CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 17.2.2

414K 7.1K 615
By fedejik

#JorTyNotMeantToBe?  :( 

********

CHAPTER 17.2.2

Jordan

Kaya naman hindi na rin kami nag-aksaya nang oras at bumaba na rin kami sa may garden. Ang dami na ring bisita at halos hindi magkamayaw si Kirs sa pagbati sa mga bisita nilang wala akong nakikilala ni isa. Ipinapakilala rin niya akong girlfriend ng kapatid niya at halos lumubog ako sa hiya. Hindi ko kasi alam kung mapanuri ba ang titig o humahanga. Para kasing wala akong mabasa sa mga reactions nila. Hindi ko rin maiwasan ang mapabaling paminsan-minsan doon sa banda na tumutugtog sa nakaset-up na stage, dahil para kasing artista, pero hindi ko naman makilala. Kung sabagay, sa sobrang abala ko sa buhay, wala na nga akong nakikilalang artista. Puro pakikinig lang ng music ang alam ko at mahilig din talaga ako sa music.

"O-oh... naunahan na tayo ni Tiff. Faster, sis!" Agad pa akong hinila ni Kirs palapit kay Ty na abala sa pakikipag-usap, habang si Tiffany ay naka-angkla sa braso ng boyfriend ko. OA na kung OA, pero hindi maganda sa pakiramdam na may ibang babae na humahawak sa kanya. Ayoko!

"Kuya!" malakas pang tawag ni Kirs at dahilan 'yun para mapabaling ang tingin sa amin ni Ty. Agad kong nasalubong ang gulat niyang mukha habang nakaawang ang labi. Nagagandahan kaya siya?

"Happy Birthday, Kuya!" Agad pang hinalikan ni Kirs si Ty sa pisngi.

"Thanks, Kirs." Saglit siyang tumingin sa kanyang kapatid, pero agad ding bumalik ang titig niya sa akin.

"Happy Birthday, Ty..." nahihiyang bati ko pa at mabilis na tinanggal ang pagkaka-angkla ng kamay ni Tiff sa kanyang braso. Gulat na napatitig sa akin ang haliparot, pero agad din iyong napalitan nang pagkadismaya.

"Wow, you look stunning, Mahal ko," manghang sabi pa niya.

Hindi ko naiwasang ma-concious sa kanyang pagtitig. Mabilis na umakyat ang init sa aking pisngi dahil halos lahat nang nakapaligid sa amin ay parang sa aming dalawa nakatingin.

"T-thanks..." Napatitig lang din ako sa napaka-gwapo niyang mukha. Kahit naman ano ang isuot niya ay walang nababago sa hitsura niya. Naka-black tux siya at mas lalong nagmukha siyang prinsipe sa suot niya.

"You can't just stare at me like that. You have to kiss me," nang-aakit pang sabi niya. Ang landi ng lalaking 'to!

"Puro—"

At ni hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil agad na niya akong hinalikan nang mariin sa lips!

"So beautiful..." nakangiting sabi niya sabay akbay sa akin. Agad kong nahagip nang tingin ang nagpipigil nang ngiti na si Kirs at kumindat pa sa akin.

"I told you..." mahinang bulong pa ni Kirs at bahagyang napahagikhik. "Ang sweet! Inggit ako! Nasaan na ba kasi si Chance Daniel?"

Napailing lang ako at ni hindi pa ako makabawi sa ginawang paghalik ng siraulo kong boyfriend. Nakita kong napaatras nang kaunti si Tiffany at kuntodo simangot ang mukha. Sorry naman, dumating na ang girlfriend, e. Tsss...

Kung kani-kanino ako ipinakilala ni Ty, pero wala akong masyadong matandaan ni isa sa kanila. Nahihiya kasi akong makipag eye contact dahil pakiramdam ko ay nanliliit ako sa kanila. Ang iba ay kasamahan ng Dad niya sa negosyo at ang iba naman ay mga kamag-anakan. Parang ang yayaman nila sa asta at pananalita pa lang. At mukhang ako lang ang mahirap na nilalang na naligaw sa party na ito.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-ikot para makilala ang mga bisita. Tulad nang sabi ni Ty, hindi ako humiwalay sa kanya kahit na panay na ang matatalim na irap na tinanggap ko kay Tiffany! Tss, akin lang si Tyrone Greene. Feeling naman niya! Hmp!

"I need to change my inner, Mahal ko," aniya matapos makipag-usap sa ilang business partner ng Dad niya.

"Sige." Tumango ako at magkasalikop ang aming mga daliri nang pumasok sa loob ng kanilang mansion. Ang init-init nang panahon kaya paniguradong naliligo na siya sa pawis. Kung bakit kasi kailangan pa nilang magpaka-pormal nang ganoon? Ang mayayaman talaga.

May pailan-ilang tao sa loob ng mansion na agad naman ding tumingin sa amin. Tamang tumango lang si Ty sa kanila at nagdiretso pa rin kami sa elevator.

Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad na rin siyang naghubad nang pang-itaas at nagpalit nga muna. Saglit akong tumambay sa mini-sofa niya at napansin kong may digital album pala siya roon. Agad ko iyong kinuha at tumambad sa akin ang mga pictures nila kasama ang mga iba't-ibang tao na parang natatandaan ko rin ang mukha nang ibang na-meet ko sa party kanina.

"Uso pa rin pala ang album sa'yo?" nakangiting puna ko pa matapos na makapagpalit ng inner sleeve.

"It's not mine. It's my Dad's," simpleng sagot niya bago pumasok sa comfort room.

Nagpatuloy ako sa pag-swipe sa digitel screen nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha. Oh no... Hindi 'to maaari! Hindi puwede! Agad na nanginig ang buong katawan ko sa pagtitig sa mukhang iyon. Oh my God! Hindi puwede 'to!

Muli akong nagbuklat nang iba pang pictures, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon. Hindi kaya? Oh no! Shit! Hindi 'to maaari!

"Hey..." Agad akong napaigtad sa gulat nang nasa harapan ko na pala si Ty nang hindi ko namamalayan. "You look pale. Are you alright?" nag-aalala pang tanong niya at wala sa loob kong napatango lang at nagpigil na maiyak.

"S-sino 'to?" Itinuro ko pa ang picture ng lalaking katabi ng Dad niya.

"Hmmm, that's Wayne. Dad's business partner..." Mas lalong nanginig ang katawan ko sa pagkumpirma na 'yun! "He was his business partner... Why? Kilala mo ba siya?"

"N-no... familiar l-lang..." Bahagya pa akong umiling at mariin kog kinagat ang aking labi para pigilan ang emosyon. Oh no... Ty...

"His face is all over the news way back then. He tried to kill my parents. Last thing I heard, mukhang nabigyan ng parole."

Napalunok lang ako sa kanyang sinabi at ni hindi ko na nagawang makapagsalita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nagpigil na lang akong maiyak.

"Let's go, Mahal ko. Mamaya na lang kita rereypin," nakakalokong sabi pa niya at ni hindi ko nagawang mag-react nang maayos. "Are you sure you're okay?"

"Y-yes, nahihilo lang ako sa d-dami ng t-tao." Pinilit kong magsalita nang maayos pero nabasag pa rin ang boses ko. No. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. Hindi puwede!

"Look, you can just stay here for a while. Magpahinga ka muna at bumaba ka na lang kapag okay ka na..." Hinaplos niya ang aking pisngi at alam kong nagluluha na ang mga mata ko.

"P-puwede b-ba..?" Nanginginig na ang boses ko. Hindi ka puwedeng umiyak sa harap niya Jorge! Hindi puwede!

"Of course, Mahal ko. Gusto mo samahan muna kita rito hanggang maging okay ka na."

Umiling ako at pilit ko pa ring pinigilan ang maiyak.

"Nakakahiya sa mga bisita mo. Promise, bababa ako. M-magpahinga lang ako s-saglit."

Nag-aalalang tumitig lang siya sa akin bago marahang tumango.

"Just rest here, okay? I'll be back for you."

Tumango ako at mataman kong tinitigan ang mukha niya. Oh no, Jorge, 'wag ngayon!

"I love you." Mabilis pa niya akong hinalikan sa labi at tila alanganing lumapit sa pinto. "I'll see you later, Mahal ko."

"S-see you..." Tumango ako at tuluyan na niyang isinara ang pinto.

Kasabay nang paglalaho niya sa harapan ko ay ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

I'm sorry, Ty... I'm sorry, Mahal ko...

Continue Reading

You'll Also Like

85.4K 3.2K 21
HELLO Band Series 3: Riley has been chasing Crayon for years now. Pero hindi siya nakikita ng babaeng krayola na 'yon dahil ibang lalaki ang parati n...
30K 475 44
Si bianca coleen lincoln ay simpleng babae lamang natural ang kanyang ganda kaya't marami ding nakakapansin nito. Lagi syang active sa social media...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...
58.6K 3.4K 52
Barkada Series #3 Highest Ranks in Tags: #7 Confuse #7 Lesbian Story #6 WLW # 9 GL