CHAPTER 18

1.1K 33 0
                                    

Pinanood nina Karen at Yves ang paglabas ng restaurant nina Kit at nung kasama nitong babae.

‘His fiancee’ sigaw ng isip nya.

“Buds, are you okay?” tanong ni Yves sa kanya.

“Of course I’m okay. Why should I be not okay?” sagot nya.

“Ako ba ang tinatanong mo nyan? O ang sarili mo?”

“Buds please. Let’s stop this”

“Buds, it’s not a sin kung e-aadmit mo na nasasaktan ka. Wala namang mawawala sa’yo eh” saad ni Yves.

 *sigh*

“I don’t know. I don’t have the right the feel this pain”

“Why? Just because hindi kayo ay wala ka ng karapatang masaktan? Buds, tao ka lang. I know you’re tough, but still you’re weak when it’s about him”

“Oh shut up. Kung makapagsalita ka parang naiinlove ka na ah. Ang lalaking ‘to kung makapagdrama, daig pa si Coco Martin”

“Mas gwapo naman ako do’n. At tsaka, yeah parang nararamdaman ko na nga yung sinasabi nilang love. Ay ewan”

“Huh? At bakit parang wala akong alam dyan?!”

“Haay naku. I think she’s already taken buds, probably getting married soon” malungkot na wika nito.

“Haaaay. Mag best-friend nga siguro tayo. Pareho tayong sawi eh” saad niya.

Tumingin ito sa kanya kaya natawa sya, natawa rin ito.

Kaya para na silang sira na nagtatawanan.

Nang biglang….

“Hey Karen and a boyfriend I guess? You’re both invited sa wedding namin. Oh, sorry to interrupt. My fiancé, Kit, will just give you a call regarding the details of OUR house” biglang wika ni Myrtle.

‘Ang bruhang ‘to kung makapag speech, may diin pa talaga sa our? Gawin ko kayang dungeon ‘tong bahay ng mga ito. Hmp! At ano? Boyfriend ko raw si Yves?’

“Oh. Sure me and my GIRLFRIEND Karen, will go to your wedding. Best wishes” sarkastikong saad ni Yves sa mga ito at nakatingin kay Myrtle.

“Hmp! We’re better going. Have a nice day” wika ni Myrtle.

“GOODBYE” matigas na saad ni Yves na tila galit.

Kaya nagtataka na sya. Parang magkakilala ang dalawa.

FOREVER YOURS [Don't-Read-For-Revision-Soon]Where stories live. Discover now