Because We're Having a Baby (...

By Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... More

Because We're Having a Baby
Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman
Travis Marlakch Markovska
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
So its You? II
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❀
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick or Treat Part I
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❀
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
***Yuletide Romance***
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❀ Stupid Cupid! ❀
❀ Stupid Cupid II ❀
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

First Impression Lasts

33.2K 478 13
By Koolkaticles




CLEO's POV~

Habang  iniinda ko ang sakit ng mukha ko, nagsalita ulit yung pader, ay mali  yung taong bato pala. Jusmiyo! Ang tigas ng katawan ah, parang sinadyang tumama ako sa kanya kasi hindi man lang ako nahawakan para hindi matumba. May galit kaagad?

"O-okay ka lang miss?"-  Tanong ng walangya. Ay okay na okay ako tsong. Nag-enjoy nga ako sa  pagbangga mo sa akin. Oo tama, siya ang bumangga noh, matiwasay akong  tumatakbo tapos bigla siyang susulpot sa dinadaanan ko. Bwisit!

"Mukha bang okay ang pagtilapon ko?"- Pagmamataray ko sa kanya ng bongga! Abah! Siya kayang  tumilapon dahil bumangga ang mukha noh? Hindi ko pa rin siya tinitingala. Nakayuko pa rin ako at hawak ang maganda kong ilong  na mukhang ngayon ay nadisporma na. Tsk!

"I'm sorry, hindi ko kasi alam na may biglang susulpot sa harapan ko na tumatakbo. Mabilis lang ang pangyayari kaya hindi kaagad ako nakaiwas. Patakbo takbo pa kasi eh tss."- Abah! Nanisi pa ang ungas?! Angas nito ah, bigyan ko kaya  ng straight job ng maranasan niya rin yung sakit ng mukha ko ngayon?

Bahagya kong sinilip ang  itsura niya sa pagitan ng mga buhok ko na nakakalat sa mukha ko,  nakatingin siya sa ibang direksyon at mukhang maangas nga. Yabang ah!

"At sinisi mo pa talaga ako?"- Pasigaw kong sabi sa kanya. Iniharap ko na ang mukha ko sa kanya  kahit alam kong nakakahiya ang itsura ko dahil maga ang ilong ko.

Tumingin lang siya sa aking ng walang reaksyon. Wow ah! Batong bato talaga?

Nakatingin ako ng masama sa kanya at nakasimangot. Tiningnan lang niya ako ng saglit. He looks so familiar. Parang  nakita ko na siya kung saan eh, hindi ko nga lang talaga maalala kung  saan. Malamang siguro nakakasalubong ko sa siya dito sa school before.  Baka nga ganun.

"Yung a-ano mo.."- Naarte siya na nagpupunas ng ilong. Ano daw?

"Ilong mo,  du-dumudugo.."- Mahinang at mahinahong sabi niya sa akin, sabay lihis ng  tingin sa akin at baling sa ibang direksyon ang ulo niya. Ano daw ulit  yun?

"Huh?"- With matching  high pitch yan. Inis na ko kaya pasigaw kong tanong sa kanya yan. Itsura  nito, laking tao pilipit ang dila. Hilahin ko kaya ng magkaintindihan  naman tayo.

Humarap ulit siya at  tumingin sa akin "I said, your nose is -- bleeding."- Sabay turo sa  ilong ko ng index finger niya sa kaliwa.

Ano daw? Bleeding? Am I heard it right?

Kinapa ko ang ilong ko  kung may natulo nga doon. At pagkadikit ko ng daliri ko sa butas ng  ilong ko, may naramdaman nga akong kung anong basa. Inilayo ko ang kamay  ko sa mukha ko para makita kung ano yun. Shit! I heard it right! Dugo!  Dugo nga! Ang daming dugo! Shemay! Anong gagawin ko? Takot ako sa dugo!

Nanlaki nalang mata ko  sa nakita kong dugo sa daliri ng kamay ko. "Aaaah!"- Napasigaw nalang  ako sa takot dahil dun. Bigla kong hinawakan ang ilong ko ulit dahil  nararamdaman kong may tumutulo ngang dugo sa ilong ko. Ang lakas naman.

"Don't touch it!"- Sigaw  niya sa akin. Sabay hawak sa kamay kong pinanghahawak ko sa ilong kong  may dugo. Kagulat ah! Natigilan nga ako. Lumingon siya sa may likuran niya at may kung anong kinuha siya sa likuran niya at iniabot sa akin..  "Here! Use this."- Mahinahon lang niyang sabi sa akin.  Inabot niya sa akin ang panyo niyang puti at tumingin sa akin.

Sinamangutan ko lang  siya at tiningnan ng masama.."Hindi na, may panyo rin naman ako!"-  Pasigaw kong sabi sa kanya sabay lingon rin sa may bandang likuran ko  para kunin ang paniyo ko doon pero --

"Heto na kasi sabi!"-  Pasigaw niya rin sabi sa akin na may pagpupumilit. Hindi ko pa man nakuha ang panyo ko sa likuran ko, bigla niyang tinapal ang puting panyo niya ang ilong ko. Buti magaan niya lang yun inilapit sa ilong  ko dahil ang sakit sakit pa rin talaga hanggang ngayon. Nanggigilid na rin ang luha ko.

Napatigil nalang ako at napaharap sa kanya pero hindi ko siya tinitingnan sa mukha, nakapayuko lang ako.

"Wag kang yumuko,  itingala mo yang ulo mo.."- Utos niya sa akin. Hindi ko pa rin siya  tinitingnan. Bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina na tila pagod na  pagod ako at nawawala ng lakas ang katawan ko. Parang wala na akong  lakas para maiangat man lang ang ulo ko. Ang bigat bigat bigla ng pakiramdam ko.

Hinawakan na niya ang  baba ko at sapilitang iniangat iyon dahilan para mapatingin na ako sa  kalangitan ngayon. Nahihilo na ko at hinang hina. Parang wala na akong  kagana ganang magsalita bigla. Gustong gusto ko pa namang sumbatan ang  hambog na toh! Pero dahil nanghihina na ako at nararamdam kong  namumungay na ang mga mata ko.

"Miss, are you okay?  Bakit parang namumutla ka na?"- Nagtatakang tanong niya sa akin. Oh  sige, wish mong masagot pa kita diyan sa kalagayan kong toh. Ganito palagi ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng dugo, lalo kapag  marami kagaya nalang ngayon na sa ilong ko pa mismo nagmumula.

-------------------------------------------------------------------

TRAVIS's POV~

Nako naman, kung kailan  namang kailangan ko ng pumasok sa klase ko saka naman susulpot ang  babaeng ito at babanggain pa ko. Iiwan ko na dapat siya eh, kaso tumilapon kasi siya at napaupo sa harapan ko. Mukhang masakit yun, ay  hindi. Masakit talaga yun. Napahimas ako sa dibdib ko dahil nakaramdam din ako ng kirot sa lakas ba naman ng impact naming yun sa isa't isa eh.

Balak ko lang sanang  tulungan siyang makatayo pero mukhang iniinda niya pa ang sakit ng mukha niya na malamang yun ang tumama sa akin. Baka mag-nosebleed siya niyan kung straight sa ilong niya ang tama nun.

Nag-sorry na kaagad ako sa kanya para tapos na ang usapan at makaalis na ako, pero parang  inuusig ako ng konsensiya ko sa nangyari sa kanya. Baka kasi nagkasugat siya o nabali ang ilong niya. Inusisa ko siya ulit, pumaupo ako sa harap  niya para makita ko ang mukha niya pero nakayuko siya at natatakpan ng  mahaba niyang buhok ang mukha niya.

Tinanong ko siya kung okay lang ba siya, pero --

"Mukha bang okay ang  pagtilapon ko?"- Sigaw niya bigla sa akin. Nakakarindi naman. Ang inggay talaga ng mga babae, syempre bukod kay Shanelle. Mahinhin kasi yun  kahit may pagkamakulit minsan.

Mukhang sa akin pa toh nagalit, ayos ah! Siya nga itong bigla biglang sumusulpot sa dinaraanan  ko eh. Tahimik lang akong naglalakad papunta na sa building namin ng  biglang may nag-dive sa harapan ko. Akala ko mga babae lang na humahabol  habol sa akin, madalas kasi ang eksenang ganyan sa akin eh, kunwaring  babanggain ako para lang makadikit at makausap ako. Kaya nasanay na ako  na kapag may bumabangga sa akin ay tinitibayan ko ang tindig ko para  hindi ako madala tapos titingnan ko sa sila ng masama kapag nagso-sorry  sila kunwari sa akin.

Pero iba kasi ang sitwasyon pala ng isang toh, mukha ngang hindi niya sinasadya o alam na magkakabanggaan kami. Kahit naman ako hindi ko alam noh. Biktima rin  kaya ako. Nakapayuko kasi akong naglalakad, iniisip ko kasi kung  nakabalik na kaya ng Manila si Shanelle. Wala pa rin kasi akong  natatanggap na text o tawag mula sa kanya eh.

Noong hinarap niya ang  mukha niya sa akin, sabi na nga ba eh. Nagdudugo na nga ang ilong niya.  Sinabi ko yun sa kanya pero mukhang hindi nakikinig. Bulag na nga, bingi pa. Tss. Noong na-figured out na nga niyang dumudugo ang ilong niyang  halatang namamaga pati na rin ang mga pisngi niya, nanlaki siya ng mga mata na parang gulat na gulat, hindi. Gulat na gulat talaga siya nung  makita ang maraming dugo sa kamay niya.

Hinawak hawakan niya pa  yung dugo kaya kumakalat ito sa mukha at kamay niya, sinaway ko siyang  wag niyang hawakan. Iniabot ko sa kanya ang panyo ko, nako puti pa naman din ito, pero tinanggihan lang niya ito. Abah! Maraming  nagpapatayan para lang makagamit ng mga gamit ko tapos tatanggihan niya lang? Kung malaman ito ng mga fans ko malamang magpapagulpi pa yung mga yun sa akin para lang mapahiram ko ng panyo noh. Tss.

Dahan-dahan ko nalang  inilapat ang panyo ko sa ilong niya dahil tumutulo na yun sa damit niya. Baka isipin pa ng makakakita na sinapak ko siya kaya duguan ang mukha niya.. Walang palag naman niya akong hinayaang punasan ang ilong niyang dumudugo at itakip dun sa ilong niya ang panyo ko. Nakayuko pa  siya hindi ba niya alam na lalong dudugo yun kapag nakayuko siya.

Sinaway ko ulit siya at  inutusang tumingala, pero hindi siya tumitinag. Mukhang bingi nga talaga, hindi man lang ako inintindi. Sana naging pipi nalang siya kesa  bingi o bulag, ang lakas kasi niya palagi magsalita eh, palaging  nakasinghal.

Hindi ko alam pero bakit  parang may kung anong nagtutulak sa akin na maging concern sa kanya  kahit hindi ko naman siya kilala. But when I saw her face, She looks so familiar. Siguro nakasalubong ko na rin siya kung saan dito sa school o isa nga siya sa mga naghahabol sa akin.

Itinaas ko na ang ulo niya, hinawakan ko ang baba niya at iniangat yun para tumigil na ang  pagdudugo ng ilong niya. Nakita kong namumutla na siya, ganoon ba kaagad  kadaming dugo ang nawala sa kanya para mamutla siya ng ganun?

Tinanong ko kung okay pa ba siya pero hindi na niya ako sinasagot. Mukhang bingi nga talaga, what should I expect from some deaf? Nakakairita namang parang walang  alam ang isang toh kung anong gagawin kapag nagno-nosebleed, daig pa ata ng elementary toh. Nakita ko nalang din na namumungay ang mga mata  niya, nako, mukhang mahihimatay pa yata ang isang toh! Bwisit naman oh!  Late na ako eh!

Dahil nga sa ini-expect ko na siyang mawawalan ng malay sa arte niyang yun, hindi nga ako nagkamali. Naka-ready na sana ako para saluhin siya kung sakaling  babagsak man na siya. Hindi nga ako nagkamaling mahihimatay na, pero  hindi ko akalaing patihaya siya babagsak imbis na pataob sa akin.  Sabagay, nakatingala nga pala siya. Naknang tokwa itong babaeng toh oh!  Istorbo na nga nagpapasaway pa. Muntik ko ng hindi mahabol ang ulo niya  dahil bigla nalang siya bumagsak, kung hindi ko nasalo yun malamang may bukol pa itong dagdag.

Tuluyan na ngang nawalan ng malay yung babae, dahan-dahan ko siyang binuhat papasok sa building namin para madala sa clinic.

"Ano pong nangyari sa kanya?"- Tanong nung nurse na nakasalubong ko pagpasok ko ng clinic.

"Eh di nawalan ng malay."- Pilosopo kong sagot, nakakainis kasi, alam ng may pasyente akong buhat buhat nagawa pang magpa-cute sa akin. Nakakadiri naman toh. Lalo pa tuloy akong na-badtrip.

May lumapit na doktok sa amin noong hinihiga ko na siya sa stretcher dun sa clinic. "Bakit may dugo ang pasyente? "- Nilapitan niya yung babaeng nakahiga na at  tiningnan ito.

"Nagkabanggaan po kasi  kami kaya nag-nosebleed siya sa lakas ng impact."-  Sabi ko nalang doon  sa doktor na binubuka buka ang mga mata nung babae at iniilawan ng  flashlight niyang hawak.

Inutusan na niya ang  nurse niya na linisan yung babae at lagyan ng ointment ang magang mukha nito dahil ang pula pula ng mga pisngi niya at lalo na ang ilong niya.  Nakita kong marami ngang dugo ang lumabas sa ilong niya para magawang  kumalat nito sa suot niyang loose shirt. Napayuko nalang akong bigla at  napansing may mga dugo na rin pala ako sa uniform ko. Shit! May klase pa  pala ako, ang dumi na ng suot ko. Nakakabanas naman oh!

Dahil sa hindi ko na rin maaabutan yung klase kong yun kahit pa na tatlong oras yun, hindi na rin  kasi ako papapasukin ng prof ko kasi late na ako ng lagpas 30 minutes..  Hays. Napabuntong hininga nalang ako habang nakaupo dito sa tabi ng kama ng babaeng pasaway na toh. No choice na ako kung hindi intayin siyang  magising man lang bago pa ang susunod kong klase ulit.

Iniabot sa akin ng nurse yung bag nitong babae. Ano ba naman toh? Bag ba ito ng babae? Although  mukhang pambabae rin naman dahil sa kulay brown at ung design, pero back bag siya. Usually ko kasing nakikitang bags ng mga babae kahit nila  ate, mom at Shanelle ay shoulder bag at hand bag.

Bago ko pa man din bitawan ang bag niya, may narinig akong tunog mula roon.

*She looks so perfect standing there
In my american apparel underwear
And I know now, That I'm so down..*

Teka, familiar tong kantang ito ah?

*Your lipstick stains is a work of art
I got you name tattooed in an arrow heart
And I know now, That I'm so down..
Hey hey hey hey hey hey hey hey...*

Namatay na rin yung tumutugtog na yun sa bag niya, malamang cellphone niya yun. Mukhang may naghahanap na sa kanya.

Binuksan ko ang bag niya  at hinanap ang cellphone niya, nung makita ko yun at kinalikot. Oo, alam kong mali pero kailangang may makaalam na sa mga kakilala niyang may nangyari sa kanya para na rin mapuntahan siya dito at makaalis na ako. Nakita kong sasampu lang ang nasa contacts niya. Ine-expect ko pa naman ding maghahanap pa ako ng number ng magulang niya dahil ganun ang  mga contacts ng mga ate ko pati na rin ni Shanelle, ang daming naka-save.

Pero tanging nakalagay lang sa kanya ay:

Cloude
Kuya Clarence
Kuya Clifford
Home Landline
Mamu
Manong Pitoy
Papu
Russell Manford
Sis Vana
Vana's Home.

Pipindutin ko na sana ang Home Landline ng bigla siyang gumalaw at umiling.

"Hmn.."- Natigil ako nung narinig ko siyang umiling, kinabahan ako dun ah! Teka, bakit naman  ako kinakabahan, eh mabuti naman ang intensyon ko kaya ko ginalaw ang cellphone niya noh.

Nakatingin pa rin ako sa  kanya at nakapabaling na ang ulo niya sa bandang kanan niya, nasa may kaliwa niya kasi ako. Tiningnan ko siya na baka gumalaw pa siya ulit eh,  pero may napansin akong suot niyang hikaw. Mukhang kilala ko yung hikaw na yun ah. Nakasuot yun sa pangalawang butas niya sa tenga. Tama!  Kilala ko talaga yang hikaw na yan eh. Hinila ko ang silyang inuupuan ko  papalapit sa kanya, nang makapwesto na ako, hinawi ko ang buhok niya  para makita kong mabuti kung tama nga ako.

Tama nga! Yung star na hikaw ko yun, tagal ko ng hinahanap toh eh. Paano ko nalamang akin nga yan? Syempre kilalang kilala ko yan dahil si Shanelle pa ang nagbigay sa akin niyan noong una akong nagpabutas ng tenga limang taon na ang  nakakalipas. Hinding hindi ko yan hinuhubad kahit maligo at matulog ako.  Pero teka, paano naman kaya napunta sa kanya yan? Malamang siya ang  nakapulot. Nako kailangan kong mabawi ang hikaw kong yan, pero kapag  kinuha ko nalang yun basta at umalis na baka isipin niyang ninakawan ko pa siya.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone niya. Dali dali ko nalang yun ibinalik sa bag niya kung  saan nakalagay kanina. Kailangan ko pa pala talaga siyang intayin  magising para mabawi ko ang pinakamamahal kong hikaw. Nako naman oh!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N): Don't forget to vote and comment again! :)

Lovelots!

~KK

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
1.1M 32K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...
2.2M 97.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...