Ang Babae sa Kabilang Classro...

Od juanmandaraya

19.5K 325 65

Heto na ang prequel ni Juan ng "Ang Babae sa Kabilang Pinto" Tunghayan ulit ang love story ni Juan na hindi m... Více

Ang Babae sa Kabilang Classroom
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter

Chapter 14

528 11 0
Od juanmandaraya

Halong badtrip at saya!

            Badtrip, dahil wala si Miss Antigo. Ang aga ko pa naman pumasok. Nag-iwan na lang ng ilang instructions sa mga pang-umaga. May iniwang form na isa-isang pi-fill-up-an para sa progress report ng civil service. Dito ire-report kung ano-ano ang pinag-gagagawa ng estudyante sa buong sem. Tapos, nakagrupo na rin ang lahat ng mga seniors. Labo-labo ang mga course. At ang masaya, kagrupo ko si Lyla! Ang saya ng sabado ko! Sana laging sabado. Favorite ko na ang NSTP.

             Nagkaisa ang lahat ng mga kagrupo ko sa lugar kung saan nagsi-civil service sila Ada. Tutal may nasimulan na sila, hindi na rin kami gaano mangangapa sa mangyayari. Pero balita ko, medyo hassle ang lugar. Mahaba-haba daw ang lalakarin bago matunton ang tribo kung sa’n magtuturo kami sa mga batang ita. Mas advisable kung naka-tsinelas na lang o sandals. Bato-bato at ilang ilog daw ang daraanan. Bukod pa dun, may mga bitbit kaming school supplies at ilang pagkaing ipamudmod namin sa mga bata. Sariling bulsa galing ang budget kaya medyo natapyasan din ang sarili kong budget.

            Goodluck naman sa’ken.

            Pero ayos lang. Ngayong magkagrupo kami ni Lyla, wala na kong pake kung ano man ang kahihinatnan namin. Sisimulan ko na ang dapat kong simulan. Pagkakataon ko na ’to. Siguro naman kikibuin niya rin ako kung sakaling magka-usap man kami. Wala naman siyang choice, magkagrupo kami.

            “Ano, masaya ka na? Panay ang tingin mo a….” pabulong na tanong sa’ken ni Ada habang sakay kami ng dyip papasok ng destinasyon namin. Magkatabi kami sa harap ng dyip. Panay naman ang sulyap ko sa salamin kay Lyla na kausap ang mga kaklase nito.

            “Sakto lang. Sapat lang…”

            “Huuu…mukha mo. Hindi nga halatang excited ka e. Ang aga mo pumasok…”

            “Baka maabutan lang ng ulan kaya inagahan na rin.”

            Makulimlim na kasi pagka-alis ko ng bahay. Mag-a-alas dos na ng hapon, pero parang alas sais na sa dilim. Nagsisimula na rin umambon. Ramdam ko ang mga patak sa kanang braso ko.

            “Totoo bang wala ng lecture? Tatapusin na lang yung service?” tanong ko.

            “Yun ang sabi ng mga pang-umaga. Para mabilis daw matapos. Yung iba kasi nagsisimula na gumawa ng thesis. May ojt pa.” paliwanag niya. “Nga pala, nag-o-ojt ka na ba?”

            “Hindi pa, tinatamad pa ko.”

            “Ay sows naman talaga! Kelan mo naman balak?”

            “Next sem na lang. Sabay-sabay e.”

            “Di ba nagti-thesis na kayo?”

            Tumango  lang ako.

            “Baka naman maghabol ka niyan?”

            “Hindi yan. Kaya naman. Wala pa kasi ako napapasahan ng resume kaya hindi ko rin maasikaso. Parusa na nga yung thesis e. Sumasakit na ulo ko dun. Problema ko pa yung ibang kasama ko. Walang silbi. Apat kami sa grupo pero dalawa lang kami naghihirap….”

            “E ba’t di mo kausapin?”

            “Panay lang ang tawa pag tungkol dun ang usapan. Kesyo kaya naman daw namin. Magbibigay na lang daw sila ng budget. Tsaka busy daw sa ojt kaya hindi gaano nakakasama gumawa ng report. Buti na lang matalino yung isa. Kun’di pare-pareho kaming iiyak…”

            “Buti may nasimulan na kayo…”

            “Meron naman…kahit papano. Yung kasama ko ang bahala sa program, ako naman sa report-report.”

            “Ano ba program nyo?”

            “Billing and enrollment system. Parang hi-tech na yung enrollment. Di mo na kelangang pumila o mag-fill up ng form.”

            Tumango-tango lang siya. Alam kong hindi niya ko mage-gets dahil magkaiba kami ng kurso.

            Ilang araw na nga akong napupuyat dahil sa thesis. Mas madalas pa na hindi kami nakukumpleto pag kelangang gawin. Hindi ko naman sila magawang awayin dahil sa ojt nila. Kinakabahan lang ako sa panel. Baka maluto kami sa mga tanong. Paano kung yung mga madalas pang wala ang tanungin? Badtrip talaga.

            “Sa’n pala ojt mo?” tanong ko.

            “Sa bangko. Encoder.”

            “Kelan pa? Ba’t di ko ata alam yan?”

            “Last week lang ako nag-start. Di ka naman kasi nagtatanong.”

            “Di ka naman kasi nagkukuwento. Kaya pala bisi-bisihan ka na.”

            “Ganun talaga pag gradweyting. Kaya ikaw, simulan mo ng maghanap nang hindi ka maghabol.”

            “Opo ate,” Sabay pisil sa pisngi. “Malayo pa ba?”

            “Malayo-layo pa.”

            Parang daanan ng roller coaster ang dinaraanan namin. Maya’t maya lumiliko at akyat-baba. Akala ko nga titirik yung dyip nung paakyat na. Grabe kasi yung taas, paikot pa. Medyo nakaka-nerbyos tuloy.

            Parang probinsiya din ang itsura ng daan. Hindi gaanong sementado ang daan at halos layo-layo ang bahay. Puro puno at damuhan ang view. May ilang naglalakad na bata at matatanda na may bitbit na gulay at sanga-sanga. Malayo sa itsura ng modernisasyon. Parang hindi pa nadadaanan ng sibilisasyon.

            Halos isang oras din kaming bumiyahe. Natunton din namin ang pinakabayan ng Iram. Medyo okey na yung view dahil sa ilang modernong kabahayan at ilang tindahan. Medyo matao na din ang lugar. Pansin din agad ang covered court na pinipinturahan ng ilang mga estudyante. Nagsi-civil service din siguro.

            “Handa ka na ba sa mahaba-habang lakaran?” tanong ni Ada pagkababa namin ng dyip.

            “Mahaba ba talaga?”

            Tinapik-tapik ang balikat ko. “Kalahating oras lang naman p’re.”

            Hindi na ko nag-comment.

            Matapos ang head count at bitbitin ang mga dalahin, lumarga na rin kami. Tinahak namin ang daan kung saan tumatagos sa sapatos ko ang mga maliliit na bato at buhangin. Nararamdaman kong maya-maya lang, uuwi akong butas ang sapatos.

            Pasimple akong lumilingon kay Lyla. Halos sa gilid lang ito naglalakad. Nakayuko. Dahan-dahan. Kumakapa sa daan. Pagewang-gewang dahil sa mga bato. Hirap din dahil sa suot na flat shoes. Binagalan ko ang lakad ko para masabayan siya.

            “Ayos ka lang?” tanong ko.

            Tumango lang siya at ngumiti. Halata sa itsura ang parusa ng paglalakad. Gusto ko siyang alalayan, kaso wag na lang. Medyo na-shy ako.

            “Next time mag-tsinelas ka na lang para hindi ka mahirapan.”

            Ngumiti lang siya.

            Tipikal na Lyla. Hindi palakibo. Ngiti lang ang sagot. Ang damot sa boses.

            “Musta ka naman?”

            “Okey lang…” sa wakas at nagsalita na rin.

            “Suplada mo sa school. Hindi ka man lang namamansin.”

            “Hindi ba? Tumatango naman ako di ba?”

            “Oo nga. Tango lang. Pagtapos nun, wala na.”

            “Wala naman kasi akong sasabihin. Di ka rin naman nagsasalita.”

            Sabagay. May point siya.

            “Malayo daw ba?” tanong niya.

            “Medyo. Kalahating oras daw ang lalakarin.”

            Hindi na nagsalita.

            Para na rin kaming nagha-hiking. Akyat-baba ang daan. Palitan ang buhangin, bato, lupa at putik. Nararamdaman ko ng mamasa-masa na ang medyas ko. Ngayon naman, madamo ang nilalakaran namin. Matataas na damo kaya kelangan pang hawiin. Medyo sumasabit-sabit sa pantalon ko yung iba kaya panay din ang kamot ko. Pag minalas-malas pa, pati sa braso gumagasgas. Parusa talaga.

            Yung ilang mga nakakasalubong namin, binabati kami. Laging nakangiti. Napaka-friendly kaya medyo nabawasan na ang takot ko sa lugar. Madami kasing kwento tungkol sa lugar kaya medyo natakot ako nung una.

            Sa totoo lang, maganda ang lugar kahit wala pang bakas ng modernisasyon. Ang cool ng view. Tanaw sa di kalayuan ang ilang mabababang bundok na nakapalibot sa lugar. Maya’t maya rin ako nakakakita ng kalabaw at kabayo. Mga taniman ng iba’t ibang gulay. Pansamantala kong nakalimutan ang itsura ng siyudad. Payapa at tahimik ang lugar. Walang gulo. Walang ingay. Wala gaanong problema.

            Umaambon-ambon pa rin. Makapal ang ulap sa alapaap at anytime babagsak na ang ulan. Okey na rin, absent si haring araw pero hassle din naman kung maabutan kami ng ulan. Wala kaming masisilungan. Pag nagkataon, doble ang parusa namin. Inaalala ko lang din mamaya pagkauwi. Kelangan daw e hindi kami abutin ng dilim. May oras daw ang biyahe ng dyip palabas.

            Kinse minutos na ata kami palakad-lakad. Walang kumikibo. Walang gusto magbiro. Halatang pagod na yung ilan. Mahirap biruin at baka magbatuhan kami ng bitbitin. Yung iba naman, dinaan na lang sa pakanta-kanta at pasipol-sipol. Ilang beses ko na nga narinig yung ‘malayo pa ba?’. Pero ayos lang sa’ken, kasabay ko naman si Lyla.

            “Nag-o-ojt ka na ba?” tanong ko para lang may mapag-usapan.

            “Oo, may isang buwan na din.”

            “Ah…sa’n naman?”

            “Dun sa city hall, malapit sa’min.”

            “Oh? Ayos, hindi ka na pala gaano mahihirapan.”

            “Ikaw?”

            “Wala pa. Next sem na lang. Busy sa thesis.”

            “Ah…okey.”

            Wala na naman kibuan. Ang hirap niya talaga kausapin. Nasisira agad ang momentum.

            “Ganyan ka ba talaga?”

            “Huh?” napatingin siya sa’ken habang kunot ang noo.

            “I mean…matipid sumagot. Hindi palasalita. Hindi ka naman ganyan nung nasa bahay niyo ko.”

            “Medyo…”

            “O boring lang talaga ako kausap?”

            Napangiti siya. “Hindi naman. Hindi lang talaga ako palasalita.”

            “Dahil ba sa hindi tayo close?”

            “Parang ganun na nga. Big deal ba?”

            “Hindi naman totally ganun. Wala lang. Parang wala lang sa’yo na naging magkakilala tayo. Parang hindi ka naging member ng glee club.”

            “Ba’t mo naman nasabi?”

            Hindi ako agad nakasagot. Mabato ang daanan at medyo mataas kaya kelangang akyatin. Inalalayan ko muna siya. Akala ko tatanggi. Inabot din naman niya ang kamay niya pagkalahad ko ng kamay ko. Ewan kung naramdaman niyang medyo hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya. Yun na ang pangalawang pagkakataon na nahawakan ko ang kamay niya. Gaya ng dati, malambot at makinis pa rin.

            “Salamat…” pagkababa niya.

            “Ba’t ko nasabi?” pagpapatuloy ko. “Hmm…ano…parang hindi tayo magkakilala pag nagkakasalubong tayo sa school. One time tineks kita pero hindi ka nag-reply. Di ko tuloy alam kung namimili ka ba ng kakaibiganin o talagang loner ka lang.”

            “Hindi ako loner.” Sumeryoso ang mukha niya.

            “Tsaka?”

            “Wala naman tayo paguusapan kaya hindi ako kumikibo. Hindi rin ako pala-text, kaya pasensya.”

            “Ikaw naman…masyado kang seryoso. Nagtatanong lang naman ako. Di ka naman galit nyan?”

            Umiling lang siya.

            “Naiilang ka ba sa’ken?”

            Iling lang ulit.

            “E ba’t parang naiilang ka.”

            “Wala. Basta…”.

            “Let me guess, binawalan ka ng boyfriend mo na makipagusap sa mga lalake no?”

            “Wala akong boyfriend …”.

            Hindi na ko nakapagsalita. Lalong sumeryoso ang mukha niya kaya pansamantala akong tumigil sa pag-intriga sa kanya. Masaya na ko sa narinig ko: single siya. Nung una kasi hindi naman niya sinagot yung tanong ko. Mabuti na lang nadulas siya.

            Nakakakita na kami ng ilang kabahayan matapos ang mahaba-habang lakaran. Maliliit na kubo. Siguro malapit na kami. Nadaanan pa naman yung ilang kababaihan na naglalaba sa ilog. Old school na old school ang view. Ngayon na lang ulit ako nakakakita ng ganun.

            Dumiretso kami sa isang maliit na kubo. Headquarters ata. Yung ibang mga kasama ko, pumasok na sa loob. Naiwan naman kami ni Lyla sa labas. Maya-maya pa’y lumabas na din ang mga kasama namin. Nakilala namin si Mang Ernesto, ang chieftain ng lugar. May katandaan na rin ang itsura. Nakasabit sa bewang nito ang itak, tanda ng pagiging lider ng lugar. Medyo matipuno pa naman ang pangangatawan niya.

            “Mabuti at maaga-aga kayo ngayon.” bungad sa’min. “At parang dumami ata kayo?”

            “Nagbago po kasi yung grupo-grupo namin kaya nadagdagan kami. Medyo kabisado na rin po namin ang daan kaya mabilis kami nakarating. Yung mga bata po?” tanong ng kasama ko. Kilala ko lang siya sa mukha. Classmate ata ni Ada.

            “Kanina pa nga kayo inaantay. Andun na sila. Sige na at lumarga na kayo para maaga kayo matapos. Mahirap na at baka maabutan pa kayo ng ulan.” Habang pinagmamasdan nito ang kalangitan.

            Matapos makapagpaalam, lumakad na rin kami. May ilang metro din ang layo bago namin natunton ang nasabing lugar. Parang maliit na plaza. Nakakalat ang upuang gawa sa mga putol na kahoy. Agad-agad din naman kaming sinalubong ng mga bata na tuwang-tuwa pagkakita sa’min. Madami-dami din. Tantiya ko e nasa bente sila. Anim hanggang sampung taon ang edad.

            “Masyado tayong marami, kaya hindi lahat makakapagturo.” Sabi ni Ada sa’ken. “Yung iba e tutulong nila mamigay ng pagkain mamaya.”

            Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang mga kasama ko.

            “Ikaw, baka gusto mo magturo?” tanong ko kay Lyla.

            Umiling-iling lang siya habang nakangiti.

            “Matagal ba yan?” tanong ko kay Ada.

            “Hindi naman,” tiningnan nito ang relo. “Wala pang isang oras. Kelangan din natin makabalik agad para di tayo mahirapan sumakay. Uulan pa ata…”

            Sinimulan na ng iba ang pagtuturo matapos ipamigay ang mga lapis at ilang piraso ng coupon bond. Niyaya ko namang umupo si Lyla sa ilalim ng puno ilang hakbang ang layo mula sa pwesto ng mga kasama namin.

            “Nagka-boyfriend ka na ba?” sinimulan ko na ang usapan. Hindi puwedeng tumunganga lang kami habang pinapanuod ang mga kasama namin.

            “Hindi pa.”

            “Bakit?”

            “Strict parents ko. Tsaka wala akong time sa ganun.”

            “Walang time o pihikan?”

            “Ba’t mo ba tinatanong?”

            “Wala naman. May mapag-usapan lang…”

            Wala ulit kibuan. Palingon-lingon sa paligid. Pasilip-silip sa cellphone na walang signal.

            Pano ko kaya yayain mag-date to? Strict daw ang parents tapos wala pang time. Pusang gala na yan! Mukhang mahihirapan ako dito a.

            O baka naman pihikan talaga? Ewan ko. Bahala na.

            “Di na bago sa’ken ang impression na suplada o loner,” Nagpatuloy na siya. “Hayskul pa lang ako, ganun na ang tingin sa’ken. Marami tuloy ang naiilang. Yung iba, weird ang tingin sa’ken. Pero hindi ko na lang pinapansin. May mga kaibigan naman ako, pero hindi lang talaga ako mabarkada. Ganun ako e.”

            Hindi ako kumibo. Inantay ko na lang siya magpatuloy. Nilaro-laro ko na lang ang ilang dahong nalalaglag.

            “Siguro boring akong tao. Mas gusto ko kasi nasa bahay lang. Kahit nung nasa manila pa ko, hindi talaga ko palalabas. Hindi ako sanay sa maraming tao.”

            “Nga pala, ba’t sa Gapo ka na lumipat?”

            “Kelangan e.”

            “Bakit naman?”

            Lumungkot ang mukha niya. Bahagya siyang napayuko. “Basta…wag na lang pagusapan.”

            Hindi ko na siya kinulit. Mukha ngang may seryosong problema kaya siguro lagi siyang seryoso. Sana lang maikwento niya, baka makatulong ako, kahit papano.

            “Okey, if ever lang na magkaka-boyfriend ka, anong mga qualities ang gusto mo?”

            “Kahit ano basta kaya intindihin ang sitwasyon ko.”

            “Na ano?”

            “Basta…”

            “Kahit mukhang adik okey lang sa’yo?” kelangan ng magbiro. Masyado ng seryoso ang usapan.

            “Ewan ko sa’yo…” inilabas ang cellphone. “Wala palang signal dito…”

            “Wala nga.”

            “Ikaw, naka-ilang girlfriend ka na ba?” ibinalik na niya sa bag ang cellphone.

            “Talagang ilan ang tanong a,” medyo natawa ako. “Apat na.”

            “Apat? Dami na pala. Ano nangyari?”

            “Ayun, siyempre hayskul, di pa naman ganun kaseryoso. Pag ayaw na, ayaw na. Ganun lang yun.”

            “Ganun? Walang formal break up?”

            “Parang ganun na nga.”

            “Ah okey. You mean, wala kang sineryoso?”

            “Well, meron naman. Siguro mahirap lang pagsabayin ang relationship at banda.”

            “Panong mahirap?”

            “Yung time syempre. Tapos magkaiba pa kami ng school. Saliwa schedule namin.”

            “I see…o baka naman mas marami ka lang time sa banda mo? Tingin ko e mabarkada ka at magimik.”

            “Siguro. Ewan. Napagusapan naman namin yung tungkol dun.”

            “E ba’t kayo nag-break? Eto ba yung huli mo?”

            “Oo. Siguro nga hindi lang ako ganun kaseryoso sa kanya kaya okey lang na nag-break kami. Pareho na lang namin naintindihan na hindi na talaga nag-work relasyon namin.”

            “Okey…tingin ko nga mas priority mo ang banda kaya hindi ka naneneryoso.”

            “Ganun ba yun? Parang di naman.”

            “Kung hindi ganun, e di sana kayo pa rin ng ex mo.”

            “Mahirap i-explain. Basta. Tapos na yun.”

            Hindi na siya sumagot.

            “Kung sakali lang…if ever lang na may manligaw sa’yo, ie-entertain mo ba?”

            “Ewan. Siguro. Hindi ko alam.”

            “Ba’t di mo alam? E ikaw nga yung liligawan.”

            “Depende kung may magtitiyaga sa’ken…”

            “E kung meron? Baka naman paasahin mo lang?”

            “Ba’t mo ba natanong?”

            “Wala naman…natanong lang.”

            Unti-unti nang lumalakas ang ulan. Nagtakbuhan na ang mga bata. Kanya-kanya na ng silong. May ilan namang nagpaulan na lang. Mabuti at nakasilong agad kami ni Lyla. Ewan kung sinasadya, pero walang gustong makisilong sa puno namin.

            “Sana hindi tayo mahirapan pauwi mamaya.” Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga batang nage-enjoy sa ulan. Itinigil na ng mga kasama ko ang pagtuturo kaya pinamudmud na nila ang pagkain. Tuwang-tuwa naman ang mga bata.

            “Di rin ako puwede gabihin. May gagawin pa ko.”

            “Tulad ng…?”

            “Basta…may kelangan pa kong gawin.”

            “Okey…no comment.”

            “Musta naman banda mo?” tanong niya. Umurong siya ng kaunti sa pwesto ko. Umiwas sa patak ng ulan.

            “Pahinga muna. Walang gig e kaya wala din praktis. Mga graduating na din kaya busy sa buhay-buhay…”

            “Ah…okey.”

            Dumating ang chieftain. Matapos ang madaliang usapan, agad-agad din itong umalis. Pinalapit kami ni Ada sa mga kasama namin kaya tumayo na kami ni Lyla. Napagpasyahan ng grupo na umuwi na rin sa oras na humina ang ulan, ayon na rin sa bilin ng chieftain. Baka mahirapan pa daw kami umuwi. Nagpatawag na ng dyip ang chieftain na maghihintay sa’min sa labasan.

            “Naalala mo pa ba ‘to?” tinuro ko ang Buddha beads sa kamay ko.

            “Oo naman. Sa’ken galing yan e. Buti sinusuot mo pa?”

            “Siyempre, bigay mo e. Pampaswerte…”

            Nangiti lang siya.

            “Ba’t mo nga pala ako binigyan nito?”

            “Token ko na yan sa pagturo mo sa’ken.”

            “Ah…kala ko may iba pang dahilan.”

            “Anong dahilan naman?”

            “Wala…joke lang.”

*          *          *

Kalahating oras na kaming nag-aantay sa dyip. Ilang beses na din nag-radyo ang mga tanod. Ang dami na rin nag-aabang. Dumidilim na kaya lahat ay gusto ng makauwi. Mabuti at tumila na ang ulan.

            “Madilim pa naman yung dadaanan natin.” Sabi ni Ada.

            “Ano daw ba sabi? May dyip na ba?”

            “Kakaalis lang daw. Dalawang dyip daw yun.”

            “Ang tagal a! Forty-eight years!”

            “Haba pa naman ng pila. Malamang mauna na yung iba. Di tayo kasya dun. Dami nyan o…” sabay turo sa mga pasaherong nauna sa pila. Malamang nga na hindi kami agad makasakay.

            “Okey ka pa ba?” tanong ko kay Lyla na nakapila sa harapan ko.

            “Okey pa naman.”

            “Sure?”

            Tumango lang siya. Kahit medyo madilim e aninag ko pa din ang amo ng mukha niya.

            Maya-maya, biglang may kamay na tumakip sa mata ko. Pamilyar ang amoy. Parang kilala ko kung sino.

            “Surprise!” pagka-alis na pagka-alis ng kamay nito. Walang duda, si Rica.

            Anong ginagawa nito dito?

            “Hey, musta? Dito din pala kayo?” bati niya saka kinawayan si Ada. Kumaway lang din si bestfriend.

            “Oo…napasama sa grupo nila,” sabay turo kay Ada na bahagyang dumistansiya sa’min. “Ikaw, wag mong sabihin dito ka rin?”

            “Ganun na nga. Ayun yung mga kasama ko…” sabay turo bandang likod. Binati din nito si Lyla na nakatingin pala sa’min.

            “Ah…Rica, si Lyla, kagrupo ko. Lyla, si Rica, ex ko.” sabay akbay naman sa’ken ni Rica.

            Bahagya itong ngumiti at kumaway saka lumipat ng pwesto malapit sa mga kaklase niya.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

27.5K 109 6
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...