CHAPTER 12

1.4K 34 9
                                    

"Ma'am ano po ang gagawin ko sa files na ito" tanong ng kanyang sekretarya.

"I'll check on them later. Pakilagay mo nalang dyan sa table ko" sagot niya dito.

"Eh ma'am, you have an appoinment to Mr. K next week po. Regarding doon sa blue print ng pinapatayo niyang bahay dito sa Davao City" bigay ng impormasyon nito sa kanya.

"Sino ba kasi yang Mr. K na yan at hindi pa magbigay ng buong pangalan at nang makapag background check naman tayo sa mga gusto niya."

"Nasa files na po yung mga gusto niya raw po sa bahay. At ganun lang po talaga ang tawag raw sa kanya ma'am eh. Fully-paid na rin po siya"

"Okay. E-checheck ko yan later. I'll be out of town mamayang hapon hanggang bukas ng umaga"

"Okay ma'am" magalang na sagot nito.

Pumasok na siya sa kanyang opisina. Siya lang naman ang bagong CEO ng Reyes Architectural Firm sa Davao City. Isa sila sa pinakamalaking firms sa buong syudad.

Siya rin ang humahawak sa iba't ibang businesses ng kanilang pamilya since the retirement of her dad. Masaya na siya ngayon kasi buo ang kanyang pamilya.

Nagtapos siya ng Architecture sa Ateneo De Davao University. Maraming nangyari. Ngunit may isang tao na pilit sumisiksik sa kanyang isip at puso.

6 years has passed by, since that night. Pero nararamdaman pa rin niya ang sakit. Mula ng gabing iyon ay wala na siyang komunikasyon sa lalaking nagpapatibok ng mabilis sa puso niya. Pati na rin kay Violy dahil naiwan niya pala ang cellphone sa bahay nila doon sa Maynila.

Deactivated na rin ang Facebook account niya.

Nag focus nalang siya sa pag-aaral upang kalimutan ang sakit na naramdaman ng batam-batang puso.

Ngunit tila isang pelikula ang loob ng kanyang utak at nag flashback ang mga masasayang ngiti ni Kit...

Erase. Erase. Bad memories. paalala niya sa isip.

*sigh*

Hanggang ngayon may puwang pa rin ang binata sa kanyang puso.

"Ma'am nandito po si Sir Yves" sabi ni Lily, ang kanyang sekretarya.

"Papasukin mo"

"Yes ma'am"

"Hey beautiful lady" saad nito.

"Manahimik ka nga Yves. Ano na naman ang kailangan mo at naparito ka?"

"Ouch! Ka naman eh" parang batang wika nito.

"Talaga naman ah. Naaalala mo lang ako kung may kailangan ka"

"Buddy, wala akong kailangan. Yayain lang kitang kumain sa labas" nakangiting saad ni Yves.

"Ows?" tila nagdududang tanong niya rito.

"Eto naman. Hoy Miss Karen Reyes, baka nakalimutan mo na ako yata ang hero mo simula ng mapadpad ka sa kaharian ko" pabirong wika nito.

"Ang yabang yabang mo talaga kahit kailan!" pagbibiro niya dito.

Totoo naman kasi ang sinabi nito. Hindi niya alam noon na ang ama pala nito ang Congressman ng lugar na iyon. Naglalakad siya that time kasi wala na siyang masakyan, marami kasi siyang tinapos sa school. Lowbat pa siya. May mga lalaking sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang paglakad.

May nabunggo siya. She was shocked ng makitang si Yves Flores iyon, the same guy na umaaligid-aligid sa kanya dati sa Maynila, na alam niyang anak ng may-ari ng palengkeng pinagtatrabahuhan ni Nanay Sandra.

Kaya ayun, pinagtanggol siya nito mula sa mga lalaki. Muntik na itong masaksak. Buti nalang may mga tanod sa lugar na iyon na dumating. Humingi ng tawad ang mga ito, at sinabing huwag isumbong kay Congressman. Doon lang niya nalaman iyon. Hindi naman kasi nito tahasang sinabi. Nalaman din nilang same school sila.

The rest is history. Ito na ang tinuring niyang Kuya. Ganun din ito sa kanya. Napaka over protective. Na realize din nito na hindi sila bagay na 'mag on' Kaya ayun, sila ang best of friends simula noon.

"Hey. Ang tagal mo atang nag-isip dyan buds ah" natatawang saway nito sa kanya.

"I was just thinking that time passed by easily"

"I know. Kaya nga dapat ka ng mag boyfriend at ng makapag girlfriend na rin ako" nakangiting saad nito.

"Buds, wala pa sa isip ko ang boyfriend-boyfriend na yan"

"Sus. Kasi may hinihintay ka pa rin" buska nito sa kanya.

Natahimik siya.

"Oh siya. Magbihis ka na dyan at ng makapag lunch na tayo. Tonight din tayo pupuntang Samal Island for your parents' wedding anniversary remember?"

"I know. I know. Wala pa nga akong gift eh"

"Etong batang ito talaga. Binilhan na rin kita na gift mo for them"

"Sana naman maganda iyang binili mo"

"Aba't---"

"Joke lang" natatawang wika ni Karen. "Hala. Tsupi! At nang makapag bihis na ako"

Lumabas na nga ito.

Nagbihis na siya. Alam niyang gagala pa sila ni Yves before going to Samal Island. Kaya casual lang ang sinuot niya.

Paglabas niya, nakita niyang panay ang pa cute ni Lily kay Yves ngunit hindi ito pinapansin ng lalaki. Napapailing nalang siya.

"Lily, yung mga bilin ko hwag mong kalimutan. At in case you need something just call me" wika niya sa sekretarya.

"Yes ma'am Ka" nakangiting sagot nito.

"So shall we?" tanong ni Yves sa kanya.

"Sure" nakangiting sagot niya dito.

Palabas na sila ng R.A.F (Reyes Architectural Firm) ng maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kanya. Nako-concious siya. Ginala niya ang paningin ngunit wala siyang makita. Sinipat niya ang mga sasakyan sa parking area ngunit tinted ang mga ito.

"Sino ang hinahanap mo?" pabulong na tanong ni Yves sa kanya.

"H-Ha ah eh, wala. Parang may nakatingin lang kasi sa'tin eh"

"Don't mind it nalang. Baka guni-guni mo lang yan. Kasi praning ka" natatawang biro nito sa kanya.

"Ah ganun ha. Sige praning na kung praning" kiniliti niya ito sa tagiliran kasi alam niya na doon ang pinaka sensitive part nito.

Tawang-tawa ito. At siya rin.

"Stop it Ka!" saad nito na tawang-tawa pa rin.

She stopped. But the feeling remained, parang may nakatingin talaga sa kanila.

Iwinaglit nalang niya sa isip iyon. Para hindi na siya napaparanoid.

"Tara na nga. Gutom na ako eh" yaya na niya kay Yves.

"Okay. We'll just use my car"

"Sure thing"

Masaya silang umalis sa lugar kahit na hindi nawala ang malakas na tibok ng puso niya. Iginala niya pa rin ang mga mata. May nahagip siya sa side mirror. Isang lalaking kakalabas lang ng sasakyan nito. Matangkad ito, matipuno ang pangangatawan. Ngunit hindi niya naaninag ang mukha nito. Pumasok ito sa building.

The way he walks, parang... parang.. parang si Kit! Pero imposible! Imposible nga ba?

FOREVER YOURS [Don't-Read-For-Revision-Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon