PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable

454 14 0
By muddy_maddie

"SER!!! SERRR!!!!!"

Napabangon naman ako sa gulat noong marinig ko iyong sigaw ng kasambahay ko na kumakalabog sa pintuan ng kwarto ko

Agad kong binuksan yung pinto.

"Ano ba 'yon!? Bakit? Ano nangyari?"
Nag-aalalang tanong ko baka kasi mamaya may sunog na.

"Ser! Good morning ser! Breakfast na po!" Full energy nyang sabi.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Gustong gusto ko sya picture-an ng jump shot pero dito sya magmumula sa 2nd floor. Aabangan ko nalang sa baba sa sobrang inis ko.

"Akala ko naman may sunog na! Kung may sakit ako sa puso aatakihin ako sa'yo. Sige na susunod ako."

"Buti nalang wala ser!"

Ser nanaman tawag nya. Nantitrip talaga sya.

"Buti nalang wala ser no?"

Sinamaan ko sya ng tingin at ngumisi pa ito at nagmamadaling bumaba.

Napatingin ako sa orasan.

Alas sais ng umaga.

Seryoso ba yung kasambahay ko?

Parang gusto ko tuloy sya lutuin.

Sinubukan ko ulit matulog pero ayaw na ng katawan ko.

Napagpasyahan kong mag-ayos at bumaba na para kumain.

"Jacque!" Tawag ko sa kasambahay ko na nagwawalis na di ko malaman kung sumasayaw o ano.

"Yes po kuya?" Ngayon naman ay bait baitan siyang lumapit

"Napakaaga mo naman ako bwisitin? Ibig kong sabihin ay gisingin pala."

"Di ba ser sabi mo aalis ka." Sisi pa nito sa akin.

"Oo aalis ako pero may sinabi ba kong umaga?"

"Di ko na maalala kuya. Ayusin mo nalang pag-alis mo. Mayaman ka naman e kaya mo na 'yon."

"Bumalik ka na nga don!"

Habang kumakain ako ay pinagiisipan ko yung pag-aayos para makapunta na kila ate

Kung ilang oras ba maigugugol ko doon.

Pagkatapos ko kumain ay naligo na rin ako at nagbihis ng simpleng white shirt at pants. Ano kayang sapatos maganda suotin? Nike? Fila?

Kumanta ako sa isip ko habang tinuturo turo ang dalawa.

Sa nike kong black bumagsak kaya't iyon nalang ang sinuot ko.

Kinuha ko naman yung susi ng sasakyan pati wallet ko.

"Angels! Aalis na ko. Kayo na bahala. Di ko alam kung san ako magdidinner. Kahit wag nyo na ko ipagluto." Paalam ko sakanila habang naglalakad papuntang garahe.

"Kuya, san ka magpipintura?" Tanong naman sakin bigla nung isa.

Napatingin nalang ako sa suot ko. May ibang damit at sapatos naman ako sa sasakyan kaya't iniwan ko na sila don.

Seryoso ba sya o nang-aasar lang.

Nag-palit naman ako ng semi formal. Nag-patong nalang ako ng coat sa plain shirt ko tsaka ako nag-palit ng sapatos.

******

Mga hapon na may mga personal errands na rin akong dinaanan at inayos.

May energy pa naman ako para mamaya.

Nagdrive naman ako papunta sa bar at naipit na rin ako sa traffic.

Weird. Traffic na anong oras palang.

Nagpatugtog naman ako dito. Mag-isang kumakanta. Nagtatap naman ako ng daliri sa steering wheel.

May wang wang naman akong narinig kaya mas ginilid ko pa ng bahagya yung sasakyan.

May aksidente siguro.

At di nga ako nagkakamali. Dahil pagkalampas ko doon ay may nadaanan akong salpukan ng sasakyan pero hindi malala.

Buti nalang ganun lang.

Mga 6 na rin ako nakarating sa bar.

Nag-palit na rin ako ng shirt. Tsaka natulog.

Nang magising ako ay pasado alas otso na.
Paksyet di pa pala ko nagdidinner!

Agad akong tumungo sa pantry

Pagbukas ko nung ref ay may ilang mga pagkain na medyo di na maganda. Ganto ba ko kawalang time sa sarili? Haha.
Tinapon ko yon lahat at nagpirito nalang tsaka kumain kahit walang rice.

Habang bumababa ay nakita ko naman yung mga bartender ko na galing sa vip.

Lumapit naman ako kay Toper na nasa counter na para kumustahin yung pinareserve ko.

"Okay na? Tops?"

"Ayy yes boss!" Nagsalute pa ito. Parang sira lang.

"Dumating na ba sila Vhong?"

Lumingon naman sya sa likuran ko.

"Ayun na yata sila Sir." Lumingon naman ako at tinaas ang kamay ko sign para bumati.

"Tsaka hinahanap nga po pala kayo ni Ted. Kasama pinsan nya boss."

"Paktay na." Bulong ko sa sarili ko. Naalala ko inaya ko nga pala sila pero sa pagkakaalala ko ay wala naman akong sinabing araw.

Okay lang kaya kay Madc 'to? Baka bangasan ako nun.

Bahala na.

"Puntahan mo ko sa room kapag andito na sila Jaki."

"Jaki?"

"Yung nakatulog last time."

"Pupunta sila dito sir?" Ngiting ngiti naman siya na mas excited pa sa akin.

"Oo bakit?" Bigla naman ako nakaramdam ng mabigat na nakapatong sa braso ko.

"Brad! Tara na! Walwalan na!" Diniinan pa nito yung pagkakaakbay at nilock yung leeg ko.

"Aray ko Vhong! Sasakalin kita! Bitawan mo ko." Lasing na yata sya kahit wala pang amats.

"Tara na. Kasama halos lahat ng staff. Hahaha!" Galak na galak naman sya.

"Ano ba nakain mo? Tuwang tuwa ka. Mapanakit ka pa."

"Wala naman. Masaya lang. Di ba suggestion mo 'to?"

"Boss! Boss! Sila Jaki!"

Napalingon naman ako agad.

Nakita ko silang kakapasok lang sa entrance.

Nang makita ako ay ngumiti siya.

Ang ganda nya talaga.

Inalis ko yung braso ni Vhong. Tinanggal nya naman dahil magkausap sila ni Toper.

Kumaway naman si Madc. At kinawayan ko rin pabalik tsaka ko sila sinalubong. Kasama nila si Melvie.

Naka white shirt lang rin si Jaki pinatungan nya lang ng denim jacket. Tapos nakawhite pants sya.

Buti nalang talaga ganito sya kacool magdamit.

Nang makalapit na ako ay agad ko naman sila binati.

"Kumusta? Masaya ako at nandito kayo." Casual kong bati. Di ko kasi alam kung paano sila sasalubungin, kung kasi sila Anne 'to may yakap at beso pa kaso baka mailang.

Si Anne, kinakapatid ko. Kaibigan ko. Di pa sya umuuwi from Australia.

"Syempre basta libre!" Sagot naman ni Melvie.

"Gaga talaga neto." Natawa naman ako sa kumento ni Madc sakanya.

"Tara?"

Nagnod naman si Jaki para sa pagsang-ayon.

Pumunta naman kami sa bar counter kung saan ko iniwan si Vhong.

"Pakilala ko kayo sa friend ko." Bulong ko pa. Masyado kasing busy si Vhong. Di rin masyadong maingay ngayon. Tama lang para magkarinigan kami.

"Brad!" Tawag ko dito tsaka ko diniinan yung pagkalabit.

"Aray ko! Ano ba!?" Napalingon naman ito na nakakunot ang noo. Pero agad din nagbawi nang makita na may kasama ako.

"Vhong, si Jaki, si Madc, tsaka si Melvie." Pagpapakilala ko naman sakanila.

"Si Vhong. Kaibigan ko."

Kinamayan naman ni Vhong isa isa tinanggap naman nila. Pero nung pagdating kay Jaki..

"Jaki? have we met?" Tanong nito na nakahawak pa rin sa kamay ni Jaki.

Tinignan ko naman yung kaibigan ko kung totoo ba yung tanong nya.

Binawi ko naman yung kamay ni Jaki. Dahil pakiramdam ko ay pinigilan lang ni Vhong na bawiin nya yon.

"I dont think so, Vhong." Sagot ko dahil feeling ko ay napaisip lang si Jaki doon.

Di ko naman binitawan agad yung kamay nya

"Baka nga. Anyways, nice to see you guys! See you around!"

"Brad una na ko, papasok ka naman don mamaya di ba?" Nilagay pa nya yung kanang kamay nya sa balikat ko.

"Yeah, maybe isasama ko sila doon. Dito muna kami."

Umalis naman si Vhong bago tumango.

"Ang pogi pogi nun baks!" Mahina namang tili ni Melvie.

"Single ba yun?" Dagdag pa nya.

"Minsan." Sagot ko naman. Totoo naman kasi. Kapag nagbebreak sila ni Tanya.

Pero magiging sila rin naman ulit eventually
Tumungo naman na si Jaki sa counter.

"Sayang!" Sumimangot naman sya bigla.

"Ayan kasi." Sabi ni Madc habang sumunod kay Jaki na nakaupo na pala sa may bar counter.

Pwumesto naman ako sa harapan nila. Gusto ko lang na ako yung magserve sa kanila.

Nagprepare naman ako ng mga glasses.

"Huy bat andyan ka. Dito ka." Pag-aaya naman sakin ni Jaki.

"Ako magseserve sainyo. Gagawa ko kayo." Ngumiti naman ako.

"Ilang years na 'tong bar mo?" Tanong sa akin ni Melvie habang nagpeprepare ng iinumin nila.

"4? 5 years. Magfifive na." Nakatingin naman silang lahat sa akin.

"Wow. Ilan taon ka na ba?" Napalingon naman si Jaki at Madc sakanya tsaka binalik sa akin yung tingin.

"Secret." Tumawa pa ko ng kaunti.

"Ito naman. Age doesn't matter." Sabi sa'kin ni Madc.

"Talaga ba?" Napatingin naman ako kay Jaki. Tsaka napangiti.

"Ano nanaman yan?"

"O alin? Wala naman akong ginagawa bukod dito ah?" Pagtutukoy ko sa cocktail.

"Try this one." Sinalin ko naman sa kanikanilang glass yung cocktail.

Kinuha naman agad iyon ni Jaki.

"Thanks." Pasasalamat pa nya bago inumin yung ginawa ko.
Tiwalang tiwala talaga sya.

Buti pa sya.

Pinapanood lang sya nung dalawa. Tsaka nagbulungan.

"Woaaahh. Nice!" Natuwa naman ako sa expression ng mukha nya. Ang sincere. Cute.

Kinuha ko naman yung isang upuan dito at naupo sa tapat nila.

"Try nyo guys. Tiwala naman dyan kahit papano." Pageenganyo nya sa dalawa naming kasama.

"Walang lason yan. Buhay pa nga 'to e. "

Lumapit naman yung kamay nya sa braso ko na patong sa counter. Tsaka ito kinurot.

"Aray! Aray! Nagbibiro lang."

"Lilinawin mo kasi."

"Alam mo Jaki, bagay talaga kayo."

Push mo pa Madc. Hahaha. Baka naman.

Natawa naman ako sa sinabi nya at sa naisip ko.

"Ikaw? Single ka?" Tanong naman sakin ni Melvie.

"Yup!" Tumango tango pa ko.

"Huy bakla! Single 'to! Ayaw mo? Akin nalang. Akala ko may girlfriend e."

Natawa naman ako sa way ng paguusap nila. Close na close talaga sila.

"Kay Jaki yan. Wag mo na anuhin!" Pigil naman ni Madc.

"Tol!" Natingin naman ako sa likod.

Paksyet!

Sila Ted.

Kinawayan ko naman at papalapit sila dito.

Pero natigilan si Troy at bumulong kay Ted na nagpatango naman dito.

Nakahinga naman ako ng maayos.
Lumingon naman si Jaki sa tumawag.

"Uy tol. Kumusta?"

"Ayos naman."

"Ay sya nga pala si Jaki, Madc at Melvie. Mga kaibigan ko."

"Si Ted. Kaibigan namin nila Vhong."

"Madc? Andito ka pala. Kumusta ka naman? Tagal na natin di nagkikita ah."

"Maayos naman ako kuya. Ikaw?"

"Ayos lang din. Kasama ko si Troy kaso may nagcr lang. Baka padating na rin yun."

"Ahm, Ted nasa vip room si Vhong. Nagkita ba kayo last week? Pasok ka lang dun pag gusto mo sya makita."

"Ay ganun ba? Sure! Puntahan ko lang ah?"

"Sorry. Nakalimutan ko banggitin. Pagpasok ko dito sinabi lang sakin ng bartender ko na andito sila."

"Okay lang yun. Baliw." Ngumiti naman si Madc para mapanatag yung kalooban ko.

"Alam nya" takang tanong ni Melvie.

Nagnod naman si Madc. Tsaka inabot yung ginawa ko.

Tinikman nya muna ito.

"Napakaliit ng mundo." Sabi ni Melvie tsaka kinuha na rin yung kanya.

Nagsalin naman ako ng Manhattan para sa akin..

"Kailan ka pa gumagawa nito? Masarap sya. Ano tawag dito?" Sunod-sunod na tanong ni Madc.

"Since nagstart 'tong bar." Sagot ko.

"San ka natuto?" Tanong naman ni Jaki na nakatingin sa mga mata ko.

Napatitig naman ako doon. Ang ganda ng mata nya.

"Ah-ano sa states." Pautal utal kong sagot

"Boom! Confirmed!" Nagsnap pa ng fingers si Melvie

Nailang naman ako dahil doon.

Sinenyasan naman ako na lumapit ako sa kanya na ginawa ko naman.

"Crush mo? Boto kami sa'yo." Bulong nito sa akin.

Di naman ako sumagot. Tsaka nagsalin muli ng whiskey at ininom ito.

"Di ka ba kakanta ngayon?"

"Depende." Ngumiti naman ako sa kanya.

Napakunot naman noo nya sa sagot ko.

"Depende kung gusto mo. Gusto mo ba?"

"Oo. Parinig mo sakanila boses mo. Proud na proud pa naman akong kwinento 'yon sakanila. Dali!"

"Osige. Pero doon tayo sa loob."

"Hoy! Ano yan!? Anong loob yan!?" Naghysterical naman 'tong si Melvie.

"Di yata nauubusan ng energy kaibigan nyo. Doon sa loob! Sa VIP room may mini stage din doon."

"Ay oh taray! Tara na!"

Napailing nalang yung dalawa nyang katabi.

"Pero Madc baka nandun si ano. Okay lang?"

"Walang problema. Wala naman dito anak ko. Kaya okay lang."

"Tara?" Si Jaki na mismo nag-aya.

Noong nasa tapat na kami sa room ay nakita naman ako ni Vhong. Sinenyasan nya ko na pumasok.

Binuksan ko naman iyon at pinauna silang pumasok.

"Hi guys!" Bati ko sakanila.

"Hi sir! Thanks dito ah?" Paunang bati nung baguhan naming staff.

"Sir! Shot naman dyan" sabi nung senior na isa.

"Sir pakilala mo naman kami sa mga kasama mo" sabi pa nung isa pang senior na rin.

"Nag sir pa kayong dalawa kung di nyo lang rin ako gagalangin." Natawa naman yung dalawang huling bumati. Pati na rin yung iba medyo late nga lang dahil akala yata nila di ako nagbibiro.

"Anyway, this is Melvie, Madc and Jaki. Mga kaibigan ko."

"Hello po." Kaway kaway naman yung dalawa pero si Jaki parang nahihiya.

Nagunahan naman sa pagtayo yung dalawang bugok naming project manager/senior archi. na loyal sa company.

"Hi Jaki, Kevin nga pala." Nilahad nya yung palad para makipagkamay.

Aabutin na sana iyon ni Jaki pero inabot ni Madc para hindi na mapilitan siguro si Jaki

"Hi, Madc."

Mali yatang ipinakilala ko sila dito sa office staff.

Tapos ay inabot rin naman ni Melvie yon dahil napilitan narin si Kevin.

Bumalik nalang sa pagkakaupo si Christian. Natawa naman ako sa dalawang kaibigan ni Jaki. Halatang ayaw ipahawak si Jaki.

"Tara upo kayo." Aya ko sakanila.

Pinakilala ko naman isa isa yung staff. At nakilala ko rin yung mga bago. Pero parang wala yung isang kabado.

"Parang kulang kayo? Asan yung isa?" Naupo naman ako sa tabi nung mga bago sa gilid at sa tabi rin ni Jaki nakaarrange naman kami ngayon na pa letter L at sa corner kami napwesto.

"Ah sir nasa labas kasama yung ibang friends nya. Di nya raw sir alam na dito rin sila pupunta kaya nahihiya."

"Ahh I see."

Napalingon naman ako sa tatlo ko pang kasama na ngayon ay kumakain at may kanikaniyang inumin na rin.

Pagtingin ko naman sa harap ay nakita ko na inaayos ni Vhong at Ted yung Microphone sa mini stage. Pati na rin yung chair sa tapat noon. Kakanta yata 'to nako. Babagyuhin na yata kami dito.

May speaker/sound system na rin kasi dito kapag may nagpareserve etc.

"Brad!" Tawag ko sakanya.

"Sumayaw ka nalang." Nagsmirk pa ko sakanya.

"'Wag ka mag-alala hindi ako kakanta. Inaayos ko 'to para sa'yo."
Nagtawanan naman sila.

Bigla namang may sumundot sa tagiliran ko. Si jaki.
"Uy! Kanta ka na. Ito na nga lang pinunta ko dito e. Haha joke. Dali na!"

Tinitigan ko lang sya. Natutuwa kasi ako na nawala yung hiya nya compare kanina na ang tahimik lang.

"Papalakpak ako. Promise." Tinaas nya pa yung kanang kamay nya.

"Totoo?" Pagsakay ko naman sa biro nya.

"Cross my heart."

Ay iba rin. Hahahaha.

"Sige. Sabi mo e."

Naghahampasan naman yung dalawang katabi nya. Parang nasisiraan na sila ng bait.

Tumayo naman ako at pumunta sa mini stage dito na bilog.

Kinabit ko na rin yung cord para sa keyboard na kanina lang ay nasa gilid.

Sinearch ko naman yung music sheet ng kakantahin ko.

Inaral ko naman iyon saglit.

Di ko alam bat ito yung napili ko. Gusto ko lang hahahaha.

Nagsimula na ko magpiano.

"Para sa depress? O pwede rin sa mga sawing katulad ko. Laban lang. Haha." Pag-iintro ko.

"Woooaaahhhh!!! Go Sir!"

"There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've never known
I'm dealing with it on my own

Phone is quiet, walls are bare
I drink myself to sleep, who cares?
No one even has to know
I'm dealing with it on my own."

Sumulyap naman ako kay Jaki na katapat ko ang pwesto na inuupuan nya.

Parang nagbubulungan naman yung katabi nya.

Sya naman nakafocus lang sa panonood sa akin.

"I got way too much time to be this hurt

Somebody help, it's getting worse

What do you do with a broken heart?

Once the light fades, everything is dark

Way too much whiskey in my blood

I feel my body giving up

Can I hold on for another night?

What do I do with all this time?"

Naalala ko naman yung gabing nagkakilala kami. Parehas wasak. Hahahaha. Pero eto na, hindi na ako apektado. Sana siya rin.

Natapos ko naman yung kanta. Masyado lang tahimik nung natapos ko na.

Jaki's POV

Sobrang tahimik matapos kumanta ni JM. As a promise. Pumalakpak ako.

Nahiya siguro yung iba kaya pumalakpak na rin. Hehe. Nakakahiya.

Sobrang ganda talaga nung boses nya. Sobra kong nafocus sa pakikinig sakanya. Every single word na binibitawan nya ramdam ko lalo na't Malibu Nights yung kinanta nya. Dapat ay mainis ako pero naappreciate ko yung pagkanta nya. Lalo na't ako yung nagpush para kumanta sya.

"Sir isa pa. Yung pang inlove naman. Nawasak puso namin sa kinanta mo." Sabi nung isa nilang staff.

"Hindi! wala! Damay-damay na 'to!" Pasigaw naman nyang sagot.

Natawa naman ako doon. Pati yung iba. Yung sagot nya pabiro pero ramdam mong walang bitterness.

"Pero sige. Deserve naman nating lahat ang sumaya." Bigla naman nyang sabi.

Nagsimula na ulit syang magpiano.

Ano kayang hindi nya kaya gawin? Naggigitara tumutugtog ng piano. Maganda yung boses. Gentleman. Mabait. Boyfriend material. Di ko talaga alam bakit 'to iniwan. Sayang.

"Wise men say..

Only fools rush in.."
Nagsway naman mga kamay nung staff nila.

"Para kayong baliw." Sabi nya na nakamic.
Natawa naman ulit yung iba.

"But I cant help, falling inlove with you."

"Kanino sir!?" Sigaw nung isa.

Kahit ang daming sumisingit ay iba pa rin yung dating ng pagkanta nya.

"Yiiiee si bebe girl!" Kiniliti naman ako ni Madc. Tapos lumipat pa 'tong si Melvie pinaggitnaan nila ko. Tapos tinuturo pa nila ko sa mga kasama namin dito.

"Yiiieee" tinukso pa nila ko lalo.

"Bakit nyo ba inaasar si Jaki?" Napalingon naman ako sa nagsalita na nakamic. Natatawa sya sa kalagayan ko.

Namumula na nga yata ako dito sa hiya e.

"Shall I stay.. would it be, a sin?

If I cant help, falling inlove with you.

Nakatutok lang ako sa panonood sakanya. Na nakatingin sa keyboard nya.
At sumusulyap minsan samin. Napansin kong may kuminang sa may leeg nya. Naaninag kong may kwintas pala sya. Pahaba lang na flat yung necklace nya. Bagay sakanya. Sa simpleng black shirt nya ngayon. Ang simple lang nya manamit.

"Like a river flows surely to the sea"

"Darling so it goes..."

"Some things are meant to be..." nagwink naman sya sakin.

Natawa naman ako. Sinasakyan nya trip ng mga kaibigan nya.

Nagwawala naman na yung dalawa dito sa tabi ko.

Mamaya sila sa akin.

Tumayo sya at naglakad papunta sa pwesto namin.

Tapos na? Nabitin ako sa kanta. Gulo gulo kasi ng mga kasama ko.

Nagulat ako nung nilabas nya sa likod yung microphone.

"Take my hand" nilahad nya naman yung kamay nya.

Ahh, ganyanan pala ha.

Sige.

Inabot ko naman iyon at ngumiti sakanya.

"Take my whole life too." Hinawakan nya yung kamay ko firmly. Yung magtitiwala ka talaga sakanya kahit puro kalokohan gawin nya. Niluhod nya ang isang paa at nakatukod naman yung isa para magpantay kami.

Inalalayan nya ko tumayo at nagpatianod naman ako.

"Pasayahin natin sila" bulong sya sakin.

"For I cant help, falling inlove with you..."
Tinignan ko sya sa mata. Walang lungkot doon.
Masaya sya.

"For I cant help, falling inlove.. with... you." Nagsmile sya sakin. Ang genuine ng smile nya. Sinuklian ko naman iyon.

Di pa rin nya binibitawan yung kamay ko.

Inangat nya yon tsaka sya yumuko at hinalikan iyon.

Baliw talaga nito. Pero napangiti nya ko.

First time na may gumawa sakin noon.

"Uy thank you!" Sabi ko sakanya. Sapat lang para marinig nya 'yon.

"You're always welcome Jaki. Sana napasaya kita. Kahit puro pangaasar yung ginawa nila sayo. Para naman di ka sad. Lungkot lungkot mo kasi." Nagsmile ulit sya.

Nagkagulo na yung mga tao sa room. Di ko napansin na may nagvivideo na pala.

Nakakahiya! Anak ng tokwa. Masyado kasing nagpapadala.

Bakit ba alam nya kung kelan hindi okay ang tao?

Pero yung nararamdaman ko ngayon, masaya lang ako. Kahit walang ibig sabihin yung kanina. Mararamdaman mo lang na gusto nya lang talaga magpasaya.

Di ko napigilan kaya niyakap ko sya. Friendly hug. Pathank you sa pagkanta.

"Thank you!" Mahina kong sabi. Wala na kong pakialam kung narinig nya ba o hindi.
Yumakap sya pabalik. I feel safe.

JM's POV

"Thank you!" Bulong nya sobrang hina lang pero narinig ko, sinabi nya yun matapos ako yakapin bigla. Pero

"You're always welcome. Bagay sa'yo kapag nakangiti." Sabi ko naman sakanya tsaka ako yumakap pabalik.

Kumalas naman sya sa pagyakap na parang nabigla. Tsaka bumalik sa pagkakaupo kanina.

"Wala bang kiss dyan JM?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Vhong. Sira ulo.

Vinivideo pala kami nung iba.

Pati ako nahiya sa sarili kong kahibangan.

"Huy! Tigil nyo nga yan." Pinagtatakpan ko naman yung mga camera ng phone nila. Pati staff sa firm. Kahit bago lang. Pero binaba rin naman nila pero sila Madc naman ayaw paawat.

"Panindigan mo yan oy! Papakiligin mo kami tapos gaganyan ka? Ayos mo brad!" Panggagatong ni Vhong.

"Nagpapasaya lang hindi nagpapakilig alis na nga kami dito."

"Tara?" Aya ko pa.

Tumayo naman si Jaki.

Nauna naman sya lumabas. Pero di naman yata sya galit kasi nakangiti naman sya.

Yung dalawa di ko alam kung sumunod ba kaya nilingon ko. Nagpaalam naman sila dun sa mga loko.

Si Jaki ayun. Nauuna pero hinintay ako makalabas.

Medyo marami na ring tao kumpara kanina.

Sa paglilibot ng mata ko. Nakita ko yung isang staff na kabado. Ano ba kasing pangalan nya.

"Jaki, sandali lang may kakausapin lang ako. Hintayin nyo nalang ako sa counter kanina."

Tinahak ko naman yung lugar kung nasan yung isang staff may ilang kasama rin sya.

"Sir, goodevening." Bati nito. Nakipagshakehands pa.

"Ang pormal mo naman masyado. Wala tayo sa office." Sabi ko sakanya.

"Bakit hindi kayo sa loob kasama ni Vhong? Feel free."

Sabi ko pa at umabot ng isang glass sa bartender na napadaan lang.

"Ah sir, kasama ko po yung mga kaibigan ko e."

"Uy Vitto, na saan sila ck?" Napalingon naman ako sa kumausap sa kanya na nakapatong yung kamay sa balikat ni Vitto. Parang nakita ko na sya.

"Andyan lang yun. Ay Sir, kaibigan ko nga po pala. Si Tom, Tom boss namin sa firm. Si sir Viceral." Pakilala naman sa amin ni Vitto.

Tom? Narinig ko na yata 'yon.

Tinitignan nya naman ako na parang kinikilala.

"Uh, nice to meet you sir."

"Nice to meet you too."

SYA 'YON!

Yung sa supermarket! Yung may kaaway na babae.

"Ah ano Vitto punta kayo kila Vhong open naman yung sa staff. Sama mo sya para mas marami doon. May aasikasuhin pa kasi ako kaya mauuna na ko."

"Sige po sir. Thank you sir!"

Nagnod naman ako.

At pagtalikod ko ay kaharap ko na si Madc

"Huy! JM anu na? Nakipagchikahan ka pa dyan. Tagal tagal---- Vitto!?" Nagulat ako dahil tinawag ni Madc yung kausap ko lang kanina.

Pero hindi na 'yon narinig ni Vitto.

"Kilala mo?"

"Oo! Kilala mo rin?"

"Oo. Staff namin yun sa firm kaso kasama friends nya raw. Pinakilala nga sakin e.

"Friends!? OH MY GOD! NANDITO SILA!?" Pabulong pero may diin nyang sabi.

"Bakit ba gigil na gigil ka dyan? Tara na."

"Wait wait wait! Namukhaan mo ba? May maputi ba doon?"

"Ah isa lang nakilala ko. Tom daw pangalan. Actually, nakita ko na sya before. Sa supermarket may kaaway na babae."

"Syet! Tara na kila Jaki. Dali!" Hinila naman nya ko pabalik kila Jaki.

"Bakit ba?"

"Itetext ko nalang sayo mamaya pag nasa counter na. Pero wag kang aalis sa tabi ni Jaki."

"Okayy?" Sagot ko nalang. Dahil di ko naman sya maintindihan.

"Ang tagal nyo naman?" Inip na sabi ni Melvie samin.

Nagsimula na rin naman kami maglakad papunta sa counter hinintay pala nila ko bumalik. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Nakita ko naman na nagpophone si Madc. Kaya chineck ko na rin.

1 message from Madc.

"Si Tom! Ex ni Jaki yon!"

Nagvibrate naman ulit phone ko.

"Si Vitto, kaibigan namin dati."

"Ano pinagaawayan nila nung babae nya? Tulin ng karma." Nagtext nanaman sya ulit.

"Mamaya nalang natin pag-usapan." Reply ko naman dito at tinago na yung phone ko. Nasa counter na rin kami kasi.

Di ko alam kung paano ieexplain sakanya yung nawitness ko.

"Madc. Puro ka phone." Puna ni Jaki sakanya.
Bigla naman nyang binaba iyon.

"Kumusta naman yung buhay mo JM?"tanong ni Melvie.

"Ha? Buhay talaga? Maayos naman." Sunod sunod kong sabi.

"Buhay na may-ari ng bar. Part ng isang company. Hello, ang yaman mo friend. Pautang naman dyan!"

Kinuha ko naman si Mr. Bourbon sa loob ng bar counter. Tsaka bumalik sa kinauupuan.

"Gusto mo?"

"Sure. Try lang."

"Melvie. Ayaw ko na mag-uwi ng kaibigan na tulog ha? Wag mo tularan 'tong isang friend natin." Paalala ni Madc sakanya. Nilingon ko naman si Madc dahil nasa gitna siya ni Melvie at Jaki dahil nakahilera kami ngayon. Gaya ng sabi ni Madc. Wag daw ako aalis sa tabi ni Jaki.

"Buhay na may bar? Ayun. Alak all you can. Joke. Mahirap, pero masaya. Mahirap magmanage. Masaya kasi may iba pa ko napaglilibangan na gusto ko yung ginagawa ko." Uminom naman ako ng whiskey matapos magkwento.

"Ayaw mo ba yung sa firm nyo?" Tanong naman ni Jaki na nakatingin sa akin ngayon.

"Mas gusto ko lang talaga yung bar. Mas nakikita ko kasi sya. Sa field kasi ng architecture, after ilang years mo pa bago makita. Except nalang kung maraming pera at madaling kausap yung client."

"Magkano ba kinikita nyo doon?" Tanong naman ni Madc.

"Hehe, secret." Nakakahiya naman sabihin.

"Dali na para naman 'tong others."

"Depende kasi e. Kung anong project. Kung tulay ba yan, kung bldg. condo, residential. Mga ganon."

"Owkayyy???" Mukhang di nya magets agad pero hinayaan ko na. Di ko na pinaliwanag.

"Ikaw Melvie, ano ginagawa mo in life?" Tanong ko naman sa kanya.

"Raket raket. Full time dancer sa shows e."

"Uy wow talaga? Anong show ba yan? Papanoorin ko!" Sabi ko naman.

Di kasi ako madalas makanood ng tv.

"ABS. Iba ibang shows e."

"Ohh nice!"

"Guys picture tayo. JM ikaw magpicture." Inabot naman nya sa'kin yung phone.

Kinuha ko naman yun at tinapat sakanila yung camera.

"Sumama ka baliw." Madc.

"Ay ganun ba? Sorry na. Haha"

"Okay, guys, compress." Umusad naman sila. Iniangat ko naman yung phone na nasa kaliwang kamay ko hindi ko masyadong inextend para naman close kami sa photo.

"Melvie dungaw ka pa. Di ka kita." Umusad naman sya.

"O Jaki, lean forward ka sakin." Ginawa naman nya.

"Ayan. Okayy. ready. 1 2 3 go!!!" Nagsmile naman ako tapos hinintay ko na matawa sila tsaka ko nagcapture.

"Anong go!? Gaga neto! Hahaha!" Sabi ni Madc. Natawa naman ako sa reaksyon nila.

Tinignan ko yung photo.

Ako lang yung may matinong mukha.

"Patingin nga!" Inabot naman ni Jaki yung kamay ko para makita yung picture. Nakahawak sya sa kamay ko hindi sa phone.

Parang screen lang minsan. Soft touch.

Kung anu-ano na naiisip ko.

"Burahin mo yan!" Sigaw naman ni Madc.

"Ayoko nga!" Sigaw ko pabalik at binawi yung kamay ko para mailayo yung phone.

"Kailangan nagsisigawan!?" Sabat naman ni Jaki.

"Dumagdag ka pa." Singit ni Melvie na ginawang bestfriend yung bote.

Natawa naman ako ng bahagya doon.

"Akin nalang 'to. Kung ayaw nyo."

Tinignan ko naman kung may internet si Madc. Sakto may data.

Sinend ko nalang through viber.

"O isa pa. Totoo na 'to."

Umayos naman lahat ng pwesto nung itaas ko yung phone na nasa camera app.

"Okayy, in 1, 2 3! Say cheeseeeee!!!" Sabay pindot ng capture button.

"Isa pa. 1 2 3,"

Pero pinindot ko yung record button kanina kaya nakarecord ito.

"Di yata nagpicture." Sabi ni Melvie. Pero nakangiti pa rin.

"Tagal naman!" Sabi naman ni Madc.

Natatawa naman ako sa mga reaksyon nila.

"Nakarecord! Sira ulo ka!" Sinabunutan naman ako nung katabi ko.

"Aray aray! Masakit! Jaki! Yoko na!" Napahawak naman ako sa kamay nya para tigilan na nya yung buhok kong pagkatagal kong inayos.

"Hala! Sorry!" Bigla nyang binitawan yung pagkakasabunot sa buhok ko.

Sakit nun. Akala ko matatanggal na anit ko.

Hawak ko pa rin yung part na masakit.

"Hala ka Jaki!"

"Sorry. Nasanay kasi ako sa mga kuya ko. Sorry talaga! Masakit pa ba?" Hinimas nya naman yung buhok ko. Kita ko naman yung sinseridad sa paghingi nya ng sorry. Tumayo sya tsaka hinipan pa 'yon.

"Maganda ka sana mapanakit ka lang." Naramdaman ko namang medyo dumiin yung kamay nya sa ulo ko.

"Joke lang!" Iniwas ako palayo sakanya.

"Cute nyo no?" Ngiting ngiti naman yung dalawa na pinapanood kami.

"Sorry talaga." Natatawa nya na sabi. At naupo ulit.

"Okay lang yun. Di ko lang napaghandaan. Warningan mo na ko next time. Hahaha!"

"Cute nga brozoned naman." Narinig kong sabi ni Melvie.

"Ano ulit 'yon Melvie?" Madiin na tanong ni Jaki na parang may pagbabanta.

"Wala. Sabi ko ang cute cute ko." Sagot naman nya.

"Katakot talaga 'tong friend natin no?" Hahahahaha napapigil ako ng tawa sa sinabi ni Jaki dahil ang sama sama na ng tingin nitong isa.

Pinanlakihan naman nya ko ng mata kahit parang di naman nalalakihan 'yon.

"Ganda ng mata mo." Walang anu-ano kong nasabi iyon.

"Thanks!" Napalitan naman ng ngiti yung pananakot na mukha nya kanina.

Natahimik naman ako. Medyo nakakahiya 'yung nasabi ko.

"Ano, ahm.. gusto nyo gawa ko kayo cocktails? Ano gusto nyo?"
Sabi ko habang pumapasok sa counter.

"Hindi na. Baka masobrahan. Mahirap na." Agad na sabi ni Madc. Pero nakangiti sya. Yung mapangasar.

Naupo naman ako sa harap nila at nangalumbaba.

Nagulat naman ako nang hablutin ni Jaki yung kanang kamay ko na nakaalalay sa baba ko.

"Aray ko naman, kanina ka pa ah."

******

Hindi mo naman kailangan minsan ng pag-ibig na nasa isang relasyon. Maaari mo namang maramdaman yung saya na manggagaling sa mga kaibigan mo. Pakiramdam na kuntento ka sa kalagayan ng puso mo, na pipiliin mong maging matatag at magpatuloy dahil hindi doo natatapos ang buhay. Huwag kang magpakulong sa mga bagay na hindi naman sigurado. Dahil ikaw rin ang madedehado.

May mga tao sa paligid mo na mararamdaman mong nandyan lang sila, yung komporrable ka sa kanila, you feel safe around them. You can do what you want, yung hindi ka majujudge. We should keep those people. We should appreciate everything about them. In that appreciation, you may change anyone's perspectives in life.

- awe_somebuddy
:)

Continue Reading

You'll Also Like

56.9K 1.7K 21
© ᵐˡˡᵏᵇʳᵉᵃᵈ . ᵗʰᵒʳ ˣ ᶠᵉᵐ ʳᵉᵃᵈᵉʳ . ˡᵒʷᵉʳᶜᵃˢᵉ ᶦⁿᵗᵉⁿᵈᵉᵈ ❝𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈𝐅 𝐈 𝐒𝐍𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐎 𝐓𝐎𝐎 𝐅𝐀𝐑?❞ ----╾↠ 𝗜𝗡 𝗪...
154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...
328K 9.6K 57
Is he the fulfillment of her wish?
6.3K 53 7
A CaitBea short story! This is purely fanfiction only! I read this story on one of the sites of fanfics, and I was inspired to do a story, but this...