Chapter 28

21.5K 725 288
                                    

Lorenzo

TATLONG buwan na ang nakalipas pero sariwa parin ang sakit. Hindi ko na siya ulit nakita pa pagkatapos ng nangyari sa Condo ko.

" Lasing kana naman daw kagabi Lorenzo! Habang buhay ka nalang bang ganyan? Pati ang negosyo napapabayaan mo na." litanya ni Mommy.

" Pwede ba Mom, ang agaaga, yan lang ba ang sadya niyo dito? Nakikita n'yo naman diba?, nandito naman ako sa opisina, ginagawa ko naman ang trabaho ko. Ano pa ba ang gusto ninyo?" kaya nga ako umalis sa bahay para iwasan siya at ang panenermon niya.

" Kasalanan ito ng walang hiyang babaeng yon kung bakit nagkakaganyan ka. Perwisyo talaga ang dulo't ng mga babaeng pinipili mo." masakit ang ulo ko dahil inumaga na ako kagabi sa Bar ni Willy.

" Pwede ba Mom, umuwi na kayo, may trabaho pa akong dapat asikasuhin kaysa makinig sa mga litanya ninyo.." I'm tired of listening to her.

Ganito nalang araw araw ang buhay ko, pupuntahan niya ako dito sa opisina at sesermonan, hindi naman siya madre at lalo namang hindi siya Pari. This is Alex fault ginulo niya ang buhay ko ng dahil sa pera.

Kumatok si Michelle bago tuluyang lumapit sa table ko.

" Mr. L tumawag po ang accounting, nagtatanong po sila kung ano ang gagawin sa mga sahod na hindi pa nakukuha ni Alex." kuno't noong napatingin ako sa kanya. Pati ba naman sahod ng babaeng yon poproblemahin ko pa?

" Bakit hindi nila ihulog sa account niya." inis na sagot ko.

" Anim na buwan niyang sahod ang hindi niya kinuha Mr. L., nasa three hundred thousand iyon, hindi daw kasi ito nakapagbigay ng account na paghuhulugan." naipon ang sahod niya?

" Hindi ba magkaibigan kayo? Bakit hindi mo siya tawagan para makuha niya ang pera niya total mukha naman siyang pera." saglit na tumalim ang tingin ni Michelle sakin pero agad na pomormal ng napansin niyang nakatitig ako sa kanya.

" Mawalang galang na po sa sasabihin ko, pero nagtataka lang po ako, kung talagang kailangan ni Alex ng pera para sa Pamilya niya, na nasa probinsiya bakit hindi niya nalang kinuha ang sahod niya sa halip na humingi sa pinsan mo gaya ng sabi nito. May three hundred thousand siya na pwede niyang kunin, mas malaki sa one hundred thousand na sinasabi ng pinsan ninyo. " nagpaalam na ito saka lumabas pagtapos sabihin iyon.

Napaisip din ako sa sinabi ng Sekretarya ko, marahil sinadya nitong ipunin ang pera, nagpapayaman ang walanghiya. Wala naman kasi itong gastos kung tutuusin dahil simula ng naging kami, ako na ang nagpresentang magbayad ng unit na nilipatan niya, pagkain, grocery, napakaswerte niya kung tutuusin pero mas pinili niya akong saktan dahil sa maliit na halaga. At pinsan ko pa talaga. Buong buo ang tiwala ko sa kanya, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na iba ang pakay niya sa pakikipagmabutihan sa akin. Mabuti nalang maagang nabisto ang pagiging gold digger niya.

Naging abala ako ng mga sumunod na oras, kailangan erenovate ang ilan sa branches ng mga Malls namin dahil napagiiwanan na ito. Naghahanap ako ng developer na mapagkakatiwalaan. Wala akong balak pabayaan ang kompanyang hanggang ngayon ay itinataguyod padin ni Dad. Nakasalalay dito ang future naming magkakapatid pati narin ng mga empleyadong umaasa sa amin.

Kailangan narin namin ayusin at palitan ng bago ang ilang air conditioner na hindi na gumagana ng maayos. Napagiiwanan na kami ng mga high end mall's.

The competition becomes tougher as other malls got prettier and more diversified in what they offer. Hindi naman kami singlaki ng ibang malls na gaya ng SM which has big property developers.

Natapos ang araw ko sa kaliwat kanang meetings. Pinuntahan ko si Ate Red dahil tumawag siya kanina na dumaan ako sa bahay niya.

" Ano bang kailangan mo Ate at kailangan pa kitang puntahan dito?" naupo ako sa sofa. I'm tired.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon