PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Trece - This is Home

383 12 2
By muddy_maddie

*Back to Present*

"Wag ka na umiyak. Please?"

"Patingin nga ng mukha mo?" Pinapakalma ko naman yung sarili ko habang pinapatahan siya.

Inangat ko naman yung mukha nya sa akin.

"Shhhh, wag ka na umiyak. Last mo na yan."

Pero iyak pa rin sya ng iyak.

"Jaki, ilang beses ko bang sasabihin na you deserve someone who isn't confused about the feelings they have for you?"

Pinunasan ko naman yung mga luha nyang patuloy sa pagbasag mula sa mga mata nya.

"Kumain ka muna."
Kumuha naman ako ng tubig dahil sure nanaman na mawawalan nanaman sya ng boses.

"Wag ka na umiyak. Ang pangit mo na nyan."

Di naman nya ko pinansin at sumubo na nung niluto ko.

Walang gana naman nyang kinuha yung tinidor at sinimulan na kainin yung niluto kong Creamy Chicken Mushroom Fettuccine.

"Ang sarap naman nito." Umiiyak pa rin nyang sabi. Naghahalo yung expressuon ng mukha nya na nagugustuhan yung pagkain at the same time nasasaktan.

"Ang sarap." Sabi pa nya habang humihikbi.
At uminom ng tubig na nilapag ko sa tabi ng plato nya.

Pilit nyang pinupuri yung luto ko kahit nasasaktan pa sya.

Huminto siya at nagpunas ng luha. Pero pinagtataksilan sya ng mga mata nya dahil lumuluha pa rin ang mga ito.

"Jaki..."

Niyakap ko naman sya ulit.
Nasasaktan talaga ko sa nakikita ko.

"Di ko na hahayaang masaktan ka ulit Jaki." Hirap na hirap akong magpigil ng luha. Pero pinipilit ko pa rin na huwag ito tumulo. Hinarap ko sya sakin at hinawakan yung magkabilang pisngi nya.

Tinitigan ko sya sa mata tsaka nagsalita.

"Hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit."

"Palagi mo nalang ako kinocomfort kapag ganito ako. Kahit hindi ako sumusunod sa'yo madalas. Pero trust me, kinoconsider ko yun. Promise." Sabi nya at yumakap ulit.

"Pwede bang ganto muna ko?" Sabi nya na mas hinigpitan pa yung yakap sa akin. Nakasandal lang sya sa dibdib ko habang hinihimas ang likod nya dahil ramdam ko naman na umiiyak nanaman sya.

Tumagal rin ng ilang minuto na magkayakap lang kami. Wala na kong pakialam kung malukot pa yung damit ko kung nangangalay na ko. Dahil kailangan nya ng taong iintindi sa kanya ngayon.

Mahal kita pero magkaibigan tayo. Isa ako sa bestfriends mo.

Di ko naman masasabi na hindi kita sasaktan kung susundin ko yung puso ko na sabihin sayong akin ka nalang. Pero isa lang ang sinisigurado ko. Ang hindi kita iiwan.

"Thank you. Ikaw talaga ang nag-iisang JM, Joms, at Vice. Kahit ano pang pangalan yung mga pinagdaanan mo ikaw pa rin yung akala kong tambay lang sa bar na sobrang bait na tao."

"Akala mo nagjojoke lang ako noon?"

"Oo. Di talaga ako agad naniwala. Nung kwinento lang ni Madc tsaka ko nalaman."

"Grabe kasi uminom."

"Parang siya hindi."

"Hindi naman na. After non. Occasional nalang."

Saglit namang nabalot ng katahimikan yung kusina.

"Alam mo. Di ka pa rin talaga nagbabago. You never failed to make me feel better."

Napangiti naman ako doon.

Di ko na alam kung ano pa ba yung dapat kong sabihin.

"Ubusin mo na yung pagkain mo. Magtubig ka. Mamaya magreklamo nanaman sikmura mo tatanggalin ko yan." Banta ko pa.

"Actually, mainit na dibdib ko. Penge naman gaviscon."

Pilit nyang inaaliw yung sarili nya para mawala yung sakit na nararamdaman nya.

Ganun naman sya palagi. Noong una nga ay hindi pa nya pinapakita yung pag-iyak nya pero ngayon sobrang close na namin.

Binuksan ko naman yung cabinet for first aid. At tinignan sa drawer kung meron pang stocks.

Acidic rin kasi ako kaya sinosobrahan ko na bili kapag nandito sya.

Minsan pa nga ay dito sya natutulog.

May mga damit pa nga siyang iniiwan dito eh.
May balak yata siyang maging border.

"Huy! Ano ba yan? Magtubig ka nga muna." Sabi ko sakanya dahil sige ang subo nya ng pagkain.

"Di ba sinabi ko na sa'yo na bago ka kumain magtubig ka na muna. Di ka nagtubig kanina."
Sermon ko pa.

Uminom naman sya ng tubig matapos isubo yung pagkaraming pasta. Napakaganda pa rin nya sa paningin ko kahit anong gawin nya. Ganito ba talaga kapag tinamaan ni kupido? Langya naman bakit sa matalik ko pang kaibigan?

Tumabi naman ako sa kanya. Pinagmamasdan lang siya kumain. Tinignan ko siya mula sa buhok, sa noo, sa mata, sa magandang nose bridge nya, pababa sa bibig nyang patuloy sa pagnguya. Yung jaw line nya.

Hindi ko sinasadyang dumampi sa kanya ang likod ng dalawang daliri ko para haplusin ang mukha nyang mala anghel.

Nagtaka naman sya. Di ko naman pinahalata na di ko sinasadya iyon. Sumenyas lang ako na ipagpatuloy nya lang ang pagkain. At hinawakan yung buhok nyang humaharang sa pagkain nya ng pasta.

Pinaikot-ikot naman nyang muli ang tinidor.

"Napakadami naman nyan!"

"Say ahhhh!" Nilapit nya sa akin ang tinidor akmang susubuan ako at naka-alalay naman ang isa pa nyang palad kung sakaling may tumapon man.

"Kulang pa sa'yo ya---" di na ko nakapagsalita nang bigla nyang ipasok yung tinidor na may pasta sa bibig ko.

"Dami-daming kuda." Sabi nya sa akin bago uminom ng tubig.

Palagi mo nalang binibigay sa iba yung para sa'yo dapat. Kailan ka ba hindi magiging selfless kahit isang beses lang, Jaki.

Tapos sige lang sya sa pagkain muli.

"Magbibihis lang ako."

"Ako na mag-uurong nyan. Iwan mo nalang sa lababo."

Tatango-tango naman sya. Nang makaakyat ako sa huling baitang ay sinulyapan ko syang muli para tignan kung okay lang ba sya doon at nahuli ko naman na nakatingin sya sa akin.

Parehas kaming ngumiti sa isa't isa.

Balak ko sana ayain sya lumabas.
Dumeretso na muna ko sa CR para magtoothbrish pagkatapos ay pumunta ko sa walk in closet kinuha ko yung black shirt ko at nagjeans lang ako. Tsaka vans era sneakers.

Pwede na 'to. Lalabas lang naman kayo. Di ka naman nya boyfriend. Bestfriend ka lang.

Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Lumipat naman ako ng cabinet at kumuha ng dress nya doon.

Bababa palang ako ay natanaw ko namang nasa lababo sya naghuhugas ng pinagkainan.

Napakakulit.

"Jaki, ako na dyan. Magbihis ka na oh. Aalis tayo." Sabi ko sa kanya habang bumababa ng hagdan.

Muntik pa ko mahulog sa hagdan nang marinig kong naghuhum pala sya.

"Ohh? Anyare sa'yo?" Humarap at tanong nya sa akin. Dahil narinig nya yata yung tunog ng malakas na pagtapak sa baitang.

"Nadulas lang. Magbihis ka na. Aalis tayo."
Nakita ko naman sa mata nya na parang kakagaling lang ulit sa iyak.

Ganun naman sya kasi kapag nag-iisa na ulit kapag hindi ko nakikita. May times na umiiyak pa rin sya na hindi ipinapakita.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan pa yung natitirang basa ng pilik mata nya gamit yung panyo ko.

"Umiyak ka nanaman. 'Wag ka na umiyak. Andito na ulit si pooh mo, my princess piglet."

Iyon yung sinabi nya sa akin dati. Kung si piglet daw sya, ako daw yung pooh nya. Palaging nasa tabi nya. Kaya nahirapan talaga ako magdecide kung sasabihin ko ba sa kanya yung nararamdaman ko talaga.

"I love you so much my pooh! Isa ka sa mga nag-istay talaga sa buhay ko."
Niyakap naman nya ko sa bewang at nag hug back naman ako.

"Magbihis ka na. Dali. Ako na magtutuloy nung ginagawa mo. Yung toothbrush mo nasa cr sa kwarto." Pag-iwas ko sa sinabi nya. Dahil baka madulas pa ko at kung anong masabi ko.

"Walang i love you too princess piglet?" Mas hinigpitan pa nya yung yakap sa bewang ko bago nag-angat ng tingin.

Naamoy ko naman sya lalo.

Ang bango lang nitong babaeng 'to.

"I love you too. I always do." Tinanggal ko naman yung pagkakayakap nya at hinawakan yung kamay nya nilagay ko naman ang mga kamay ko sa pisngi nya na madalas kong gawin kapag di ko mapigilan.

"Kaya mag bihis ka na okay?" I just kissed the tip of her nose.

Hindi naman na iyon bago sa amin. Hindi ko lang iyon ginagawa madalas.

"Namiss ko yun." Banggit nya.

Ngumiti lang ako at inabot na sa kanya yung dress nya. At pinunasan muli ang mga mata nya ng maingat.

"Sige na." Sabi ko ng alisin ko na yung mga kamay ko sa mukha nya.

Kinuha naman nya yung dress nya at nagpunta sa kwarto para magbihis.

Sinimulan ko naman na banlawan yung mga nasabunan na nya.

Pati talaga mga kaldero sinama nya. Wife material talaga 'tong kaibigan ko. Kahit ako yung mas nagluluto sa aming dalawa. Di naman kabawasan sa pagtingin ko para sa kanya 'yon. May isang beses nagpaturo sya sa akin para daw matuto naman sya at ipagluluto nya daw boyfriend nya nung panahon na 'yon.
Pero di yata nya talaga forte yung pagluluto.

Nagulat naman ako ng biglang may pumulupot sa bewang ko. Napakaclingy naman talaga nitong kaibigan ko kapag ganitong kalagayan nya.

Hinahayaan ko lang syang lumusot sa gilid ko. Tinignan ko sya at nginitian. Parang batang maglalaro sa playground yung kasama ko ngayon.

Umatras naman ako ng kaunti dahil baka tumama yung ulo nya sa sink.

"Baka mabasa buhok mo. Aalis pa tayo."

"San tayo punta?" Ang cute lang talaga.

"Basta. Maupo ka na muna sa bar stool. Para matapos na 'to agad."

"Later, miss ko 'to eh. Hmmm, feels like home."

Ilang sandali ay sinunod naman na nya ko. Pero maya-maya ay nilapit nya yung upuan sa akin at tumungtong dito.

"Huy! Ano ba yan? Baka mahulog ka."

Ginawa nya pang patungan yung balikat ko pag akyat.

Naupo sya sa tabi ng sink. Safe naman ito kaya ayos lang na upuan nya yon.

"Okay lang mahulog, andyan ka naman para sumalo."

Di ko alam kung namumula na ba yung tenga ko sa sobrang unexpected na sinabi nya na 'yon dahil iba yung dating sa akin. Natameme nalang ako dito sa tabi.

Binalik ko nalang yung atensyon ko sa paghuhugas ng mga plato.

Nararamdaman ko namang nakatitig lang sya sa akin.

Di ko ngayon mabasa kung anong iniisip nya habang nakatitig sya sa akin. Ang alam ko lang may gusto siyang sabihin. Magpapakalunod nalang ako sa mata nya. Hanggang sa sabihin nya yung gusto nya sabihin. Nagsimula nanaman magskip at dumoble yung tibok ng puso ko dahil doon. Di ko yata kaya 'to.

"Vice.."

******

Hi Frocskyut! Umuwi ka na. 😂

Continue Reading

You'll Also Like

209K 5.4K 38
This is a one shot different stories of Vicerylle.
12.1K 286 29
This is the Love Story of CaitBea. Please continue to support This is a Fictional Story. CaitBea hanggang dulo
311K 6.9K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
16.4K 216 29
Sa story na to lalaki po si Bea, pasensya napo kung ginawa kung lalaki si Bea This Story is Fanfiction Only.