CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 12.3.3

526K 7.7K 416
By fedejik

#CBTG

#JorTy

#NagalitSiTy

********

CHAPTER 12.3.3

JORDAN's POV (Cont.)

"Me neither!" masaya rin namang sang-ayon ni Kirsten. "So, how are you?!"

"I'm good, I'm good. Ikaw? Kailan ka pa nakauwi?"

"Last week lang. Alam mo naman, malapit na ang birthday ni Ty. I wouldn't miss it for the world." Oh, I'm so dead.

"Oh, yeah! By the way..." Tila noon na lang sumagi sa isip ni Kirsten na kasama niya ako. "I would like you to meet someone so special to me and siyempre mas lalo na kay Kuya..." Pasimple siyang kumindat sa akin at hindi ko naiwasang ma-touched sa intro niya. "This is Jordan, girlfriend nga pala siya ni Kuya."

Agad na rumehistro ang gulat sa mukha n'ung babae. Hindi niya siguro inaasahan.

"Oh? Jordan..." All right, parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pero sa kabila noon ay nakuha pa rin naman niyang ngumiti at naglahad ng kamay. "I'm Tiffany. It's nice to meet you."

"Nice to meet you too." Nakipagkamay rin naman ako kahit nag-aalangan.

"Yeah... well-- I don't know what to say," tila wala pa sa sariling sabi lang ni Tiffany at nangangapa nang dapat sabihin. Ilang beses na bumuka ang labi niya, pero wala namang lumabas na salita.

"Oh, there he is!" Sabay turo pa ni Kirsten kay Ty na papasok na noon sa may pinto. Naka navy blue long sleeve siya na nakarolyo hanggang sa siko. Sa sobrang kagwapuhan niya, kulang na lang ay lumingon sa kanya ang lahat ng mga tao sa loob ng resto. Kumaway-kaway pa si Kirsten sa kanya at agad kong nahuli ang kanyang tingin. Pero agad ding nabago ang ekspresyon niya nang mapagawi ang tingin niya kay Tiffany. Para bang minumukhaan niya ito base na rin sa kanyang ekspresyon.

"Tyrone!" Kulang na lang ay tumakbo si Tiffany palapit kay Tyrone at agad na yumakap. Hello! Nandito ang girlfriend!

"Tiff—" Tila natulala naman si Ty at agad ding napatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang lumabas sa mukha ko, pero ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nagseselos.

"Oh my God, Ty! You look so good!" Humiwalay na nang bahagya si Tiffany sa boyfriend ko, pero humawak-hawak naman sa magkabilang braso niya. Haliparot! Grrrr...

"Thank you. So are you, Tiff." So are you, Tiff! Leche!

"Kailan ka pa rito?" tanong pa niya.

Nagbaba na ako nang tingin kaya hindi ko alam ang hitsura ni Ty. Gusto kong magwalk-out, pero alam ko namang sobrang immature ko kapag ginawa ko 'yun. Parang gusto kong umiyak kahit na wala pa namang ginagawang masama si Ty. Aish! Tangna namang pagmamahal 'to! Selfish mo, 'te!

"Last week lang. Siyempre naman gusto kong maka-attend sa birthday mo." Ang landi! Landi! Nakakainis! Hay naku, Jordan! Away 'yan kapag 'di ka umayos!

"Oh... yeah. Gee, thanks." Running out of words, Tyrone? "Wait, I just need to say hi to the love of my life."

Huh? Noon na ako napaangat nang tingin at agad kong nasalubong ang mapupungay niyang mga mata. Tinitigan niya ako na tipong ako lang ang nage-exist sa mundo niya. "Mahal ko," malambing pang tawag niya.

"Ty..."

Napatanga na lang ako nang bigla siyang yumuko at hinalikan ako sa labi. Nakapikit siya habang banayad akong hinahalikan... Pero maraming tao!

"Uy... ang daming tao." Bahagya ko siyang itinulak.

Napangiti lang naman siya at kagat-labi na umiling-iling bago dumiretso ulit nang tayo at hinarap sina Kirsten at Tiffany. Pigil na pigil ang kilig ni Kirsten na bahagya pang kumindat sa akin samantalang si Tiffany ay seryoso lang at parang selos na selos.

"Mukhang nakakaabala na ako sa dinner ninyo." Si Tiffany. Buti naman at alam niya! Hmp!

"Why don't you join us?" Si Kirsten.

"No, Kirs. May mga kasama rin naman ako." Itinuro pa niya nang tingin ang tropa ng mga babaeng nasa bandang sulok at nakamata din sa amin. Mukhang bawal ang pangit sa tropa nila dahil puro beauty queen material silang lahat. "Maybe we could go out sometime and bond? What do you think?" Pinagpalitan pa niya nang tingin ang dalawa. "Ty?"

"S-sure, Tiff. I'll call you." Si Kirsten ang sumagot. Nananatiling walang ekspresyon si Ty at ngumiti lang. Buti naman!

"Ty?"

"I'm busy, but I'll see what I can do." Tumangu-tango lang siya at bahagya pang pinisil ang balikat ko. He was just trying to be nice. Iyon lang 'yun.

"Good." Tila nabuhayan naman ng loob si Tiffany at kagat-labi pang tumitig sa boyfriend ko. Nag-iwas naman nang tingin si Ty at sa halip ay sa akin tumitig. Alam kaya niyang nagseselos ako?

"It was really nice to see you again," sabi pa ni Tiffany. "Let me know if you're not busy, okay?"

"Of course, Tiff." Si Kirsten ulit.

"I'll leave now. Bye~" Bahagya pa siyang kumaway at naglast look pa talaga kay Ty. Ang landi talaga! Hmp!

Nang tuluyan nang makaalis si Tiffany ay tsaka na naupo si Ty sa tabi ko at si Kirsten naman ay sa tapat ko.

"Ang ganda ni Tiffany. Bagay kayo." Shit. Bakit ba sinabi ko 'yun?!

Ngumiti lang si Kirsten sa akin at umiling-iling.

"Why are you saying that? Are you jealous?" Bahagya pang pumaling nang tingin sa akin si Ty, pero nakangiti ba siya? May nakakatawa ba sa nararamdaman ko?

"Hindi no!" I'm in denial...

"You're cute when you're jealous, do you know that?" Kinuha na niya ang mga kubyertos at pinunas-punasan ng tissue. "But you don't have any reason to get jealous, Mahal ko, dahil nag-iisa ka lang sa buhay ko." Nagseryoso siya sa huling mga salitang binitiwan niya. Pagbaling ko kay Kirsten ay kumindat lang siya sa akin at para bang kilig na kilig.

"Nakaka-OP naman kayo. Namimiss ko tuloy ang Baby Boy ko." Nanunuya pang tono ni Kirsten sabay tingin sa kapatid niya na napailing lang din sa kanya.

"Just don't get yourself pregnant, Kirs, or I'll beat the crap out of him!" Tiim-bagang na sabi ni Ty. Of course, gumagana lang naman ang pagiging concerned brother niya.

"Ang sama!" Namula kaagad si Kirsten at agad na dinilatan ako as if para bang sinasabi niyang wala akong dapat sabihin sa kapatid niya. "Mahal ako ni Chance, Kuya. And, magtatapos pa kami nang pag-aaral, kaya wala kang dapat ipag-alala."

Hindi naman na nagsalita pa si Ty at ako naman ang binalingan.

"May kasalanan ka pa sa akin, Mahal ko. You have a lot of explaining to do." Umismid lang siya at oo nga pala, hindi ako nakapag-text at naghintay siya nang sobrang tagal.

"S-sorry na..."

"I need actions, Mahal ko, not just your apology." Nakakaloko pa siyang ngumiti at agad akong pinamulahan dahil parang nahuhulaan ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Ang manyak!

Inirapan ko siya at agad na nahuli ang titig ni Kirsten. Kumindat-kindat pa siya sa akin as if alam na alam niya ang ibig sabihin ng kapatid niya. Nakakahiya talaga!

Tyrone

Actually kanina ay sobrang bwisit na bwisit ako dahil sa hindi man lang pagte-text ni Jordan. Pero ewan ko ba, nang makita ko na siya ay parang pinalis talaga lahat nang inis ko and all I wanted to do is hug and kiss her.

Natuwa rin ako nang magselos siya kay Tiffany. She's really cute! I may sounded weird, pero nagustuhan kong nagseselos siya because that only means nagiging possessive na siya sa akin. I wanted her possessive of me like I am to her.

Matapos ang dinner ay agad ko na ring ipinahatid si Kirsten at kami naman ni Jordan ay umuwi muna sa condo unit ni Cary. Kanina ko pa siya kino-convince na 'wag na muna pumasok sa work pero ang tigas ng ulo!

"Kailangan ko ba talaga pumunta sa birthday mo?" alanganin pang tanong niya. Kakapalit lang niya ng uniform sa bar na papasukan niya. I am not really comfortable with her job. Masyadong maraming bastos.

"You're all I need on my birthday, Mahal ko. It won't be complete without you."

"E, kasi naman puro sosyal na tao ang mga bisita mo tapos nand'un si Tiffany." I knew it! Jeez... Tiffany is beautiful. Way too beautiful, actually. But the thing was, she isn't my type. I didn't know why. I just don't liked her.

"I don't care about whoever comes to my birthday. It's only you're presence that I care about, okay?"

"Bakit 'di mo gusto si Tiffany? Ang ganda kaya."

"'Wag kang ma-insecure sa kanya, Mahal ko. Ikaw na lang ang pinakamaganda sa paningin ko... well except for Mom and Kirs of course. Kayo lang ang mga pinakamaganda sa mga mata ko."

"Alam mo, ikaw... aral na aral ka." Umirap lang siya at kinuha na ang kanyang bag.

"Is it really hard to believe the things that I am saying?" Kunwari ay nagtatampo ko pang sabi.

"Ang impossible naman kasi nang sinasabi mo. Parang dyosa si Tiffany tapos sasabihin mong hindi mo siya type?"

"At ano naman ang impossible d'un?"

"Puwedeng 'wag ka na lang magsinungaling?"

"And, now, you think I'm lying?" Oh, I really don't appreciate that kind of words. 'Yung magselos okay lang, pero ang akusahan akong sinungaling?

"Hindi—"

"I get it. You don't trust me. I really get it." Sa sobrang inis ko ay parang gusto ko na talagang magwalk-out. Oo nga't naging maloko man ako sa babae noon, pero hindi ko pa ba naiparamdam na naiiba ako sa kanya?!

"Ty naman, e."

"Cary!" malakas pang tawag ko sa pinsan niya na agad naman ding lumabas sa kwarto.

"What?" Kunot-noo pa siyang napatitig sa akin.

"I'm going home! Ikaw na muna ang bahalang maghatid kay Jordan." I am really pissed right now!

"Huh? Bakit? Ano nangyari?" Sunud-sunod na tanong pa niya, pero hindi ko na siya pinansin pa. Sa halip ay nagdiretso ako palabas at hindi na rin ako nagpaalam pa.

"Tyrone!" Narinig ko pang malakas na tawag ni Jordan, pero hindi na ako lumingon. Me, liar? Ugh! Paano niya naisip na nagsisinungaling ako?!

Ngayon lang ako na-inlove at na-frustrate sa iisang babae. And this is just ruining my day! Ugh!

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...
342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
58.6K 3.4K 52
Barkada Series #3 Highest Ranks in Tags: #7 Confuse #7 Lesbian Story #6 WLW # 9 GL