Arranged Marriage From Hell

By NagtatagongDyosa

2.6M 28.8K 2.7K

[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa is... More

Arranged Marriage From Hell
Chapter 1: Honeymoon
Chapter 2: Last Day
Chapter 4: Living under the Same Roof
Chapter 5: An Old Friend
Chapter 6: Gabriel
Chapter 7.1: Date *White Knight*
Chapter 7.2: Date *Black Knight*
Chapter 8: Kuya & I
Chapter 9: Their Secret
Chapter 10: Cy Aquino
Chapter 11: Jelly Beans
Chapter 12: The Truth
Chapter 13: Her Help
Chapter 14: Sun & Rain
Chapter 15: Seducing My Ex
Chapter 16: Calls, Revelations & Kisses
Chapter 17: Found You
Chapter 18: Mistake
Chapter 19.1: Kiss
Chapter 19.2: Their Great Escape
Chapter 20: Vietnam
Chapter 21: I Remember
Chapter 22: I hate you
Chapter 23: Test
Chapter 24.1: Koreanovela
Chapter 24.2: Koreanovela Parin
Chapter 25: The whole story
Chapter 26: Bartender
Chapter 27: The end of us [End of Part 1]
Chapter 28: 5 Years Later
Chapter 29: Blue Bird
Chapter 30: 4th Month
Chapter 31: Bagay Kayo
Chapter 32: In those five years
Chapter 32: More Than This
Chapter 33: Third Box
Chapter 34: Accident Prone
Chapter 35: Nothing Happened, Period.
Chapter 36: Unfathomable situation
Chapter 37: She's the Real Bitch
Chapter 38: Kinami Yano-Okuma
Chapter 39: Paris
Chapter 40: His Choice
Final Chapter
Epilogue
Arranged Marriage From Hell: Rewritten

Chapter 3: Kiel Natividad

86.2K 951 84
By NagtatagongDyosa

"KN, Kita tayo. Same time, Same Place" Yan yung text na pinadala ko kaninang umaga kay Kiel. Nakasakay ako ngayon sa car na ibinigay sa akin ni Mommy noong Debut ko. Kahit na labag sa loob kong tanggapin, tinanggap ko nalang. Di naman aatras ang kasal kung di ko tatanggapin eh. 

Excited na akong makita si Kiel. Miss na Miss ko na siya. Kung nagtataka nga pala kayo with what 'Same time, Same place' meant-- Meron kasing kwento kung paano naging kami ni Kiel. It began 2 years and 6 months ago. Oo, eksakto talaga. Haha! Ikekwento ko muna habang nagd-drive ako.

*FLASHBACK*

"Hoy Bata ka! Gumising ka na. Alas-siete na ng umaga, late ka na sa klase mo. Hindi mo nanaman narinig yung alarm mo." Pagkarinig na pagkarinig ko ng 'Alas-siete' napabangon agad ako sa kama. 

"HAAAAAAA?! 30 minutes nalaaaang!" Dali-dali akong tumakbo sa CR. Bakit ba kasi yung tunog ng alarm clock hindi ko naririnig pero marinig lang ang boses ni Ate Lisel, PAK-- Gising agad ako. 

*Tik Tok Tik Tok Tik Tok--- 15 minutes later*

Tapos na ako! Naka-uniform na rin ako and ready to go. Kinuha ko yung bag ko at wallet ko tapos dali-daling tumakbo pababa. "Ayumi, hindi ka ba kakain?!" Tanong sakin ni Ate Lisel.

"Ha? Hindi na po! Sa School na po ako kakain, sige ate, Bye!" Pagkasuot ko ng sapatos ko, tumakbo na ako palabas. Waaah, Tigok nanaman ako nito sa Teacher namin! Huhuhu. 

Pagkadating ko sa harap ng school, napatingin ako sa relo ko. (x.x) Nooooooo! 7:30 na. Wala na, late na ako. Hindi na ako papapasukin sa classroom. (T.T) Kawawa naman ako. Ang strict na kasi nila sa mga Fourth Year High School students.. 

*Kroo Kroo* Alam ko na! Kakain nalang ako para hindi masayang ang oras ko. Nag-skip ako papunta doon sa nagbebenta ng Fishball at ang pinaka-masarap na pagkain sa balat ng lupa, KWEK KWEK. "Manoooooong, pabili po ako ng benteng Kwek Kwek! ^___^" Inabot ko sa kanya yung 100 pesos ko. Limang piso isa kasi pero worth it naman. 

"Iha, Ikaw pala ulit. Aba, regular customer ka na namin dito ah" Sabi sakin ni Manong.

"Eh kasi ang sarap sarap niyo po magluto ng Kwek Kwek, manong! Haha!" 


"Ay sus, nangbola pa. O'siya sandali lang at lulutuan kita ng bagong Kwek Kwek" 

Habang nagluluto si Manong, napatingin ako sa isang lalaki na nakaupo sa may waiting shed. Baliw ba 'to? Wala namang dumadaan na pwedeng sakyan diyan 'eh. Ibinalik ko yung tingin ko sa aking napaka-sarap na Kwek Kwek na katatapos lang ni Manong lutuin. 

o<(^O^)>o KWEK KWEK! Nom-Nom-Nom-Nom. 

Limang piraso nalang-- Napatingin nanaman ako dun sa lalaki kanina. Nandoon parin siya. Lapitan ko kaya? Eh Baka baliw 'to, o kaya naman kidnapper, holdapper or worse, *Gasp* Multo!

*Imagination*

"Kuya, wala pong dumadaan na jeep diyan or kahit anung pwedeng sakyan, try niyo po dun sa Rosa Street" -Ako


Possibleng Maging Sagot niya:


"Rosa? Rosa?! Asan ang asawa kong si Rosa?! Sabihin mo! Nakita mo ba siya? TT.TT" -1

"Ikaw, Ikaw yung nasa picture! Halika dito! *Dakip sabay tapon sa Van* Bwahahaha!" -2

"HOLDAP 'TO, AKIN NA YUNG ASSIGNMENT MO!" -3

"Halika dito... Papatayin kita... Isasama kita sa impyerno... sinira mo buhay ko" -4

*End*

KYAAAAAAAAAAAH! Ayoko na! Ang wild naman kasi ng imagination ko. Tinatakot ko sarili ko. Aalis na sana ako kasama yung natitirang limang piraso ng Kwek Kwek ko ng may mapansin akong tumulo sa mukha niya. Eh? Umiiyak siya? 

:O Humayghad. Sinong may Camera? First time kong makakita ng lalaking umiiyak, kailangan ko ng remembrance. *Mental Slap* Ako ata yung baliw dito 'eh, hindi siya. 

*Ting* May mala-lightbulb na nag-pop sa ulo ko. I know na kung paano ko mapapangiti si Kuya. Kailangan niya ng amazing super powers ng Kwek Kwek! Buti nalang at may natira pa akong limang piraso. Umupo ako sa tabi niya. "Eto oh, Kwek Kwek" Sabi ko.

Napatingin naman siya sakin. O.O Omo, Ang Gwapo naman ni Kuya. "Mukha ba akong pulubi? Kaya kong bumili ng sarili kong kwek kwek kung gusto 'ko. Tsk" Heartbroken na nga siya, nagawa pa niyang magsungit. Pa'no ko nalaman na heartbroken siya? Obvious naman eh. Saang dahilan lang ba umiiyak ang lalaki? 

"Alam mo Kuya, Gwapo ka eh. Makakahanap ka pa ng ibang babae diyan sa tabi tabi" Eto ako oh, Nasa tabi mo lang. Haha! "Wag ka pating magpaka-emo, sayang yung biniyaya ng diyos sa'yo na kay gwapong mukha. Kainin mo na 'tong Kwek Kwek, di na 'to masarap kapag lumamig" 

"Wala kang alam sa nangyari sa buhay ko at ayokong kainin yang Kwek Kwek mo, di ako gutom"

*Kroo Kroo* Bwahahaha! Hindi daw gutom. "Tama ka, wala akong alam sa nangyari sa buhay mo pero alam ko na walang mangyayari sayo kung magmumukmok ka. Kung gusto mo talaga siyang bumalik sayo, gumawa ka ng paraan. Sige, Aalis na ako." Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung braso ko. Oops, may spark :"> Haha.

"S-sandali lang... A-Ano kasi eh... Yung Kwek Kwek, akin yan diba? Bakit mo dadalhin?" Toinks, akala ko naman magp-propose na este-- manliligaw na. Wahihihii! 

Ngumiti ako at inabot sa kanya yung Kwek Kwek. "Oh, Ubusin mo yan ha? Sana malutas mo na lahat ng problema mo. Babye!" Umalis na ako pagka-abot ko sa kanya ng Kwek Kwek. 

Pumasok na ako sa loob ng school, second period na namin kaya papapasukin na ako. Ay! Hindi ko pala naitanong yung pangalan ni Gwapong Kuya. Huhuhu, Sayang naman. Sana nagpapicture rin ako kasama niya para magka-developan kami, Yieeee. Joke! 

THREE DAYS LATER, Pagkadating ko sa school, ang daming estudyanteng nakapaligid sa Grounds. Anung peg nila? May artista ba? Sumingit ako papunta sa harap. Aber, curious ako noh. Pagkadating ko sa May harap, Oh my may nahalay! Joke, expression ko lang yan. Pero, nakakashock!

"Brad, ayan na pala yung hinahanap mo 'eh" Sabi nung lalaki kay Gwapong Kwek Kwek guy.

"Hi" Tumayo si Gwapong Kwek Kwek Guy at nginitian ako. Kyaaah! Pwede na bang matunaw? Pigilan niyo 'ko at baka bigla nalang ako tumalon at reypin ang ka-gwapong lalaking itech. "Sorry nga pala dun sa nangyari Three days ago. Sorry sa pagiging Jerk ko sa'yo, para kasi akong binagsakan ng langit noong araw na yun nung nakipag-break sakin yung girlfriend-- este ex-girlfriend ko."


"Sus, Yun lang pala, Haha! Ayos lang naman basta kinain mo yung Kwek Kwek na binigay ko"


"Kinain ko, don't worry." Weeee, Ayan nanaman yung gwapong ngiti! "Sa sobrang drama ko pa nga, sabi ko na ayoko ng magmahal dahil ayoko ng masaktan ulit. Pero, yung dahil doon sa ngiti mo na ayaw lubayan yung utak ko gabi-gabi, handa na akong masaktan muli. Biruin mo, ang bilis kong naka-move on dahil lang sa ngiti mo." 

Tunginuh Kuya! Di ako ready sa nakakakilig mong pambanat. ^/////^ Uso daw mag-blush. "E-Eh? Anung ibig mong sabihin?"


"Pwede ba akong manligaw? ^____^"


*END OF FLASHBACK*

Ang bilis namin nuh? Haha. PBB Teens version namin yan. Ni-hindi ko pa nga alam ang pangalan niya noong niligawan niya ako eh. 1 week lang yung panliligaw niya, sinagot ko agad. Hindi naman kasi dapat yung panliligaw ang pinapatagal eh kundi ang relasyon.

Nag-aaway rin kami, syempre. Meron kasing isang punto sa aming pagsasama na nag-flashback din ako at naisip ko, 'Ginawa lang kaya akong rebound ni Kiel?'. Kasi diba may 3 month rule sa break-ups? Samantalang sa kanya, 3 days lang? Bagong pauso?

Pero tignan niyo naman, going strong parin kami. At least, for now. I parked my car tapos bumaba na ako. Naglakad ako papunta sa dati kong school, sa waiting shed kung saan kami nagkakilala. Oo, dito kami laging pumupunta para magkita.

Nakita ko siyang nakasandal sa pader. Pa-cool talaga, haha. "Kieeeeeeeeeeeeeeeeeeel!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya with matching power hug! "Miss na Miss na Miss na kita!"


"Na-miss din kita, Dalawang linggo na kaya tayong hindi nagkikita." Nag-pout siya, Waaah! Ang cute. Ang sarap halikan. 

"Sorry ha... Ang dami kasing inasikaso para sa... kasal" 

Kita kong nawala yung ngiti niya. "Ano na ang balak mo?"


"Ewan ko, Kiel... Gulung-gulo ang isipan ko ngayon."

Bigla niya akong niyakap. "Wag mo muna masyadong isipin yung marriage na yun, magseselos ako niyan. Nagd-date tayo tapos yun ang iniisip mo. Napaka-duwag ko kasi eh, dapat noon palang, nagpakilala na ako sa pamilya mo edi sana wala tayong problema ngayon"


"Kung may duwag sa'tin, ako yun. Nagpadala ako sa takot ko kay Mommy... Sorry talaga ha Kiel? Ayan, naging kabit ka tuloy. Sakit sa reputation" Sabi ko.

"Baliw, tara na nga! May alam akong bagong bukas na karinderia, masarap daw dun" 


"TARA! ^___^"

Baliw kayo, hindi poorito si Kiel noh. Sadyang sikat lang ang pamilya ko at mahirap na, baka ako'y makita ng mga paparazzi at kinabukasan mukha ko ang nasa front page ng dyaryo. Sa Karinderia kasi, At peace ako tapos walang mga echusero at echusera. 

***

Pagkatapos ng aming date, dumeretcho na ako sa bahay. "Finally, you're home" Ugh, Si Mommy. "Pack your things, you're moving out"


"What? Saan naman ako lilipat?" Tanong ko. Ano ba yan, pagod na pagod na ako tapos maglilipat bahay pa ako? At itatanong niya kung bakit ako naiinis sa kanya? Pssh.

"Aba, malamang sa bahay niyong dalawa ni Chiro. Mag-asawa kayo diba? Ang mag-asawa, sa isang bubong lang tumitira. Doon kayo bubuo ng sarili niyong pamilya. Bilisan mo na, Anak. Parating na si Chiro at ni Mareng Chari, ihahatid namin kayo sa bago niyong bahay."

O____________________________________________O

Oh God, please tell me I didn't hear what I think I heard.

Titira ako, sa isang bahay, Kasama si CHIRO?!

-----------------------------------------------------------------------------

Ayan na, Nakapag-update na ako. :D Tignan niyo nga pala yung Multimedia :"> Ang Hawt ni Chiro, my loves noh? Hahahaha! =)) 

Dedicated nga pala kay Mrs. Choi. HAHAHA! :)) 

Continue Reading

You'll Also Like

139K 2.4K 68
Ako si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na m...
328K 8.2K 65
What will happen when the Perfect Casanova and the well known Naughty Prince Alexander Del Fuego a member of MiRaGe, meets someone like Cinderella? o...
262K 4.2K 43
Chandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang ta...
147K 3.2K 41
Nang mamatay ang mama ko, kung sino sino ang kumupkop sakin pero lahat sila walang nakatagal sa maysa ulupong kong ugali. Ang buhay ko. Parang ewan...