Chapter 24

17.2K 678 346
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok. I make French toast for breakfast na pinarisan ko ng coffee. Malaki ang naitulong ng cooking class na pinasukan namin ni Mitch. I can now cook my own food. Mommy will be so proud of me, I'm sure.

Mommy Trisha was the best cook. Kahit ang pinakamamahaling restaurant ay hindi kayang pantayan ang luto niya at sobrang namimiss ko na ang mga iyon. Ganon naman siguro talaga, hahanap at hahanapin natin ang panlasang kinalakihan natin kahit saan man tayo makarating, lalo na ang luto ng ating mga ina.

Spoiled kaming magkakapatid kay Mommy pagdating sa pagkain but only when it comes to food. Ang ibang bagay, kagaya ng luho ay kailangan naming paghirapan. Natatandaan ko noong nagpabili ako ng bagong cellphone, I was 15 back then, isang linggo akong naging taga photocopy sa RGC para lang makuha ang unit ng cellphone na gusto ko. Hindi ko iyon maintindihan noon, iniisip ko kasi mayaman naman kami at kaya naming bumili kahit ilang unit pa ng cellphone, but Mom and Dad makes sure na matuto kaming paghirapan ang mga bagay na gusto namin. Nakakalusot naman paminsan minsan ang mga kalokohan ko, nakukuha ko ang mga gusto ko my way, yon nga lang madalas din akong mahuli.

Na enjoy ko ang pagcocommute habang wala si Lorenzo papuntang office.

Nakanda na ang mga ililitanya ko sa kanya oras na magkita kami. He's with that woman for two weeks and who knows kung anong mga ginawa ng Haileyparot na yon para mapalapit sa kanya. May pa hear me out, hear me out pa siyang nalalaman.

" Alex, boardroom ora mismo.." seryosong bungad ni Mitch. Kadarating ko lang, may tao na agad doon ng ganito kaaga?

" Teka, bakit ang aga naman yata? Sinong nandoon?" she has this look in her face na parang sinasabi sa'kin na hindi magandang ideya na pumunta ako doon. " Okay, I'm going.."

" Alex.." nilingon ko siya.

" Parang hindi maganda ang vibes ko doon, wag ka nalang kayo pumunta." lalo akong nagtaka.

Wala sa bokabularyo ko ang umatras kahit ano pa yan. I headed to the boardroom.

Nagulat ako sa nadat'nan ko, Lorenzo was here at hindi siya nagiisa. Hindi ako na informed na may maagang meeting kasama ang pamilya niya, minus na Parrot. May kasalanan pa siya sa'kin. Seryosong ang pagkakatitig sakin ni Lorenzo, dapat lang dahil magtutuos pa kami.

Biglang bumukas ang malaking projector na nasa harapan. Hindi kaya, magpopropose na si Sungkit?

Pero ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang mukha ko doon at mukha ni Harold.

" Wow! Ang galing mo talaga umarte, kapanipaniwala iyang gulat sa mukha mo ngayon, Alex." saglit akong napatingin sa Mommy ni Enzo. Pinagsasabi nitong Dragonang ito. Palunok ko kaya siya sa Minokawa?

Natatandaan ko kung kailan nangyari ang mga nasa pictures at hindi maganda ang kutob ko sa kahihinatnan nitong slideshow na ito, yon yong time na nagkita kami ni Harold, sa mall, sa grocery. Yong mga sunod na pictures ang mas ikinagulat ko, he was at the bar, yong gabing naglasing ako. The bastard kissed me, may picture pa na halos yakap niya ako. All this time sinusundan niya ako?

" What the hell! Hindi totoo ang mga iyan." nagpanic na ako ng makita ang sunod na mga pictures, nasa kama si Harold at katabi niya ako? Paano nangyari yon?

" Alin ang hindi totoo Babe?" akmang lalapitan ako ni Harold pero hinigit siya ni Enzo. Sunod sunod niya itong sinuntok. Dapat lang sa kanya yan.

Pinigilan siya ng ina niya." Lorenzo, hindi ka dapat magalit sa pinsan mo, d'yan sa malanding babaeng yan ka dapat magalit, habang wala ka, ang pinsan mo naman ang nilalandi niya." Oh God, forgive me. I swear makakatikim sa'kin itong ina ni Lorenzo.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon