CRAZY IN LOVE

By fedejik

1.6M 50.6K 2.1K

Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan... More

Crazy in Love
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue

Chapter 26

29.4K 1K 31
By fedejik

Chance

I really hated that guy. What the fvck am I going to do to get rid of him?

Fvck.

But I couldn't ruin this day. I needed to do something for Tyrone before I fall apart.

Saglit kong kinalma ang aking sarili bago magdesisyong puntahan si Jordan sa kwarto nila ni Kirsten. Aayusin ko muna ang gusot nina Tyrone at Jordan bago ko ayusin ang sa akin. I just hoped that Johan wouldn't make a move on her because I would fvcking kill him.

"Jorge, let's eat! Come on!" sigaw ko pa habang kinakatok ang pinto.

"Sige! Nand'yan na!" sigaw din naman niya pabalik.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga habang naghihintay na magbukas ang pinto. I needed to pull myself together. Hindi ako dapat magpadala sa inis dahil kung hindi ay mapapansin iyon ni Ty.

Nang umikot ang seradura ng pinto ay mabilis akong ngumiti nang malapad.

"Damn, girl. I'm starving! Puro sea foods ang kakainin natin!" masayang bungad ko pa kay Jorge na noon ay sobrang pula ng mga pisngi.

"Oo nga. Gutom na rin ako," maagap na sagot din naman niya sabay naghimas ng tiyan.

Pero agad din akong natigilan nang mamataan si Tyrone sa likuran na Jorge na sobrang seryoso ng mukha. Nagpigil akong ngumiti dahil hindi pa man ay parang nahuhulaan ko na ang nangyayari.

I could smell success already.

Pussy whipped, Tyrone Greene.

"Oh, dude, tara, kumain na tayo," kaswal na kayag ko pa.

"Yeah." Seryoso lang siyang tumango at walang kibong naglakad palabas ng pinto.

Hindi ko napigilan ang ngumisi kay Jorge na tipong nanunukso at agad naman niya akong kinurot sa tagiliran. Naiiling akong tumawa nang malakas habang nagdudumilat naman ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin.

"Parang kiss lang nagagalit na!" biro ko pa na lalong nagpapula sa mga pisngi nito.

Saglit na natigilan sa paglalakad si Ty. I was expecting that. Pero bandang huli ay nagdiretso pa rin siya sa paglalakad pababa sa unang palapag.

"Lakas ng tama mo!" halos pabulong pang sita niya.

"Push his buttons, right?" natatawa ko pang sabi sabay akbay sa kanyang balikat.

"Nakararami ka na, huh?!" naniningkit pang sita niya.

"You'll thank me after this, Jorge. Believe me," sigurado pang sabi ko bago hilahin siya pababa sa kusina.

Alam kong kaunti na lang ay mapapaamin ko rin ang lokong iyon. Kaunting-kaunti na lang.

********
Kirsten

Nakaupo na halos lahat sa dinner table nang dumating si Kuya kasunod ang magkaakbay na sina Chance at Ate Jordan. That sight alone made me so broken-hearted. Nanghihinayang ako dahil kahit pa bagay naman sila ni Chance ay mas gusto ko pa rin siya para kay Kuya.

I didn't think I'll ever like the idea of Chance having a girlfriend.

Not for Ate Jorge.

Not for anyone.

Nang bumaling ang titig sa akin ni Chance ay agad din akong nag-iwas ng tingin at sa halip ay kay Johan ko na lang ibinuhos ang aking buong atensyon.

Johan was telling me stories about himself. I tried to give him my full attention, but Chance's stare was making me feel uncomfortable. Hindi ko man siya direktang nakikita ay nasisiguro kong pinapanood niya kami ni Johan. Though, it made me feel uncomfortable, my heart was enjoying it. I would like to think that he was jealous.

Or was he?

"I think I wouldn't last long," bulong pa ni Johan sabay pasimpleng sumulyap kay Chance na noon ay nakatayo sa veranda kausap ang barkada niya, pero ang buong atensyon niya ay nasa amin ngang dalawa. "He's throwing me daggers in his mind," natatawang dugtong pa niya at hindi ko rin naiwasan ang matawa.

"O.A. naman n'yan!" Umirap ako at muling sumulyap kay Chance na nagtaas pa ng kilay. Umismid ako at mabilis ding nagbawi ng tingin.

"He will kill me. I'm pretty sure about that," natatawang bulong pa rin niya.

Hindi ko napigilang humagikhik at hinampas siya sa balikat. Sumimple ulit ako ng tingin kay Chance na seryoso pa ring nakatitig sa aming dalawa ni Johan.

Matapos naming makakain ng late lunch ay muli kong kinayag si Ate Jordan sa kwarto para magpalit ng pang-swimming. I'd been very excited about this. Sa tinagal-tagal naming magkasama ni Chance ay ngayon lang ulit niya ako makikitang naka-swimsuit. Ngayong nawala na ang baby fats sa aking katawan, I was hoping he would appreciate what he was about to see.

"Oh, no, Ate Jordan. You're not wearing that," naiiling ko pang sabi kay Ate Jordan na noon ay nakasuot ng t-shirt at shorts. Kahit pa possibleng mas maganda ang kanyang katawan kaysa sa akin ay ayoko pa ring mapag-iwanan siya nila Tarah.

"Okay na 'to. Komportable ako rito," naiiling pang aniya.

"No way, Ate Jordan. No way!" matigas na tanggi ko pa sabay hakbang palapit sa aking closet at humugot ng bikini. Inihagis ko iyon sa kanya at nang masalo ay nanlalaki naman ang mga mata niyang napatitig doon. "Wear that," nakangiti ko pang utos bago maghubad ng aking suot na damit. Kulay baby pink na string bikini ang napili kong swimsuit. I really loved pink.

"Hindi ko kayang magsuot ng ganito!" protesta pa niya.

"I am not leaving here, kapag hindi ka nagpalit," banta ko pa habang itinatali ang aking bikini.

"Kirsten, hindi ko nga kaya isuot 'to!" nakasimangot na reklamo pa niya.

"Ay nako, Ate. Ayaw mo bang maglaway sa'yo si Chance Daniel?" pabirong tanong ko pa, pero hindi ko kayang itanggi ang sakit na dulot ng tanong na iyon.

"H-indi naman kailangan," nahihiya pang aniya sabay iwas ng tingin.

"I know. Pero mainam na rin na hawak mo siya sa leeg, 'di ba? Remember, may kasama tayong mga single na babae rito. Hindi tayo patatalo sa kanila, okay? So, change!" pagpipilit ko pa sabay lapit at hila sa t-shirt niya para hubarin sana.

"Fine! Fine! Ako na, okay? Haist! Ang kulit!" Mabilis na pag-iwas pa niya. Hindi ko napigilang mangiti sa kanyang reaksyon.

"Good!" sabi ko pa sabay rampa sa kanyang harapan.

Nagmamadali naman siyang pumasok sa comfort room habang ako naman ay sinisipat ang aking sarili sa salamin. Wala ako sa sariling napangiti sa aking repleksyon. Ang laki rin talaga ng ipinayat ko simula nang mag-diet at mag-gym ako. Medyo chubby kasi ako noon. At kahit pa cute na cute sa akin si Chance Daniel noon ay hindi ko pa rin masabing satisfied siya sa katawan ko.

Magustuhan na kaya niya ang makikita niya ngayon? I hope so...

Lumapit ako sa bintana at tinanaw si Chance Daniel na positibo ngang nandoon na beach side at nakikipagkuwentuhan kila Kuya.

"Hey, Ate, nilulumot na ako rito!" malakas na sigaw ko pa.

"Oo na!"

Wala ako sa sariling bumuntong-hininga habang nakatitig sa gwapong mukha na iyon ni Chance. Kung mayroon man sigurong nabago sa kanya, iyon ay higit na mas tone ang kanyang katawan. May six pack abs na rin siya kagaya ng kay Kuya. Though, kahit naman yata wala noon ay hindi pa rin mababawasan ang kagwapuhan niya.

"Ate Jordan, nasa labas na sila, o! Dalian mo na diyan!" sigaw ko ulit lalo na nga't parang walang balak siyang lumabas ng banyo.

Matapos ang ilang saglit ay lumabas na si Ate Jordan suot ang white bikini. There was no doubt that my brother would be drooling over her... and so was Chance.

"Definitely Chance Daniel will be all over you," I said bitterly.

"W-ala ka bang one piece na lang?"

"Tss... wala. Let's go! You look so hot in it." Nakangiti ko siyang hinila sa kamay sabay hablot din sa naka-ponytail niyang buhok. "You should get rid of this." Mabilis iyong sumabog at mas lalong bumagay pa iyon sa kanyang suot. She's really hot and beautiful. At sana ay ganoon rin ang maging tingin ni Chance sa akin.

Umiling lang siya sa akin. Nakangiting kinagat ko ang aking labi bago siya hilahin palabas ng kwarto.

The hot breeze of air coming from the sea greeted us. Saglit kong nilingon si Ate Jordan na hindi pa rin maipagkakaila ang sobrang pagkailag sa suot. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay dahil pakiramdam ko ay tatakasan niya ako kapag nakakuha ng pagkakataon.

Pasikreto akong ngumiti kay Kuya na hindi mapalis ang tingin kay Ate Jordan, kahit pa hindi ko man direktang nakikita ang kanyang mga mata sa suot na Aviator. I just knew that he was looking.

"Wow..." manghang bungad pa ni Chance na kagat-labi pang tumitig kay Ate Jordan. Now, that hurts. Hindi man lang niya ako napansin. "You're so beautiful, Jorge," aniya habang hindi pa rin maalis ang titig rito.

"T-hanks," nahihiyang sagot naman din ni Ate Jordan na halos magkulay mansanas sa pula ang mga pisngi.

Chance was topless and his board shorts hanging dangerously on his hips. Damn, he's gorgeous. Hindi man siya puro muscles ay athletic ang hubog ng kanyang katawan. Enough to swept me off my feet. He was wearing a thin gold necklace that looked familiar. Nang saglit na ibinaling niya ang tingin sa akin ay literal akong napalunok kasabayan nang malakas na kalabog ng aking puso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sabay bitaw na rin sa nanlalamig na kamay ni Ate Jordan.

"Kirsten!" Exactly whom I needed.

Bumaling ako kay Johan na sobrang lapad ng ngiti at hindi rin naman pahuhuli sa hotness ni Chance. He was also topless and wearing a navy blue board shorts.

"Hey, Johan!" nakangiting bati ko, completely ignoring Chance's presence. "Are you enjoying the beach?"

"It's better, now, that you're here," makahulugan pa niyang bitaw ng mga salita. I almost rolled my eyes. Magaling din umarte ang lalaking 'to. Though, it sounded real. Well, maybe, it was real.

"Ate Jordan, enjoy ka lang, huh," paalam ko pa nang hindi tinatapunan ni katiting na tingin si Chance. Wala akong pag-aalangang kumapit sa braso ni Johan papunta sa pinakamalapit na sun lounger.

"I'm gonna die here, Kirs," natatawang sabi pa ni Johan habang pasimpleng sumusulyap sa kinalalagyan ni Chance. He's wearing an Aviator, but he seemed right. Mukhang nakatingin siya sa amin ni Johan.

"What made you think so? Nakita mo naman kung papaano niya bantayan si Ate Jordan," nakairap pang sabi ko sabay pasimpleng tingin din kay Ate Jordan na ngayon ay kausap si Kuya.

"Sa iyo siya nakasubaybay, Kirs," siguradong sabi pa niya.

"You think so?"

"I am dead sure," sigurado pa rin niyang sagot. "If only looks could kill," natatawang sabi pa niya. "Ano pa bang inaalala niya? Ang Kuya mo? Mukhang wala naman sa hitsura ni Ty ang kokontra pa sa inyo."

Sa halip na magkomento pa sa sinabi niya ay nagkibit-balikat na lang ako. Kung mayroon mang nakaaalam ng rason ay si Chance iyon.  

Continue Reading

You'll Also Like

763 66 5
I'm Prince Lazlo's number 1 and ultimate fan. From his favorite color down to the last meal he ate, alam ko. Pati yata bilang ng eyelashes ng gwapo a...
2.8M 40K 39
Sanay ng hinuhusgahan, wala nang pakealam si Peach sa kahit sino pero bakit kapag si Keith Dale Choi na ang gumawa nito ay nasasaktan siya?
255K 8.5K 78
My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin...
524K 13K 23
What happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well...