CRAZY IN LOVE

By fedejik

1.6M 50.5K 2.1K

Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan... More

Crazy in Love
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue

Chapter 39

22.4K 804 63
By fedejik

Kirsten

It's already ten o'clock in the evening, pero walang Chance na nagpaparamdam sa akin. I texted him at around 8:30, but he didn't reply. Mukhang sobrang busy nila, a.

Binuksan ko ang aking Instagram account at hinanap ang account ni Elma Chua. Good thing, hindi naka-private ang account niya. Jeez... Ngayon lang ako nagka-interest na mag-stalk sa mga kaibigan ni Chance. Hindi ko talaga alam kung bakit kinakabahan akong hindi ko maintindihan.

I scrolled her pictures religiously, looking for something.

Huminto ako sa isang screenshot convo nila ni Chance. It was two months ago.

Post: Missed this guy. #HappyDay #Memories #SpecialSomeone

Halos wala namang laman ang naka-screenshot na image. Tanging happy face ang ni-reply niya kay Chance at si Chance naman ay heart.

Pinusuan din ni Chance ang post na 'yon. May ilang mga kaibigang nanukso sa comment section at pinusuan lang din iyon ni Elma.

Special someone, huh?

Umirap ako sa kawalan at muling nag-scroll sa mga pictures. Halos karamihan sa mga pictures ay puro selfie niya at iilan lang ang post na may kasamang mga kaibigan. Pero muli akong huminto sa isang picture kung saan binatilyo pa noon si Chance. Hawak niya sa kamay ang isang batang babae na natitiyak kong siya.

Post: I wish I could go back to the days when I was still young. #FeelingSad #MissingSomeone

Hmm... I am pretty sure, she has feelings for him!

Padabog kong binitiwan ang aking cell phone at tarantang hinilot ang aking noo.

I needed to trust Chance. Kaibigan lang ang tingin niya sa Elma na iyon at wala ng iba!

Mabilis kong kinuha ulit ang aking cell phone at tinawagan ang numero ni Chance. Pero ganoon na lang ang pagkamangha ko dahil cannot be reach na iyon!

What the hell?

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at mahigpit na hinawakan ang aking cell phone. Maybe low bat lang siya or something. Tatawag din siya. I'm sure, he will call me.

Ilang sandali kong pinayapa ang aking sarili bago bitiwan ang cell phone at ipatong iyon sa nightstand. Alam kong hindi matatapos ang gabi at tatawagan niya ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at wala sa sariling ngumiti sa pag-alala pa lang sa gwapong mukha ni Chance Daniel.

Pupungas-pungas akong bumangon kinaumagahan. Natutop ko ang aking noo dahil sa sobrang sakit noon. Sinilip ko ang desk clock at ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtanto ang oras.

Shit, I'm late!

Nagmamadali akong bumangon at dumiretso sa banyo. Kailangan kong pumasok ng maaga! May group reporting kami at hindi uubrang wala man lang briefing bago mangyari iyon!

Matapos maligo ay mabilisan din akong nagbihis at tamang nagsuklay na lang. Ni hindi ko nagawang patuyuin ang aking buhok dahil male-late talaga ako sa usapan ng mga kagrupo ko!

Pagbaba sa unang palapag ay naabutan ko sina Mommy at Daddy na naglalambingan sa sofa. Panay ang impit na tawa ni Mommy habang marahang hinahalikan ni Daddy ang punong tainga niya. Jeez... Kung puwede lang siguro kami masundan ay baka ginawa na nila.

"Ehermm..."

Agad naman silang lumingon sa akin. Halatang nahihiya si Mommy dahil na rin sa pamumula ng kanyang mga pisngi. Si Daddy naman ay kumindat lang sa akin at ngumiti.

After all these years, I witnessed how their love had grown. I wanted that kind of love for myself. At sobrang suwerte ko talaga dahil alam kong natagpuan ko iyon kay Chance.

"I need to go," paalam ko pa sabay senyas sa pinto.

"Hindi ka muna ba mag-breakfast, Sweetheart?" Si Mommy.

"Hindi na, Mommy. Sa school na lang siguro. Si Kuya nakatawag ba?"

"Nakatawag naman kagabi. Mukhang okay naman. Dalawin ko na lang siguro sa condo niya mamaya. Uuwi ka ba rito mamaya?"

"Baka po hindi muna ulit. Marami po kasi akong ginagawa sa school."

"Could you check your brother for us, Sweetheart?" Si Daddy.

Alam kong nag-aalala pa rin siya para sa aking kapatid. At kahit pa alam kong pinatigil na siya ni Kuya sa paghahanap kay Ate Jordan ay itinuloy pa rin niya iyon. Hindi nga lang siguro alam ni Kuya iyon.

"I will, Dad. I really need to go." Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Ipa-drive kita Spencer?" tanong pa ni Dad.

"Hindi na po, Dad. Ako na lang po," tanggi ko sabay kaway na rin sa kanila.

Sobrang late na ako!

Halos twenty minutes din akong late sa meeting. Kahit pa inis na inis ay wala ni isa sa kanilang pumuna sa akin. Though, alam ko naman ang rason. Takot silang mapatalsik sa school. For most times, favorable na kilala ang pamilya namin dahil na rin sa respetong nakukuha namin sa ibang mga estudyante kahit pa hindi namin hinihingi ni Kuya. Sometimes it sucks dahil alam kong napipilitang makitungo ng maganda ang iba kahit pa hindi nila gusto.

"OMG, have you seen this?" gulat na sabi pa ng kaklase kong si Susana habang nakatitig sa cell phone nito.

Nagkukumarat namang lumapit ang iba kong ka-grupo at nakiusisa sa kung anumang ikinagulat ni Susana.

Wala ako sa sariling humugot ng malalim na buntong hininga at tinitigan ang cell phone ko. Wala pa ring tawag mula kay Chance.

Anong nangyari roon?

Nang mag-angat ako ng tingin ay ganoon na lang ang gulat ko nang matantong nakatingin silang lahat sa akin.

"Have you seen this, Kirs?" tila natatakot pang tanong ni Susana.

"Ang alin?" Kumunot ako.

Nag-aalangang lumapit sa akin si Susana at ipinakita ang kanyang cell phone.

Post iyon ni Chance!

Nagtatanong akong tumingin kay Susana, pero sa halip na sumagot ay pinindot lang niya ang play video. Hindi ko pa man alam ang kabuuan noon ay nanlalamig na ang aking buong katawan. Something was off. Kaya't iginayak ko na rin ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko gustong makita.

Kuha iyon sa club. May mga naghaharutang mga babae na nakalalamang na kaibigan ni Elma. Nakaupo lamang si Chance na pangiti-ngiti habang pinapanood ang pag-ikot ng bote sa table. They were playing truth or dare.

Maingay sa lugar at halos hindi ko marinig ang ibang pag-uusap nila. Puro sigawan at tuksuhang hindi ko maintindihan. Nang tumapat ang bote kay Elma ay nagsigawan ang karamihan ng mga kaibigan nito. Mapula na ang kanyang mga pisngi at mukhang nakainom na.

Truth or dare?

Elma: Hmm... dare.

Kiss someone special on the lips! With tongue, huh!

Napuno ng tawanan ang buong paligid. Maging ang nagbi-video ay sumisigaw.

Grabeng dare 'yan! May tongue talaga! reklamo pa ni Elma.

Naduduwag ka na?!

Muli silang nagtawanan sa usapang mukhang nagkakaunawaan naman sila. Pangiti-ngiti rin si Chance at paminsang naiiling.

Ano? Suko na?

Fine! Wala kayong mapagtripan, e, 'no? natatawang maktol pa ni Elma at iiling-iling na tumayo.

Nang maglakad palapit si Elma kay Chance ay halos magwala na rin ang nagbi-video. Sobrang galaw noon, pero kahit papaano ay nakikita pa rin naman ang kinukuhanan noon.

Sa wakas! It's about time, Elma! sigaw pa ng nagbi-video.

It's about time? Kumunot ako at muling itinuon ang atensyon sa video.

Elma! Elma! Elma!

Nang tuluyan siyang makalapit kay Chance ay hinila niya ito para tumayo. Gumuhit ang gulat sa mukha ni Chance kahit pa nakangiti. May kung ano itong ibinulong kay Chance dahilan para bahagya itong umiling.

Sunggaban na 'yan, Elma! sigaw ulit ng nagbi-video.

Sumeryoso ang mukha ni Chance at bahagyang kumunot. Muling nagsigawan ang mga barkada ni Elma at nanukso. Ilang beses na umiling si Chance na para bang inaawat ang mga ito. Pero bandang huli ay tumango ito at natatawang nagkamot ng ulo.

At ganoon na lang ang gulat ko nang tumingkayad si Elma sabay kabig sa batok nito.

She kissed him.

Literal na nanginig ang aking mga kamay.

"Kirsten..."

Hindi ko na alintana kung sinuman ang tumawag sa pangalan ko sa mga ka-grupo ko. Ilang beses akong kumurap at pinaglabanan ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.

Umalun-alon na ang kuha sa camera na para bang nagtatalon din ang nag-video. Saglit na nawala sa kuha sina Chance at Elma. Nang bumalik iyon sa dalawa ay nakatalikod na si Chance at natatakpan si Elma. Nakakapit pa rin si Elma sa batok ni Chance at kung titingnan ay parang naghahalikan pa rin sila.

Ituloy n'yo pa 'yan! sigaw ulit ng nagbi-video na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari.

They were kissing.

Naputol na rin iyon sa eksenang nakatalikod si Chance at mukhang hawak niya sa baywang si Elma habang naghahalikan.

Mabilis kong pinalis ang luhang naglandas sa aking mukha. Nanginginig kong ibinalik ang cell phone kay Susana na hindi ko masabi kung naaawa ba o papaano.

"Restroom lang ako," paalam ko sabay mabilis na tumalikod upang ikubli ang luhang hindi ko na maawat.

I couldn't believe this. Kaya ba hindi na siya nagparamdam sa akin kagabi dahil abala sila ng Elma na iyon? Nagtiwala ako sa kanya, pero anong ibig sabihin nang nakita ko?

Nagpalinga-linga ako at pilit na hinanap ang mukha ni Yuri sa karamihan ng mga estudyante. I wanted to talk to someone. At si Yuri lang ang mapagkakatiwalaan ko.

Umalon ang aking balikat at hindi na napigilan ang pagbagsak ng luha. Hindi ko naisip na magagawa ito ni Chance.

Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na restroom at doon ibinuhos ang aking luha. Malinaw man ang nilalaman ng video ay gusto ko pa ring marinig ang side ni Chance.

Pero ano nga bang possibleng dahilan niya para mapawi lahat ng sakit na nararamdaman ko? Would I believe him? Would I?

May kung ilang minuto rin akong nagkulong sa cubicle bago magpasyang lumabas. Humarap ako sa salamin at nakita ang namumugto kong mga mata. Halatang kagagaling ko lang sa iyak. Mabilis akong naghilamos ng mukha at muling inayos ang aking sarili. Kailangan naming mag-usap ni Chance. Hindi makabubuti kung huhusgahan ko kaagad siya.

Bago pa man ako makalabas sa restroom ay tumunog ang cell phone ko.

Unknown number.

Nag-aalangan man ay agad ko iyong sinagot.

Baby girl?

"Chance?"

I am so sorry, Baby Girl. Nawala ang cell phone ko kaya hindi na ako nakatawag sa'yo kagabi. Hindi ko alam kung saan napunta. Hindi naman kita matawagan sa landline ng ganoong oras. Where are you?

"Nawala ang cell phone mo?" Kumunot ang aking noo. Siya ang nagpost ng video!

Yeah. Hindi ko alam kung saan nalaglag. Mamaya ko na lang i-trace sa laptop.

"You posted a video, Chance."

Video? Base sa boses niya ay para bang nagtataka siya. Anong video naman iyon?

"Why don't you just check your account, then."

Okay, I will. Kaya lang ay paano mabubuksan iyon? Nakaset-up ang security noon...

"I need to go. May group reporting pa kami."

Are you okay, Baby Girl? May dinaramdam ka ba?"

"I just need to go. Later, Chance," malamig ko pang sabi sabay baba ng cell phone. Ni hindi ko na hinintay na makapagpaalam siya.

Hindi ko pa rin alam ang dapat na isipin sa nangyari. Account niya ang nag-post ng video. Siya lang ang may access sa account na iyon. Pero what if hindi nga siya ang nag-post noon?

Ugh! Kirsten!

I need to stop thinking about it right now. Ang group reporting na muna ang dapat kong pagtuunan ng atensyon at wala munang iba.    

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...
87.5K 1.7K 13
A guy who's afraid of commitment... and the girl he loves the most. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (Twitter)
903K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.