Maldita Princess (Completed)

Por skycharm24

1.3M 38.9K 8.1K

Alexa Isabelle D. Rosales Story Mais

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Epilogue

Chapter 54

23.2K 643 51
Por skycharm24

Alexa Isabelle

MAGkasama kami ni Ate Red, papunta sa birthday ng Dad nila, si Tito Reynaldo mismo ang may kagustuhan na pumunta siya, plano nitong ipakilala sa dalawa pang anak si Ate Red, kina Leila at Laurence. Ayoko sanang dumalo dahil umiiwas ako sa gulo baka kasi paginitan na naman ako ng Dragona. But Enzo insists pati narin si Ate Red, kailangan nito ng suporta kaya pumayag narin ako.

" Be ready Isabelle, baka madamay ka sa galit ni Lianne Leviste. Hindi maganda ang vibes ko sa planong ito ni Dad." tenext ko si Enzo na malapit na kami sa bahay nila. Nagreply naman ito na nagiintay na siya sa labas.

" Ate, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" inalalayan nitong bumaba ang kapatid. Marahil ay kinakabahan si Ate Red.

Binigyan nito si Sungkit ng alanganing ngiti. " I'm fine. Let's do this para matapos na ." sinalubong naman ako ni Enzo ng yakap at halik sa pisngi pagbaba ko, na para bang antagal naming hindi nagkita. Ganoon talaga siguro kapag inlove.

Kapansin pansin na present na naman ang mga kamag anakan niya. Sa dami ng mga Pinsan niya hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila. Binati kami ng mga ito. Nagtataka siguro sila kung sino si Ate Red. Liban daw kasi sa Lolo at Lola nila walang ibang nakakaalam na may iba pang kapatid sila Enzo. Dinala niya kami malapit sa kinatatayuan ng Daddy nila.

" Dad excuse me , nandito na si Ate pati narin si Isabelle.." nasa harapan na kami ni Tito Reynaldo. Nagpaalam ito sa kausap.

" Happy Birthday Dad.." humalik sa pingi ng ama si Ate Red.

" Salamat at pinagbigyan mo ako Red' anak, malaking bagay sakin na nandito ka dahil maraming kaarawan ko nadin ang nagdaan na hindi ka kasama." hinalikan siya ni Tito sa noo. Maaliwalas ang mukha ni Tito at masaya nga ito na nandito ang panganay.

" Happy Birthday po Tito." iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo sabay beso. Tinulungan ako ni Enzo sa pagpili ng relo na regalo ko sa kanya.

" Hija, maraming salamat sa regalo, hindi kana dapat nagabala pa. Thank you for coming, hindi mapakali itong si Enzo baka daw hindi ka pumunta, akala naman niya, siya itong may Birthday."  nagtawanan kami na agad napawi ng lumapit sa amin ang kontrabida ng taon. Yong awra niya parang si Celestina sa Araw Gabi, mukhang laging hindi gagawa ng mabuti.

" Anong ginagawa ng mga babaeng yan dito!? At talagang nagsama ang bastarda at sinungaling. " kita mo siya, highblood na naman ang Lola niyo.

" Lianne!" " Mom!" magkasabay na sabi ni Tito Reynaldo at Enzo.

" Anong ibig sabihin nito Reynaldo? Bakit nandito yang anak mo sa labas!? At ikaw naman Enzo, dinala mo pa talaga ang babaeng yan dito!" dinala daw?  Pinagtitinginan na kami ng mga bisita. Napakaiskandalosa niya talaga.

" Mom, Dad, Kuya anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Liela. Nagawa niya parin akong ngitian ng magawi ang tingin niya sakin.

" Liela tawagin mo ang Kuya Laurence mo, I want you to meet someone.." utos ng Dad nila, agad naman itong sumunod at kasama na nito pagbalik ang kapatid.

" Hindi mo gagawin to Reynaldo, hindi mo sisirain ang Pamilyang ito dahil lamang sa bastarda mo!" galit na dinuro nito si Ate Red.

" Hindi ako bastarda, naipanganak na ako sa mundong ito bago pa kayo magkakilala ni Dad." buong tapang na hinarap ni Ate Red ang nangagalaiting Dragon.

" Liela' Laurence, siya ang Ate Red ninyo, kapatid din ninyo siya. Tama siya, pinanganak na siya bago ko paman makilala ang Mommy ninyo." hinila ng Dragona ang dalawa at ikinubli sa likod niya.

" Ang Kuya Enzo lang ninyo ang kapatid ninyo at wala ng iba pa! Hindi niyo kapatid ang babaeng yan! " ayaw niya talagang patalo.

" Mom, hanggang kailan mo itatago sa kanila ang totoo? Anong mawawala kung makilala man nila si Ate? Balibaliktarin mo man ang mundo hindi nagbabago ang katotohanang magkakapatid kami." sinampal nito si Enzo.

" Kailan ka pa nakikisalamuha sa babaeng yan Lorenzo!? Hindi mo na ako iginalang, pinagsabihan na kita na layuan ang babaeng yan! Yan ang nagiging impluwensiya sayo ng maling tao. " galit na asik niya sa amin ni Ate Red.

" Enough Lianne! Tigilan mo na yang kakabunganga mo and for once be reasonable. Hindi lahat ng bagay ay kailangan pabor sayo. Enzo ikaw na muna ang bahala dito." walang nagawa ang Dragona ng hilahin ito ni Tito papasok ng bahay nila.

" Seryoso Kuya, Ate natin siya? Bakit ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa kanya?" kumapit si Leila sa braso ni Enzo. Tahimik na nakatingin lamang si Laurence.

" Ang Mommy n'yo ang may kagustuhan na huwag ipaalam sa inyo, hindi rin namin maitindihan ang rason niya pero pinagbigyan siya ng Daddy ninyo para wala nalang gulo. Kung hindi pa kami narinig ni Enzo na pinaguusapan ang Ate Red ninyo hindi rin niya malalaman. " ang Lola Regina nila ang sumagot na hindi namin namalayang lumapit na pala  sa amin, nakaalalay dito ang isang dalagita na marahil ay pinsan nila Enzo.

Hinalikan siya sa noo ni Ate Red. Nagmano naman ako sa kanya na siyang ikinangiti niya.

" Hayaan n'yo na, ang mahalaga nagkakilala na kayo, bakit Leila, hindi ba't matagal mo ng pangarap na magkaroon ng kapatid na Babae?, hayan at may Ate kang pwede mong lapitan." agad namang lumapit si Leila kay Ate Red.

" Hello Ate, natutuwa po akong malaman na may kapatid pa pala kami. Totoo ang sabi ni Lola gusto ko talaga ng kapatid na babae. Madalas kasi pinagtutulungan ako nila Kuya." nakanguso nitong sabi..

" Masaya rin ako dahil malaya na akong lapitan kayo ni Laurence. Matagal din akong naghintay na dumating ang araw na ito. Gusto ko ding maging kapatid sa inyo kagaya ng pagiging Ate ko sa Kuya Enzo ninyo." maluha luhang niyakap ni Ate Red si Leila. At sumunod naman ay si Laurence. Teary eyed na nakatingin ako sa kanilang apat, hinila nila si Enzo para sumali sa kanila. Hinayaan naming magusap silang tatlo, pagkatapos ng madamdaming tagpo.

Inalalayan namin si Lola niya pabalik sa lamesa nito kung saan naroon ang kabiyak.

" Mano po Lolo, kamusta po kayo.." nagmano narin si Enzo.

" Hija, kita mo nga naman ang nagagawa mo sa apo ko, aba'y hindi yan nagmamano kung walang kailangan." napakamot si Enzo sa ulo niya.

" Maiba nga pala ako, kayo bang dalawa ay wala pang balak magpakasal? Aba'y bilisan n'yo na' para naman maabutan pa namin ang Apo namin sa tuhod." napalunok ako bigla sa sinabi ni Lola Regina.

" La naman, hayaan n'yo na ako sa diskarte ko. " lumapit ito sa matanda at may ibinulong.

" Nako, anong pinagbubulungan ninyo d'yan? Isali n'yo naman kami." natawa nalang ako sa kakulitan ni Lolo Ernesto.

" Sekreto namin iyon nitong si Enzo, hamo't pagnatuwa ako sayo ay sasabihin ko." sagot naman ni Lola sa asawa. Nakakatuwa silang pagmasdan.

Sila ang patunay na may pagibig pa sa mundong ito na nagtatagal. Kagaya rin ng mga Lolo at Lola ko. Dahil sa panahon ngayon bibihira ang makatagpo ng taong handang manatili sa tabi mo hanggang sa pagtanda ninyong dalawa. A love that last a lifetime.

" Baby where did you go? Did you get lost in your thoughts? " hindi ko napansin na naiwan na pala kaming dalawa.

" Iniisip ko lang na sana kagaya ng mga Lola at Lolo natin magtagal din tayo. Alam mo na, sa panahon kasi ngayon lahat nagbabago at halos lahat napapalitan." para kasing nakikisabay sa takbo ng mundo ang mga relasyon. Bibihira nalang ang nagtatagal.

" Basta ako Baby, sigurado ako at gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda natin. Eh ikaw ba? " kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Nakakainis ang kasweetan niya minsan, sagad kasi hanggang buto.

Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man tong
Mga pangako sayo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda

Pareho kaming napangiti ng nagplay ang kanta ni Tony G. Nakita nalang naming naghihilahan sina Lola at Lolo niya para sumayaw. Ang saya e, may asim pa ang mga tanders.

Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

" Dance with me.." hinila ako ni Enzo patayo, nagpatianod naman ako. Papatalo ba kami? Hindi syempre. Hawak niya ang isang kamay ko at nakayakap naman ang isa pa. Panay ang dampi ng halik niya sa noo ko. Mamya niya amoy laway na pala ako.

Ibibili ng balot
pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot
pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin...
Kasama kang tumanda...

Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Napansin kong maging ang ibang pinsan niya ay nakisayaw narin. Si Laurence naman ay sinayaw si Ate Red. Pero mas nakakatuwang tignan ang Lolo at Lola niya na sweet na sweet na magkayakap habang nagsasayaw.

Magmukha mang bruha
Paggising sa umaga
Pupunasan ko pa
Ang muta mo sa mata
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ipaglalaba pa kita
Matapos mamalantsa
Kahit abot-abotin
Man ako ng pasma
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Hindi ko mapigilang humalakhak ng paikutin ako ni Enzo habang nagsasayaw. Nakakita ko sa mukha niya ang saya at hindi ko pinagsisihan na pinatawad ko siya.  Maging si Leila ay tuwang tuwa na isinasayaw ni Tito Reynaldo.

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlupot araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

"Loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa akin ikaw parin
Ang pinakagwapong Oppa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda.." sinabayan ko ang kanta na ikinatawa ni Enzo. Damn! Ang gwapo ng boyfriend ko.

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda

Naghiyawan kami ng matapos ang tugtog saka bumalik sa kanya kanyang lamesa. Isang mabilis na halik sa labi naman ang iniwan ni Enzo ng tawagin ito ng Tiyuhin para kausapin.

Nagawi ulit ang mga mata ko kina Leila. Hindi na ito humiwalay kay Ate Red. Naroon ang Dad nila at masayang nakikipagusap sa kanilang tatlo. Lumapit ako sa kinalalagyan ng mga inumin at kumuha ng iced tea.

Pabalik na sana ako ng makasalubong ko naman ang Dragona. May bitbit itong goblet na sa tingin ko ay may wine..

" What?!" masungit na tanong niya. Sayang naman ang magandang mukha niya lagi nalang nakaangil. Pinaglihi kaya siya sa sama ng loob? Napansin kong napatingin ito kina Leila.

" Hindi dapat nagpunta pa dito ang sampid na yan! Kagaya mo, hindi karin dapat nandito." eh kung siya nalang kaya ang umalis? Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.

" Hindi ko rin naman po sana gustong pumunta dahil alam kong ayaw ninyong nakikita ako." At mas lalong hindi ko kayo gustong makita, dagdag ng utak ko. " Pero nakiusap sakin si Enzo pati narin si Ate Red, kaya nandito ako. And Tito Reynaldo also invited me. Mawalang galang na po pero bakit parang ayaw ninyong maging masaya ang mga tao sa paligid ninyo? Hindi n'yo ba nakikita na masaya ang mga anak ninyo pati narin si Tito na magkakasama sila?" tinignan niya ako ng masama.

" Anlakas ng loob mong magtanong sakin ng ganyan. Sino ka ba sa tingin mo?" kita ko ang tensyon sa mukha niya.

" Wala po akong natatandaan na may nagawa akong kasalanan sa inyo para magalit kayo sa akin. Kayo pa nga po itong may malaking kasalanan na nagawa sa amin ni Enzo. Aaminin ko po, hindi ko rin naman kayo gusto sa simula palang pero dahil Nanay kayo ng lalaking mahal ko, pinipilit kong kalimutan ang mga nagawa ninyo at sa maniwala kayo at sa hindi napatawad ko na kayo kahit hindi pa kayo humihingi ng tawad. Alam ho ba ninyo kung bakit? Dahil kay Enzo, mahal ko siya at ayokong nakikitang nahihirapan siya at alam kong ganoon din naman kayo. Hindi ko po hinihiling na magustuhan ninyo ako para sa kanya, ayos lang po sakin kahit maging civil lang tayo sa isa't isa. At kung ako po ang tatanungin ninyo tungkol kay Ate Red,  dalawa lang naman po ang pagpipilian ninyo, ang hayaan siya na maging bahagi ng buhay ng mga kapatid niya o maging kontrabida kayo sa mata ng lahat ng nakapaligid sa inyo lalo na sa mata ng mga anak at asawa ninyo." hindi ko na siya inantay na sumagot, bumalik na ako sa table namin. Nasabi ko narin naman ang gusto ko sabihin.

Kakaupo ko palang ng lapitan ako ng isa pang taong may malaking atraso sakin. Nakalimutan yata niya ang huling beses na nagusap kami.

" Tama nga ang dinig ko, nagkabalikan kayo ng pinsan kong bupols." kinuyom ko ang palad ko. Paki ba niya?

" What do you want Harold? Pwede ba iwan mo nalang ako, kung wala kang matinong sasabihin." sabi na nga ba't maling nagpunta pa ako dito. I had to deal with this idiots.

" Ano bang pinagmamalaki ng isang hampaslupang tulad mo? Kaya mo lang naman pinatulan si Enzo dahil sa pera niya!" hindi yata nakaabot sa kanya ang memo at ako pa talaga ang mukhang pera?

" You know what Harold, just leave me alone. Hindi ako kailanman nagkainteres sa pera nila Enzo. Hindi lahat ng tao gaya mo, na gagawin ang lahat masunod lang ang luho." tila nagulat ito. " Bakit parang nagulat ka? Hindi ba't nagpabayad ka sa sarili mong Tiyahin para lang sirain ang relasyon namin ni Enzo? Sino satin ang mukhang pera?" galit na itinaas nito ang kamay. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

Saka naman humahangos na dumating si Enzo.

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pumagitna ito sa amin. " Sasaktan mo ang girlfriend ko?! Anlakas ng loob mong lapitan siya pagkatapos ng ginawa mo sa kanya! " hinawakan ko sa braso si Enzo. Galit ang mukha ng humarap siya sakin pero dagli ring lumambot iyon ng tignan niya ako sa mata.

" Anong magagawa ko kung nilalandi ako niyang syota mo.." nakangising sagot ni Harold.

Kita mo tong unggoy na to! Feeling masyado!

" Oh my gaaddd! Hinding hindi papatulan Harold, ni wala ka nga sa kalingkingan ng pinsan mo. Wala kang pwedeng ipagmalaki sa akin, ni matinong trabaho nga wala ka." makaasata akala mo naman may maipapagmamalaki siya.

" Walang salita na galing sa bibig mo na paniniwalaan ko pa Harold. Kalimutan mo naring magpinsan tayo! Sa susunod na lalapitan mo si Isabelle makakatikim kana sa akin! Deal with the consequences of your actions dahil alam na ng Daddy mo ang pinaggagawa mo." hindi ko pa nga pala nasasabi kay Enzo ang ginawa ko sa sports car ng pinsan niyang walanghiya. Dapat lang yon sa sasakyan niyang galing sa masama.

Laglag ang balikat na umalis ito.

" Ayos ka lang ba Baby? May ginawa ba siya sayo?" nagaalalang tinignan ako ni Enzo. Umiling ako.

" Bakit parang nalugi yon ng banggitin mo ang Daddy niya?" natatawang tanong ko.

" Ipapadala siya ni Tito sa probinsiya para matuto."

" Kaya naman pala, pero OA naman ang reaksiyon niya. Mas masarap kaya ang buhay sa province, malayo sa pulosyon at traffic." mas simple ang buhay kumpara sa magulong syudad.

" Sa atin na gusto lang ng simpleng buhay pero para kay Harold, without his friends and night life, kalbaryo iyon, lalo na at magtatrabaho siya doon kung gusto niyang makabalik ng Manila." buti nga sa kanya.

" Tara, may pupuntahan tayo." hinila niya ako palabas ng gate nila saka pinasakay sa kotse niya.

" Saan tayo pupunta?" inabot lang niya ang kamay ko saka hinalikan.

Dinala niya ako sa isang bakanteng lote. Naglakad kami papunta sa gilid ng isang bangin..

" Don't tell me itutulak mo ako dyan? Dito mo ba ako papatayin?" kumunot ang noo niya saka ako bintatukan.

" Aray ha.." arte ko mahina lang naman..

" Kung ano anong pinagsasabi mo d'yan." naglatag ito ng tela saka umupo. Inabot niya ako saka pinaupo sa pagitan ng mga hita niya. " Tignan mo.." napaawang ang labi ko ng sundan ng tingin ang hintuturo niya.

" Awww Baby, ang ganda naman.." bulalas ko. The awesome beauty of the setting sun. Sunrise and Sunset are both wonderful parts of nature.

" Alam ko namang magugustuhan mo yan kagaya ng kung paano mo pinakita sa akin ang Sunrise noong nasa Resort tayo nina Sam." naalala niya  pa pala yon?

" Alam mo ba kung bakit parehas ko silang gusto? Kasi, If there's one thing in today's ever-changing world that will always be concrete, it's that the sun will always rise and set every single day. With each sunrise, a new day begins, lagi tayong binibigyan na panibagong araw para bumangon, mabuhay at magsimula o di kaya magpatuloy. Habang ang Sunset naman, it symbolizes the completion of a day’s work and shows the passage of time. As the sun sets, it is time to end the day and take a break. Para may chance tayong magpahinga kapag pagod na tayo." Both are manifestation of God's love for us, na dapat nating ipagpasalamat. Hinalikan niya ang balikat ko.

" It could also be a reminder.." nilaro laro niya ang daliri ko.

" Yeah, common tell me more.." gusto ko ding marinig ang tingin niya sa Sunset..

" A reminder of how important time is in our life and how we should not take it for granted." napangiti ako. My baby is an old school and has a deep soul. " It is also time for reflection. Sa pagtatapos ng araw,  you can ask yourself if you’ve done everything you want to do or been the person you want to be."

" I always knew you have this dept within you. May lalim ka eh, feeling ko nga galing ka sa nakaraan. Kaya man din vintage yang pangalan mo." biro ko sa kanya.

" Ikaw..." natatawang saway niya sakin.

" What? Totoo naman, bakit hindi ba? Plus pogi points kaya yang pagiging old school mo.." hinalikan ko siya sa pisngi.

" Magseryoso muna kasi..," napansin ko na tila kinakabahan siya. " Kagaya nga ng sabi ko, Sunset serves as reminder of how important time is in our life." itinayo niya ako saka siya lumuhod.

Anong trip niya?

" Kaya dapat hindi na tayo nagsasayang ng panahon. Alexa Isabelle De Luna Rosales, Baby will you marry me?" sabay labas niya ng maliit na kahon. Tumambad sakin ang isang heart shaped diamond ring ng buksan niya ito.

Napasinghap ako sabay takip sa bibig ko ng dalawa kong kamay. I was in awe.

Siya naman ay teary eyed na nakatingala sa akin. May buntil ng pawis na pumapatak sa gilid ng noo niya.

" Yes.." hinila ko siya patayo saka hinalikan sa labi saka niyakap. " Yes Baby, papakasal ako sayo." napaiyak narin ako. Tears of joy ikaw nga..

" I love you so much." isinuot niya sakin ang singsing na himalang nagkasya at parang hinulma para sa daliri ko.

" Mahal na mahal din kita.." pinahiran ko ang luha niya. Saka kami muling nagyakap.

Bigla naman nagring ang cp niya.

" Ang Daddy mo.." aniya. Saka sinagot ito at pinindot ang speaker.

"Ano Enzo? Umo-o ba?" nanlaki ang mata ko. My Dad knows na magpopropose siya?

" Yes Tito, pumayag siya, magkasama kami actually. Naririnig ka niya." natatawang sagot niya kay Dad.

"Congratulations sa inyo mga anak. Princess? Wala ka manlang bang sasabihin anak?" hindi parin ako makapaniwala sa totoo lang.

" Dad, I'm engaged and you knew?" sa wakas nahanap ko narin ang boses ko.

"Congratulations sa inyo Isabelle' Enzo. Masaya kami para inyo." pati si Mommy?

"Nagtataka ka ba kung bakit alam namin?, nagpaalam na yang si Enzo bago paman kayo bumalik ng Manila at tinawagan niya kami kahapon para magpaalam ulit dahil nakabili nadaw siya ng singsing. Sino kami para humadlang anak at sabi ko sa kanya nasayo parin naman ang desisyon kung o- oo ka o hindi." kinurot ko si Enzo na tatawa tawa sa gilid ko.

" Thanks Dad' Mom, salamat sa blessings ninyo. I'll see you guy's soon." dahil sigurado akong magpaparty si Dad.

" Maraming salamat po ulit, Tito at Tita sa tiwala. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at pangakong laging siya ang top priority sa buhay ko." sa akin siya nakatingin habang sinasabi iyon.

I felt so happy right now. Habang nakatingin sa lalaking nangangako ng pagibig na panghabangbuhay.

" I love you.." hinalikan ko siya sa pisngi saka niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay sabay naming pinanood ang paglubog ng araw.

Sunset will be extra beautiful from now on and will specifically hold a special place in my heart.

I'm Engaged!

Itutuloy....


Hi guy's, sorry sa paghihintay. Medyo windang parin ako sa totoo lang. Pero maraming salamat sa concern ninyo, I appreciate every message. Salamat. Two chapters to go. Thank you so much sa reads.

Skycharm24 ♡♡♡



















Continuar a ler

Também vai Gostar

1.7M 33.6K 62
She's just a simple girl with a crazy twin brother who asked for her help to disguise as him. But she didn't know that disguising as her twin brother...
113K 3.4K 26
Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy. Isang kwento ng isang bakla at isang tomboy, at kung paano sila naging magkaibigan at naging magka-ibigan???
23.7K 626 65
Jean Cloud Romero's story
2M 14.1K 50
[Warning: UNEDITED VERSION] Denyse and Smith are both fourth year Highschool Student. Sa buong buhay ni Denyse hindi niya pinangarap na makatabi ang...