PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Cinco - Hatid, sundo

579 9 0
By muddy_maddie

Nagising naman ako sa kalam ng sikmura ko.

Tinignan ko sa phone kung anong oras na ba.

8 na.

May itutulog pa ba ko nito mamaya.


May napansin naman akong notif. text unknown number at binuksan ko ito.

Suking suki ng unknown number itong sim ko ah.

"Pogs! Madc to. Pwede ka ba next week Wed.? confirmed na sayaw namin sa novaliches lang Sama ka?"

Ayos din tong si Madc tropa tropa agad kami.



Wednesday? Wala pa naman akong plans for next week. Pero kailangan ko na matapos yung designs.



Sinave ko na muna yung number nya. At pinagiisipan kung paano ko ischedule yung buong week ko.



To: Madc

"Anong oras ba? Tsaka saan kayo nun manggagaling? Hatid ko na kayo. 😊"


Text ko sakanya.


"Gabi. After work ni jaki alis na kami. Susunduin ko siya."
Reply naman nya


Palagi nyang sinusundo friend nya. Pansin ko lang. Tinatamad ako magtype para magtanong. Matawagan nalang.


"Hi Madc,"bati ko dito.


"Hello JM. Ano yon?"



"San ka ba manggagaling non? I'll pick you two para di na hassle." Offer ko.




"Free ka ba non?" Tanong nya naman.



"Oo para mapanood ko naman friends ko." Natawa naman sya sa sinabi ko.



"Damang dama mo talaga no?" Natatawa pa rin nyang sabi.


Naupo ako sa kama at nagsuot na ng pambahay na tsinelas.



"Bawal ba? Haha. Basta sunduin nalang kita tapos sunduin natin si Jaki. Ayos ba? Text mo nalang sa akin sa Wed. kung nasaan ka."


"Shoooorree shooooorreee. 5 pm ako sa condo."



Wait, sasayaw sila. E di ba kasama nila doon yung ex ni Jaki.



"Madc! Wait. Kasama ba yung ex ni Jaki sainyo? 'Di ba... kagrupo nyo sya?" Nagaalalang tanong ko.



" 'wag ka mag-alala JM. Di kasama yung group nila. Nagcocollab lang mga grupo namin minsan."




"Ahh sige. Salamat. Mag-iingat ka. Kain na ko." Paalam ko naman sa kanya dahil tumunog nanaman yung tyan ko kaya't napahawak ako dito.



"Thankyy, byieee."


Hinintay ko naman iend nya yung call bago ko tanggalin sa tenga ko.



Nang hawakan ko ang door knob ng pinto ay napansin kong wala na nga pala sa akin yung singsing ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglabas at bumaba sa dining.


Binili kong ring na naging pendant ng kwintas nya. Napabuntong hininga nalang muli ako.


"Mahal din yung singsing ko na 'yon."
Sabi ko sa sarili ko.



Binili ko yun noong nagsisimula palang gumaan yung buhay ko. Noong nag-aaral palang ako. Nasa isang mall ako noon. Napansin ko yung singsing dahil kamukha nya ng design ang bigay sa akin ng tatay ko na bracelet. Kaya kahit may kamahalan 'yon ay binili ko pa rin.


Bakit kasi pinahiram ko sakanya 'yun.
Natawa nalang ako sa pagsisisi ko.

"Oh ayan na pala si Kuya Vice e. Tara na Lalaine at kumain." Tawag nanaman nya ako sa palayaw na iyon.



"JM." Pagtatama ko sa tawag nya sa akin. Pero pilit na ngumiti pa rin.


"Kuya JM na ang itawag nyo sa akin."



"Sorna." Pabebeng sabi naman ng kasambahay ko.



Imbis na mainis ay natawa nalang kami sa pagmumukha nya nagdasal at kumain na rin kami.


Matapos maghapunan ay nagsimula na ulit ako mag-isip ng ideas para sa trabaho. Innovative designs etc. Pwumesto ulit ako sa may balcony. Dito kasi ako madalas nakakapagisip. Natatanaw ko ang mga ilaw ng mga bahay at mga sasakyan. Naririnig ang ilang tunog mula sa kalsada. At nararamdaman ko ang haplos ng hangin sa aking mga balat.



Makaraan ang ilang oras ay hindi pa rin ako inaantok. Pero pagod na ko sa kakaisip ng designs.



Kung SMDC o si Henry Sy ang client na ginagawan ko ay magagamay ko na at malilimitahan na ko sa pagdesign dahil alam naman ng mga taong nasa ganitong industriya na nagtitipid sila. Hindi lang halata. Magdedesign ka pero mauuwi lang rin sa sobrang value engineering.


Napailing naman ako nang maisip ko iyon. May ilan pa kong natitirang work loads. Siguro ay matatapos ko naman ito sa darating na Byernes.


Nagpahinga ako sandali at nagshower.



"Matagal tagal ka pa aantukin Tutoy." Sambit ko habang nakayuko at dinadama ang bawat patak ng malamig na tubig na nagmumula sa shower head.

Umalis ako ng bahay dala ang sasakyan ko. Nandito ako ngayon sa bar. Sa entablado. Kakanta, tutugyog, maggigitara. Lingid sa kaalaman ng mga tao na ako ang may ari nito. Ganito minsan ang ginagawa ko. Pampalipas oras sa gabi.

Nagsimula na ko magstrum ng gitara. At tumingin sa mga tao dito. Ang iba ay nanonood. Ang iba ay nakikinig. At ang iba naman ay nagkukwentuhan.

"Ikaw at ako.." napalunok ako nang bigla itong kanta ang napili ko. Hindi ko sinasadya pero itutuloy ko nalang.

"Pinagtagpo.." patuloy ko at nagstrum muli.

"Nagkasundong magsama habang..buhay"

"Nagsumpaan.. sa Maykapal" Pakiramdam ko ay magsisisi ako na nakanta ko ito.

"Walang iwanan, tag-init o tag-ulan.." pinipigilan ko maluha sa sariling pagkanta.

"Haharapin bawat unos na mag-daan" bawat liriko ay pinaparamdam nito yung kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

"Sana’y di magmaliw ang pagtingin.
Kaydaling sabihin , kayhirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay natin gawing kahapon ang bukas.."

Hindi ko tinapos ang kanta.

Ngayon ko lang napansin na nabalot ng sandaling katahimikan ang bar kasunod naman nito ang palakpakan.

Ngumiti ako ng may lungkot sa akin mata.

Nalulungkot ako ngayon, nararamdaman kong mag-isa ako ngayon. Malayo sa pamilya. Oo may mga kaibigan ako pero ito yung nararamdaman ko ngayon.

Nagpunta naman ako sa counter at ako na mismo ang kumuha ng mga kailangan ko.
Hindi naman ako pinansin ni Toper dahil sanay na rin sya na ganito ang takbo ng utak ko minsan.

Feel ko lang na ako mismo ang gumawa ng sarili kong inumin.

Old Fashioned

Nilagay ko na yung sugar cube sa glass.

Sinunod ko yung bitters para maging saturated yung sugar cube para magbreak down ito. 4 to 6 dash of bitters.

Dinurogdurog ko naman ang sugar cube

Siniguradong nagbreakdown ang sugar.

Kinuha ko naman si Mr. Bourbon my bestfriend.

Sinalin ko ito matapos sukatin ng tama.

Hinalo ng kaunti

Nilagay ko naman ang ice cube na sakto lang para hindi ito magdilute agad.

Hinalo muli.

Nakakatulong to sakin para magrelax.

Kumuha naman ako ng lemon and orange.

Asan na ba yung pealer...

Napalingon naman ako kay Toper. Nilayo nya yata sa akin iyon.

"Epal." Pabiro kong sabi sa kanya. At kinuha ang pealer.

Kumuha ako ng tamang balat ng orange at lemon. Piniga ito sa ibabaw ng glass, tamang layo lamang. Pati na rin ang lemon.

Pinahid ko naman ito sa paligid ng glass. At nilagay ang peal sa side.

Perfecto!

Inamoy ko pa ito bago inumin.

Inamoy ko naman ito ng maigi.

Hmmmm, sarap!

Magmukha ng tanga pero dito ako masaya.

"Sarap nyan boss ah!?" Sabi naman ni Toper na nagpeprepare ng drinks sa mga costumer.

"Syempre naman!" Proud ko pang sabi.

"Gusto mo?" Alok ko sakanya kunwari.

Di pa sya nakakapagsalita pero inunahan ko na.

"Edi gumawa ka. Hahahahaha!" Humagalpak naman ako ng tawa.

"Si boss talaga oh." Pakamot kamot pa nyang sabi.

Uminom naman ako ng old fashioned ko.

Baliw na yata ako. Pinaglalaruan ako ng feelings ko.

"Magaling ka pala talaga kumanta. Parang gusto ko na ikaw ang kumanta sa kasal ko. Kantahin mo yun sa kasal ko ha?" Nagulat naman ako sa biglang nagsalita na nasa harapan ng bar counter. Sa harapan ko. Nakapalumbaba at may wine sa tapat. Kung makakasal naman akala mo ikakasal na bukas. Di ko nalang pinansin.

"Ano ginagawa mo dito? Uy baka maghatid nanaman ako ng lasing ah? Last mo na 'yon Jaki." Sabi ko sakanya para makaiwas sa kahihiyan dun sa pagkanta ko kanina. Narinig nya pala. Ano ba kasing ginagawa nya dito lumingon lingon naman ako kung sinong kasama nya.

"Last na 'yon. Wala nagbabaka sakali lang na baka nandito ka." Sincere nyang sabi.

"Lasing ka ba?" Takang tanong ko sakanya at lumabas sa counter para tumabi sakanya. Bat naman sya nagbabakasakali.

"Sino kasama mo? Alam ba 'to ng mommy mo? Baka akalain nun bad influence ako huy."
Birong totoo kong sabi sakanya.

"Nagpaalam ako. Sabi ko pupunta ko dito. Nagulat nga ako at pinayagan ako e. Close ba kayo? Nabanggit ko lang pangalan mo pumayag na."
Hala sya. Napainom naman ako sa inumin ko.

"Baka naman next time gamitin mo na pangalan ko kapag aalis ka kung saan saan?" Nagsmirk pa ko matapos sabihin iyon.

"Yabang." Napailing sya habang sinabi iyon.

"Sino ba kasama mo talaga?" Tanong ko dahil syempre gabi na.

"Wala. Ako lang." Di ko naman mabasa yung emosyon na meron sya ngayon.

"Okay ka?" Biglang lumabas nalang sa bibig ko yung tanong na yun.

"Oo naman. I just feel alone? Kahit hindi naman." Para namang kinurot yung puso ko sa dahilan nya. Alam ko yung pakiramdam.

"Na saan mommy mo? Kakauwi mo lang kaninang umaga ah?" Tanong ko naman sakanya ulit.

"Nasa condo. Nag-aya kasi sya kaninang mamasyal. Sabi ko kung gusto nya sama sya sakin sa condo ngayon tapos gala kami bukas. Since may kanya kanya namang pinagkakaabalahan yung mga kuya ko."

"Everything will be fine." Sabi ko sakanya tsaka nakipagtoast.

"May the loneliness in our hearts fades away, cheers!" Masigla kong sabi.

"Cheers!" Tinapatan nya naman yung energy ko.

"Wag kang maglalasing ha? Yari na ko nito sa magulang mo." Sabi ko bago uminom.

"Kahit bantayan mo pa ko." Tawang tawa nya pang sabi.

Di lasing pero mukhang may amats na.

"Ano bang paalam mo sa magulang mo at pinayagan ka?"

"Sabi ko maggagrab ako. Tapos makikipagkwentuhan sa'yo."

Weird.

"Kahit itext mo pa" napansin nya yatang di ako naniniwala.

Kinuha ko naman yung phone ko at tinext nga si tita.

"Baliw nito. Itetext mo nga?" Di makapaniwala yung pagmumukha nya kaya natawa naman ako. Kumapit pa sya sa braso ko.

"Wag ka magulo." Sabi ko habang nagcocompose ng message.

Lumapit naman sya sa akin para silipin yung tinatype ko.

Ang bango nya. Ang fresh nung amoy. Amoy bagong ligo?

Natawa naman ako sa sarili ko at naiisip ko iyon.

"Wag ka nga. Di ko makita." Iniwas ko naman sa kanya yung phone ko.

'Good evening po tita, si JM po 'to. Pinayagan nyo po ba talaga si Jaki pumunta dito? Baka po lasi tumakas lang ihahatid ko na po dyan ngayon na pauwi.'

Tinapat ko naman sa mukha nya yung phone ko para mabasa nya.

Napamaang naman sya.

"Hoy! Grabe sya! Wala ka talagang tiwala ano?"

"Naninigurado lang." Sabi ko at sinend na yung text.

"Honestly di ko rin alam bakit ako pinayagan."

"Baka naghahallucinate ka lang."

"Ano ako? May sakit?"

Di ko sya pinansin at hinintay ko magreply si tita.

Naisipan ko naman ituloy yung laro dito sa phone ko at inubos ko na yung inumin ko.

Focus akong naglalaro ng bigla akong mataya.

"Ay namatay! Hahahaha!" Di ko alam ay nanonood pala sya sa paglalaro ko.

"Ako nga, patry." Sabay agaw ng phone ko. Wala naman akong nagawa dahil hawak na nya.

Tinignan ko naman sya, focus na focus din. Parang mananalo naman ng prize kapag natapos nya.

May pores ba sya? Ang ganda nyang nilalang.

Bigla naman nagbago ang expression ng mukha nya. Nagulat, naexcite na natutuwa.

"Panalo ko! Panalo ko! Bleeeehhhh!"

Pangaasar pa nya. Cute nito.

"May text si Mama. Basahin ko?" Tanong nya.

"Phone mo?" Pangaasar ko naman sakanya pabalik.

Padabog naman nyang sinauli ang phone ko.

"HI JM GOOD EVENING DIN SAYO. OO PINAYAGAN KO NA YANG MAKULIT NA YAN, PASENSYA KA NA. PARANG ANG LUNGKOT KASI KAYA PINAYAGAN KO NA PARA MALIBANG." Yan yung text ng mom nya. Kung hindi lang hi ang una nyang bati aakalain kong galit siya.

"Hala ka, di ka pala pinayagan e. Uwi ka na!" Loko ko sakanya.

"Neknek mo, pabasa nga oh?"

"Dejoke lang. Yung nanay mo sira yata yung lower case. All caps yung text e." Sabi ko sakanya. Natawa naman kami parehas.

"Baliw di sira yon. Di nya lang nababago."

"Bakit pala di mo tinapos yung kanta? Ganda ganda nun e." Biglang pagbabago nya ng usapan.

"Wala lang. Nasad ako e. Haha." Pilit kong tawa.

"Para ka ngang batang nakatakas sa bahay nung gumagawa ka kanina nung.. ininom mo e. Yung totoo? May sayad ka no? Nasad tas biglang masaya."

"Old fashioned, wala ewan ko. Di ko alam e. May pagkaabnormal nga siguro ko." Sambit ko ng may ngiti na alanganin sa aking mga labi.

"Okay lang yan mah friend! Tanggap ka namin." Sabi pa nya at umakbay pa kahit di nya masyadong abot.

Napalight lang ng mood kapag sya yung kausap.

"Parang sira 'to. Umuwi ka na nga. Tara na. Sabay ka na sakin. Dun din daan ko pauwi."

Sandali syang nag-isip kung uuwi na ba.

"Tara?" Tanong ko sakanya.

Nagnod naman sya.

Kusang umalalay ang braso at kamay ko para doon sya humawak pagbaba nya si kinauupuan nyang bar seat.

"High chair mo yata yan e." Biro ko sakanya nung makababa na sya.

Kinurot nya naman yung braso ko dahil doon.

"Aray! Brutal neto!" Reklamo ko sakanya at binawi yung braso ko sa pagkakakapit nya.

"Sorna! Pero ang OA ah!" Pagpapacute pa nito.

"Di mo kinacute yan." Sabi ko sakanya at nag-iwas ng tingin.

"San ka uuwi?" Tanong nya habang nakasunod sa akin.

"Sa bahay. Same way naman e." Sabi ko habang tinatahak namin ang daan palabas.

Pagbukas ko ng pintuan ng club ay bibitawan ko sana pero di sya nakatingin kaya't hinayaan ko nalang na mauna sya lumabas. Daldal kasi ng daldal di ko naman maintindihan. Hahahaha.

Pigil na pigil naman ako ng tawa.

"Ano nanaman ba? Bat nagpipigil ka ng tawa dyan? Ang pangit mo!" Pinagtawanan nya naman ako.

Di naman kami lasing parang nakaweeds lang. HAHAHAHA!

Inunlock ko naman yung sasakyan. Bubuksan ko na sana pero nauna sya. Pero nagkadikit yung kamay namin.

Inalis naman nya yun agad. Kaya't binuksan ko na yun para sakanya at sumakay na rin.

"Saan ka takot?" Tanong nya agad pagkapasok ko ng sasakyan.

Weird talaga nito minsan.

"Kay Lord syempre mamaya kuhanin ako nun e. Lord wag po muna ah?" Sabi ko pa na parang nagpepray.

"Tsaka sa nanay ko syempre." Dagdag ko pa bago istart ang sasakyan."

"Sira! Mamaya di matuwa si Lord sa'yo. Seryoso nga kasi." Iritang sabi nya naman. Parang magdadabog na e. Haha.

"Sa heights? kapag matarik lang ah!" Depensa ko pa baka kasi tawanan pa ko.

"Pero pag rides okay lang. Bakit?" Ikaw ba?may phobia ka ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Takot ako sa waves. Sa dagat." Napakunot naman ako ng noo at lumingon sa likod para tignan kung may mababangga ba sa pagatras ng sasakyan.

"Bakit? Bakit sa dagat? Ayaw mo doon? Masaya naman sa dagat ah?" Sabi ko pa habang tinatansa ang pagmaneobra.

"Muntik na ko mamatay don e. Haha" she laughed sadly.

"Di ako takot sa ipis pero ayaw ko sakanya. Ang daming paa. Kadiri kapag dinapuan ka. Mabaho pa." Pagiiba ko ng usapan para huwag na sya malungkot nakakahawa e. Pero nacucurious ako.

Hindi na sya umimik matapos mapangiti sa sinabi ko.
Nasa byahe na rin kami.

"May bad experience ka ba sa dagat? Bakit ayaw mo na?" Di ko napigilan magtanong. Baka may maitulong naman ako e.

"Last time na nagpunta ko doon. Muntik na ko mamatay. May kaibigan kaming namatay dun. Pinasukan ng tubig yung sinasakyan naming bangka."

"San ba kayo pupunta nun? Bakit pinasukan ng tubig? "

"Magbabakasyon. Sa resort ng pamilya ng ex ko. Maalon noon. Nadelay pa nga flight namin noon tapos walang bangka pagdating namin. Sana di nalang kami tumuloy, sana nagsuggest ako na bumalik nalang. Edi sana buhay pa si Franco." Nararamdaman kong may kaunting sisi siya sa sarili nya dahil sa nangyari.

"Di mo naman kailangan sisihin yung sarili mo. Di naman natin alam yung mga mangyayari talaga. Ipagpray nalang natin sya. 'Wag ka na mag-alala."

"Bakit ang dali para sayo na magpagaan ng loob ng tao?"

Jaki's

Matapos yung gabing tinapos ni tom ang meron sa amin nagkaroon naman kami ng new friend. Hindi ko alam kung bakit, paano, kailan? Bigla nalang na ayaw na nya. Na hindi na sya masaya. At wala akong natatandaang ginawa ko noon para ipamukha nya saakin na ganun lang ako kadaling palitan. Di ko alam kung anong kulang para hindi ako ang pinili nya. Pero kung doon sya masaya tanggapin nalang.

Nasa condo kami ni Mommy kasama si Madc. Sabi pa nya ay sayang naman daw yung effort nyang hatid pa ko e. Sayang raw e natulog lang naman siya. Si JM lang kausap ko ng halos isang oras.

Nagyaya kasi si mommy mamasyal. Kahit bukas daw. Kaya gabi palang ay bumalik na kami sa condo. Kaya eto kami ngayon.

"Ma, punta lang ako kay JM." Paalam ko kay mommy.

Bigla ko lang talaga naisipan na gusto ko ng kausap. Yung magiging magaan lang. Ito kasing si Madc kapag kinausap ko baka hindi magseryoso. Kapag naman nagseryoso maiiyak nalang talaga ko.

"Oh, anak. Napapadalas naman yata. Alalay lang huy. Kakabreak nyo lang ni tom." Derederetsong sabi ni mommy sakin.

"Uy ma! Grabehan naman? Maikipagkwentuhan lang tsaka kaibigan namin yun. Issue mo po" Sagot ko naman

"Ay tita, boto ko kay pogi! Mabait yon di tulad nung ex nung anak nyo po nako. Malayong malayo. Hindi presko yun."

"Madc!" Suway ko sakanya.

Di ko alam kung anong suway gagawin ko kaya't ganun nalang ang ginawa ko.

"Pano ka uuwi aber? Gabi na anak." May pag-alalang tanong naman ni mommy

"Mag-gagrab po ako safe naman dun. Tsaka gusto ko lang po may makausap na kaibigan yung nag-seseryoso po ng usapan." Paliwanag ko pa na nagpaparinig kay Madc. Pero di nya pinansin dahil tutok na tutok sa phone nya.

"Mag-iingat ka ha? Mag-tetext ka."

"Okay po. Bye Ma!" Paalam ko at bumeso sakanya.

Pagdating ko sa bar ay nagulat ako ng biglang may nag-gitara sa mini stage dito sa bar.

Tumingin ito sa mga tao na nakaupo sa kanikanilang pwesto. Hindi niya napansin na nandito ako kakapasok lang. Seryoso siya base sa expression ng mukha niya.

Habang tinatahak ko ang dati kong inuupuan sa bar 'to. Bigla syang kumanta.

"Ikaw at ako...." napahinto ako at tinitigan sya.

Malungkot sya.

Hinanap ko na ang upuan ko dati. Maswerte naman at walang nakaupo doon.

Bawat lyrics na binibitawan nya ay nararamdaman ko. Nararamdaman kong ang lungkot nya. Na baka pakiramdam nya ay siya lang mag-isa. Sobrang mapanakit yung lyrics ng kanta para sa amin. Pero ang ganda ng boses nya.

Pinanood ko sya mula sa inuupuan ko.

Hindi nya yata natapos ang kanta.

Pero ngumiti sya matapos pumalakpak sa kanya ang mga tao.
Ngumiti ng malungkot. Alam kong malungkot iyon dahil ganun din ang ngiting nagagawa ko ngayon.

Papalapit sya sa kinaroroonan ko pero hindi nya ako napansin. Kahit mag-kaharap na kami ngayon.

Nagmix siya ng kung ano man. Di ko alam kung may sayad ba sya kanina lang ay ang lungkot nyang tignan ngayon naman ay masaya sya. Beshywaps yata sila nung hawak nyang bote.

Humingi naman ako ng wine kay Chris.

Matapos sa ginagawa nya ay naglolokohan pa sila ni Chris.

"Magaling ka pala talaga kumanta." Pagaagaw ko ng atensyon nya at nagtagumpay naman ako doon. Dahil di nya inaasahan na andito ako.

"Parang gusto ko na ikaw ang kumanta sa kasal ko. Kantahin mo yun sa kasal ko ha?" Sabi ko pa, seryoso ako doon. Gusto kong siya at iyon ang kantahin kapag ikakasal na ko.

Nagkwentuhan kami, naglaro, hanggang sa ayain na nya ko umuwi.

Hanggang sa sasakyan nya ay nagkukwentuhan kami, tinanong ko kung saan sya takot. Ako kasi takot na ko maiwan. Sabi nya kay Lord daw. Itong lalaki na 'to talaga kakaiba maglift up ng mood.

"Bakit ang dali para sa'yo na magpagaan ng loob ng tao?" Tanong ko sakanya, dahil kahapon nya pa napapagaan yung loob ko.

Nagtataka naman sya ng lingunin ako.

Ang ganda ng mata nya. Bat ganon. Unfair.
Haba ng pilik mata nya.

"Ha?" Tanong nya ulit.

"Hotdog" pambabara ko.

"Ano raw?" Bulong nito. Pero narinig ko pa rin.
Minsan seryoso sya minsan hindi. Saktuhan lang yung personality nya.

"May pet ka ba?" Gusto ko lang malaman kung ano yung mga trip nya.

"Meron!" Full energy at natatawa pa nyang sabi.

"Ay totoo!? Anong pet mo?" Naexcite naman ako. May pet kami pero kasi natatakot(?) Ako sakanya. Baka makagat ako nung aso namin ganyan.

"Ibon." Pangiti ngiti pa nyang sabi.

"Parrot? Love birds?" Tanong ko naman kasi parang tuwang tuwa sya na ganto ang usapan.

"Di nagsasalita pero minsan ano.. wala hahaha joke lang. Wala akong pet. Kung magkakaroon man ang ipapangalan ko sa kanya malu. Petmalu." Hayyy nakoo ang corny nya pala. Akala ko naman ay seryoso siya doon.

"Kayo ba?" Balik nyang tanong.

"May aso kami. Pero kasi takot ako sakanya baka maapakan ko tapos kagatin ako. Kung magkakaron ka ng pet ano gusto mo? Tanong ko. Kelan kaya birthday nya baka sakaling matuwa ako regaluhan ko sya. Haha.

"Okay naman din ako sa aso. Okay lang naman kahit ano. Haha." Sabi nya.

"Naaawkward ka ba?" Parang naaawkward kasi sya sa mga tanong ko di ko malaman kung pilit ba yung tawa nya o ano.

"Hindi naman. Nawiweirdohan lang ako sa mga tanungan mo." Pasulyap sulyap pa nyang sabi.

Isa syang honest na tao. Nakikipag eye contact sya kahit sa ganitong bagay na usapan.

"Anong ayaw mong ginagawa sa'yo ng tao?" Di ko pinansin yung nawiweirdohan sya. Gusto ko lang makilala new friend namin.

"Ayaw ko kapag nagsisinungaling o kaya naman ay may tinatago sa akin. Ano pa ba?" Sabi nya habang tumitingin sa mga mirror ng sasakyan nya.

"Parang lahat naman yata ganon. Yung something different naman. Kahit maliit na bagay lang."

"Ayaw ko kapag seryoso ako tapos magbibiro o magloloko. Yung hindi marunong makiramdam. Yung hindi humihingi ng paliwanag ng kausap nya o kaaway o kung anu man. Kasi di ba, ang bastos lang?"
Luh! Mananapak na yata sya hahahaha.

"Oh kalma! Di ako kaaway." Sabi ko sakanyawith handgestures pa.

"Sira haha!" Napailing pa nyang sabi.

"Ayaw ko yung maingay kumain."

"Ay ako din!" Halos mapaharap ako sakanya ng pagkakaupo dahil sa sinabi nyang iyon. Alam ko kasi yung feeling ng may naririnig na ganon.

"Ayaw ko ng kumakanta habang nasa harap ng pagkain."

"Trooot!" Pagsangayon ko ulit.

"Yung maingay humigop ng sabaw!" Natawa kami dahil sabay naming nabanggit yon.

"Kapag mabagal magreply."

"Kapag hindi nagrereply." Sabi ko pa habang winawagayway ang hintuturo ko.

"Anong plans mo in life?" Tanong nya naman.

Plans in life?

Simple lang naman akong tao. Yung gusto ko para kila mommy naman.

"Gusto ko lang maging stable yung way of living namin ng mommy ko. Ipon ipon, tapos gusto ko patayuan si mommy ng restaurant. Para may income kami. Ganun lang. Ikaw ba?"

"Gusto ko lang maging nasa isang bubong lang kami ng family ko. Kasi okay naman na ko. Okay na yung life namin. Bonus nalang talaga yung coffee shop." Napapigil naman ako ng tawa sa huling part na sinabi nya. Seryoso talaga sya.

"Ilan taon a na ba? Kelan birthday mo?"

"Reregaluhan mo ba ko? Hahahaha"

"Depende kapag mabait ka pa rin."

"March 31. Ilan taon ka na pala?"

"24"

Di ko napansin na nasa tapat na pala kami ng building ng condo.

"Hatid na kita."

"Huwag na." Pigil ko sakanya na bababa na sana ng sasakyan.

"Magbebless ako kay tita." Ang bait naman nito masyado.

"Papagood shot. Sinira mo image ko. Joke haha." Sabay baba ng sasakyan.

"Ang kulit." Sabi ko sa aircon wala naman kasing nakarinig kaya yung aircon nalang kakausapin ko.

Bubuksan ko na sana yung pinto dahil iniwan na nya ko pero pagbubuksan nya pala ko. Nagkasabay pa kami nang pagbukas.

"What’s something you say you’ll do, but never will?" Tanong nya sa akin habang naglalakad kami papuntang elevator lobby.

"Sabi ko mageexercise ako pero di ko nagagawa." Yun agad ang nasabi ko sa tanong nya. Pero mas weird mga tanungan ng kuya nyo ah.

"Ako ano, kapag sinabi ko sa nangaasar sa akin na papatayin ko sya."
Natulala naman ako sa sagot nya. Safe pa ba buhay ko dito? Lord!

"Huy! Ganun lang kami magbiruan nung isa kong kaibigan. Di seryoso yung mga ganun namin. Safe akong tao." Pagpapaliwanag nya pa ng nag-aalala na ewan habang papasok kami sa elevator.

Natawa naman ako sa reaksyon nya at tumango nalang.

"Kasama mo si Madc?"

"Oo. Magkasama sila ni mommy. Bakit?"

"Wala lang." Nagsmile naman sya.

This man. Ang gaan kasama.

Pagbukas ng elevator ay derederetso lang sya sa paglalakad sa unit namin. Nakalimutan yatang may kasama sya.

Napahinto naman sya maglakad at hinintay ako.

"Sorry. Ang laki ng hakbang ko. Hehe." Nagpeace sign pa.

Alam nya nga pala unit namin dahil hinatid nya kami nun.

Pagtapat sa pinto ay kumatok na ko. At si mommy mismo ang nagbukas.

"Hi po tita!" May pagkaway pa sya sa mommy ko.

"Bless po." Nagmano naman sya kay mommy. Inunahan pa ko.

"Pasok ka." Aya ko naman sakanya

"At wag na pauwi na rin ako. Ay andyan si Madc di ba? May itatanong sana ko."

"Pumasok ka na kasi."

Napilitan naman sya kaya naupo na rin.

"Uy Jm! Bat andito ka?" Gulat namang tanong ni Madc na kalalabas lang ng kwarto.

"May itatanong lang sana ko sa'yo."

"O sana tinext mo nalang. Ano ba yun?"

"Magbibihis lang ako. Nagugutom ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Ako na bahala anak. Magbihis ka na." Sabi naman ni mommy.

******

Continue Reading

You'll Also Like

12K 286 29
This is the Love Story of CaitBea. Please continue to support This is a Fictional Story. CaitBea hanggang dulo
189K 5.3K 44
para ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!
311K 6.9K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc