FOREVER YOURS [Don't-Read-For...

By mynameislynlee

70.3K 1.4K 116

Masasabi mo ba ang mga katagang 'Forever Yours' sa taong di ka sigurado? ♥ More

AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5.1
CHAPTER 5.2
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15.1
CHAPTER 15.2
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23.1
CHAPTER 23.2
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33

CHAPTER 20

1.2K 29 5
By mynameislynlee

Kinakabahan na si Karen.

Simula nung nag text si Kit sa kanya na magkikita sila mamayang gabi ay hindi na siya mapakali.

Parang gusto nyang hilahin ang oras, pero, parang gusto nya ring tumigil na ito.

Haaaay naku. Nakakalitoooooo.

“Ma’am, mag oovertime po ba kayo ngayon?” tanong ng sekretarya nya.

“Ah hindi. 5 na kaya pwede ka ng maunang umuwi” sagot nya rito.

“Sige po. Salamat po ma’am”

Tumango lang sya.

Tiningnan nya ang sariling relo kahit may wall clock naman sa opisina nya.

5:20 PM…

‘Bakit ba kasi ako pumayag to have dinner with him?’ tanong nya sa isip.

‘This is just pure business. Yes, business-meeting lang ito’ saad nya uli sa isipan nya.

*beep* *beep*

Tiningnan nya ang cellphone.

Kit: “Nandito na ako sa parking area ng building nyo. Kotse ko nalang ang gagamitin natin”

Nag reply sya…

Karen: “Okay. Bababa na ako”

Ang lakas-lakas ng tibok ng dibdib nya.

‘Aatakihin ata ako sa puso ng wala sa oras nito eh’ biglang pumasok sa isip nya.

Naiiling na lang sya sa naiisip.

‘Again Karen Reyes, this is just a purely business-meeting. Inhale-exhale’

“Have a nice day ma’am” bati ng guard sa kanya.

Tango at ngiti lang ang naisagot nya.

Nang nasa parking area na sya ay inilibot nya ang paningin sa lugar.

May kumaway at ngumiti.

He’s literally taking her breath away.

‘Now I am still wondering kung bakit buhay pa ako dati, kung ganito ka gwapo ang palaging kasama’

“Erase. Erase” biglang nasabi nya.

“Ano ang kailangan e-erase?” takang tanong nito.

“H-Ha. Ah eh. Yung plano ko sana para sa bahay mo. Parang may mali eh. Kaya yun, nasabi ko pala na ‘erase’” pagsisinungaling nya.

“Oh I see. So shall we?”

Tumango siya.

Inakay sya papunta sa sasakyan nito at pinagbuksan ng pinto.

‘Hhhmmmm. Still a gentleman’ ani sa isip.

Pumwesto na ito sa driver seat.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

‘Haaay naku. Parang bumalik naman yata ako sa pagiging teenager nito at kinikilig pa talaga ako’

Nag drive na ito.

“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong nya dito para mawala ang ilang na nararamdaman.

“It’s a surprise” saad nito saka ngumiti na naman.

‘Killer smile talaga at parang mamamatay na ako sa lakas ng tibok ng puso ko dito eh’

Napabuntong-hininga sya.

“What’s that for?” tanong nito.

“Ha?”

“I mean, grabe naman atang buntong-hininga ‘yon ah” nakangiting wika nito.

“Wala lang” napangiti na rin sya.

“There. Mas maganda ka kapag ganyan. Nakakamiss” saad nito habang nakatingin sa kanya, nangingislap ang mga mata habang ang mga kamay ay nasa manibela.

“Kapag ano?”

“Kapag nakangiti. So smile more. Okay?” nakangiti na namang saad nito.

“Just focus on your driving” seryosong wika nya ng maalala na may fiancée na pala ito.

*sigh*

‘Ganito ba talaga ito? Hindi naaawa sa fiancée nito at nagfi-flirt pa talaga ito sa akin? Hmp!’ saad sa isip nya.

‘Ikaw lang ang umaasa na nagpapacute ito sa kanya’ kantyaw ng isang bahagi ng isipan nya.

 Napangiwi siya sa naisip.

Tumahimik na ito.

At pinindot ang stereo ng sasakyan.

Parang sumasayaw ang bawat letra ng musika sa kanyang mga tainga.

‘Haaaay. Naku naman talaga’

Tumingin nalang sya sa labas upang itago na parang naiiyak na sya sa hindi malamang dahilan.

Napatingin ito sa kanya.

♫♪

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Chorus

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,

Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba

Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla

Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura

Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

♫♪

Nagtutulug-tulugan nalang sya para hindi na sya pansinin nito.

Nakatulog nga sya marahil sa pagod rin.

“Andito na tayo” ani ng baritonong boses.

Ayaw pa nyang bumangon. Ang sarap ng tulog nya.

May mga yabag na lumapit putungo sa kanyang kinauupuan.

“Sweetheart, open your eyes” malambing na wika nito.

Kinikilig na naman sya sa mga kinikilos nito. Nag goosebumps pa siya. OMG! This is not good.

Dumampi ang mainit na palad nito sa pisngi nya kaya napamulat sya.

Nakita nyang titig na titig si Kit sa kanya. Tumingin ito sa mga labi nya kaya napaayos sya ng upo.

Nakangiti ito.

‘Naku naman. Ano ba talaga ang binabalak ng mokong na ‘to at parang may balak pa yatang halikan ako. Ggrrrr!’

Ang lakas-lakas na naman ng heartbeat nya. Ang lamig-lamig pa naman ng simoy ng hangin. Nang igala nya ang paningin ay nasa isang restaurant pala sila sa itaas ng bundok. Kitang-kita ang buong syudad.

Napakaganda tingnan ng mga ilaw. A breath-taking place.

Nang gabing iyon pa lang sya nakapunta sa lugar na iyon.

Ang nakakapagtaka ay parang walang ibang tao.

“I rent the whole place for tonight” saad ni Kit sa kanya na tila alam ang tanong sa isip niya.

Kaya napalingon sya rito.

“W-Why?” tanong nya rito.

Parang nanginginig sya sa lamig at sa antisipasyon sa lahat ng magaganap ng gabing iyon.

“I’ll do anything to make someone I love feel special” seryosong saad nito.

Napamaang sya.

Siya ba ang tinutukoy nito na mahal nito? Pero ayaw nyang umasa, na naman. No, not this time again. Mature na siya. Mature enough to know what is right and what is not.

“Mr. Thompson, hindi ako nakikipaglaro dito. At lalong hindi ako nakikipagbiruan” wika nya.

“Ako rin naman ah. I’m a million times damn serious than you think Ms. Karen Reyes” wika nito sabay hawak sa mga kamay nya.

Nakakatunaw ang mga titig nito.

“W-What’s the meaning of this?” tanong niya rito sa nanginginig na boses.

“Isn’t it pretty obvious my Princess? I still love you, I love you so much. At hindi ko na kayang pigilan pa.” saad  nito sabay halik sa mga kamay nya.

Tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy mula sa kamay na hinalikan nito papunta sa buong bahagi ng katawan nya.

Napamaang sya. Hindi alam ang sasabihin.

“Please tell me you feel the same baby” nagsusumamong wika nito.

Gustong-gusto na nyang sagutin ito na ‘Oo mahal kita, mahal na mahal pa rin kita’ pero marami pa syang tanong dito. Lalong-lalo na tungkol kay Myrtle na fiancée nito.

Continue Reading

You'll Also Like

799K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
93.5K 1.3K 22
• [ONGOING] Romance - Action What will happen if the two prominent people were forced for a sudden union? Both rivals were forced to marry each other...
1.9M 40.4K 78
The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya...
469K 24.4K 55
A sweet light hearted story. ROMANCE/FANTASY This is a taglish story. JULY 2023