Because We're Having a Baby (...

By Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... More

Because We're Having a Baby
Travis Marlakch Markovska
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
First Impression Lasts
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
So its You? II
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❤
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick or Treat Part I
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❤
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
***Yuletide Romance***
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❤ Stupid Cupid! ❤
❤ Stupid Cupid II ❤
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman

139K 1.2K 68
By Koolkaticles




CLEO's POV~

Ang lakas ng ulan, may  bagyo kaya? Hindi kasi ako makasama sa gimik ng Bestfriend kong si Vana.  Baka iniisip niyong gimikera ako ahh, ahm.. Well medyo lang naman,  kapag naaaya lang naman ako. Pero hindi naman palagi kasi may pagkatamad  din ako.

Actually ngayon, inaaya ako ni Vana sa isang bar, pagmamay-ari  daw kasi yun ng classmate niya sa isang subject, birthday daw kaya  inaya silang mga kaklase, eh since ayaw niya daw mapagisa, pinipilit  niya akong sumama kaninang umaga.

Alas syete na ng gabi,  alas otso ang kitaan namin sa stop light malapit sa school, pero dahil  napakalakas ng ulan, tinatamad na akong gumala.. Hahaha sorry Vana.

*She looks so perfect standing there

In my american apparel underwear

And I know now, That I'm so down..*

Uh-oh! Vana's calling!

"Uy Sis!" - Bungad ko na kunwari nanghihinayang na hindi ako makakalabas.

(Uy sis ka diyan?  Lokaret ka! Ano? Indianan na naman?) - Sigaw niya na halatang inis sa  akin dahil alam na niya kung anong idadahilan ko. Hehe

"Eh sis, hindi mo ba nakikita? Wala ba kayong bintana? Grabe lakas ng ulan, feeling ko matatanggay lahat ng suot ko kapag lumabas ako."- Medyo pagmamakaawa ko.  Sana lang convincing.

(Letche! Yan ka na naman sis ahh! Ang sabihin mo tinamad ka na naman! Sabi mo sasamahan mo ko?)- medyo huminahon siya.

"Oo nga, kaso look outside!"- Haler! Ano ang peg namin nito pag tumuloy pa kami sa party?  Nothing's gonna stop us now? The nerve Vana!

(Ah basta! Pumunta ka na  kasi! Marami pa naman akong ipapakilala sayong mga boylet! For sure may  magugustuhan ka sa mga yun!)- Panunukso niya pa sa akin! As if naman noh? Duh! Ano ako? Maharot? Oh siya sige, pero medyo lang. Hanggang  crush lang naman ako at inspirasyon. I guess I'm not yet ready to be in a  relationship. O dahil hindi pa talaga ako nakakatagpo ng pwedeng seryosohin?

Ay hindi! Nakatagpo na  pala ako! Ang aking ultra mega super-duper ultimate crush na si Russell Manford! Goshness! Mabanggit palang ang pangalan niya, para na akong buteteng kinikiliti sa kilig! Paano ba naman kasi, parang may modern  version na si Adonis sa kanyang katauhan! Yung tipong perfect ang six  feet plus na height, muscular and lean body, athletic features, tantalizing eyes, kissable lips and the killer smile! Hindi lang ako  nagpapahalata, pero kapag nagkakasalubong kami at binabati niya ako, dedma lang ako kunwari! I mean, dedma ako sa emosyon ko, kung maari nga, hindi ko siya tinitingnan kapag nakatingin din siya sa akin. Mahirap na  teh! Baka mahimatay nalang ako bigla sa kinakatayuan ko ora mismo! Agad  agad!

"Seriouly? Hindi ka talaga magpapaawat?" - Sigaw ko kay Vana.

(Oo impakta ka! Crush ko kasi yung classmate kong yun eh. And take note, ako yung first girl na inaya niya sa klase namin! Whaaah.)- Kinikilig kilig na sa phone. Eto na  naman po kami mga kaibigan. Kung ako pa-Crush crush lang, ay ibahin  niyo po ang babaeng ito. Hangga't hindi niya nagiging boyfriend and  magiging crush niyang yun, hindi yan titigil sa paghabol habol at pangaakit. Mahalay man po sa inyong pandinig, pero ito na po ung  pinakamadaling paraan para maintindihan niyo po ang kalandian niya. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko ang bestfriend kong yan. She's more like a sister to me.

Since Second Year Highschool pa kami mag-best friend nitong si Vana, nagkakilala kami sa isang salon kung saan magpapagupit ako at siya naman at magpapa-Hair spa daw. Laking sosiyalera yang si Vana, madalas sa mga gimik namin, sagot niya ako. Kung kalog na ako, mas lalo siya. Marami kasing self-confidence sa katawan yan eh. Minsan siya pa ang nagpapapaalam sa akin kina Mamu at Papu. Bunso kasi siya sa limang magkakapatid, well okay lang naman sa kanilang malaking pamilya kasi mayaman naman talaga sila.

"Sabi na eh! Humarurot ka na naman eh!" - Pangiinis ko.

(Ihh kasi naman na kasi  Sis, samahan mo na ako please!)- Pagmamakaawa niya. Tumingin ako ulit sa  bintana ng kwarto ko para silipin kung malakas pa rin ang ulan, at  naman talagang dininig yata ang panalangin ng bruha! Humina na ang ulan.  So meant to be talagang samahan ko siya sa paglalandi niya! Nak ng fufu!

"Oo na! Hindi na ko  magdadala ng motor ko ah, madulas ang kalsada eh. Intayin mo nalang ako dun." - Oo, medyo big bike ang gamit kong sasakyan, mas madali kasi at iwas hassle kapag traffic dahil pwedeng pwede akong sumingit-singit sa  kalsada.

(Gusto mo bang sunduin nalang kita diyan sa inyo ah?)-Vana

"Hindi na, maabala pa kita. Magbibihis nalang naman na ako tapos aalis na. Text nalang kita kapag malapit na ako ah."

(Okie dokie, ingat sila sayo sa daan sis! Bwahaha) - Sabay evil laugh. Impakta talaga.

"Mukha mo!" - sabay end of call ko sa kanya.

Nagbihis kaagad ako at  naghanda na. Hindi na muna ako magsusuot ng medyo revealing na damit, actually ever since naman hindi ako nagsusuot ng mga ganun. Like kita cleavage, super strapless, short shorts or whatsoever na ganun. Tamang  over size t-shirt na gray ang pang itaas ko, katamtamang shorts at one  inch na sapatos. Tinuck-in ko ang bandang gilid na harapan ng shirt ko  at nilugay ko nalang ang buhok ko. Hindi na rin ako naglagay ng makapal  na make-up, tamang wag lang ako magmukang napadaan lang at bibili ng  suka.

Nagpaalam na ako kina  mamu at papu. Sabi ko sasamahan ko lang si Vana sa party, syempre honest ako sa parents ko. Alam nilang lahat kung saan ako nagsususuot at  gumagala. Mahirap na nga naman, baka may mangyaring hindi natin  inaasahan, mabuti na at alam nila kung nasaan ang kanilang unica hija.

Isang Neurologist ang papu ko, yung doktor sa utak, at Psychologist naman si mamu, oh di ba? Meant to be talaga sila.

Pangatlo ako sa aming  apat na magkakapatid, graduate na ng Medical Surgeon ang kuya kong si  Clifford, kasalukuyan siyang nasa trabaho niya sa ospital dahil walang  pinipiling oras at panahon ang kanyang propesyon. Ang pangalawa at si Kuya Clarence na kasalukuyang kumukuha ng Optometry course sa parehong  unibersidad na pinapasukan ko rin. At ang bunso naming si Cloude, grade five student palang siya pero parang kabisado na niya yata ang creation of Heaven and Earth.

And for the main entreé, I'm  Cleorisse Eminoethe Ysmael-Ackerman, british national ang papu ko, pero dito na siya sa pilipinas lumaki dahil nag-migrate ang pamilya daw nila noong limang taong gulang pa lamang siya gawa ng pagpapatayo ng sarili nilang ospital dito. Yes, hospitals ang family business namin na minana pa ni papu mula sa lolo niya sa tuhod. Siya na rin ang presidente ng iba't  ibang ospital namin dito sa pilipinas. At ang iba naman sa mga ito ay  pinamamahalaan ni mamu na isa ring doktora. Well, hindi ko na ikukwento  ang love story na nila.

I'm taking a Political Science course, obviously dahil gusto kong maging abogado. At more obvious na hindi ito  related sa linya ng pamilya ko. Ako palang kasi ang sumalungat sa pagmemedisina.

Well, I have my own  goals and dreams in my precious life. Gusto kong tulungan yung mga taong  hindi sapat ang kinikita para makapagbayad ng malaki sa isang magaling  na abogado. Gusto kong maging abogado para sa mga taong kailangan ay  hustisiya at pantay-pantay na karapatan! (Iboto niyo po ako sa darating  na eleksyon! Lol) Hindi po ba convincing ang dahilan ko?

Oh siya sige na! Aaminin  ko na nga kung bakit hindi ako luminiya sa medisina. Kainis naman oh! Kasi po nakakahiya mang aminin, pero takot po ako sa injection, dugo at  mga sugat. Opo, ganyan po ako kaarte kung yun po ang iniisip niyo.  Napaisip na rin po ako dahil diyan, kahit kasi sa dinami-dami ng pwede  kong katakutan ay bakit yang pang mga yan! Jusmiyo!

Graduating student na ako sa Mason Markovska University, international school ito na sikat na sikat sa quality of eduacation. Maganda naman talaga dito lalo na  ang mga facilities that you wouldn't even imagine how huge this  university is! Dito rin grumaduate ang mga magulang ko at syempre ang  kuya ko. Binabalak ko nalang din na dito ipagpatuloy ang Law course ko  pagka-graduate.
Hindi naman ako ganun katalino para isipin niyong law ang  gusto ko, sadiyang may sipag lang po ako sa katawan sa pagaaral kaya  nakakaya ko.

Hindi pa nga pa pala ako nagkaka-boyfriend ni minsan. Uh-ah. Share ko lang. May mga nangliligaw sa akin pero  wala sila sa focus ko, eh paano ba naman kasi, kay fafa Russell lang ako naka-focus! Bwahaha! Crush ko siya since first year college, Business Administration student siya, nagkataong may subject kami na naging kaklase ko siya, irregular student ata siya nun. Nakatabi ko siya sa upuan ng buong sem at simula nun, I can't take off my eyes on him. He's all I could ever dream of.

He's so athletic, captain siya ng basketball team ng school at naglalaro rin siya ng lawn tennis at swimming. Marami man  akong kaagaw sa attention niya, feeling ko may special something naman  sa aming dalawa. Feeling ko lang.

Simula noong naging  magkaklase kami, madalas kaming nagkakausap sa hallway ng school o kung  saan kami pagkitain ng tadhana. Palagi niya naman akong binabati at  kinakamusta, so ganun din ako sa kanya. Siya nga ang dahilan kung bakit  ako sumali sa swimming team ng school. Nalaman ko kasing isa na siya sa  mga nagiging instructor doon sa mga baguhan. Take note, siya po ang  nag-invite sa aking mag-try out doon at sinabi niya ring hindi niya ako  pababayaan habang nandoon ako. Well, takot man ako sa malalalim na tubig, dahil hindi ako ganun kagaling lumangoy, pero dahil sa siya ang  nagtuturo sa akin at umaalalay, Abay ginagalingan ko kaya noh! Kahit na  after ng session namin noon ay nakaabang na sa akin ang lahat ng babaeng  members ng team sa shower area. Parang gusto nila akong ilublob at  lunurin sa pool kung mga makatingin. Oh well again, sorry girls! he's mine.. to be.. Bwahahaha...

Highschool ako noong nahilig ako sa Big Bikes, actually kumakarera ako noon, pero noong nalaman ni kuya Clifford yun, pinatigil niya ako or else isusumbong niya daw ako kina mamu at papu. Pero syempre hindi ko siya sinunod noon, palihim akong lumalabas ng bahay para  kumarera. Pero ngayong college, napakadalang na, mas nag-focus kasi ako sa  pagaaral eh. (Yun nga ba?) Oo na! kasi nag-focus ako sa bago kong trip, ang kick boxing. Ang astig kasi noong napanuod ko ung idol ko na ngayon  na si Ronda Rousey! Isang mixed martial arts champion. Grabe! Gandang  babae pero ang lakas at ang galing. Astig niya talaga, parang gusto ko rin ng ganun.

Nakalabas na ako ng  bahay, wala na ring ulan, napaos rin siguro sa concert niya. Naglalakad  ako ngayon palabas ng subdivision namin, medyo malayo rin toh dahil nasa  dulo banda ang bahay namin. Nagaabang na ako ngayon ng taxi ng pwedeng masakyan sa kalsada. Buti makapal ang suot kong shirt at nakasuot ako ng  bonnet, nilalamig kasi ako sa lakas ng hangin. Wag lang sana umulan  ulit habang hindi pa kami nakakarating sa bar na yun.

Pagkasakay ko ng taxi,  sinabi ko kaagad kung saan ako at umadar na ito. Nakarating rin kami  kaagad sa stop light malapit sa school ko at kaagad akong bumaba. Tumatanaw tanaw lang ako ng mga paparating na sasakyan at baka sakaling si Vana yun. Kinuha ko ang  cellphone ko at dinayal ang number ni niya, nagri-ring lang ito at hindi nasagot ang bruhang yun.

*Beep beep*

"Ay palakang kokak!"-  Sigaw ko dahil sa gulat. Bumusina daw ba ng pagkalakas na nakakarindi eh  nasa bench kaya ako noh! Hinayupak na driver yun.

"Come on Sis! We're  getting late!"- Sigaw ng nasa kotseng nasa likod ko, hindi ko pa yun nililingon pero alam ko na kung sino nga yun.

Hinarap ko siya ng  nakasimangot dahil sa bukod na late siya, ay ginulat pa niya ako. Bruhilda talaga. "It was you B*tch!"-Sigaw ko sabay takbo pasakay sa  kotse niyang *ehem* BMW lang naman. Wag na po kayong magtaka kung bakit  ganyan po kami magusap ng isa yang. Hindi ba nga po, Real Friends don't get mad when you insulted them, instead they will call you in more insulting way. So ganyan po kami niyan, nagbabangayan,  nagsisigawan, nagaasaran at higit sa lahat ay naglalaitan pero mahal po  namin ang isa't isa. We're like sisters, no I guess we're more like twins!

"What took  you so long? I've been there for ten minutes."-pagrereklamo ko sabay  tingin sa kanya.

Focus lang siya sa  pagmamaneho, hindi man lang tumingin sa akin. "I went first to the gas station to feed my baby."- Oo baby niya ang mga bags, shoes and her car.

Ilang minuto na rin kaming nasa byahe, tahimik lang kami, Bakit? Ewan, siguro nauubusan rin kami ng mapaguusapan.

Pero syempre hindi ko kaya yun, kaya binasag ko na ang ilang inuto naming katahimikan.

"So sis, saan ba yang bar ng crush mong yan ah? Malayo pa ba?"- sabay bukas ko sa FM radio niya.

"Hmn, not so. 30 minute lang from school"- Mahinahong sabi niya.

"Marami bang invited?"-ako

"I guess so"-Vana

"Really?"

"Russell's coming."-Walang kaemosyong emosyon niyang sabi.

"Seriously?"- Pagkagulat kong tanong sa kanya sabay harap dito.

"Yup! Don't you know?  They are in the same basketball team in school. Or maybe because you don't even care in any members on the team."-sabay ngiti niya sa akin.

"Exactly."-napangiti  nalang din ako. Eh paano ba naman kasi, ang pinapansin ko lang naman  talaga sa school ay No.1: si Vana, No.2: fafa Russell and No.3:  Professors or Instructors.

Juicecolored! Andoon  pala ang Prince Charming ko, sana pala nagsuot nalang talaga ako ng mas revealing na damit at nag-makeup ng maganda-ganda. Kung alam ko lang naman  kasi, eh di sana mas naghanda pa ako.

Sana lang mapansin niyang andun  din ako mamaya kahit mas maraming naggagandahang babae sa party. But  well, bukod sa alam kong mapapansin din naman niya ako kahit na hindi ako  magpaganda masyado, ay tiwala naman ako sa mukha ko. Hahaha.

--------------------------------------------------------------------------------

(A/N): Please support this story again as you did in my previous account!

Lovelots!

~KK

Continue Reading

You'll Also Like

467K 7K 40
This story may be close to a perfect life. This story would expect you to have a happy ending. K. WRONG! Kung sa FAIRYTALE palaging may WITCH, sa REL...
13.1K 354 26
Pinilit si Yna Macario ng taong minsan niya ng matulungan na mag aral sa isa sa sikat at mamahaling school sa bansa..ayaw man niya napilitan na siyan...
368K 10.7K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
19K 833 21
Twynsta Ranillo was the prettiest girl in grade school but sooner turns into a fat balyena. And Yasser Marta who was an unattractive big fat boy with...