PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill

398 13 0
By muddy_maddie

"Gwapo ko ba?" Tanong ko naman sa kanya. Para iwasan yung gusto nya itanong o sabihin.

Dahil di ko alam, kinakabahan ako sa maaaring maging resulta.

"Hindi may dumi ka lang sa mukha." Agad ko naman ginalaw ang mga braso ko para ipunas sa balikat yung sinasabi nyang dumi.

"Saan ba?" Tanong ko pa.

Natatawa naman sya.

"Dito." Turo nya sa mukha nya para sabihin kung saang parte.

"Sa kabila." Sinunod ko naman.

"Dito pa."

Sige punas naman ako.

"Ayun pa. Eto pa oh." Turo nya sa mukha ko.

Winisikan ko naman siya ng tubig.

"Niloloko mo na ko eh." Parang baliw talaga.

Hinarang nya naman yung palad nya para masangga yung mga wisik ko

"Bumaba ka na dyan."

Automatic namang inabot ko ang dalawang kamay nya para alalayan sya sa pagbaba.

Tumalon naman sya at napahigpit yung hawak ko dahil baka mapano sya.

"Tara?" Sya pa nag-aya sa akin na akala mo naman ay alam yung pupuntahan namin.

"Buti di ka minalat." Sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay.

"Oo nga eh. Sayang!"

"Baliw!"

"Ang lakas kaya makasexy nung boses ko pag ganun."

"Ayaw ko. Masisira boses mo."

Kumuha naman ako ng tubig.

"Flower vase talaga mga baso mo no?" Inabot ko naman sakanya yung baso na half nung nainom ko na.

"Ubusin mo yan."

Kinuha ko naman yung susi ng kotse sa may sabitan sa ref.

Nakita ko namang nakasimangot syang inuubos yung tubig.

"Iwan mo nalang dyan. Tara na." Kinuha ko sa kanya yung baso at nilapag yon sa lababo. Tsaka ko siya inakbayan.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya habang nagpapatangay lang sa akin papuntang garahe.

"Basta." Inistart ko muna yung sasakyan Inopen ko naman yung gate. Naka leave kasi yung dalawa kong kasambahay ng matagal kaya wala akong kasama ngayon. Papapalitan ko na talaga 'tong gate ng automatic.

Pinagbuksan ko naman si Jaki ng pinto matapos maayos yung atmosphere sa loob ng sasakyan. Inatras ko naman ito palabas. At bumaba muli para isarado yung gate.

Napansin kong pinapanood nya lang ako palapit at papasok ng sasakyan.

"What? May dumi nanaman ba ko sa mukha? Hahaha"

Natawa naman din sya.

Itong batang 'to di pa nagseatbelt.
Lumapit ako sa kanya para abutin yung seatbelt at isuot ito sa kanya.

"Ayan. Safety first piglet." Sabi ko habang kinakabit yung seatbelt.

"Aray!!! Mashakeeeet!" Reklamo ko dahil pinagtripan nya nanaman yung pisngi ko.

Napahawak naman ako doon at sya naman ay nagplay sa audio nitong sasakyan.

Pang party talaga yung hinanap nya. Sinasabayan nya pa ng kanta at sayaw.

"SHOUT OUT TO MY EX! YOU'RE REALLY QUITE THE MAN! YOU MADE MY HEART BREAK AND THAT MADE ME WHO I AM! HERE'S TO MY EX! HEY LOOK AT ME NOW! WELL I, I'M ALL THE WAY UP I SWEAR YOU'LL NEVER BRING ME DOOOOWWWWN!"

Mga kaibigan nagwawala na po siya sa kotse ko. Hahaha

Sakit pa rin nung kurot nya. Namula na yata yung pisngi ko.

"Heeeyyyyy, lapit ka nga dito. Di kita maabot."
Sabi nya while reaching me with her arms

Naglean naman ako sa gilid nya.

"Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya habang focused pa rin sa pagmamaneho.

"Namumula pisngi mo haha. Sorry." Hinimas-himas pa nya yung mukha ko tsaka biglang hinalikan ito.

Oh God! Mas mamumula pa yata 'to dahil sa ginawa nya.

Hindi naman na iyon bago sa amin. Pero everytime na gagawin nya 'yon it feels like it's the first time na she kissed me on the cheeks.

Kunwari naman akong nagpunas ng pisngi.

"May laway pa ano ba 'yan!"

"Arte naman! San ba kasi tayo pupunta?"

"Sa mall. Maglalaro."

"Arcade!!!!!!????" Nagniningning naman ang mga mata nya nang itanong iyon.

"Yes. Pero may dadaanan muna tayo."

"Okayy!!!! Okayy!!!! Yiiiieeeee thank you!!!!" Sabi pa nya tsaka umusad papunta sa akin at inangkla yung braso nya sa braso ko na marahan dahil nagmamaneho nga ako. Hindi naman malayo yung agwat namin pero baka masaktan sya sa seatbelt kaya pinaayos ko na sya ng upo.

Lumiko naman ako sa simbahan at nagpark doon.

Linggo kasi ngayon. Baka pa rin sya nakakapagsimba ngayon sa sobrang aga nya pumunta sa bahay.

Bumaba na ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Tara, kailangan na kailangan mo 'to. Alam kong di ka pa nakakapagsimba ngayon."

"Sakto. Mag-aalas diez palang." Sabi nya habang bumababa.

Nandito naman kami ngayon sa harap ng Manila Cathedral.

"Jaki, saang simbahan mo ba gusto ikasal?"
Tanong ko sa kanya. Habang naglalakad kami papasok ng simbahan, while she put her hands around my arm.

"Sa Basco Batanes. Sa Mt. Carmel Chapel." Agad nyang sabi.

"Tukon Church." Sabi ko at nagkatinginan kami.

Noted Jaki. Noted. Doon kita papakasalan. Kapag tama na yung oras, kapag tama na yung panahon. Kapag sumasang-ayon na yung pagkakataon.

Napalitan ng ngiti yung seryoso nyang mukha kanina.

"Ikaw ba?" Pagbalik nya ng tanong habang inaalalayan ko syang tumungo doon sa pangatlo sa harap na pwesto.

"Syempre sa tao Jaki. Sino ba namang...Aray ko naman!" Pabulong kong sabi dahil nasa loob kami ng simbahan.

"Mapanakit ka nasa simbahan tayo magconfess ka nga kay father, kanina mo pa ko sinasaktan."

"Pilosopo kasi." Kurot pa nya sa braso ko. Bago tigilan iyon.

Narinig naman namin ang bell na matagal ang pag tunog hudyat na magsisimula na ang misa at pumasok na nga ang pari pati na rin ang mga nagseserve.

Sumabay naman kami sa paunang kanta nito.

Nagsimula naman na yung misa.

Tahimik naman kaming nakikinig sa unang pagbasa.

Paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya upang tignan yung kalagayan nya. Kung ano ang nararamdaman nya.

Jaki being herself, siya yung taong hindi nakakalimot magpasalamat sa Diyos. Siya yung taong pala dasal. Nakalakihan na rin nya siguro at isinapuso nya ito. Sobrang ganda ng pagpapalaki ni tita sa kanya. Since nabanggit rin naman nya dati na pagseserve yung pinagkakaabalahan ni tita sa kanila.

"Pssst! Makinig ka." Bulong nito sa akin.

"Matutunaw ako kakatitig mo eh." Dagdag pa nya.

"Chinecheck ko lang kung nakikinig ka mamaya humagulgol ka pa dyan eh."

"Shhh! Nakikinig ako wag ka maingay." Saway pa nya.

"Mga kapatid, minsan po sa buhay natin may mga umaalis at dumarating. Nakakalungkot na may mga umaalis pero hindi naman natin alam yung plano ng Diyos."

"May umaalis na ang ibig sabihin ay kasama niya, may umaalis na nagpupunta sa ibang bansa para sa pamilya nila, may umaalis na iniwan yung girlfriend or boyfriend nila"

"Ayun sapul!" Side comment ko.

Medyo sakto kasi yung homily ni father.

"May mga iniwan na po ba dito ng girlfriend o boyfriend nila?" Tanong nung pari. Pigil na pigil naman talaga ko ng tawa at nakita ko namang asar na yung katabi ko.

"Mamaya ka sa'kin."

May ilan namang nagtaas ng kamay. Proud na proud.

Syempre fresh na fresh pa yung sa kaibigan ko kaya inakbayan ko sya at tinap-tap ko pa yung balikat nito.

"Ako hindi kita iiwan." Sincere kong sabi na may ngiti sa labi.

"Hinding hindi kita iiwan."

"Aww thank you!" Hinawakan nya naman yung kamay ko na nakaakbay sa kanya.

"Pero lagi po nating tandaan mga kapatid, sa pagmamahal, may plano po ang Diyos. Maaaring isinusulat pa Niya ang love story mo."

"Sa pagmamahal po kasi inilalayo na tayo ng Diyos sa maling tao kapag alam nyang hindi ito para sa atin. Pero bakit po ito ibinibigay pa? Dahil, sa mga pagkakataon na iyon, may mapupulot pong aral. Matututo po ang tao na huwag na gawin ang mga bagay na mali sa nakaraan."

Paliwanag nung pari.

"I told you so. Ayaw mo lang talaga makinig." Sermon ko sakanya.

"Daig mo pa yung pari kung magsermon. Makinig ka nga."

Nakikinig naman ako.

Mas focused lang sya talaga.

Ang point naman sa huli ay we have Him all the time. Talk and thank Him no matter what happened. Ask for His help when you can not handle things around.

Kasi iyon naman dapat.

"Sumasampalataya ako sa isa Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat..."

Eto talaga yung nalilito akong dasalin. Di ko kaya dasalin mag-isa 'yon dahil napagpapalit-palit ko.

Kaya sinabayan ko nalang sa abot ng aking makakaya hehe. Sorry na Lord.

Ilang sandali pa ay muling nagkahawak ang kamay namin dahil sa Ama Namin

Diyos ko, di ko po alam kung kasalanan po 'tong nararamdaman o nagagawa ko. Patawarin Nyo po ako kung ganun man.

Hindi ko naman po sinasadyang mahulog sa kaibigan ko.

'Di ko naman po sinasamantala yung ganitong pangyayari para magkahawak kami ng kamay.

Naramdaman ko namang pinisil nya yung palad ko kaya't napatingin ako.

"Kumanta ka." She mouthed.

Sinunod ko naman iyon. Ang dami ko nanamang iniisip.

One at a time Vice. One at a time.

Wag kang mag-isip ng kung ano ni-hindi mo nga alam kung sasabihin mo ba o hindi eh.

Ang gulo.

"Asar!!!" Di ko maiwasan na mabanggit yon ng madiin kaya't napatakip ako ng bibig agad.

"Huy! Ano ba yan? Isip ka ng isip dyan. Last part na oh." Pinagsabihan nya naman ako.
Alam na alam nya talaga kapag nag-iisip ako.

"Sorry. Peace!"

"Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa." Sabi nung pari

Sakto pala sa peace ko kay Jaki. Haha.

"Sorry na. Peace be with you." Bulong ko sa kanya bago humalik sa pisngi.

Di naman ako pinansin at nagpeace sya sa iba.

Nagulat naman ako ng hablutin nya yung leeg ko palapit sakanya kaya napalean ako sa kanan papunta sa kanya.

"Forgiven po. Peace be with you." Sabay kiss sa cheeks.

Kikiligin na sana ko pero naalala kong wala lang talaga 'yon.

Tinapos namin yung misa.

Habang palabas ay nakakapit pa rin sya sa braso ko.

"San na tayo? Di ba 'tayo kakain kasi nagugutom pa ko. Bitin yung luto mo. Sarap eh."

"Okayy, kain muna tayo bago maglaro. Sa dati tayo?" Tanong ko sa kanya na may ngiti sa mga labi.

"Yes! Yes!" Masigla nyang sabi.

"Sana matandaan mo everyday yung sinabi ni Father." Sabi ko sakanya. Habang naglalakad palabas ng simbahang ito na para bang kami lang ang tao na naglalakad dito. Di pinapansin ang nasa paligid at nakatutok lang sa isa't-isa.

"I will. Ikaw rin ha? Aba simula nung magkakilala tayo wala ka nang niligawan. Naiisip nga namin baka masyado mo kaming inispoil nila Madc kaya wala ka na time maghanap ng partner eh"

"Gaya ng sabi ko dati 'di ba.. khng magmamahal man ako ulit, dun na ko sa sigurado akong gusto ko pakasalan."

"Ay ewan ko sa'yo." Sabi nya at huminto sa tapat ng nagtitinda ng cotton candy.

"Bili tayo." Hinila nya yung manggas ng shirt ko para pigilan maglakad dahil uunahan ko na sana sya kunwari sa kotse.

"Kuya dalawa po. Pink tsaka blue." Turo nya pa dito.

Kinuha ko naman yung wallet ko sa bulsa para magbayad. Pero dumukot din sya sa coin purse nya.

"Ako na magbabayad. Libre ko." Awat ko sa kanya.

"No! Akin 'to. Ako magbabayad."

"Kakasimba mo lang nagsusungit ka na sumbong kita."

"Bumili ka na ng sa'yo."

"Akala ko share tayo. Dalawa yung binili mo oh."

"Ang cute nyo pong dalawa tignan. Nakakakilig " Sabi naman ni kuya. Napatingin naman kami ni Jaki sa kanya at nagkatinginan kami tsaka natawa.

"Oh pano ba yan, parang ako na yata yung best para sa'yo talaga." Pang-aasar ko sa kanya pero biro lang 'yon.

"Bagay ba kami kuya?" Tanong ko pa.

"Yes sir akala ko po kayong dalawa eh."

"Nako kuya, ito? Itong abnormal na 'to?"
Dinakma nya naman yung buong tenga ko tsaka mahinang tinulak-tulak palayo at palapit sa kanya.

"Aray ko!!! Nananakit ka nanaman. Kuya eto bayad ko isang cotton candy yung blue po." Nagbayad na rin ako matapos nya ko mabugbog doon sa harap nung nagtitinda.

"Kung anu-ano sinasabi mo sa tao." Natatawang sabi nya naman.

Natuwa naman ako na wala na yung lungkot sa mata nya kaninang umaga. Dahil nalilibang siya ulit.

Pinagbuksan ko naman sya ng pinto na palagi ko naman na ginagawa. Umikot naman ako para sumakay ng kotse. Sobrang natural nalang sa amin iyon.

Nilapag ko naman yung cotton candy ko sa tabi nung kanya habang syang abala sa pagkakabit ng seatbelt dahil kung di nya iyon isusuot ay magtatalo lang kami.

Habang bumabyahe naman kami papuntang mall ay sya naman 'tong kain ng kain.

"JM." Nagulat naman ako ng tawagin nya akong muli sa pangalan na iyon.

"Oh ano iyon?" Lingon ko sa kanya at binaling muli ang atensyon sa daan.

"Nganga!" Napalingon naman ako sa kanya. At nagulat nang may tumama sa baba ko na cotton candy na pinipi na.

"Jaki, kunin mo sayang."

"Di ka kasi ngumanga eh." Kinuha nya naman iyon sa lap ko dahil doon nahulog tsaka kinain.

"Oy! Akin yang kinakain mo." Nakita ko kasing pink nalang yung natitira.

"Masarap eh." Sabi pa nya na nakatingin lang sa dinadaanan namin na wala lang sa kanya na sa akin yung kinakain nya.

"Subuan mo naman ako. Kahit minsan naman maging sweet ka sa akin." Biro ko sa kanya.

"Say ahh!" Sabi nito. Akala ko nagbibiro siya pero may nakaabang na sa tapat ng bibig ko na cotton candy.

Tinignan ko muna iyon bago kainin.

"Di nahulog yan. Wag mo na pagdudahan." Natatawa pa nyang sabi.

"Napakadefensive mo haha."

"Oh eto pa." Abot nya ulit. Kinain ko naman din iyon.

Sarap talaga ng cotton candy.
Nilulusaw ko lang sya sa dila ko. Paminsan minsan ay nginunguya. Pero nakatingin pa rin ako sa daan.

"Huy! Nangangalay ako aba."

"Ay sorry na. Di mo naman sinabi kasi." Paghingi ko ng dispensa. Pero may paninisi hahahaha.

"Ubusin mo 'tong blue." Nilingon ko naman sya inubos na nya yung blue at pink. Real quick!

"Nahiya ka pa kakalahati nalang."

"Hehe di na sa'yo na 'to. Oh nganga." Sinubuan nya naman ako ng pagkalaking kurot nung pagkain.

"Mapakalaki naman nyan!" Reklamo ko pa.

"O ayan pagkasyahin mo. Hahahahaha" tawang tawa sya habang sinisiksik lahat sa bibig ko.

Buti nalang at madaling malusaw 'yon.

"Napakaabnormal mo talaga."

Narnig kong nagtanggal sya ng seatbelt.

"Piglet.. I heard it. Buckle your seatbelt." Mahinahon ko namang sabi sa kanya.

"Malapit naman na tayo eh.." nagpout pa sya.

"Kahit na. Safety first di ba? Come on put it back." Malambing kong sabi sa kanya.

Kinabit naman nya iyon.

Bigla naman akong napatapak sa preno at busina dahil sa biglang sumingit na motor na may angkas at huminto at umandar agad.

"Oh God! I'm sorry! You okay?" Agad kong tanong kay Jaki. Tinignan ko sya nabigla rin sya. Habang kabang kaba ako ay chineck ko pa yung mga braso nya. Hindi naman sya naipit kahit saan. Nakakapit lang sya sa seatbelt nya.

"Did I scare you?" Tanong ko pa.

"No. I'm okayy. Sobrang badtrip lang yung nakamotor.

Umandar lang talaga iyon at walang paki-alam.

Tinandaan ko naman yung plate number nito.

Medyo mabagal rin yung pag-usad ng mga sasakyan since papasok na rin ng mall itong daan.

"Baka nauntog na ko kung di ako nagseatbelt." Sabi nya.

"Di ko na 'to aalisin promise!" Nagtaas pa sya ng kanang kamay.

"I just want us to be safe." Sabi ko sakanya tsaka hinawakan yung kamay nya.

"I always feel safe when I'm with you." Sabi nya tsaka kumapit sa akin.

Nakita ko naman na yung kaninang motor na muntik ko na mabangga may kaayaw na sa gilid.

Buti nalang hindi ako yun kundi mag-iinit talaga ulo ko sa kanya.

Dumeterso naman na ko ng parking sa mall.

"Seatbelt mo, baka makalimutan mo alisin."

"Phone? Wallet? Bag?" Paalala ko sa kanya ng mga dala nya kanina.

"Here na po. Kumpleto." Lumabas naman ako at pinagbuksan sya ng pinto dahil bubuksan na sana nya yon.

"Bagay talaga sa'yo yung bag." Puri ko sa kanya habang bumababa ng kotse.

"Syempre ikaw nagbigay eh." Nagwiggle pa sya ng kilay na agad namang nagpangiti sa'kin.

I still remember how we spent her day with her family and friends.

******

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
44.1K 1.1K 20
jedean 💞 gawong 💞 This is for you guys :) Hope you like it ! This is my first story 😅
16.9K 587 34
ROLE PLAY WORLD. O mas kilala sa tawag na RPW. Everything is FAKE. Pero minsan yung feelings TOTOO. CRP PROBLEMS and FACTS a thread. •Highest Ranking...
590K 13.2K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.