Chapter 32

20.2K 681 128
                                    

NAGSImula na ako bilang General Manager ng Zhoe Grand, maayos naman ang naging unang linggo ko, sabi nga nila, sa kahit anong kakaharapin mo, kapag kinaya mo ang isang araw, kakayanin mo rin ang isang linggo at kapag kinaya mo ang isang linggo, kahit ang buwan pati narin ang taon makakayanan mo na.

Nakalipat narin kami ni Abby sa Condo ko. Naayos na rin ang drivers license ko kaya ako na ang nagmamaneho ng kotse ko na bigay ni Dad. Kasalukuyan kaming naghahanda ni Abby para lumabas, friday kasi and we deserve a night out as rewarded para sa isang linggong pagtatrabaho.

Wala pang alam si Abby sa mga plano ko pero one of this days, I'm planning to tell her dahil kakailanganin ko ang tulong niya.

Nagdrive ako papuntang Waze, ang Bar ni Willy. Handa na akong magpakita sa kanila, kahit papaano naging kaibigan ko din naman sila at wala silang kinalaman sa mga nangyari sa amin ni Lorenzo. Hindi ako yong tipo na porket nagbreak kami ng ex ko pati mga kaibigan niya na naging kaibigan ko, bibreakan ko din, wag ganon mga Bess..

" Paano mo naman nalaman ang Bar na ito, Isabelle? So, hindi ka pala talaga namundok noong nawala ka, you actually came here in the City.." papasok na kami ni Abby sa loob.

" Uhm yeah.." sabay ngisi ko.

Medyo hindi pa ganon kadami ang tao, maaga pa naman kasi. May nakita kaming pangdalawahang table ni Abby na hindi occupied, naupo kami at agad namang lumapit sa'min ang Waiter.

Nagorder kami ng cocktails.

" This place is nice pero mas gusto ko parin ang Club Soliel sa Cebu.." ang tinutukoy ni Abby ay ang madalas nilang tambayan nila Faye at Nicole kapag gumigimick, hindi ako madalas makasama sa kanila dahil sa paghihigpit ni Dad noon.

" Namiss ko din ang lugar na yon kahit hindi naman talaga ako madalas sumama sa inyo." nageenjoy kami ni Abby ng bigla na namang lumitaw ang Hipon sa harapan namin.

Hindi naman ako nagorder ah, may pulutan na agad..

" Amin ang table na ito, hanggang dito ba naman nakasunod kapa rin?" ay!, iba ang approach niya, fierce..

" Ahm, may nakikita ka bang pangalan sa table natin Abby?" umiling ang nagtatakang si Abegail.
" You see Ms. Dagatnon, walang pangalan na nakasulat sa table na ito, so hindi mo ito pagaari, huwag kang mangarap na sinusundan kita, FYI nauna akong dumating dito, hindi kaya ako ang sinusundan mo?" akala ng hipon na ito papakabog ang Lola ninyo..

" Kami ang madalas pumwesto d'yan kaya amin yan." may ganon na palang rules sa loob ng Bar.

" Oh tapos? Ang huling alam ko, si Wilfredo at hindi ikaw ang owner nitong Bar, wag kang feeling." nanlisik ang mata niya, takot ako. Charoot.

" Bakit ka ba nandito ha? Hampaslupang to, bumalik kana nga sa pusakal na pinanggalingan mo.." nagsitango naman ang dalawang kasama niya. Abah, at may alipores na siya ngayon.

Lumevel up?

" Luhhh, sinong hampaslupa? Nagpapatawa ka ba?" si Abby, alam kong naiinis narin siya, hinawakan ko ang braso niya, buti nalang wala sina Faye at Nicole, paniguradong sakit sa katawan ang aabutin nitong Hipon na to kung nandito yong dalawa.

" Alam mo Perlita, magtira ka naman ng kahihiyan sa sarili mo kahit konti lang.. " lalo itong nainis sa sinabi ko.

Makapagtaray wagas!

" At bakit naman ako mahihiya?" nanlalaki na ang butas ng ilong niya.

Ubos narin ang pagtitimpi ko.

" Ang mga nagtataray kasi, may binabagayang mukha, pangit kana nga, pangit pa yang ugali mo, ano nalang ang pweding pasalamatan sayo ng mundo? Ikaw yata ang lumaki sa pusakal at hindi ako!" lalong umusok ang ilong niya sa galit. Kulang nalang ay magbuga ito ng apoy.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon