CHAPTER 25

1.1K 25 11
                                    

Pagdating nya sa Condo, tatlong oras na ang lumipas mula ng tawagan nya ang Private Investigator niya.

Nakarinig siya ng katok.

Nakita niya ang P.I. niya kaya pinapasok niya ito.

“Good afternoon Sir” wika nito.

Tinanguhan niya ito.

“May update na ba?” tanong niya dito.

“Yes Sir. Andito na po lahat ng kailangan mo para malaman ang siguro ay problema ni Miss Karen Reyes” sagot nito sabay abot ng envelope sa kanya.

Magaling talaga ito kaya sulit ang mahal na bayad nito kasi nakakabigay na agad ito ng informations in just a matter of hours.

“Sige. Makakaalis ka na. Maraming salamat. Just check your bank account tomorrow” wika niya.

“Okay sir. Thank you. Aalis na po ako” saad nito sabay saludo.

Tumango siya uli.

Tiningnan niya ang envelope na hawak at binuksan.

Pagbukas niya ay nandun ang picture ni Karen at lahat ng impormasyon na kailangan niya.

Binasa niya itong maigi.

‘Nagkakaproblema pala sa family business ng mga Reyes lalong lalo na ang firm na hinawakan ni Karen ng dahil sa pagkakautang ng daddy into’ wika niya sa isipan.

May kumatok uli.

Pag tingin niya ay walang tao pero binuksan niya pa rin ito.

“Hey sweetheart” wika ng boses sabay yakap sa kanya.

Kinalas niya ang mga kamay nito.

“Didn’t you miss me?” tila nagtatampo na saad ng babae na si Lorraine Go. Ang babaeng minsan na niyang naging fling at regular date noon.

“How did you know that I’m here?” tanong niya dito para pag-iiba ng usapan. Liberated talaga ang babaeng ito kahit noon pa man kaya hindi talaga naging malalim ang nararamdaman niya para dito dahil hindi niya type ang mga babaeng tila ang ugali ay lumaki sa ibang bansa.

“Well, money can work for me sweetheart” nakangiting wika nito.

“What do you want  from me Lorraine?” kalmadong tanong niya kahit naiirita na siya sa babae.

“You. All I want is you darlin” malanding wika nito.

“Please. I am already taken and getting married. I think you know that since you found my place here” matabang na saad niya rito.

Gusto na niya itong umalis.

“Really? To whom? To that Karen Reyes? I think you haven’t did any proposal yet right? At hindi pa siya sumagot” nakangiting wika nito na tila nang-uuyam.

“It’s none of your business” matabang wika niya uli dito.

“Oh Kit dear. Baka naman she’s just acting hard to get? Hhmmmmm? Or maybe she didn't love you enough to marry you. Oh my sweetie. Poor you”

“Please Lorraine. Get out now” kalmado pa ring wika niya.

“I will for now darlin'. But remember, this is the only beginning. You’ll see me more of me often starting today” saad nito sabay kindat sa kanya bago umalis.

Nakita pa niya ang ibang lalaki na nandun sa labas na titig na titig sa babae. Pero wala talaga siyang nakapa na kahit anong damdamin para dito.

Oo maganda ito, chinita, maputi, makinis ang balat, sexy, matalino, edukada at mayaman --- that’s it. Just physical.

Pero wala siyang ni katiting na naramdamang pagmamahal para dito.

Oo may mga pictures sila dati since regular dating sila. At bata pa siya ng panahong iyon. Hindi pa alam kung ano ang gusto sa buhay, at wala pa siyang maipagmamalaki.

Oo mayaman sila, pero mas gusto niyang maging mayaman sa sariling pawis.

Parang kinakabahan siya sa pagdating ng isang Lorraine Go sa buhay niya ngayon. Parang may hindi itong magandang balak. Ngunit walang siyang maisip kung ano ang maari nitong gawin.

Tumunog ang cellphone niya. May nag text sa kanya. Binasa niyan ito.

Myrtle: ‘Cuz, I’m here in Manila. Balik lang ako dyan by next week maybe. I’ll just text you. May inaasikaso lang ako dito’

Nag reply siya.

Kit: ‘Okay. Take care’

Myrtle: ‘I will. You too’

Tiningnan niya ang relo. Maaga pa naman. Mamaya pa siguro matatapos ang Karen niya. Nalaman naman niyang marami itong problema, hahayaan niya muna ito. Maghihintay siya na ito mismo ang hihingi ng tulong niya.

Gusto niyang sa kanilang relasyon ay sasabihin nilang dalawa ang lahat-lahat sa isa’t-isa.

Naisip niya si Lorraine, sasabihin niya kay Karen about her mamaya.

Natulog nalang muna siya, medyo na drain ata ang utak niya sa kaiisip.

FOREVER YOURS [Don't-Read-For-Revision-Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon