Because We're Having a Baby (...

By Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... More

Because We're Having a Baby
Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
First Impression Lasts
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
So its You? II
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❤
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick or Treat Part I
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❤
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
***Yuletide Romance***
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❤ Stupid Cupid! ❤
❤ Stupid Cupid II ❤
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

Travis Marlakch Markovska

65.7K 852 40
By Koolkaticles

TRAVIS POV~

*Yawn* Grabe antok na antok na ko pero kailangan ko pang mag-review para sa long quiz bukas. Bakit ba naman kasi umulan pa ng pagkalakas-lakas, nakakaaniyaya  tuloy matulog.

Hays. Nakakabato naman  dito sa bahay. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hawak ang cellphone ko na kanina ko pa tinitingnan kung may tatawag. Pero mukhang magiintay lang ako sa wala. Hindi pa rin kasi siya tumatawag o nagte-text man lang. Bakit ba kasi hindi nalang ako pahalagahan niya? Nandito lang naman ako palagi kapag umiiyak siya at pinapasaya ko siya palagi kapag nagaaway  lang naman sila ng boyfriend niyang ugok. Haynako.

Kung nagtataka kayo kung  sino ang tinutukoy ko ay 'wag na kayong magtanong muna. Wala kasi ako sa mood pang magkwento eh. Malalaman niyo rin naman yun.

*And there's no guarantee
That this will be easy..
It's not a miracle you need
Believe me.. *

Dali dali kong tiningnan  kung sino ang tumatawag (Eh kasi nga po may inaabangan akong tawag di ba?) Hindi ko naman dini-deny sa lahat na may gusto talaga ako sa kanya, matagal na.

*Now I'm no angel, I'm just me
But I will love you endlessly..
Wings aren't what you need
You need me...*

Si Dylan pala. Sinagot ko na ang tawag niya baka kasi hindi na naman ako tantanan eh.

"Oh bakit?"-walang gana kong sagot.

"Pre, ano? Pupunta ka ba?"-Medyo mainggay ang background niya, baka nasa bar na naman niya sila ngayon. Halatang halata eh. Pero ano daw yung sabi niya?

"Ha? Hindi kita maintindihan pre."- Inis kong sigaw kasi paniguradong hindi niya yun maririnig kung nasa normal ko lang na tono.

"Pre naman! Birthday ko kaya! Hindi mo na nga ako binati kanina, hindi ka pa rin pupunta?"-  Pasigaw niya ring sabi. Sabi na eh, nasa party na naman ang isang toh.  Pero teka ano daw? Birthday niya pala? Ay takte! Hindi ko man lang alam.

"Sorry Pre, nakalimutan ko lang naman."- Palusot ko nalang.

"Grabe ka, nakakasama ka naman ng loob Trav."- Ang arte naman niya, ano siya? Babae na kailangan  i-text ng greetings? Baka gusto niya pang padalahan ko siya ng flowers  at gift. "So ano pre? Habol ka dito sa place ko ahh! Masaya dito,  hinding hindi ka magsisisi.."- Pangiinis pa ng loko.

"Oo na, papunta na ako."- sabay baba ko na ng phone.

Classmate ko si Dylan sa  ilang subjects dahil magka-course lang din kami. Pareho kaming Cardiology student, nasa third year na ko ng cardiology medicine, habang  nasa second year pa lang siya. May bachelor's degree na ako ng Medicine. Actually, eto talaga ang gusto kong propesyon, ang maging  doktor.

Hindi sa ayokong maging abogado dahil ayoko ng argruments kagaya ng Mom at Ate Trixie ko, ayoko rin ng engineering kagaya ng Dad at Ate Trina ko. Bunso ako sa aming tatlo at unico hijo, ako lang ang naibang  linya sa buong pamilya ko, dahil mula sa ninuno namin, kung hindi isang  abogado, ay isang arkitekto o inhinyero.

Pareho nang tapos sa  pagaaral ang mga kapatid ko, pero  maraming foundation na sinusuportahan ang school na pagmamay-ari namin  na nagbibigay ng scholarship sa mga karapat dapat na estudiyante na gustong makapagtapos.

Isa sa pagmamay-ari namin ang Mason Markovska University. Sa lolo ko sa tuhod yan  ipinangalan dahil syempre, siya ang founder. Si dad ang president ng  university pero si lolo pa rin ang Director. Hindi nga lang siya madalas  na nandoon gawa nga'y siya ay may edad na.

Professor doon si mom sa  College of Law, matagal na rin siyang nagtuturo doon at siya rin ang university lawyer. Si ate Trixie naman ay may asawa na at nakatira na sila sa London. Si ate Trina naman ay busy sa mga infrastractures na  pinapagawa ng Markovska University para sa mga foundation at expansions.

Kaya ako ngayon, dito  lang palagi sa bahay kapag walang pasok, gimik o practice ng football.  May sariling gym naman ako dito sa bahay kaya kapag gusto kong  magpapawis, doon nalang ako. Isa sa mga hilig ko ang mixed martial arts,  specialty ko ang Kickboxing. Minsan ka-sparring ko si Dylan o si Bricks  na mga barkada ko. Nagka-Cart racing din ako, bata pa ako libangan ko  na rin toh, pareho kami ni ate Trina pero ngayong busy na siya, ako nalang madalas ang magisa.

British-Russian ang dad ko, Filipino naman ang mom ko, nagkakilala sila sa London noong minsan nagbakasyon doon si mom dahil congratulatory gift daw sa kanya yun nila lolo at lola dahil Bar passer na siya. Simula daw nung nagkita sila, hindi na daw siya pinakawalan ni dad at pinakasalan na kaagad siya doon  bago pa man makauwi dito sa Pilipinas. Abot langit daw ang galit ng lolo sa kanila pero noong nagtagal ay natanggap na rin nila ang pagaasawahan  nila.

On the way na ko papunta sa bar ni Dylan. Bakit ba kasi ngayon pa ang birthday niya? Ang malas naman niya dahil maulan.

Ilang minuto na rin akong nagda-drive, nasa malapit palang ako sa school, sa stop light.  Naka-red light pa kasi kaya nakatigil ako ngayon. Tumitingin tingin ako sa side mirror ko sa kaliwa at kanan.

"Bakit kasi siya diyan nagaantay, tss.."- Bulong ko lang sa sarili ko dahil nahagip ng paningin  ko ang isang babaeng nakatayo malapit sa stop light. Nilalamig na  siguro siya dahil niyayapos na niya ang sarili niya at halatang may iniintay dahil hindi mapakali ang itsura niya sa pagtingin sa mga sasakyan.

Alam ng malamig hindi  nagdala ng jacket o sweater man lang, tapos naka-shorts lang. Kung girlfriend ko siguro siya, hindi ko siya pagaantayin ng ganyan, instead  susunduin ko na lang siya.

*Beep beep*

"Ay pulgas!"- Nasabi ko  nalang sa gulat. Oo, nagulat ako. Hindi ko napansin na naka-green light na pala, nawala yata ako sa karimlan ko habang iniisip ang katangahan ng  mga taong yun. Haynako, makaalis na nga.

Dali dali kong pinatakbo  ang sasakyan ko upang makaalis na doon. Hindi naman dahil sa concern  ako sa babaeng nakatayong nagiintay dun sa stop light (siguro medyo lang  kasi kahit papaano babae pa rin siya) Pero dahil naalala ko na naman si  Shanelle. Ang kaisa isang babaeng minamahal ko. Kababata ko siya sa  London. Doon kasi ako pinanganak at lumaki hanggang sa umuwi na kami  dito sa Pilipinas noon sampung taong gulang palang ako. 13years narin  kaming nandito kaya magaling na akong magtagalog.

Naunang umuwi ang  pamilya ni Shanelle dito sa Pilipinas, kaya naman walang alintana kong pinilit sina dad at mom na sa Pilipinas na rin kami tumira. At mabuti  naman at dininig nila ako. Simula noong nakarating ako dito sa  pilipinas, wala na akong ginawa kung hindi sundan si Shanelle sa lahat  ng bagay na gusto niya. Pinasukan ko rin ang mga schools na pinasukan  niya noong highschool pero dahil sa gusto niya daw maging isang magaling  na Chef, nag-enroll siya sa university na pagmamay-ari namin. Para  naman daw hindi ko na kailangang mapilitang mag-enroll sa ibang school  dahil alam niyang gusto kong maging doktor, at alam din niyang sa unibersidad na pagmamay-ari namin ay maganda ang quality of education.

Matagal ng alam ni  Shanelle na may gusto ako sa kanya. Alam niyang matagal ko na siyang  minamahal pero palagi niya lang sinasabi sa aking puppylove lang  daw ung nararamadaman ko kasi siya lang daw kasi yung babaeng kilala ko  halos ang buong pagkatao.

Pinapasubukan niya akong makipagkilala sa  ibang babae para naman daw lumawak ang kaalaman ko sa mga babae hindi  yung puro nalang daw siya. Anong magagawa ko? Sa kanya lang kasi ako  talaga interesado. Ni hindi ko nga nagawang makipagusap sa ibang babae  unless sina ate yun, si mom o prof ko.

Noong una siyang  nagkaroon ng boyfriend, para akong pinagsakluban ng langit at lupa.  Broken hearted talaga ako sa kanya pero hindi parin ako sumusuko. Noong  naghiwalay silang ungas na yun, hindi ko napigilan ang sarili kong  gulpihin ang ugok. Nagalit sa akin si Shanelle pero wala akong  pakialam, ang importante ay naiganti ko siya. Sinasamahan ko siya  araw-araw sa pagiyak niya. Ginagawa ko ang lahat para mapasiya siya at  makapag-move on na.

Sa tuwing sinasabi ko sa  kanyang bakit pa kasi siya naghahanap ng iba eh andito lang naman akong  handa mahalin siya ng habang buhay at paligayahin siya. Pero sa tuwing  sinasabi kong mahal ko siya, ang sagot niya lang ay "Salamat Trav". Naknang tokwa! Ano ako? Bata? Hanggang puppylove lang ba talaga ang tingin niya  sa nararamdaman ko? Oo nga at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon lang naman.

Hindi ko alam kung ano  pa bang kulang sa akin o talagang bulag lang siya eh. Lahat ng gusto  niya sa lalaki, pinipilit kong gayahin para lang na mapansin niya ako  pero useless talaga eh. Nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin niya  sa akin. Ginagawa ko na nga ang lahat-lahat para lang mahalin niya ako  pero sa iba pa rin siya nahuhulog. Kung pwede lang basagin ang lahat ng  mukhang ng mga lalaking magugustuhan niya, ginawa ko na. Minsan pa nga  kapag alam kong may nanliligaw sa kanya, tinatakot ko na yun para lang  layuan siya.

Nakarating na rin ako  dito sa bar ni Dylan. Wala na rin ang pagkalakas lakas na ulan kanina, nagpapansin lang siguro. Pagka-park ko ng kotse ko, papasok na sana ako  sa loob ng makita ko ang isang pamilyar na babae sa entrance. Nagkaroon tuloy ng pila, hays. Mukhang hinaharang sila kasi halatang menor de edad  pa siya, pero yung kasama niyang isang babae ay medyo matured sa kanya.

"Kuya maniwala ka twenty years old na talaga ako! Hindi na ko menor de edad noh! Lagpas eighteen na ko!"- Sigaw nung babae na may pagmamakaawa. Mukhang convincing naman  siya pagmamakaawa niya kaso kasi kung titingnan mo ung itsura niya, ang  bata niya para sa edad niya. Para lang siyang 15 years old. I feel you miss. Mukha rin daw kasi akong bata sa edad ko.

Minsan pa nga  napagkamalan pa akong highschool student lang noong nag-a-apply ako ng  application for medical course ko. 24years old na ko pero para lang  akong 18 years old. Kaya siguro hindi ako magawang seryosohin ni  Shanelle dahil sa itsura ko. Kahit nagpapahaba ako ng konting balbas at  nagpapalaki na ko ng katawan, parang ganun pa rin ang itsura ko.

"Wag kang makulit nene!  Baka ako ang mapahamak kapag pinapasok kita eh."- Pananakot ng bouncer  sa babae na mukhang hindi naman natitinag sa kanya sabay nagikot pa ng  mga braso niya sa harap niya. Mukhang disappointed yung dalawang babae  dahil ayaw papasukin yung isa sa kanila.

"Dylan!"- Sigaw nung  isang babae na kasama nung hindi pinapasok habang kumakaway-kaway.  Napatingin naman ako sa direksyon nila at sa direksyon ng tinitingnan nila. Si Dylan nga. So kakikilala niya pala tong mga toh. Mukhang invited  nga niya.

"Kuya, guess ko sila."-Sabay tapik sa balikat ng bouncer nila at ngumiti.

Umaliwalas ang mukha  nung babaeng tumawag sa kanya, pero ung babaeng hindi pinapasok kanina tahimik lang. Walang emosyon na para bang walang paki kung sino ung nasa harap nila.

"Uy pre, you made it here!"-Sigaw ni Dylan na patungo na sa direksyon ko. Inilapat niya ang  kamay niya sa akin para makipagapir. Umapir naman kagad ako sa kanya at  tumungo lang.

"Happy Birthday Pre!"-Bati ko sabay akbay ko saglit sa kanya.

"Salamat Pre. Tara na sa loob."- Pangaaya niya sa akin. Wala na rin pala doon sa entrance ung dalawang babaeng umeksena pa kanina.

"Teka siya nga yun!" Nasabi  ko na lang sa isip ko noong maalala kong yung babaeng hindi pala pinapasok kanina ay yun din pala ung babaeng nakita ko kanina sa may stop  light. Oo, siya nga! Ganun na ganun ang suot niya eh, tapos naka-bonnet  pa. So hindi pala boyfriend niya ang hinihintay niya kanina kundi  yung kaibigan niyang babae para pumunta sila dito. Mukhang tumakas  lang yata yun ah. Sayang lang pala ang pagda-drama ko kanina habang  tinitingnan siya tungkol kay Shanelle. Hays.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N): Don't forget to vote and comment again! :)

           

Follow me:

FACEBOOK/TWITTER/INSTAGRAM/SNAPCHAT

@Koolkaticles

Lovelots!

~KK

Continue Reading

You'll Also Like

40.9K 1.7K 30
Paano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nak...
467K 7K 40
This story may be close to a perfect life. This story would expect you to have a happy ending. K. WRONG! Kung sa FAIRYTALE palaging may WITCH, sa REL...
4K 360 25
She only wants to be love. She only wants to be protected. She only wants to be taken care of. Actions that is not scripted. Words coming from the he...
1.1M 36.4K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...