CHAPTER 20

1.2K 29 5
                                    

Kinakabahan na si Karen.

Simula nung nag text si Kit sa kanya na magkikita sila mamayang gabi ay hindi na siya mapakali.

Parang gusto nyang hilahin ang oras, pero, parang gusto nya ring tumigil na ito.

Haaaay naku. Nakakalitoooooo.

“Ma’am, mag oovertime po ba kayo ngayon?” tanong ng sekretarya nya.

“Ah hindi. 5 na kaya pwede ka ng maunang umuwi” sagot nya rito.

“Sige po. Salamat po ma’am”

Tumango lang sya.

Tiningnan nya ang sariling relo kahit may wall clock naman sa opisina nya.

5:20 PM…

‘Bakit ba kasi ako pumayag to have dinner with him?’ tanong nya sa isip.

‘This is just pure business. Yes, business-meeting lang ito’ saad nya uli sa isipan nya.

*beep* *beep*

Tiningnan nya ang cellphone.

Kit: “Nandito na ako sa parking area ng building nyo. Kotse ko nalang ang gagamitin natin”

Nag reply sya…

Karen: “Okay. Bababa na ako”

Ang lakas-lakas ng tibok ng dibdib nya.

‘Aatakihin ata ako sa puso ng wala sa oras nito eh’ biglang pumasok sa isip nya.

Naiiling na lang sya sa naiisip.

‘Again Karen Reyes, this is just a purely business-meeting. Inhale-exhale’

“Have a nice day ma’am” bati ng guard sa kanya.

Tango at ngiti lang ang naisagot nya.

Nang nasa parking area na sya ay inilibot nya ang paningin sa lugar.

May kumaway at ngumiti.

He’s literally taking her breath away.

‘Now I am still wondering kung bakit buhay pa ako dati, kung ganito ka gwapo ang palaging kasama’

“Erase. Erase” biglang nasabi nya.

“Ano ang kailangan e-erase?” takang tanong nito.

“H-Ha. Ah eh. Yung plano ko sana para sa bahay mo. Parang may mali eh. Kaya yun, nasabi ko pala na ‘erase’” pagsisinungaling nya.

“Oh I see. So shall we?”

Tumango siya.

Inakay sya papunta sa sasakyan nito at pinagbuksan ng pinto.

‘Hhhmmmm. Still a gentleman’ ani sa isip.

Pumwesto na ito sa driver seat.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

‘Haaay naku. Parang bumalik naman yata ako sa pagiging teenager nito at kinikilig pa talaga ako’

Nag drive na ito.

“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong nya dito para mawala ang ilang na nararamdaman.

“It’s a surprise” saad nito saka ngumiti na naman.

‘Killer smile talaga at parang mamamatay na ako sa lakas ng tibok ng puso ko dito eh’

Napabuntong-hininga sya.

FOREVER YOURS [Don't-Read-For-Revision-Soon]Where stories live. Discover now