Entangled Reminiscence (Compl...

By ellastic18

37.2K 1.2K 763

Note: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story w... More

Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Wakas

Kabanata 22

1.2K 32 0
By ellastic18

Kabanata 22

Kwarto

Ilang araw pang namalagi si Carrick sa hospital. May mga oras na wala ako sa tabi niya dahil mas minabuti kong manatili nalang muna sa kanyang bahay. Bukod sa inaaalala ko ang aming anak ay inaalala ko rin siya.

Baka kapag nanatili ako sa tabi niya ay masabi ko lahat at mabigla siya.  Pinayuhan kami ng Doctor na sabihin paunti unti sa kanya ang iilang impormasyon dahil makakatulong 'yon sa recovery niya. Sinunod naman 'yon ni Tita Maria, siya ang nagkwento at nagpaliwanag kay Carrick ng dahilan kung bakit siya nasa hospital at tungkol sa iba pang mga bagay. Pero ang tungkol sa aming dalawa ay ipinaubaya na nila sa akin. Gusto nilang ako ang magsabi mismo sa kanya.

Gusto ko mang sabihin sa kanya kung ano niya ako ay hindi ko nagawa, sa t'wing maiisip ko na hindi niya alam kung ano kami at kung ano ako sa kanya ay naiiyak na ako kaagad. Wala pa mang lumalabas na salita mula sa bibig ko ay 'ayun na naman ang mga luha ko na nagpapaligsahan pa sa pagbagsak sa aking pisngi.

"Everything's going to be okay," ani Rhys at inakbayan ako.

Malungkot kong tinanguan ang sinabi niya. Alam kong napaka-impossible pa ng bagay na 'yon ngayon, lalo na at sinabi ng Doctor na iilan lang ang pasyente na nakakaalala agad matapos ang aksidente.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, pakiramdam ko, lahat ng kamalasan sa mundo ay nasa akin na. Tuloy ay gusto kong kwestyunin ang sarili...Ito ba ang kapalit ng pagiging masaya namin? Matinding kalungkutan?

Pero wala na yatang mas sasakit pa no'ng araw na magising siya at si Gab ang hinanap niya. Hindi ko nakayanan ang sakit na idinulot no'n sa akin. Pakiramdam ko, ang sakop lamang ng alaala niya ay 'yong panahon na sila pa ni Gab, 'yong panahon na kinailangan niyang kuhanin ang loob nito para malaman ang tungkol sa pagkatao ko.

Naitakip ko ang parehong palad sa aking mukha at doon muling umiyak. Gustong gusto kong puntahan si Carrick, gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pero hindi ko magawa.

Minsan nga, kahit 'yong simpleng pag-aalaga ko lang sa kanya ay para na siyang naiilang. Ramdam na ramdam ko na parang hindi siya komportable sa akin, sa presensya ko. Na kung maaari lang niyang hilingin ay si Gab ang gugustuhin niyang nasa tabi niya, nag-aalaga sa kanya at gumagawa ng lahat ng mga bagay na ginagawa ko.

Takot ako na baka ng dahil sa nangyari ay mapalayo siya sa akin. Na baka miski nararamdaman niya ay mag-iba.

"Carrick, alam mo ba kung ano mo si Bella?" tanong ni Tita Maria.

Iyon kaagad ang narinig ko pagpasok namin ni Rhys sa kwarto na kinaroroonan ni Carrick. Natigilan ako at malungkot na tumitig sa aking asawa. Muli na namang nangunot ang kanyang noo nang titigan niya ako.

"Carrick, answer me anak," mahinahong ani Tita Maria sa anak.

Bumuntong hininga si Carrick saka nag-iwas ng tingin. "Ano ko ba siya Ma?"

I blinked twice, the next thing I knew is umiiyak na naman ako, pero kaagad ko ring pinakalma ang sarili at pinunasan ang luha. Hindi na dapat ako masyadong umiiyak dahil maaapektuhan ang baby.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita. Ramdam ko rin ang pagtitig niya sa akin, sa paraan niya ng pagtingin sa akin ay masasabi kong humihingi siya ng tawad sa sinabi ng kanyang anak.

"Tita, hayaan nalang po muna natin," sabi ko at pilit na ngumiti.

Nangunot na naman ang noo ni Carrick. "Why can't you just tell me kung ano kita?"

"Because I'm scared," halos pabulong kong tugon saka yumuko.

Hindi ko na siya kayang tignan pa. Sa t'wing gagawin ko 'yon ay parang hindi ko na siya kilala, na para bang ibang tao na siya. Malayong malayo na sa taong minahal at pinakasalan ko.

"Scared of what?" tanong niya, ang pagtataka ay mababakasan sa kanyang boses.

Hindi ko inasahan na pati 'yon ay maririnig niya pa. Napakahina na ng pagkakasabi ko no'n kaya ano't narinig niya pa?

Nakayuko akong umiling. "Nevermind."

Muli na namang dumaan ang ilan pang araw. Dumating na sa punto na naging iritable si Carrick, na miski presensya ng kahit sino ay hindi niya matagalan. May mga pagkakataon din na madalas niyang hanapin, itanong at banggitin si Gab. Masakit pero nagawa kong tiisin ang lahat ng 'yon para sa kanya.

Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, hindi ito ang oras para sumuko ako at bumitaw. Kahit pa na ang daming rason para bitawan siya ay hindi ko gagawin. Kailangan niya ako ngayon at mananatili ako sa tabi niya kahit anong mangyari.

"Bella..." tawag sa akin ni Carrick na ikinagulat ko.

Hapon na ngayon at kasalukuyan kong inihahanda ang pagkain niya. Ako ang naiwan dito kasama niya dahil kinailangang umuwi nina Tita Maria para magpahinga. Ilang araw na silang hindi nakakatulog ng maayos kababantay kay Carrick.

Dahan dahan ko siyang nilingon. "Bakit Carrick? May kailangan ka?" kaswal kong tanong.

Mas minabuti kong pakisamahan siya ng naaayon sa kanyang gusto, iyong walang halong kasweetan o kung ano pa.

"Ano ba talaga kita?" tanong niya.

Natigilan ako at hindi nakasagot kaagad. Nanatili akong nakatingin sa kanya na para bang sa ganoong paraan niya malalaman ang lahat ng emosyon at damdamin ko para sa kanya.

Masakit, dahil sa dinami rami ng tanong ay 'yon yata ang pinakamasakit sa lahat. Iyong tanungin niya ako kung ano ba talaga ako sa kanya, kung anong papel ko sa buhay niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. 'Ayun na naman kasi 'yong pangungunot ng kanyang noo na siyang nagpapatunay na wala talaga siyang maalala.

Matapos ang ilang araw ay ngayon nalang niya ulit ito itinanong. Siguro'y humanap din siya ng tiyempo dahil nakikita niyang hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat lahat.

Nakagat ko ang ibabang labi saka siya muling tinalikuran. Itinuon ko ang pansin sa kaninang inihahandang pagkain.

"Why can't you tell me?" tanong niya.

"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong ko, nakatalikod pa rin sa kanya.

Ang bilin ng Doctor at neurologist ni Carrick ay iwasan naming sabihin ang mga bagay bagay na siyang makapagpapabigla sa kanya. At sa tingin ko, isa 'tong tungkol sa amin sa mga 'yon kaya medyo nagaalangan at natatakot pa ako.

Hindi siya pwedeng pilitin na makaalala dahil higit 'yong makakasama sa kanya at sa kondisyon niya. Iwasan din daw naming i-pressure siyang alalahanin ang lahat ng nalimutan niya.

"Because I want to," kaswal niyang sagot.

Nang lingunin ko siya ay saktong dinilaan niya ang kanyang ibabang labi. Natigilan ako at napatitig doon.

"Do you really want to know?" tanong ko at matunog na bumuntong hininga.

Tumango siya. "Of course, tatanungin ba ulit kita kung hindi?"

"We're..."

"We're what?"

"We're married," sabi ko saka mabilis na tumalikod sa kanya.

Hindi ko yata kayang makita ang ekspresyon niya sa oras na maproseso niya ang sinabi ko. Dati, siya ang nagsabi sa akin na kasal kami no'ng hindi ko pa alam. Ngayon ay tila nagkabaliktad yata.

Ilang sandali ang lumipas at hindi na ulit siya nagsalita. Nang matapos sa paghahanda ng kanyang makakain ay lumapit na ako sa kanya. Bahagya ko ring inilapit ang lamesa saka roon ipinatong ang mga pagkain.

Natigil lang ako sa ginagawa nang bigla niyang kuhanin ang kaliwang kamay ko. Pinakatitigan niya ang singsing na naroon. Napaiwas pa ako ng tingin nang maalalang ibinalik ko sa kanya ang singsing namin. Na bigay ni Kenjie ang suot ko at hindi 'yong bigay niya.

"Ito ba ang ibinigay kong engagement ring sa 'yo?" tanong niya habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Sinubukan kong hablutin ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak doon.

"Hmm?" aniya nang muling magsalubong ang mata naming dalawa.

Nakagat ko ang ibabang labi. "Hindi 'yan 'yong bigay mo," sabi ko.

"Who gave you this ring then?"

"Si Kenjie," pag-amin ko.

Nangunot ang kanyang noo. "Sino 'yon? Is he a guy?"

"A friend of mine," sagot ko at pinigilang matawa sa ikalawa niyang tanong. Napakaweird naman kasi ng tanong niya. Obvious naman na panlalaki ang pangalang 'yon pero itinanong niya pa rin. "He's a guy."

"Why did he gave you a ring kung alam niyang may asawa kana?" tanong niya na naman.

Ngumuso ako. "Regalo niya lang 'yan sa akin."

"A gift really?" tanong niyang muli, hindi talaga makapaniwala.

Tumango ako at binawi na ang sariling kamay sa kanya.

"May gusto ba siya sa 'yo?"

Mabilis akong umiling.

"Good," sagot niya bago tuluyang kainin ang inihanda kong pagkain.

Hindi na ako sumagot pa, hindi na rin naman siya nagtanong pa kaya natahimik ang buong silid. Pinagmasdan ko siyang kumain, hindi ako umalis sa tabi niya.

"Bakit hindi mo suot ang wedding ring natin kung kasal pala tayo?" tanong niya nang matapos siya sa kanyang kinakain.

"Kasi..."

Paano ko ba sasabihin sa kanya na ibinalik ko 'yon sa kanya? Paniguradong kapag sinabi ko ay lalo lang siyang magtatanong, hahaba pa ang diskusyon namin.

Itinaas niya ang isang kilay. "Kasi?"

"Nasa Mindoro 'yon eh," sagot ko nalang.

Tumango tango siya. "Hmm, where's my ring then?" tanong niya na naman.

"Ha?"

"My ring, where is it?"

Bakit naman niya biglang hahanapin ang singsing niya?

"Bakit mo hinahanap?"

"Dahil kung kasal talaga ako sa 'yo, suot suot ko 'yon palagi, ganoon ako kaloyal at faithful na tao."

Nakanguso kong kinuha sa bag ko 'yong singsing niya. Ibinigay ito ng nurse sa akin no'ng araw na maaksidente siya. Nang makuha ang singsing ay iniabot ko 'yon sa kanya.

Pinakatitigan niya ng singsing pagkatapos ay walang sabi sabi niya 'yong isinuot sa kanyang daliri, kung saan talaga 'yon nakalagay dati.

"Kapag umuwi tayo sa Mindoro, ayoko ng makita na suot mo 'yan," aniya at itinuro pa ang singsing na suot ko.

Nakamot ko ang sariling noo. "E, sabi kasi ni Kenjie itago ko at isuot palagi."

Umigting ang kanyang panga. "Hindi naman siya ang asawa mo, kaya sundin mo ako."

Hindi nalang ako nagsalita. Nakapagtatakang parang ayos lang sa kanya ang pagiging kasal namin, na para bang tanggap niya na 'yon kaagad. Hindi naman sa hindi ako natutuwa, pero ang inaasahan ko ay tatanungin niya ako kung bakit kami kasal at kung paano 'yong nangyari.

Dumaan ang mga araw at ako ang nagbantay at nag alaga sa kanya habang nandito siya sa hospital. Kapag may mga tanong siya ay ako na rin ang sumasagot. Napapadalas na rin ang pagtatanong niya ng tungkol sa amin kaya naman walang pagaalinlangan ko 'yong ikinekwento sa kanya, sa paraan na hindi siya mabibigla at mapepressure na makaalala.

Gusto ko, sa oras na bumalik ang alaala niya ay nandoon lang ako sa tabi niya. Gusto kong isa ako sa maging dahilan ng pagbalik ng mga alaala niya.

Ilang araw pa kaming nagtagal sa hospital bago tuluyang pinayagan ng Doctor na makauwi sa Mindoro. Sinabi ko pa na dito nalang kami manatili sa bahay niya sa Maynila pero tumanggi siya at ipinagpilitan na gusto na niyang bumalik doon, kaya hinayaan na namin.

"Bella, maya maya'y umakyat na kayo ni Carrick at magtungo sa inyong silid para makapagpaghinga," ani Tito Frederick nang matunton namin ang bahay nila.

Alanganin akong ngumiti at sumulyap kay Carrick na ngayon ay titig na titig na sa akin.

"Ah Tito, naisip ko po kasing humiwalay muna kay Carrick ng kwarto, doon nalang po siguro ako sa dati kong kwarto, sa tinutuluyan ngayon ni Via," sagot ko.

"Why would you sleep there?" tanong bigla ni Carrick na ikinagulat ko.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

Ngumuso ako. "Baka kasi hindi ka komportable na kasama ako sa iisang kwarto."

"Who told you that?" masungit, nakakunot ang noo niyang tanong.

"Wala, ramdam ko lang," sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya binalingan ko ulit sina Tito at Tita.

"Doon nalang po ako sa kwarto ni Via," sabi ko ulit.

"Okay, ikaw ang masusunod, magpahinga ka ha? You look tired," ani Tita Maria at hinaplos pa ang pisngi ko.

Nakangiti ko siyang tinanguan. "I will tita, thank you po."

Aakyat na sana kami sa itaas nang biglang marinig ang tinig ni Gab.

"Carrick, kumusta kana?" aniya at lumapit kay Carrick, yumakap pa siya ng mahigpit dito, pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa.

Kasama ni Gab si Mama at halatang kadarating lang nila. Batid kong nabalitaan na nila ang nangyari kaya pumarito kaagad sila nang malamang nakauwi na kami.

Niyakap ni Carrick si Gab pabalik. "I'm okay, thanks for asking."

"Nag alala kami sa 'yo, buti nalang at okay kana."

"Hmm, swerte ako, saka magaling ang mga nag alaga sa akin kaya ganoon," ani Carrick saka sumulyap sa akin.

Napansin iyon ni Gab kaya pati siya ay tinignan ako. Nginitian niya ako. "Salamat Bella."

"No worries, ginawa ko lang ang sa tingin kong dapat."

Nang sumapit ang gabi ay kinailangan kong pumunta sa kwarto ni Carrick dahil nandoon ang iba kong mga damit. Pagpasok ko, naabutan ko siya na naroon sa kama, nakaupo habang nakakunot ang noo.

"Kukunin ko lang ang damit ko." Paalam ko at dumiretso na sa harap ng cabinet na pinaglalagyan ng damit ko.

Abala ako sa pagkuha ng maisusuot nang biglang sumara ang isang pinto no'n. Nilingon ko ang may gawa no'n.

"What?" tanong ko.

"Sleep here," mariing aniya.

"No," maagap kong sagot at muling binuksan ang isang pinto ng cabinet.

Pero ilang segundo palang ang lumilipas nang muli na naman 'yong sumara. Mas malakas na ang pagkakasara nito kumpara kanina.

"What the hell Carrick? Kumukuha ako ng damit," asik ko at pilit na binuksan ang pinto ng cabinet pero iniharang niya lang ang kanang kamay doon para huwag 'yong bumukas.

"You're going to sleep here," muli na naman siyang sinabi.

Inis ko siyang tinignan. "No," mariin kong sagot.

Nangunot na naman ang noo niya. "Why?"

"Because I said so."

"You're my wife..."

"Yes I am."

"So sleep here...beside me," malambing niyang tugon na siyang nagpainis sa akin.

Naiinis na naman ako sa mukha niya!

Mabilis akong pumasok sa kwarto ni Via. Sinulyapan ko ang pinto na pinasukan ko.

Natigil ang pagiisip ko nang makarinig ng katok mula sa pinto, bago pa ako makapagsalita ay nabuksan na 'yon ni Via. Nakangiti niyang inanyayahang pumasok si Carrick.

"Carrick pasok ka." si Via pero hindi manlang siya pinansin nito at nagdire-diretso lang palapit sa gawi ko.

Lumapit siya sa akin. "You're not going to sleep here," maawtoridad niyang sinabi.

"I am going to sleep here," pagmamatigas ko.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko."

"Huwag mo ring ubusin ang pasensya ko," panggagaya ko sa sinabi niya.

"Pumunta ka na kasi sa kwarto natin damn it!" inis niyang sinabi.

Pinagkrus ko ang dalawang braso at ngumuso. "Ayoko nga, bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil asawa kita at ang mag-asawa ay sa iisang kwarto natutulog."

"Hindi naman sa lahat ng oras ay ganoon."

"Pwes sa akin ay gano'n," aniya at walang sabi sabi akong binuhat.

"Put me down!" reklamo ko at pinaghahampas siya sa dibdib pero hindi siya nagpatinag.

Dire-diretso niya akong ipinasok sa kanyang kwarto at dahan dahang inilapag sa kama.

"Dito ka matutulog."

"Nakakainis ka!" sigaw ko at binato sa kanya ang isang unan.

Mabilis niya naman 'yong nasalo. "Hmm?"

Nang muling mainis ay ibinato ko pa ang natitirang unan na kaagad niya ring nasalo. Muli akong dadampot ng maibabato sa kanya nang mapagtantong wala nang unan na natitira sa aming kama.

Bago pa man ako makapagsalita ay inilapag na niya sa harap ko ang dalawang unan na ibinato ko kanina.

"Ibato mo ulit at sasaluhin ko nang paulit ulit," nakangising aniya.

-----

Last 3 chapters and we're down to Epilogue!

-ellastic18

Continue Reading

You'll Also Like

2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.4M 126K 44
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.4M 34.3K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.7M 154K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...