PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Tres - Love Yourself

658 17 0
By muddy_maddie

Nang ilipat nya naman ang station ay nasa pre chorus na ito ng kanta, kung hindi ko nangkakamali ito ay, IDGAF

Sinasabayan pa nya.

Iba rin talaga yung babaeng 'to. Di ko na alam kung ilang beses kong naisip na kakaiba sya hahahaha. Kahit di nya natatamaan ng tama yung ibang notes, cute naman e.


Maya-maya ay pinihit nya ang volume para lakasan,


Nagulat naman ako sa ginawa nya at napatingin sa rear mirror dahil baka nagising naman yung isa



“Tulog mantika yan, don’t worry” Sabi nito sa akin.


“Crush mo ba ‘tong best friend ko?” bigla naman nyang tanong.


Nabigla naman ako sa tanong nya.


“C’mon, crush lang naman wala naming masama don. Crush, nagagandahan ganon.” Dagdag pa nya


“Seryoso ka sa tanong mo? E mukhang itong bestfriend mo pa yung may gusto sakin, poging pogi sakin.” Sabi ko ng may halong biro.


“I’ll be honest. Ganyan talaga yan. Kapag napopogian sa lalaki, sinasabi nya talaga. Pero kapag gusto nya yung lalaki mas straightforward minsan nahihiya.” Pag-bibigay nito ng impormasyon.


Tumango tango naman ako na inintindi kunwari yung sinabi nya. At isa pa, di ko naman crush yung kaibigan nya. Pero nagagandahana naman ako sakanya. Ang sweet lang nung face ganon. Wait, edi ang gwapo ko nga talaga? Hahaha makapal na kung makapal pero may proof ako. Pogi ko raw e sabi nung tulog.

“So nagagandahan ka ba sa kaniya? Kasi ang weird lang na, bakit hahatid mo pa kami sa amin. Hindi ka naman namin kilala talaga. Hindi ko rin naman alam kung bakit sya sumama sa’yo at tiwalang tiwala pa.” derederetsong sabi nito.

paano ko sasagutin yun e parang ang dami nyang tanong

“So kaya ka nag-susungit kanina?”


“Alam mo di rin kita maintindihan e, minsan ang sungit mo, minsan sakto lang, minsan ang lakas ng trip mo. Bipolar ka ba?” tanong ko pa sa kaniya.


“Hindi. At wala kang sinagot sa mga tanong ko.” Hala. Masungit nanaman oh! Bipolar nga.


“Okay fine. Maganda naman yung friend mo, pero di ko sya type. Sya kasi yung kaugali ng mga friends kong babae.” Paliwanag ko.


“Bakit ko kayo ihahatid? Oo nga naman bakit ko nga ba kayo hinatid? Wala lang, I just want to. Siguro para makipagkaibigan? Ang cool lang, kasi you guys have time to hangout late night. Then sa coffee shop, Nafeel ko yung magaan na feeling, yung walang iniisip na problema, yung pwede ko pala ulit maramdaman yung ganung bagay, yung freedom, yung do what you love. Na hindi ko naramdaman noong nanligaw ako sa kanya. Naisip ko na ganun pala ko kadesperado para mahalin nya pabalik, yung gagawin ko yung mga trip nya, yung pinili ko yung path na feeling ko pabor sa side nya, yung pakiramdam na sakanya nalang pala umiikot yung everyday routine ko.” Dagdag ko pa dito na may hand gestures pa.



“Explain further, if you don’t mind.” ramdam kong nakatitig lang sya habang nag-mamaneho ako, medyo naguguluhan pa sya dahil hindi naman talaga kami magkakilala.



“What I meant was, sa sobrang pagmamahal ko noon, wala na pala akong oras para sa mga gusto ko, except sa pag-mamanage nung bar. Na nawawalan na pala ako ng time sa ibang friends ko. Kaya okay na rin na iba yung pinili nya. Kasi baka mas worst pa siguro yung mangyari kung pinagpatuloy ko. Kaya im here, nakikipagfriends, stroll, kasi hindi ko ‘to nagagawa dati.” Sabi ko pa para maintindihan nya yung ginagawa ko. Sumulyap ako sa kanya at ngumiti, yung genuine.



“Okayy.” Tipid na sagot nya.



“So, pwede ko ba kayo maging friend?” tanong ko. At nakikipag fist bump.


Parang pinagisipan pa nya ng kaunti yon


"Yeah. Friends." tsaka nakipagfist bump.


Binalik ko naman agad ang paghawak sa manibela.



"Pero kapag ito naging kaibigan mo baka mamulubi ka." Turo nya sa nag-kukusot na mata na si Madc. Na wala pa sa ulirat.


"Okay lang. At least maaasahan kapag wasak."



Tinignan naman nya ko ng masama.



"Joke lang. Hehe." At nag-peace sign pa ko.



"Pero kapag naman namulubi ka ibabalik nya sa birthday mo. Parang nag-ipon lang sya ganon. Pinagipunan nya using "libre mo ko" ganon sya."


"So pinagipunan ko yung ireregalo nya sa akin? Hahahaha! Mautak." Anong uri ba 'tong isa.


"Ano ba 'yon?" Tanong ni Madc. At dumungaw pa sa amin dahil nasa gitna nga siya.



Nag-katinginan naman kami ni Jaki sandali at sabay nagsalita.


"WALA!" Natawa pa kami dahil doon.


"Matulog ka na ulit dyan. Ito kasi nilakasan."


"Hindi nga big deal 'yon sakanya." Pangongntra nya pa.


"Bakit ka ba kasi nagising?" Tanong nya kay Madc. Natawa naman ako sa way ng pagtatanong nya, pero pinipigilan ko. Parang kasalanan pa nung natutulog.


"Sakit kasi sa leeg. Wala ka bang neck pillow dyan friend?" Tanong nito sakin.


"Sabi ko naman sa'yo e."


"Nasa likod e. Itatabi ko yung sasakyan sandali."


"Kunin ko nalang san ba?"
At dumungaw sya sa likod.


"Wala akong makita sa likod huy! Itatabi ko nalang. Maaaksidente tayo sa ginagawa mo e."



"Gotcha! Thanks!"


Napailing nalang ako. At sumulyap sa rear mirror.


Nagpeace sign pa sya.


"Kanina lang ang sungit sungit nito. Ngayon friends na kayo? Nananaginip ba ko?"


"E ano naman?" Pambabara naman ni Jaki.

"Makatulog na nga lang."


"May pag-kaabnormal talaga yan. Pabayaan mo na."


Di naman ako sumagot. At nagfocus nalang sa pagdadrive.



"Naiinis ka ba kapag ganun?"


"Di naman masyado. Delikado lang kasi talaga. Di kasi ako sanay ng ganung kaabnormal na sinasakay dito." Natawa naman sya sa sinabi ko.



"Ano bang ginagawa mo sa buhay?" Tanong nya sakin ng malayo ang tingin.


"Ha?" Nag-taka naman ako sa tanong nya.



"Ayaw ko naman mag-karoon ng friend na di ko alam kung ano talaga ginagawa nya sa buhay. Mamaya kasama ka sa sindikato pala."


"Seriously? Naisip mo 'yon!? HAHAHAHA"


"Tawang tawa ka. So ano nga? Mag-kwento ka naman."


"Wow. Para namang ikaw ang nag-kukwento satin e mas marami ka pa ngang alam na ginagawa ko kaysa sa alam ko sa'yo. Ano bang ginagawa mo sa buhay?" Pagbabalik ko sakanya ng tanong.


"Sa DFA. Pero rumaraket kami nitong si Madc."


"Raket na? Legal ba yan. Nako baka ikaw sindikato dito ah!?" Pagbibiro ko.


"Itanong mo muna kasi." Nagsusungit nanaman siya.


"Ay sorry na. Ano ba kasi yun?"


"Sumasayaw. Sumasayaw kami sa events, madalas sa shows. Ganyan."


"Wow nice! Kelan next raket nyo? Pwede ako manood?" Mangha kong tanong sakanya.


"Depende." Napakunot naman noo ko sa sagot nya.

"Depende saan?"


"Depende sa mood ko. Haha"


"Sa bagay may pag-kabipolar ka nga pala. Pero gusto ko talaga manood promise. Kahit ako pa mag-hatid sainyo. Haha."


"Di naman kailangan ihatid nanaman. Pwede ka naman manood. Kaso baka matagalan pa. Kawork namin yung ex ko e. Doon kami nagkakilala." Medyo nagbago nanaman yung atmosphere ng sasakyan dahil sa "ex" nya


"Ahh, gusto mo bangasan ko?" Pagpapatawa ko. Para maging light muli yung feeling.


"'Wag na. Baka pumangit lalo."


"Ay ganun? Sige huwag nalang kawawa naman e."



"Ikaw? Anong ginagawa mo bukod sa bar?" Tanong nya sa akin.


"Office, private company."


"Sa'yo pa rin?"


"Ay hindi naman. Haha"


"Sa kamag-anak?"

"Hindi rin. Haha. More on kaibigan."


"Siguro malapit na ko yumaman. Friends na tayo e. Hahahaha. Lahat yata ng kakilala o kaibigan mo mayaman e."


"Baliw. Sa friend ko since college. Architecture firm."


"Architect ka!? Wow! Padesign naman ng bahay ko kapag may pera na ko."


"Hahaha. Sure. Oo Architect na ko pero ewan ko ba mas mahal ko yung bar kesa sa work ko doon. Senior Archi. naman na ko doon minsan lang pumasok kapag kailangan na kailangan. Kapag bidding kapag for construction na mga ganun. Minsan kapag deisgn palang. Actually madalas nga nasa bar ako kapag gumagawa e. Nasa taas ako or sa baba. Depende sa mood." Kwento ko naman sakanya.


"Ahhh ganon pala.." sabi nya naman na parang may gusto pang itanong.


Matapos yung mga kanta na nagpeplay sa radio at nagsalita naman yung dj nito. Nasa traffic naman kami.


"Kung hindi para sa'yo. Hindi para sa'yo!"


"Aba bastos 'to ah! Inaano ka ba?"


Nagulat naman ako sa reaksyon nya parang pinapagalitan pa yung radyo. Dinuro pa nya.


"Kung hindi para sa'yo. May mas better na darating. Antayin mo lang" dagdag naman nung dj in a sweet tone.


"May pambawi naman pala. Wag kas kasi masyadong highblood."


"Nang-aano kasi e. Insensitive nung dj."


"Hala sya, nag-bibiro lang yung dj. 'wag ka na masyado mag-paapekto doon sa ex mo. May mas better nga raw for you."


"Basta ang pangit nya." Panlalait pa nya


Hahahaha.


Hirap nya siguro suyuin kapag nag-tatampo.


"Ano na nga ulit yung kwento mo? Yung dj kasi e."


"Nasagot ko na yung tanong mo. May tanong ka pa ba? Para mapatunayan kong hindi ako kasama sa sindikato?"


"Hmmm..." sabi nito na nag-iisip pa talaga. Hahahaha.


"Alam mo, badtrip yung niligawan mo. Parang ewan. Mabait ka naman yata. You gave everything, for her to make her feel loved. Tapos ganun ginawa nya? Di ko sya maintindihan." Bigla naman nya pag'open nung topic na 'yon.



"Uh, thanks? Hahaha 'Di ko rin naman sya maintindihan. Hahaha. Buti ka pa naappreciate mo. Pero okay na 'yun. Good mood ako ngayon kaya okay lang. Kapag badtrip ako baka isumpa ko nanaman sya."




"Kumusta family mo?" Pag-iiba naman nya ng tanong.



"Ayos naman. Si Nanay, nasa America tsaka sila Ate, Tatay ko nasa langit na." May kapatid akong lalaki pero nung bata pa ko nag-migrate na sya sa us bago pa mawala si tatay yung mga ate ko naman. Isa lang talaga babae. My 2 sisters are gay. Wala namang masama doon. At yung isa kong kapatid, kasama na ni tatay. Di ko na kwinento masyado iyon.


"Aww, sorry." Paghingi nya naman ng paumanhin medyo napayuko sya dahil doon. Kita ko ng konti sa peripheral vision ko.

"Matagal naman na 'yon. Ikaw? Kumusta kayo ng family mo?" Pag-babalik ko naman ng tanong without looking at her dahil medyo lumagpas na kami sa traffic.


"Ayos naman. Si Mommy nasa bahay, si Dad nasa barko. Musician. May lima kong kuya. Only girl ako." Napatingin naman ako bigla sakanya.


Napangiti naman sya sa thought na sya lang ang girl.


Binalikan kong muli ang pagfocus sa daan.


"Bunso ka rin pala. Kumusta naman ang pagiging bunso mo?"


"Masaya. Sobrang happy. Kahit ako lang yung girl di naman ako nawawalan ng kalaro noong bata pa. May kapitbahay naman." Napahagikgik pa sya habang nag-kukwento.


"Tsaka bully lang sila, after naman non mag-lalambing. Tagapagtagol ko rin sila sa mga iba ko pang friends kapag inaaway ako." Kwento pa nya.


"Nice naman. Ang cute. Tuwing kelan naman uwi ng Dad mo?"

"Every 3-4 years? 2 years na kaming di nagkikita in person." Malungkot nyang sabi.


"Malapit na." Ngiti ko dito para naman mauplift yung mood nya.


"Saglit nalang yung isa o dalawang taon." Dagdag ko pa.


"Haha. Oo nga." Pag-sangayon nya.


Nakatingin lang sya sa labas. Ineenjoy ang bawat daanan na nakikita nya. Kahit puro sasakyan, billboard at pader lang ang nakikita nya. Pakiramdam ko naman ay nageenjoy siya sa ginagawa nya.

"Ikaw? Kumusta childhood mo?"


"Ayos lang naman. Tahimik lang ako dati e. School, bahay, simple lang naman family namin. Di naman kami ganito noon. Pero si Nanay, matagal na syang ofw. Since bata pa ko. Kaya madalas si tatay madalas namin kasama. Brgy. Tanod sya noon. Ayaw nyang sumasama kami sa brgy. Baka raw madamay pa kami." Kwento ko sakanya. Na minsan sumusulyap kapag maluwag ang daan.


"Hanggang nung 15 ako. Bago ako magbirthday nun mga 2 weeks before. Palm Sunday. Magsisimba kaming pamilya. Nasa labas si tatay. Tapos ako nasa loob. Bigla nalang kaming may narinig na putok ng baril." Napalunok ako nung maalala ang pangyayaring iyon.


"Ayun. Pinagbabaril na pala yung tatay ko. Kitang kita ng mga kapitbahay namin kung sino. At kilala ko kung sino sya. Di nga sya nakulong e."


"Uhm, okay lang kahit di mo ikwento yung susunod. Baka naiilang ka o kung anuman. Sorry." Pagpuputol nya sa kwento ko.


"Okay lang naman sa akin. Nangyari naman na 'yon. Napatawad naman na namin sya ng pamilya namin." Ngiti ko sakanya. Para makumbinsing ayos na kami ng family ko.


"Pero parang may di ako pinaniniwalaan sa kwento mo."


"Ha? Alin doon?" Palingon lingon ko pang tanong sakanya


"Yung tahimik ka." Sabi nya ng tinatap pa ng index finger ang baba nya.


Natawa naman ako sakanya.

"Totoo nga! Tahimik lang ako hanggang sa mag-college na ko. Doon na nagbago yung pagiging tahimik ko."

"Hmmm.." parinig nito na parang nag-iisip pa.

"Di ka talaga naniniwala?"
Pag-kumpirma ko naman sa kanya.


"Okayy. Naniniwala na ko. Baka pababain mo pa ko sa gitna ng daan e."

"Wow naman Jaki! Hahahahaha. Salamat ha?" Sarkastiko kong sabi.

"You're welcome. Rotonda."

Ano raw? Welcome rotonda?



Napailing nalang ako sa mga hirit nya. Hahaha.


Gusto ko sana itanong sakanya yung ex nya kung paanong sinayang sya nito pero ayaw ko naman na mabago pa yung mood ulit. Yung atmosphere.


"Ano nanaman ba yung itatanong mo?" Bigla nyang sabi habang nakatingin sa akin. Umayos pa sya ng upo para medyo humarap pa sa akin. Kinabahan naman ako para sa kanya.


"Umayos ka ng upo huy! Baka mamatay tayo parehas!"


"Masyado kang nerbyoso." Sabi nito. Habang nagpipindot sa phone nya.


"Nag-iingat lang ako. Sige na please. Baka matanggal seatbelt mo.


"Baliw. Secure yan. Sasakyan mo 'to wala kang tiwala?"


Masyado lang siguro akong nag-iingat. Dahil na rin siguro na nakasanayan sa iba.


"Meron naman."


"Mag-drive ka nalang dyan di na ko mangungulit para di ka mawala sa focus."


"Alam mo, parang psycology yung course mo hindi IS. O may ability ka talaga na you can read people's mind? Hala Jaki! Nagiinvade ka sa inisip ng tao. Bad 'yon!" Biro ko naman.


"Sabihin nalang natin na sobrang honest nung galaw mo, ang transparent, ewan ko. Parang ang komportable lang. Gets mo?"


Umiling naman ako.


Napangiti nanaman sya dahil doon.


Di na rin nya pinaliwanag.

Yung pag-ngumingiti talaga sya sa tao, parang mahahawa ka nalang talaga.


I never felt this kind of feeling before.


Narinig ko naman na yung intro ng kanta. Alam ko 'to. Masaya 'to.


Dinama ko muna yung lyrics hanggang sa sabayan ko ito.


"Cause you may not believe..."


"That baby I'm relieve" sabay naming kanta. Napalingon naman ako sakanya at ngumiti sya na pataas baba pa ang kilay.


"When you say goodbye my whole world shine!"
Kanta ko naman

"Hey hey hey!" Kanta nya ng may pag-taas pa ng kamay at headbang ginawang rock na rock yung kanta hahaha


"It's a beautiful day and I can't stop myself from smiling!..."
Kinanta namin yun hanggang sa patapos na ito

Ilang minuto rin ang lumipas ng byahe.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko sakanya dahil nakita ko sa phone ay malapit na ito.


"Yasss, pustahan. Wala pang 10 minutes nasa amin na tayo." Lakas loob nya pang hamon.


"Osige ba. Pupusta ko medyas ko. 10 minutes pa tayo sa daan."


"Aanhin ko medyas mo?" Hahaha.


"Kapag nanalo ka papainumin kita tubig."

"Uy thank you ha? parang utang na loob ko pa." Sarcastic kong sabi.

Unti unti kong binagalan yung takbo. Hanggang sa mag-bente nalang yung takbo ng sasakyan.


"Huy, hindi ka rin madaya ano? Mas matulin pa yung aso kaysa sa sasakyan mo."

Di ko naman sya pinansin at umaktong chill chill lang.

"Desperado sa tubig. Dalian mo na't hinahanap na ko ng Mommy ko."

"Yes. May tubig ako! Thank you Lord! Malakas ko pang sabi.

"Madc! Madsuy! Malapit na tayo!" Sigaw nitong isa habang nakalingon sa likod.

Tulog pa rin yung isa. Samantalang ako narindi na sa sigaw.

"Iwan natin mamaya. Pag-papatayan ko aircon."

"Baka naman umiyak hayaan mo na."

"San ba bahay nyo dito?" Tanong ko habang bumagal ulit ng takbo baka kasi lumagpas pa.

"Ayun yung pangatlo. Yung light green."

Bigla naman nagring yung phone nya ng pag-kalakas.

"Hello Ma?"

"Eto na. Sa harap ng bahay natin."


"E tumawag ka po e. Pag naman di ko sinagot magagalit ka rin."

"See you!"

******

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
6.3K 53 7
A CaitBea short story! This is purely fanfiction only! I read this story on one of the sites of fanfics, and I was inspired to do a story, but this...
2.6K 178 6
•This one is an OOC character •Gay, obviously Yuri here and your forever the star of the show, y/n. •The harem is still there, barely, because you're...
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!