot naman nya

"Anong oras ba tayo kila Jaki sa Wednesday?"

"Syempre after work. Masyado ka yatang excited." Natatawang sabi pa nya.

"A--Ano kasi. May biglang presentation sa office bukas. Kailangan ako ni Vhong. Di ko kasi sure kung papayag yung client na umalis ako right after presentation para makauwi ako agad.." napahinga naman ako ng malalim.

"Okayy? Ang problema?" Kalmadong tanong nya.

"2 days stay kasi talaga yon. Pero kakausapin naman ni Vhong yung client na may errands ako dito sa Pilipinas." Paliwanag ko pa.

"Huh? San ba punta mo?"




"Hong Kong."


"Pasalubong ha?" Medyo gumaan naman yung loob ko at nawala masyado yung pag-iisip sa hirit nyang 'yon.



"Oo na. Ano kasi talaga, di ko sure kung masusundo ko kayo noon. Chat/text /tawagan/viber nalang kita nun. Kasi baka Wed. Afternoon pa ko makarating ng PIlipinas kung maayos yung schedule. Kapag hindi baka 6 pm onwards pa." Paliwanag ko sa kanya.


"JM, kalma. Okay lang naman kung di mo kami masundo. Okay lang rin naman kung masusundo. Kung di ka naman makakarating, ideretso mo na agad kay Jaki maiintindihan naman nya 'yon. Okay? Kaya kalma ka na dyan wag mo istressin yung sarili mo." Kalmado nyang sagot.

Bakit nga ba ko ganto? Masyado kong natataranta.

"Ang importante may pasalubong. Joke. Sige na may trabaho pa ko. Nagmemerienda lang ako." Iba rin ang priorities nito.


"Sige. Salamat!"

Agad ko naman nirecall yung concept, yung design nung project na 'yon habang binabaybay ang daan pauwi.


Pagkadating ay agad kong nilabas yung hand carry luggage bag ko.

Kumuha ako ng suit and tie.

Nagpalit na rin ako ng sapatos at medyas naglagay na rin ako ng socks na pang formal. Yung hindi makikita yung naked skin kapag naupo dahil iyon yung tamang attire.

Kumuha na rin ako ng extrang damit kung magkaproblema man.

"Jacque!!! Lalaine!!!"

Tawag ko sa mga kasambahay ko.

Narinig ko namang kumakaripas sila ng takbo patungo dito sa kwarto ko.




"Hala kuya!? Pag-usapan natin ito! Huwag kang maglayas!" Oa na tanong sa akin ni Jacque.

"Gaga! Bahay ko 'to tapos maglalayas ako? Sira ulo." Di ko manlang nagawang tapunan sila ng tingin dahil busy ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"E san ka ba pupunta kasi ser?"

"Hong Kong. May meeting ako doon. Huwag kayo magpapapasok dito ha? Baka Miyerkules pa ko ng gabi umuwi. Ano gusto nyong pasalubong?"




"Kuya, pwede ba yung lalaki? Jowaers ganern!" Maarteng sabi ni Lalaine.

"Huy! Bata bata mo pa gumaganyan ka na! Tapusin mo muna pag-aaral mo bago mag boyfriend. Bibilhan nalang kita gamit nyo sa school."


"Ay kuya ano pa kulang? Kami na mag-aayos."

"Wala na. Makakababa na kayo. Para lang alam nyo na mawawala ako ng 2 days."


"Okay po" agad naman na rin sila umalis doon sa tapat ng pintuan ko.

Dinampot ko naman yung 3ft na baboy na binili ko. Para sa sasakyan ko nalang sya kukuhanin sa isang araw.
Agad akong nagmaneho patungo sa opisina para icheck yung mga gawa ng team. Natigilan ako sa pagpasok ng building at dumaan muna sa katabi nitong fastfood chain sabi ko ay ideliver nalang dahil di ko kaya iakyat iyon.


"Oh kumusta na? Aabot ba tayo mamaya? "

" abot naman po sir."

"Kevin, tara lang." Tawag ko sa isang senior ng team. Sa pagkakaalam ko ay sya yung gumagawa ng keynote for presentation tomorrow.

Lumapit naman sya sa amin. Nasa likod ako nung dalawang gumagawa dito.

"Ikaw yung mag-adjust ng mga brightness, glare, sun at kung ano pa pagkatapos nya magrender."

"Sige sir."

Hinayaan ko naman na sila na magtrabaho muna doon at pumunta sa opisina ni Vhong.

"Ano sabi nung client? Pwede raw ba ko mag one day lang doon?"

"Di pa nagrereply Brad eh."

Parang kinakabahan nanaman siya.


"Makukuha natin yon. Tiwala lang."

I know kahit di nya ko kasama ay makukuha namin iyon. Pero kailangan ni Vhong ng suporta syempre kaya't andito ako talaga para sa kanya. Dahil andyan sya noong kailangan ko ng kaibigan. Kahit gusto ko mapag-isa noon.

"Brad. Okay ka lang?" Nawala ako sa wisyo ng itanong nya iyon.



"Ha?" Tanong nya.

Magsasakita palang ako pero..

"HAKKKDOOOOG!" Nagulat ako sa sinabi nya. Palibhasa di kami maririnig sa kabas kaya ganto sya.

"Sira ulo talaga nito. Hahahaha" hayy nako sya talaga yung taong mas nangingibabaw yung happy happy lang.

Dumating naman yung inorder ko kanina. Inaako naman ni Vhong na siya raw ang umorder.

Pero pinasalamatan pa rin ako ng staff sa huli.
Dahil ramdam nilang ako yung umorder talaga.

Natapos ang gabing iyon na hawak na namin yung file.

Nagpainom pa 'tong si Vhong. At sinabing magpahinga ang mga staff namin kinabukasan.








"Brad, sana pumayag sila talaga. Gusto ko maranasan yung simpleng birthday lang nung kaibigan ko."

Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway papuntang sa kanya kanyang kwarto.

"Sa Hong Kong ka nalang bumili ng bag Brad. Tsaka doon na rin pala tayo magpapalit ng pera."

Oo nga pala.








Alas cinco palang ay nasa terminal 3 na kami. Dalawang oras mahigit ang naging byahe namin. Nakita ko namang nirereview ni Vhong yung files at mukhang handa naman na sya. Sinundo kami ng shuttle. Di ko pa rin alam kung anong oras ako makakauwi bukas. Kakadating lang namin pero pag-uwi na yung nasa isip ko.

"Brad, basahin mo 'to. Meeting daw muna ngayon. Bukas daw presentation. 10 am."

"Makakahabol ka naman sa birthday ni Jaki mo di ba?" Di ko nalang pinansin yung pang-aasar nya.

Magtantsa naman ako ng oras medyo late pero mahahabol naman.

Nag-online naman ako at chinat ko si Madc.

"Madc, I think di ko kayo masusundo tomorrow. Baka mga 6 pa ko makarating dyan. Wag mo nalang sabihin kay Jaki. Susunod naman ako."

"Sige. Dami mong trip hahaha. Ingat ka. Pasalubong namin. Thanks!"

Reply nya agad.

"Oo na. Pero maihahatid ko naman kayo pag-uwi."

"Sige."

Di na ko nagreply at nagfocus nalang rin sa presentation na nirereview ulit ni Vhong.



Dinala naman kami agad sa meeting.

Naging maayos naman iyon at hinatid kami sa hotel na tutuluyan susunduin nalang daw kami bukas.

Di ko pa nga masyado maintindihan nung kausap ako dahil chinese yung tunog nung english nya.

"So ano, tara gala muna tayo?" Pag-aaya ni Vhong sa akin.

Hinayaan ko naman na sya.

Naghahanap naman ako ng regalo kay Jaki hanggang sa makarating kami sa MCM store.

Sobrang bagay siguro 'to sa kanya.

Sabi ko sa isip ko habang hawak yung bag

"Bibilhin mo na yan?" Tanong ni Vhong.

"Oo sana, bagay sa kanya 'to no?" Tanong ko pa sa kanya.

"Yeah, cute. Tapos bilhin mo yung cap. Bagay sa'yo." Sinuot nya naman sa ulo ko 'yon.

"Ginugulo mo lang buhok ko eh." Reklamo ko sa kanya at inayos yung buhok kong nakabrush-up. Di naman nya ko pinansin at lumabas sa store may tinitignan lang sya sa mga accesories doon.

"I'll buy this one.(bag) How much if I'll buy this too? Tanong ko sa cap na hawak ko rin.

Pinakita naman nya sa akin yung presyo.

Minsan lang naman ako magregalo lulubusin ko na.

Nagcard nalang ako sa pagbayad.

Binilan ko na rin nanay ko para pag punta ko sa US may pasalubong ako.

"Here sir."

"Oh thank you!"

"Oh, ang dami mong bitbit, lagay mo nga muna yan sa sasakyan." Sabi ni Vhong sa akin dahil nakabox pa yung binili ko. Tapos yung sa Nanay ko pa.

Bumalik naman kami agad at naglibot pa para sa mga pasalubong noong mailagay ko sa sasakyan yung mga binili ko.

Di rin naman kami nagpagabi dahil maaga pa kami bukas.


"Di yata ako makakatulog Brad. Kabadong kabado ko."

"Matulog ka nalang dyan mawawala rin yan" sabi ko sa kanya. Palibhasa ay siya ang magpepresent.




Nandito kami ngayon sa conference room.
Maaga kaming umalis sa hotel para di nakakahiya. Malapit na matapos magpresent si Vhong pero kinakabahan ako.

Lahat yata ng boss sa department noong bldg nandidito. Maski ako kinakabahan pero being professional di namin iyon pinapakita ni Vhong.


Kada lipat ng slide ay tinitignan ko ang mga reaksyon ng bawat isa. Pero hindi ko iyon mabasa na lalong nagpakaba sa akin.




Dahil isang mali lang pwede mawala yung pinaghirapan namin.

"And that's the end of our presentation. Xièxiè(thank you in chinese traditional)" Sabi ni Vhong ng matapos magplay yung flythrough video ng lumion. Sobra kong nagalingan sa pagpresent ni Vhong. Napagdesisyunan kasi namin na isa nalang ang magpresent at siya nalang dahil mas kabisado nya 'yon at natutukan.

"If you have any questions or clarifications we can adjust and talk about it." Then he smiled.

Matapos nya banggitin ang mga iyon.

Sobrang tahimik. Walang kumikibo.

Nang biglang tumayo yung client. Triple na yata yung tibok ng puso ko. Pta dito na ba ko mamamatay? Sobrang kabang kaba ko.

"Congratulations! Mr. Navarro, I'm so impressed! Your design now is more than what I expected! Thank you for that wonderful presentation." Pumalakpak naman ito pati na rin yung iba.

Napabuntong hininga ako matapos yung presentation at pagpuri na iyon nung client. Parang pagod na pagod ako dahil hindi yata ako nakahinga buong presentation na iyon.


May ilan din namang comments yung client pero minor lang. Shades lang ng kulay. Tsaka move ng kaunting elements. Tapos approved na.



Dito na kami naglunch we've talk about our projects sa Pilipinas. How it works. At sabi nya na if may another project pa sila ay icoconsider at irerefer daw nya kami sa mga kilala nya.

So much blessings thank you Lord! I Love You!


Nabook naman ako ng flight online habang kumakain.


"Vhong, I need to go. Malelate na ko sa flight pag di pa ko umalis." Bulong ko sa kanya.

Tapos na rin naman kami maglunch at magkwentuhan.

"Paalam ka na sa kanila." Bulong naman nya pabalik.

"Sir, It was wonderful to meet your team but I must be going, I have errands to take care of in the Philippines."

"Oh it was nice to be with you too. Don't think about it, what time is your flight? I'll bring the company driver with you." Alok nya pa sa akin.

Diyos ko. Isang kutsarang english lang dala ko ngayon. Sana huwag na nila ko kausapin baka wala na kong dugo pag-uwi ko. Joke lang. Di lang talaga ko handa.

"Thank you sir, but I'm gonna---" naputol naman yung sinabi ko dahil tinawag na nya yung driver at pinahatid ako sa hotel at ipapatapon na ko joke ihahatid na rin ako sa airport.

Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at kinuha yung mga binili ko para iuwi at demeretso na sa airport.

Almost 12 pm na rin kaya naghahabol ako ng oras para sa flight ko na 3pm.

"Manong, ilang minutes papuntang airport?" Hingal na tanong ko sa kanya.

Di naman nya ko sinagot at nakatulala lang sa akin.

Syet. Chinese nga pala 'to.

"I mean how long does it take for you to bring me to the airport?"



"15 minutes away lang sir."


"Thanks."


"Pinoy ka!?" Bigla kong sabi nang marecall ko yung "lang" na word nya.

"Pinahirapan mo pa ko kuya." Sabi ko sa kanya.

"Oo sir. Nagulat lang rin po ako kaya di ako agad nakasalita. Sorry sir."

"Wala yun kuya. Saglit lang pala byahe. Aabot pa ko."

Di ko mapigilan maexcite sa pag-uwi.

Tinulungan rin ako ni kuyang driver sa mga gamit ko.

Ilang oras lang ay nasa loob na rin ako ng eroplano kaya't pumikit na rin ako nang magsimula itong lumipad.

******
Kung may typo man pasensya na 😅 di ko na nacheck ulit.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.6K 178 6
•This one is an OOC character •Gay, obviously Yuri here and your forever the star of the show, y/n. •The harem is still there, barely, because you're...
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!
683K 33.8K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...