Chapter 11

20.2K 588 72
                                    

KANIna pa ako gising pero nandito parin ako nakahiga sa kama at nakatitig sa puting kisame. Naghihintay na may mahulog na butiki, charoot.

Masaya ako dahil pinagbigyan ako ni Enzo na lumipat at kahit parang wala sa bokabularyo niya ang panliligaw dahil mas madalas pa daw na siya ang nililigawan, kayabangan niya, gumagawa parin siya ng paraan para pangitiin at pakiligin ako. My double L is charming and sweet kaya siguro nagkakandarapa si Perlita sa kanya.

Mommy Trisha told me and Ate Chloe na kapag nasa tamang edad na kami, enjoyin namin ang stages ng ligawan bagay na hindi daw niya naranasan kay Daddy, ang nangyari daw kasi sa kanila parang pagdating ng kidlat, ang bilis ng mga pangyayari.

Ang weird ng Nanay ko, kapag naman si Dad ang tinatanong namin ang sabi niya tinutukan niya daw si Mommy bago niligawan. Nagagalit naman si Mom kapag tinatanong ko kung ano bang tinutok sa kanya ni Dad para mapasagot siya, kutsilyo, baril baka naman iphone o di kaya kotse, ganern.

Pero kahit ano paman ang history nilang dalawa, I still want a relationship like them, yong tipong motolite, pangmatagalan. Kahit akward na makita silang naglalambingan sila madalas, deep inside I'm happy to see my Parents still so inlove after so many years.

Bzzzzzzz! Bzzzzzzz! Bzzzzzzz!

" Letchugas, porket libre pindot sa doorbell kailangan sunod sunod. " inis na lumabas ako ng kwarto at walang pakialam na binuksan ang kung sinong lapastangang gumambala sa pagmumuni muni ko.

" Ang aga aga Lorenzo!" huwag niyang sabihing manliligaw na siya ng ganitong oras?

" Bakit binuksan mo agad ang pinto?" nakasalubong ang kilay nito.

" Kita mo yang ugali mo, makapindot ka d'yan sa doorbell wagas tapos magtatanong ka ng ganyan? " pumasok na ito kahit hindi ko pa naman siya pinapapasok, taong bahay ang peg ni Koya?

" Alex, you cannot just open the door like that, paano kung masamang tao ang kumatok at hindi ako?" subukan nila ako, babalian ko sila ng bones.
" Saka tignan mo nga yang suot mo, you can't open the door to ramdon people wearing.." nagtagal ang mata niya sa legs ko, tinaasan ko siya ng kilay. " That..!"

Nagbuga ako ng hangin, hindi naman ako na inform na darating pala si Daddy today, parang tatay ko kung manermon ang sungkit na to!

" Hoy Sung..Lorenzo!" muntik na, wala pakong toothbrush omeeegoood! " Dito ako nakatira, susuotin ko ang gusto ko, saka anong masama sa cotton shorts ko?" saka ko lang napansin na may bitbit siyang paper bag.

Nag heart ang mata ko. Pagkain yata. Mukhang tama ako, lumapit ito sa dinning table at inilabas iyon doon.

" Just don't open the door like that, kaya nga naimbento ang Peephole Alex. " napanguso ako.

" Bakit ang aga mo yata today?" ako na ang naglagay ng plato saka kutsara at tinidor.

" I'm not going to the office today, ngayon ang dating nila Mama, gusto mo bang sumama sakin para sunduin sila?" what? No way! Suicide yon.

" Napag usapan na natin yan, diba?" nilagyan ko siya ng kanin saka bacon sa plato.

" Can't you change your mind?" umiling ako.

Anong sasabihin ko sa kanila? Ako nga po pala si Alex, PA ng anak ninyo at soon to be girlfriend niya. Hindi ko carry.

" Papasok nalang ako, I'll help Mitch para naman mabawasan ang trabaho niya. Nakakahiya na sumusweldo ako tapos wala akong ginagawa." hayahay ang buhay?

" Baka naman makipagkita lang kayo don sa Dennis?" naubo ako sa sinabi niya.

Tumayo siya at ikinuha ako ng tubig.
" Dahan dahan naman kasi." hanggang ngayon pala hindi parin siya nakakamove on kay Dennis.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon