Lovers in Denial (ON HOLD)

By Ayuuumi

1K 20 1

Girl likes Boy. Boy likes Girl. Everybody knows except the two of them. Paano kung sa gitna ng mga asaran 'ny... More

Prologue
Chapter 1 - Ano ba naman ito?
Chapter 2 - Si Aaron
Chapter 3 - Damoves
Chapter 4 - Two can play this game
A/N - Not an update!
Chapter 6 - Wrong timing
Chapter 7 - Signs

Chapter 5 - Technically considered

61 0 0
By Ayuuumi

        A/N: Dedicated sa bagong crush ko sa school na si kuya accountancy dancer. Labyu po! Haha!

        Risa.

        Naranasan mo na bang ma excite ng sobra sobra sa isang bagay na halos mabilang mo na ang bawat segundong dumaraan? Dahil kung oo... Nak ng! Sana naman may nag orient saakin kung gaano pala 'to kahirap.

        Feel ko mababaliw na ako sa kakaisip sa aming "study" session mamaya ni Xands. Ano kayang maaaring mangyari? May mabubuo ba?

        Ihhh! Landi nomon. Hihi.

        May pa kilig kilig effect pang nalalaman ang lola nyo!

        "Miss Quintillian?!" Tawag saakin ng prof ko sa Java programming. Patay. Sa pag wander about ng aking napakawild na imagination ay 'di na 'ko nakikinig sa lecture.

        "P-po?"

        "It seems like you're physically present here but your mind is somewhere else. Would you care to share us what you're thinking of?"

        No! I don't want to share Xander! Call me selfish, but what's mine is only mine. Wow nemen. Lakas kong maka-angkin eh no?

        "Nothing. S-Sorry po.."

        "Remain standing for the rest of the class. I do not tolerate that kind of behaviour and you know it, miss Quintillian." Shit lang.

        "Yes po..." Napayuko ako sa kahihiyan. Argh! Kainis.

        Nakita ko naman sa di kalayuan si Mia na nag smirk saakin na lalo kong kinainis. Naghahanap ba sya ng away o gulo?

        Sawa na ba sya sa buhay niya?

        Bago pa man ako matapos sa pag plano ng revenge ko kay Mia ay napansin kong nakatayo na rin si Xander. At anong trip nya?

        Siguro ihing ihi na sya at mag eexcuse sya lumabas. Atat na lalakeng 'yan. Pwde naman syang mag raise ng hand at formally mag ask ng permission ah!

        Eksaherado talaga.

        "Sir, can I volunteer to be the one who'll stand for the rest of the class instead? Can I take miss Quintillian's place?" Nagulat na lang ako nang narinig ko ang mga sumunod na pahayag ni Xander. Baliw!

        "Huy anong kalok-"

        "What are you trying to prove here, mister De Guzman? You're not some sort of hero. No. And that's final." Inis na sabi ng prof namin. Nahawa pa tuloy kay Xands yung galit ng prof ko na para lang maman talaga saakin.

        Hay. Stress sa buhay. Kung ibang babae pa to, siguro mamamatay na sa kilig sa ginagawa ni Xander ngayon. Pero, ibahin nyo ako. Ayokong madamay sya sa kasalanang ako lang naman ang maygawa. Tsssch. Ayokong makonsensya.

        Lalong lalo na pagdating kay Xander.. Ayoko.

        "If that's the case... Then I'll join her standing here." Napanganga nalang ako sa kanya. Lahat kami sa room, actually. Sumbatan ba naman daw ang teacher? Baliw na talaga sya! Malala na!

        "Go on, Sir, please continue your discussion." Dinugtungan pa nya. And therefore I conclude that officially off the rails na si Xander de Guzman.

        Speaking of, cool na cool pa nyang sumbat yun ha. Himala din at ang prof namin ay wala nang nagawa, matigas din kasi ang ulo ng Xander na yan eh. Once may gusto syang gawin ay wala nang makakapigil sa kanyang gawin yun. Gravity!

        ---------

        "Ba't mo ginawa yun, Xands? Ganyan na ba kalala ang topak mo?" Tanong ko sa kanya habang isa isa nang lumabas ang mga kaklase ko sa room. Sawakas. Pagkatapos ng 1 hour ay natapos na rin ang lecture.

        Dismissal na talaga! Hallelujah!!

        Pero, damn. Sakit ng legs ko!

        Sana naman hindi ako magkaroon ng varicose veins. Huhuhu! Gusto ko pang mag shorts at mini skirt! Ifaflaunt ko pa ang wow legs ko kay Xander! Hmp.

        "Trip ko lang." May pa stretch stretch pa sa legs syang nalalaman! "Masakit ba legs mo?"

        "Di naman. Sus. Ako pa!" Pagsisinungaling ko. Baka kasi mag worry sya at kung anong kabaliwan pa ang gawin. Mabuti nang safe.

        Deep inside ay may guilt ako dahil nasali pa si Xands sa kahihiyan. Pero ano nga bang magagawa ko? E mapilit ang mokong eh.

        Parang ginusto rin nyang mapahiya. Ewan ko ba pano ang takbo ng utak nya.

        "Xands, thank you ha? Sinamahan mo pa ako sa kahihiyan. Ibang klase ka talaga. At dahil jan, manlilibre ako ng 10 pancit canton para mamaya! Woo!" Masaya kong sabi bago kami nag apir.

        Tama nga si Xands, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Edi siya na! Siya na talaga ang may deep na deep na kaligayahan. Nahiya naman ang Pacific Ocean sa lalim nun.

        --------

        Dali dali kaming umalis ni Xands palabas ng campus. Ganto na rin ang nakasanayan kong setting everyday eh. Yung every morning magkasama kami pati na rin every class, though may iba na 'di kami kaklase. Iba course namin eh. Then every dismissal sabay kami paalis ng campus.

        Minsan tumatambay pa kami sa Aling Foping's para mag meryenda bago umuwi. Libre ni Xands syempre! Kamag-anak ko kasi si tita Kuri. Kuripot! At tsaka masarap kaya ng halo halo dun! Walang binatbat yung sa Chowking.

        Kaya nga parati kaming mapagkakamalan na magnobyo't nobya eh.. Sa close ba naman namin to eh aba. May point naman silang mag assume ng ganun.

        Eh magsisinungaling pa ba ako? Kinikilig din kasi ako eh. Hihi. Sana naman kasi lahat ng pag-aasume magkatotoo! Ugh.

        After mga 10 minutes ay nakarating na kami sa isang convenience store. Sinabihan ko si Xander na sa labas na lang siya maghintay tutal mabilis lang naman ako. Pagkatapos ng maiging kombinsingan ay napa-Oo ko rin siya.

        Hirap naman makuha ng Oo niya. Di ko to liligawan, promise! Haha.

        Pagpasok ko ay kumuha agad ako ng sampung pancit canton (Extra hot and spicy ang trip namin ngayon) at naglinya na sa counter.

        Matapos ang ilang minuto ay ako na yung susunod sa cashier nang marinig ko ang conversation nina kuya na buyer at si ate cashier.

        Ate Cashier: Sir, bale P135 po lahat.

        Nag-abot si kuya ng P200 bill.

        Ate Cashier: Sir, may 35 pesos po ba kayo?

        Kuya: Miss, alam mo para kang yung ex gf ko. Binigay ko na nga lahat ng meron ako pero kulang pa din. Siguro ay ganun ka din ano?

        Ate Cashier: Sir, kaya lang naman ako humihingi ng kaunti ay para masuklian ko kayo ng buong buo..

        HAYUP! GUMAGANON?! WEW NEMEN.

        Hindi pa ako makaget-over sa kanilang naging convo nang akin na ang turn para magbayad. Wagas talaga yung kanina. Hugot kung hugot! Grabe. Pati ako na caught offguard.

        Lalim kase nila kuya't ate.. Hiyang hiya si Confucius sa words of wisdom nila. Pwedeng pwede sila sa kursong Philosophy ah! Wala naman palang binatbat si Xander sa pagiging deep eh.

        Paglatag ko ng mga pancit canton kay ate ay siya naman 'tong wagas maka titig sa pinamili ko. Yung tipong "I'm secretly judging you" na titig. Kayo na mag imagine nun. Kamustahin naman kasi natin ang sandamakmak na preservatives na iiintake namin mamaya.

--------

        "Ris, mali kasi yung formula na ginamit mo.. Kaya eto, mali lahat ng answers mo. Ingat ka kasi sa formula. Tsaka lagi mong ibaon sa isip mo yung SOHCAHTOA. Ganyan lang yang formulang yan pero nakasalalay 90% ng Trigo grade mo jan." And for the nth time, wala akong tamang na solve na Trig. problem. Siya na talaga. Bigyan ng willphone!

        Ugh! Punyemas! Ba't ba kasi ako natulog nang nagpaulan si Lord ng talent sa Math? Di tuloy ako nakasagip kahit konti man lang.

        At sino ba kasi nag develop ng Math nang masuntok ko with feels. Pahirapan ba naman lalo ang buhay.

        "Ganun ba? Okay, copy. I beg for a break. Mamaya na ulit. Lulutuin ko muna ang pancit canton. Patay na halos lahat ng brain cells ko at gutom na gutom na akooo~" Nag pout ako kay Xander.

        "Okay, girl tamad. Hatid na kita papunta sa kusina."

        "Wow, feel na feel na parang ang laki laki naman nitong apartment mo Xands ano? Eh 10 steps lang dito sa salas mo ang kusina oh."

        "Wag mo akong simulan, Ris." Hahahahahaha! Pikon.

        Nagpainit na ako ng tubig sa kaldero at inopen ang packets ng canton. Habang ginagawa ko yun, ramdam ko ang titig ni Xander saakin. Nakakadistract ha! Di tuloy ako makapagconcentrate sa ginagawa ko.

        "Distracted ka, kitang-kita ko. Ganyan ba kalakas epekto ko sayo Ris?"

        "Heh. Magtigil ka. Tusukin kita nitong tinidor ngayon."

        "My mouth is zipped." Nag aksyon pa talaga siyang i zip ang mouth niya. Isip bata nga naman.

        Di rin nagtagal ay natapos na ang aking cooking session. Eh sa 10 minutes lang ang duration ng pag prepare ng pancit canton eh. Kaya nga instant, diba?

        Inihain ko ang 10 na pancit canton sa isang malaking plate pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang tinidor. Ganyan parati ginagawa namin ni Xands para less hugasin. Mas romantic din eh, shhhh.

        Kinuha ni Xands yung isang tinidor at sinimulang tikman ang pancit canton. Sana naman hindi masyadong mapakla ang lasa. Or sana hindi naman masyadong matapang. Yung klaseng timpla ng pancit canton na swak at tumpak lang sa panlasa.

        "Masyadong puro ang timpla mo ngayon."

        "Talaga? Di naman siguro. Baka may diperensya lang ang taste buds mo ngayon." Ugh!

        "At ayaw pa talagang maniwala. Oh, eto, tikman mo." Isinubo niya yung gamit nyang tinidor na may pancit canton na.

        Huli na nung makareact ako. Nalapatan ng laway ni Xands yung tinidor so it means... Kyaaaaaaaaaa!! Wala akong pakialam kung masyadong unhygienic man yun pero.

        Kyaaaaaa!!! Nag kiss kami ni Xands!

        Technically!

        Indirect kiss! (Pero kiss pa rin yun lul kayong lahat! Nasa akin ang tagumpay!)

        Kasabay ng pagnguya ko ay ang pagkabog ng puso ko. Shet lang naman kasi. Sana naka prepare ako kahit konti. Di pa naman ako naka retouch ng lip gloss ko.

        Sana lang hindi niya marinig ang wild palpitations ko. Baka akalain niyang gusto kumawala ang heart ko sa loob ng body ko.

        Natapos na lang kaming lumamon ay 'di pa rin maalis sa isip ko yung pangyayari. Hawak hawak ko pa yung lips ko. Jusko po, ganto po ba talaga ang feeling kapag inlove na inlove ka sa isang tao? Feel ko mababaliw ako nang wala sa oras. Wag naman po sana.

        "We should pick up where we left off."

        "Wow naman. English spekeni!" Asar ko sa kanya.

        "Magtigil ka. Kundi..." Uso na blackmail sa kanya? Weh?

        "Kundi what?" Hamon ko.

        "Hahalikan kita."

        Ika nga ng Globe, "GO lang ng GO."

        "Just do it." pa nga sabi nung isang sikat na brand sa sportswear. But asa namang mag Ew Ew ako sa sinabi niya.

        Manhid ka talagang lalake ka. Well HELLOOOO Xands in case naman di mo pa halata, I am ready. My body is ready!! Hinding hindi kita pipigilan. As in. Not a chance!

        Pero kailangan magpanggap at magpigil. Ang hirap rin pala ng buhay na ganto, ano?

        "M'kay. You're the boss. My mouth is zipped." Mimic ko sa response niya kanina habang aksyon na aksyon rin sa pag zip ng mouth ko. Nakita ko naman siyang ngumiti. Worth it naman pala ang pananahimik ko.

        Di na rin ako nakadada ng lubusan.. Paano ba naman? Bombarded ako ng Trig. problems na isosolve. Huhuhu. Patay ako neto. RIP braincells!

Continue Reading