Back in 1763

By midoriroGreen

138K 4.9K 931

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Nagseselos
Isla
X
Isang Pangako
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Ang Habulan sa Gubat (2)

2.6K 133 7
By midoriroGreen

This is very unexpected!

Lahat kami ay tumingin kay Radleigh kanina upang malaman namin ang plano niya.

I admired the way he act despite this dangerous situation.

Kalmado lamang siya at talagang mukhang pinag-iisipan niyang mabuti ang gagawin.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang seryosong nag-iisip. Kung kanina ay kinabahan ako ng marinig ang tunog ng paparating na mga kabayo ngayon ay hindi na.

I know that Radleigh will do something.

Kaya nagulat talaga ako ng magsalita siya.

" Lahat kayo umakyat sa mga puno ngayon din!" May diin niyang sinabi.

Nakita ko sa mga gilid ng mata ko na sinunod na ng iba ang utos ni Radleigh.

Wtf. Ano daw? Umakyat sa puno? Ha! Akala ko may brilliant idea siya!

Magrereklamo na sana ako lalo na at paano makakaakyat si Meldina eh hinang-hina pa siya.

Pero natigilan ako dahil nakita kong pinagtulungan na siyang iakyat sa isang puno na may kalakihan pero medyo pahiga ang pagkakatayo.

Okay. Now what? Mayayabong ang mga dahon ng mga puno dito sa kagubatan kaya hindi nga naman kami kita ng mga humahabol sa amin kung aakyat kami ngayon dito.

Lahat ay nakaakyat at nakatago na sa kanilang piniling mga puno. Mas lalong naging malapit na rin ang tunog ng mga yapak ng kabayong naririnig ko.

Kami ni Radleigh na lang ang natitirang nakatayo dito sa baba.

Nilingon ko si Radleigh na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin.

" Acilegna, bakit hindi ka pa umaakyat?" Nagtataka niyang tanong perong parang may halo ring pagbabanta.

"Ah. Hehe . Radleigh naman, paaakyatin mo ako sa higanteng mga puno na yan eh ang haba kaya nitong saya ko." Nakita kong medyo gumalaw ang mga panga niya sa sinabi ko.

Eh totoo kaya na nahihirapan ako sa suot ko ngayon. Lalo na kanina noong tumatakbo kami.

Pero suot ko naman iyong pantalon ko na suot ko noong unang beses akong napunta rito.

Gusto ko sanang punitin na lang ang mahaba kong palda kanina pero wala na kaming oras.

Pero kung aakyat ako ngayon na ganito ang suot ay lalo akong matatagalan.

Magsasalita pa sana si Radleigh pero hindi niya naituloy dahil mabilis kong hinubad ang baro at sayang suot ko.

Narinig ko rin ang singhapan ng mga nakaakyat sa puno.

Hmp. Duh! I'm wearing my t-shirt and pants underneath so what's the big deal?

"Acilegna!" Malamig ang boses ni Radleigh ng binanggit niya ang pangalan ko at medyo kinabahan ako dahil doon.

"A-ano?"

Nagsalubong ang mga kilay niya sa galit.

Hindi ko alam kung bakit.

Kinabahan ako lalo ng lumapit siya sa akin.

Bigla niyang kinuha ang mga damit na hawak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Akala ko kung ano ng gagawin niya eh.

"Kaya mo bang umakyat?" Malumanay na tanong niya sa akin ngayon.

Oh Radleigh . Bakit ka ganyan?

Nanlalambot ang mga tuhod ko sa tono niyang sobrang rahan pero nagawa ko paring tumango.

I know how to climb a tree. That's easy. Kaya ko ngang akyatin ang mataas na pader at gate ng lumang mansyon na na katabi ng bahay ni lola Maya eh.

Mabilis akong umakyat sa isang puno na malapit din sa inakyatan nina Polaris at Mang Delfin.

Nakita kong sumunod sa akin si Radleigh habang pasan ng balikat niya ang mga damit ko.

Agad pinatay ni Mang Delfin ang sulung hawak niya ng marinig namin ang halinghing ng mga kabayo.

They're here already!

Pero hindi pa tuluyang nakakaakyat si Radleigh.

Sobrang dilim ng paligid. Walang buwan o bituin ngayon sa kalangitan.
Purong kadiliman lamang.

"Radleigh...." Mahinang anas ko pero napatahimik ako ng marinig ko ang
pag "shhhh" sa akin ng iba.

Ibig sabihin ay tumahimik daw ako.

Eh paano si Radleigh. Hindi pa siya tuluyang nakakaakyat.

Muntikan na akong napasigaw ng may biglang humawak sa baywang ko pero bago pa ako makagawa ng ingay ay may isang kamay ng tumakip sa bibig ko.

"Shhhh. Ako ito , binibini." Masuyong bulong sa tainga ko ang nagpakalma s akin.

Sobrang hina ng bulong na iyon at alam kong ako lang ang nakarinig.

But it calmed me.

Pero paano siya nakaakyat dito ng hindi ko namamalayan. Wala rin akong narinig na kaluskos na palatandaan na umaakyat siya.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Sobrang sanay siyang umakyat.

Hindi pa rin inaalis ni Radleigh ang kamay niyang nasa bibig ko.

Pero hinayaan ko na siya ng ganoon. I feel comfortable na nakahawak siya sa akin ngayon.

"Hya! Hoo hoo!" Napatingin ako sa baba ng biglang nagkaroon ng liwanag.

May dalawang nakakabayong dumating.

Isang babae at isang lalaki.
Tumalim ang mata ko sa dalawa.

Tss. Ang dalawang nanakit sa akin!
Iyong babae ay ang bansot na sumuntok sa akin samantalang ang lalaki naman ay si Osting na sumampal sa akin.

Humanda sila. Feel ko makipag-away ngayon.

"Shhhh." A whisper from the man behind me calm me again.

Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang mga kamao ko sa galit at napansin iyon ni Radleigh.

Kaya naman ang kamay niyang nakahawak sa bibig ko ay inilagay niya sa mga kamao ko.

Napatingin muli ako sa baba ng nagsalita ang bansot na babae.

" Osting! Ano iyong nasa tabi ng ugat ng punong iyon!" Kinabahan ako ng ituro ng babae ang puno kung nasaan kami ni Radleigh.

Shit! Nakita ko sa baba ang kulay puting blusa ko. Nahulog ata iyon ni Radleigh kanina ng umaakyat siya dahil walang ilaw.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Radleigh sa tabi ko.

"Patawad..." Sa sobrang hina ng sinabi niya ay halos di ko na narinig.

Hinawakan ko ang kamay niyang kanina ay nakahawak sa nakakuyom kong kamay para pakalmahin ako.

Ngayon ay ako naman ang humawak sa kamay niya para iparating na ayos lang.

"Mayumi, isa itong blusa. At naalala ko na ito ang suot ng babaeng iyon kanina, kahapon, at kahapon ng kahapon ."

Wtf. Bubugbugin ko talaga ang Osting na ito kapag may pagkakataon.

Kailangan ba niyang ipoint out na di ako nagpapalit ng damit.

Pinakiramdaman ko kung tatawanan ni Radleigh ang kaalamang hindi talaga ako nagpalit ng damit ng ilang araw. Pero wala naman siyang reaksyon.

Bigla na lang siyang naging tahimik.

Nakakahiya pala na sobrang lapit niya sa akin ngayon dahil baka sobrang baho ko na. Huhu. Buti pa siya ang bango bango niya . Sobra

" Baka patibong iyan Osting. Ang tanga naman ng pangit na iyon kung mag-iiwan siya ng palatandaan na dito siya dumaan."

I gritted my teeth. How dare this bansot girl to insult me in front of Radleigh!

" O baka naman hindi pa siya nakakalayo at nandito lang sa tabi-tabi. Nagtatago..." Makahulugang sabi ulit ng babae na tinawag na Mayumi ni Osting.

Tumingin si Mayumi sa taas ng mga puno kung saan kami nagtatago at halos matigil ang paghinga ko ng itinutok niya ang panang hawak niya sa banda kung saan kami nagtatago.

Napahawak ako ng mahigpit kay Radleigh at nagulat ng ihinarang niya ang katawan niya sa katawan ko.

Hindi kami kita dito sa taas ng puno dahil sa mga dahon at hindi rin abot ng liwanag ng sulong dala ng mga kalaban kung nasaan kami.

Kaya imposibleng malaman ni Mayumi na may tao sa taas ng mga puno.

Nakahinga ako ng maluwag ng ibinaba ni Mayumi ang panang hawak niya.

"Pero hindi ako naniniwalang kayang umakyat ng babaaeng iyon sa mga puno kaya tara na Osting, baka hindi pa iyon nakakalayo." Sabi nung si Mayumi pagkatapos ay nauna ng pinatakbo ang kabayo.

Pinayuko ako ni Radleigh ng itinaas ni Osting ang kaniyang sulo at luminga-linga pa siya sa paligid. Tumingin din siya sa taas ng mga puno.

" Wala kayang mga engkanto rito?" May bahid ng takot na sambit pa ni Osting.

Napatakip ako ng tainga ng biglang may kwagong humuni malapit sa amin ni Radleigh.

Bigla namang umalis agad si Osting doon ng marinig ang kwago. Napamura pa ito.

Bigla ulit dumilim ang paligid at tumahimik na rin ang kwago.

Narinig namin ang yabag ng mga lumalayong kabayo.

Saka ko lang narinig ang maluwag na na paghinga ng ibang kasama namin.

Pero ang katabi ko ay masyadong tahimik pa rin.

"Ahmm. Ayos ka lang ba?" Mahina kong bulong sa kaniya.

Pero nagulat ako sa sinabi niya.

" Walang karapatan ang lalaking iyon na hawakan ang iyong kasuotan." Malamig at galit niya ring bulong niya.

Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

Ang possessive pala ni Radleigh....

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...