"THIS IS SO embarrassing," maktol ni Maki.
Humagikgik ako. "Shhh! Wag kang maingay. Nakikinig ako."
Pasado ala una na ng madaling araw. Madilim sa loob ng kwarto ko sa bahay kung wala ang kaluluwa ni Maki na kumikislap. Magkaharap kami dito sa kama. Pinag-aaralan ko ang anggulo ng kaniyang mukha habang nakasukbit ang dalawang head-set sa aking tainga, pinakikinggan ang record ng kaniyang boses habang binabasa ang kwento ni J.M. Barrie. Sa background, naririnig ko ang yabag ng mga pamangkin ni Maki at ang kahol ng aso. Pero patuloy pa din siya sa pagbabasa. Pakiramdam ko tuloy, katabi niya ako habang hawak ang libro sa kaniyang opisina, binabasa nang malakas.
Inabot ng hanggang anim na oras ang recording ng audiobook. Malapit ko na siyang matapos.
"Magbabantay ka pa sa Divisoria bukas," paalala ni Maki, "Itigil mo na 'yan."
"Teka. Matatapos na." Kausap ni Wendy ang anak niyang si Jane. Tinatanong ng bata kung bakit hindi na pwedeng lumipad ang nanay niya tulad ni Peter:
"Because I'm a grown up, dearest. When people grow up they forget the way."
"Why do they forget the way?"
"Because they are no longer gay and innocent and heartless. It is only the gay and innocent and heartless who can fly."
Kakaiba ang boses ni Maki sa record. Malayong-malayo sa terroristang Chinese na naririnig ng lahat. Perpekto ang pronunciation. Buo sa imahinasyon ko ang Neverland sa bawat bigkas ng mga salita. At para akong lumilipad sa alapaap habang binubuhay ni Maki ang libro. Tama siya. Maganda ang audiobook.
Inalis ko ang headset at sinarado ang Apple iPod Shuffle nang matapos ko ang recording.
"Sa tuwing pupunta ka sa 156 Shopping Mall para maningil ng renta," tanong ko sa kaniya, "Palagi mong dala ang iPod sa bulsa mo?"
Ngumiwi siya, senyales na hindi siya komportable sa tanong ko. Tumango siya nang dahan-dahan, gumalaw ang anino sa kwarto na nililikha ng kislap ng kaniyang kaluluwa. "Naalala mo ba ang araw na pinagalitan ko si Lolo Pepe kasi wala siyang pambayad? Nang makita kita sa tapat ng bakery ni Lolo, bigla kong kinapa ang iPod. Maglalakas loob sana ulit akong ibigay sa 'yo kaso...nakita mo ang ginawa ko kay Lolo Pepe. Nagalit ka ata. Kaya nanlumo ako. Mukhang hindi ko na naman mabibigay sa 'yo."
Kaya pala niya tinanong sa akin noon sa tindahan ko kung takot ba ako. Galit ba ako matapos kong nakita ang ginawa niya sa foodcourt. Kaya pala siya parang nanlumo habang lumalabas ng tindahan ko. Tumawa ako. "Ilang beses kang sumubok na ibigay 'to sa akin pero hindi natuloy?"
"Honestly? I can't remember. There were so many times I took a step back."
"Well... Thank you. I know you know how much I love hearing your voice reading my favourite book."
Umangat ang isang sulok ng labi niya.
"Do you know why this is my favourite?" tanong ko sa kaniya, "Ito ang unang libro na binasa ko noong bata pa ako. Dito ako natutong magbasa. Sa totoo lang, first love ko si Peter Pan."
"I know."
"Pero tumanda ako tulad ni Wendy. Tapos parang naging malayong memorya na sa akin ang kwento. Ngayong matanda na ako, hindi na parehas ang level of appreciation ko kay Peter. Ang lungkot isipin na parang...nakalimutan ko na din kung paano lumipad."
Ngumiti si Maki nang pagak.
"Ganoon din kaya ang mangyayari sa 'yo, Sir Maki? Kailangan mong bumalik sa katawan mo. Kailangan niyo ang isa't-isa para mabuhay. Kapag bumalik ka na...makakalimutan mo din ba ako?"
Nandoon ang kirot matapos kong mapuna. Simula nang gumising ang katawan niya sa coma, hindi na kasing liwanag ang kaniyang kaluluwa. Humikbi ako sa dilim.
"Sa tingin ko, simula nang gumising siya, madalas ang panghihina ng liwanag ko. Iniisip ka niya at kumakalat ang init sa buong katawan niya. May nararamdaman siya at hinahatak niya ako pabalik. Kailangan niya ako para mahalin ka."
"Once you go back...will you remember everything?"
"Does it matter? With my body and soul, I love you. Gagawa tayong dalawa ng marami at panibagong alaala."
Pumikit ako nang mariin.
"And if I don't remember anything, here's what you should do: smile for me."
Perhaps, nothing was more poetic than this: his soul loved me more than his body could ever fathom.