Villareal #4: Flowered Seasca...

By cinnderella

6.2M 198K 80.3K

Ametrine More

Flowered Seascape
Simula
Phase 1
Phase 2
Phase 3
Phase 4
Phase 5
Phase 6
Phase 7
Phase 8
Phase 9
Phase 10
Phase 11
Phase 12
Phase 13
Phase 14
Phase 15
Phase 16
Phase 17
Phase 18
Phase 19
Phase 20
Phase 21
Phase 22
Phase 23
Phase 24
Phase 25
Phase 26
Phase 27
Phase 28
Phase 29
Phase 30
Phase 31
Phase 32
Phase 33
Phase 34
Phase 35
Phase 36
Phase 38
Phase 39
Phase 40
Phase 41
Phase 42
Phase 43
Phase 44
Phase 45
Phase 46
Phase 47
Phase 48
One
Two
Three
Four
Five

Phase 37

98.1K 3.2K 1.3K
By cinnderella

Phase 37

I'm just watching Elos while having a talk with Primiel and Elexius Villareal, dumating din ang ama nilang si Thelonius Sr. kasama ang kanilang ina na si Eldora. Kapwa may pag-aalala kay Elos. Nanatili akong nakaupo sa isang sofa habang sila ay nakatayo lamang at tila sentro ng atraksyon sa lobby ng ospital.

I don't know how they knew about this, ang alam ko ay tinawagan lang ni Elos si El kanina tungkol dito pero hindi ko inasahan na sasadya ang buong pamilya nila ngayong araw. Nanay Amalia or Elvira is still unconscious since the day she went to an operation, dalawang araw na ang nakararaan.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil nasa pinakahuling upuan ako at sila'y nasa malawak na espasyo sa unahan. Thelonius Sr. is very stiff, wearing a set of formal suit and tie while Eldora's just wearing a floral white dress, she looks so comforting that Elos' eyes instantly turned soft when he saw her. Tipid ang tangong binigay niya sa mga magulang na bagong dating, kunot ang noo ni Elexius habang nakikinig sa sinasabi ng ama habang si Primiel ay nakapamulsa ang isang kamay sa pantalon at bahagyang pinaglalaruan naman ang kanyang labi ng isa pang kamay.

Sa lahat ay siya ang walang ekspresyong pinapakita, he was just watching his family, emotionless like he doesn't know a thing. Kahit bunso sa magkakapatid ay sumasabay ang bulto at taas niya sa dalawang mas nakatatanda. He's well grown up! Last time I saw him was years ago, sa labas ng Brentdale High. Hindi pa siya ganyan kakisig dahil totoy pa noong tingnan, hindi ko akalain na mabilis ang magiging ebolusyon niya at ganito na ngayon ang madadatnan ko.

He's holding the same aura of Villareals as Elos and Elexius but the way he moves is far from the two who are screaming friendliness while Primiel seems too snobbish, bukod doon ay mas mapagkakamalan ko pa siyang iba ang ina kesa kay Elos dahil magkamukha si Elexius at Elos habang si Primiel naman ay pinaghalo ng dalawang kapatid at nakuha niya ang bahagyang maalon na buhok ng ama na wala kay Elos at Elexius.

Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ni Elos, seryoso at malamig ang mga mata niya pero nang makita akong nakangiti ay nagtaas siya ng kilay at bahagyang lumambot ang ekspresyon. His lips moved to talk, natanto kong nagpaalam siya sa pamilya nang prenteng lumakad patungo sa kinaroroonan ko.

Napansin ko ang pagdungaw ni Elexius, his head tilted while scrutinizing my presence. Elos is already in front of me, he gently caressed my cheek. Yumuko siya para halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Bored?" he asked then his warm hand went down to caress my arm tenderly. "Come..."

Tumayo ako at ngumuso, he kissed the side of my head and pulled me to walk towards the Villareals. My heart trembled, agad akong napakapit sa kanyang braso at bahagyang tinago ang sarili roon.

"Elos, don't tell them about my pregnancy, please..." pabulong kong sambit, kabado sa lahat.

Hindi dahil sa kinahihiya ko ang pagbubuntis, I just think this isn't the right time to tell about it. Puwede namang sa ibang araw kapag maayos na ang nangyayari sa paligid.

Kumunot ang noo niya at nilingon ako, pinagsiklop niya ang mga daliri namin bago nagtanong. "What?"

"U-Uh, bago lang tayong nagkabalikan. Baka hindi maganda ang maisip nila sa akin ngayon kung malalaman nilang buntis ako. Mabibigla sila."

He chuckled raspily, irritation is evident. Hinila niya ang kamay ko at binitiwan upang sakupin na lamang ako ng braso niya sa baywang.

"They're not like that, at kahit ganoon pa sila ay wala akong pakialam. I'll never hide my child from them." he inhaled deeply. "Pagkagising ni Mama, magpapakasal ka sa akin."

I shuddered, I didn't expect a marriage that early. Masyado pang maaga. Hindi naman porque buntis ako ay kailangan na naming magpakasal. Though, I love the idea of marrying Elos, pero sa tingin ko ay kailangan muna niyang bigyan ang sarili ng oras para sa mga nangyayaring ito. Maybe he can first cath up with his real mom. Nakakalungkot na ganito ang nangyari, graduation na sa susunod na araw at hindi ko pa sigurado kung makakasama si Elos, ganoon din si Dad na hindi maayos kay Mommy ngayon.

Gulantang ako sa kaalamang iyon kaya hindi ako nakapagsalita hanggang sa matanto ko na lang na nasa harapan na kami ng kanyang pamilya at pinakilala niya ako sa pangalawang pagkakataon. He held on my lower back while facing his family in a serious like lion eyes.

"Dad, Tita..." panimula ni Elos na agad kinaiyak ni Eldora Villareal.

Namilog ang mga mata ko sa gulat, lalo pa nang umalma agad si Primiel doon. Kung hindi lang inawat ni Elexius sa dibdib ay baka kinuwelyuhan na si Elos nang tuluyan, kumunot ang noo ni Elos sa kapatid at ina.

"Tita? Really?" Primiel said bleakly while glaring at Elos.

Oh, that's the main reason why Eldora cried and made Primiel mad. Halatang apektado sa iniyak ng ina, siya ang kalmado at walang pakialam kanina pa pero ngayon naaapektuhan. Kinakabahan ako sa kanila, ayaw kong umabot pa sa punto na mag-aaway sila.

"Primo." mariing saway ni Elexius, kalmado lang niyang nilingon si Elos. "Kuya, do not start."

Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa braso ni Elos, nagyuko ng ulo si Elos na tila guilty lalo pa habang naririnig ang hikbi ni Eldora Villareal. Thelonius Sr. cleared his throat and caressed his wife's arm while looking at Elos.

"Thelonius, I am warning you." strikto ang malalim niyang boses nang sinabi iyon.

Huminga ng malalim si Elos at hinarap sila nang matuwid, malambot ang mga matang tumingin siya kay Eldora at nagbuntonghininga.

"I'm sorry..." he said. "I just don't really know how to start again with all of these. Now that my real mom is here—"

"Elos, anak pa rin naman kita. Hindi magbabago iyon kahit ano pa ang katotohanan, and I am sincerely apologizing for all the lies I made while raising you because that's what I wanted, to raise you all mine." lumuluhang sambit ni Eldora.

Umigkas ang panga ni Elos at nag-iwas ng tingin, agad kong nakita ang matalim na tingin ni Primo, tunog babala sa lahat ng tatangkaing sabihin ni Elos sa kanilang mahal na ina.

"Can't you at least have some respect, Eaves?" Primiel asked frigidly rude. "Mom raised you as her own son and you'll die like that, still her son, still our brother. Nothing will change. You can have two mothers! You don't need to call Mom other names just because you found the real one, my Mom isn't your fucking extra."

Elos glared at him. "I know that!"

"Fix your mouth, then."

Mariin ang madilim na mga mata ni Elos nang balingan si Primiel, I squeezed his arm slightly to stop him from getting mad. His chest heaved, nilihis niya ang tingin sa kapatid pero kinuyom ang kamao sa sobrang pigil na galit.

Primiel don't get it, wala siya sa sitwasyon ni Elos para magsalita ng ganito. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ni Elos.

"Enough, Primo." sambit ng ama nila. "We should also understand Elos here, let's just talk about this some other time. Mahiya kayo sa lugar, hindi ito ang tamang lugar para sa ganitong usapan."

Tumingin sa akin si Eldora Villareal at ngumiti ng malungkot, hindi ko mapigilang salaminin iyon pabalik sa kanya.

"Ametrine, right?" she affirmed while wiping her tears and chuckled. "I'm sorry for being emotional, but it's nice to see you again. I'm glad you are with Elos through this..."

Huminga ako ng malalim, a guilt ran over my heart. No, Ma'am. Wala akong alam sa lahat at nakadagdag ako kay Elos noong nasa gitna siya ng lahat ng pangyayari, pero nangangako ako ngayon na sasamahan siya kahit saan ngayon. Magmula sa desisyon, kagustuhan at lahat.

I nodded slightly. "Thank you, Ma'am."

Ngumiti rin ang pormal na si Thelonius Sr. bilang pagbati sa aking presensya. Elos beside me is just silent, ganoon din ang mga kapatid niyang nakikinig na lang. Medyo kalmado na rin ang aura ni Primiel. Nagpapasalamat ako na hindi isinabay ni Elos ang balita tungkol sa akin ngayon, mas maayos iyon kung sa maayos na lagay ng pangyayari.

They decided to visit Nanay Elvira's room, mag-asawang Villareal lamang ang pumasok doon. Sa totoo lang ay wala akong alam sa kuwentong ito, ang naisip ko kasi ay hindi maayos si Nanay Elvira sa pagitan ng mga Villareal pero kapag naaalala ang mga paintings na dinidetalye niya noon ay nagbibigay linaw iyon na nawalan siya ng alaala. I already told Elos about it but I think he wasn't on the right track that time.

Ang ilang araw niya'y natuon sa pagkausap sa mga doktor at pagbisita kay Nanay Elvira. Dalawang araw na iyon ang inaatupag niya at naiintindihan ko siya, sumasama ako sa kanya sa pagbisita pero madalas akong antukin kaya sa huli ay hinahatid niya ako sa condo niyang tinutuluyan namin dito sa Laguna para makapagpahinga. Hindi siya nagkulang doon, kahit sa pag-uwi at pagluluto para sa pagsabay sa akin sa pagkain.

I was guilty for everything happened, I couldn't even believe Nanay Elvira bought me a PT that day she got bumped. Gabi-gabi akong nagigising dahil sa dala noong bangungot, I saw everything. I saw how she got hit by the fast car while picking up what she bought for me and that's all over my head.

Nagising ako sa gitna ng pagtaulog, kinahapunan ng araw na iyon. Hinatid ako ni Elos sa condo at hinintay makatulog bago umalis at puntahan ulit si Nanay Elvira sa ospital, he's really waiting for her recovery. Alam kong gusto niyang makita iyon sa unang paggising mula sa aksidente, Elos has been so out of the current events these past days. I get everything he feels, and it saddens me that I can't be even a bit of help to less it.

"I'm fine, Mom." sambit ko habang habang kumakain ng mansanas, nakaloud speaker ang cellphone ko habang ginagala ang tingin sa ilang paintings sa condo ni Elos.

"Talaga? Your graduation is coming. Ano ang plano mo?"

Nagbuntonghininga ako at binagsak ang sarili sa sofa, tinigilan ko ang pagtingin sa painting at pinikit ang mga mata. I need to be careful with this.

"Hindi po ako dadalo, Mommy." maingat kong sinabi.

"Huh? W-What? I mean, honey. Come on, it's one of the important events in your life you shouldn't just miss! Puwede naman kitang sunduin diyan at 'tsaka natin daluhan ang graduation mo rito sa Manila, naiintindihan ko naman si Elos sa bagay na ito kaya hindi ko inaasahan na makakadalo siya. Alam kong ganoon ka rin."

"Gusto ko lang pong samahan si Elos dito, Mommy. Besides, makukuha ko naman ang diploma kahit hindi makadalo."

She went silent, buntonghininga niya ang narinig ko kalaunan.

"May chance ka pang magbago ng isip, anak. Just tell me. Sana magbago pa ang isip mo, sa susunod na araw pa iyon at sigurado naman akong maiintindihan ni Elos na mawawala ka kahit isang araw lang para sa graduation."

Our call ended with her reminders, nakakatuwang kausap si Mommy tungkol sa ilang bagay na dapat kong malaman sa pagbubuntis kahit na hindi ko pa naman ramdam ang ilang sintomas nito. Sabi ni Mommy ay sa pangalawa o pangatlong buwan pa iyon lubos na maglalabasan, gaya ng cravings at mas malalang pagkahilo. Siya raw noon ay tamad na tamad sa lahat ng gawain at madalas nasa kuwarto lang, Dad became her slave for months while carrying me. Masaya si unang pagkukwento si Mommy pero kalaunan ding nabahiran ng pagkasuklam, kaya tawa ako ng tawa roon.

To be honest, I now understand everything. Siguro dahil tanggap ko na ang lahat ng nangyari sa aming pamilya, na nawala si Dad sa amin at nagkaroon ng bago. Iyon siguro ang dahilan kung bakit lahat tungkol kay Daddy ay naiintindihan ko na, I just realized that time I had an argument with his wife and Antonia that it's his new family over me. I don't have anything to do but accept the fact and be happy that he's doing his best to become a good wall of their family now. Sana magtuloy-tuloy na lang siya sa pagiging responsable para sa kanila.

Sa kawalan ng magagawa sa condo ni Elos ay ginala ko na lang ang unit, binuksan ko ang ilaw sa isang spare room. Namangha agad ako sa laman noon, mga nakasampay na landscape photos ang namamayani sa kabuuan ng loob nito.

The pictures were all organized and sorted by dates, sulat kamay ni Elos ang mga numero ng petsa na nakalagay sa itaas na border ng bawat litrato. Ginala ko pa ang tingin sa kapansin-pansin na haligi ng kuwarto, sa pinakasentro ng karagatan ng mga litrato sa pader ang lubos na nakakuha ng atensyon ko.

"Wall of ADC..." I murmured as my heart clobbered instantly.

Humakbang ako palapit sa harapan ng malawak na pader, gulantang sa bawat litrato ko roon na hindi ko alam kung paano nakuhanan ng ganito. The wall is full of my portraits, candid and close up pictures with all the face reactions and expressions I never knew someone could ever capture. Kumurap-kurap ako sa paninikip at pabigat ng dibdib, sa kamanghaan, pagkatuliro at tuwa na hindi malaman kung saan pa huhugutin.

Most of them were polaroid style, they are also well organized by dates, at the first fifteen rows only with more than fifty pictures. Hindi ko mabilang dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Ang mga sumunod na hanay ay wala ng mga petsa dahil magkakahalo na at heto ang mga tanda kong nakakasama ko na siya bilang kaibigan sa work room noong nag-uumpisa pa lang siyang magpaturo ng painting hanggang sa manligaw siya at maging kami na. Doon nagkandalabo-labo ang mga litrato, para bang lahat iyon ay tanda na niya kung kailan at anong petsa nangyari sa buhay niya kaya hindi na kailangan ng dates.

Sa itaas na bahagi ng pader ang mga litratong hindi ko talaga inaasahan dahil highschool pa lang ako roon at hindi siya kilala kaya nakakagulat na mayroon akong litrato rito sa ganoong edad ko, karamihan doon ay ang mga competition na sinasalihan ko, nagpipinta sa quadrangle. Tanda kong kasama ko ang ilan pang estudyante pero sa litrato ay ako lang ang nag e-exist.

Suminghap ako at nilihis ang tingin doon, sa kaliwang pader naman ako natuon, kung saan ang mga paintings na alam kong sa akin. The wall has a title, too. "Her Flowered Seascape."

Tuluyang nalaglag ang panga ko, lahat iyon ay ang mga pinta ko simula pa noong nagpakilala akong anonymous painter at nagpapadala sa kanya ng mga paintings! I can't fucking believe this! How the fuck!? Alam niya? Alam niyang sa akin lahat iyon at ako ang may gawa! Kailan pa? Damn it! I did not expect he knew this all along!

The first painting was his back view! Iyong unang gawa ko sa kanya dahil sa pagbabalik ng aking pagpipinta, bilang pasasalamat. Hell!

Suminghap ako at hindi napigilan ang emosyon. I blinked my eyes, so he knows my seascape too well, huh?

I ended up crying in mirth there, the staggering volume of feelings and vehemence are all over my tenement like heaven needs another crest to explain this brand of color blue. I can certainly feel how color red is for affection and love, white for purity and green for free from strife pulse we could only find in the home of someone who shares the vowel-chime as the right tune of each other's heart and soul.

I found my fallen between riven soul deep down him.

Tulala akong lumabas ng kuwartong iyon, hindi pa rin makapaniwala sa lahat. I suddenly remember the paintings I made for Nanay Elvira years ago, it's still a puzzle for me how Antonia had it. Kung si Elos ang anak ni Nanay Elvira, bakit hindi dumarating kay Elos ang mga pintang iyon para sa kanya?

My goodness, Antonia you evil woman! Where are you taking them?

Lumunok ako sa panunuyo ng lalamunan, mabilis kong tinunton ang sala ng unit. Ngayon ko lang naisipang naroon ang mga paintings na ibabalik sana ni Elos kay Antonia, kabado ang dibdib ay hinubad ko ang tela at papel na nakabalot sa ilang pirasong pinta ni Antonia.

Nilatag ko ang mga iyon sa sahig isa-isa upang makita, sa unang pinta ay alam kong sa kanya talaga dahil hindi iyon sa akin pero ang mga sumunod na ang nagpalumo sa buong puso ko. My heart wrenched rigidly for Nanay Elvira. Lahat ng pinta ko para sa anak niya ay kasama rito, pero pangalan ni Antonia ang nasa ibaba para ipakilalang kanya ang lahat.

How dare that fucking bitch stole my pieces!?

Pumikit ako ng mariin at naglandas ang mga luha, my heart is breaking down out of my chest and anger instantly consumed me. Mula sa aking pusong durog paakyat sa aking ulong sumasakit sa sobrang galit. Matigas ang dibdib na umalis ako ng condo, kumuha ako ng taxi sa ibaba upang sadyain ang bahay nila Antonia ngayon.

The heaven just reached the ground for me and all I know now is my anger for everything she did. Clearly, she stole my paintings for Nanay Elvira's child and claimed it as hers while sending them to Elos!? Shameful disgusting bitch! Anong nangyari kay Antonia? Ganoon na ba siya kababa para gawin ang bagay na iyon?

Winalan niya ng karapatan si Nanay Elvira magpakilala sa pamamagitan noon, winalan niya si Elos ng karapatang matanto ang mensahe ng bawat pinta para sa kanya! I wonder how Elos sees those painting, plain? Wala naman kasing koneksyon kay Antonia iyon o kahit pa sa relasyon nila, it's all about kids! Marriage! Broken promises!  Unfolded memories of the woman who shared light for her child when he was a kid!

Nang makababa ng taxi ay agad akong nagdoorbell sa kanilang gate, gusto ko sanang batuhin na lang ang bahay nila pero alam kong problema ni Dad iyon kung nagkataon. Kasambahay ang nagbukas ng gate sa akin.

"Where's Antonia? Kailangan ko siyang makausap." mariin kong sambit.

"N-Nasa loob po, Ma'am." natatakot niyang balik.

"Pakisabing nandito ako at kailangan ko siyang makausap, ate." mas maayos kong sinabi para sa kanya, wala siyang alam dito at hindi ko dapat sinasali sa galit ko.

Tumango siya ng mabilis at tumalikod, hinayaang bukas ang gate para sa akin. Hindi pa man nakakapasok sa double doors ng kanilang bahay ay nakita ko na si Antonia na bumababa sa ilang baitang ng hagdanan, nagtiim bagang ako at nangangati ang mga paa sa galit para pasukin siya at kaladkarin palabas pero hindi ko gagawin.

We can talk about this calmly, I just need to know why did she have to do such thing as demon? Bakit niya ninakaw ang mga iyon at inangking kanya?

"Anong kapal ng mukha 'yan at nagpunta ka pa rito, huh?" bungad niya sa akin nang makalapit.

"You stole my paintings!" sipat ko pabalik.

Tumawa siya, inis na inis ako. Para akong nakakakita ng demonyita sa personal. My blood boiled up.

"Ako, magnanakaw sayo? Sino ka ba?"

"You claimed my paintings as yours! Iyong mga paintings na pinapadala sayo ni Nanay Amalia! Ngayon mo sabihing hindi mo kilala ang mga pintang iyon, Antonia." mariin kong sinabi.

Namilog ang mga mata niya sa sobrang gulat, agad ding nakabawi roon at matalim akong tinitigan. Her bloodshot eyes were telling how embarrassed she is right now.

"Ikaw pala ang may gawa ng mga 'yon? Ginamit mo sa kalandian mo ang matanda!"

My eyes broadened angrily. "That's Elos' mother! Alam kong alam mo na iyon sa una pa lang, hayop ka! Winalan mo ng karapatan ang dalawang magkakilala? Ganyan ka kababa, Antonia! You are untalented painting stealer!"

"What!? She was sending paintings to me at ayaw niyang ipaalam iyon kay Elos! Anong gusto mo—"

"Pero nilalagyan mo ng pangalan para ikaw ang magmukhang may gawa noon kay Elos, hindi ba? She wants to send paintings anonymously for her son to feel her as a mother, not under in your fucking disgusting name!"

Humakbang siya palabas para lapitan ako, nanggagalaiti sa sobrang galit ang ekspresyon. Halos hindi ko makilala, naghalo ang pagkahiya na hindi matalo ng galit niya kaya pilit pinapasabog ang lahat para sa akin. Suminghap ako nang mariin niyang hilahin ang braso ko, I instantly wriggled and pushed her away.

"How dare you!? I'm not the disgusting one here, bitch! Ikaw ang nakakadiri, malandi kang babae! Hindi ko ninakaw iyon dahil sa akin pinapadala! Wala kang karapatang paratangan ako!"

"You still stole it! Ang kapal mo!" sigaw ko pabalik. "Kahit anong ilagay mong pangalan doon ay hindi noon mababago na akin iyon at hindi sayo! Ako ang nagpinta para kay Nanay Amalia at siya lang ang may karapatang pangalanan iyon!"

"That's my way to get Elos back to me!"

Doon nalaglag ang panga ko pero mas lalong nagngitngit sa galit, I wanted to laugh at her face because she's very awful and shameful now. Mas lalong nakakainit ng ulo ang lahat ng naririnig ko sa kanya, hindi ko alam kung tanga siya o desperada sa atensyon. Obviously, Elos will never come back to her kahit noon pang naghiwalay kami ay hindi na siya binalikan at nakakasuklam si Antonia ngayon dahil sa mga ginawa niyang desperate moves para bumalik si Elos ulit, seriously? Pagnanakaw ba niya ang makakapagpabalik kay Elos?

"Baliw ka ba, Antonia? Those paintings aren't even connected with your want! If you're a real painter you should know that! Unless you want to be his mother?" tumawa ako ng sarkastiko. "Sige, sayo na ang paintings pero hindi ka na rin puwedeng maging ina ni Elos, nahanap na niya si Nanay Amalia ngayon! Pumunta ako para malaman ang dahilan mo kung bakit mo ninakaw ang mga iyon, pero ngayong nalaman ko na ang dahilan mong pantanga. Sige, ibibigay ko na sayo. Nakakaawa ka!"

Umiling ako sa kanya at lumakad para tunguin ang taxi na naghihintay sa kabilang street. Nakakaawa siya, kung alam kong walang kuwenta ang dahilan niya ay hindi ko na dapat pinaringgan pa.

My eyes broadened shockingly when Antonia pushed me forcefully, suminghap ako nang maramdaman ang sakit ng puwitan ko dahil sa pagbagsak sa semento. Sumunod ang pagmumura niya at pagpatong sa ibabaw ko para sampalin at sabunutan ako.

"Ang kapal mo! Malandi ka, Ametrine! Dahil sayo kaya minalas kaming pamilya! Simula nang dumating ka ay wala na kaming tahimik na buhay! You stole Elos!" umiiyak niyang sigaw habang sinasabunutan ako. "And now my Mom is depressed because Papa left home! At dahil din sa inyo ng Mama mong walang hiya!"

"What!?" I hissed dreadfully, hindi ako makapagsalita ng maayos at hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya dahil mas iniintindi ng buong katawan ko ang sakit nang pagbagsak at pagsampa niya sa aking ibabaw ngayon.

"Ma'am!" sigaw ng kasambahay nila, hinila niya si Antonia paalis sa akin pero mas lalo akong dinagdanan ni Antonia at sinampal.

I pushed her but I'm too weak to even fight in this ground, I feel terribly in pain. My stomach is killing me, I can certainly feel the twisting inside me. Parang may lalabas na hindi ko maintindihan, I cried and screamed loudly while pushing her away from me. Nangangatog ang mga binti at braso ko sa sobrang panghihina at sakit na nararamdaman.

"Ma'am! Ma'am, tama na po!" sigaw ng katulong sa takot.

"Manahimik ka! Baka ikaw ang isunod ko!" sigaw ni Antonia pabalik.

"Ma'am, dinudugo na—"

"Ametrine!" Elos' voice suddenly echoed, sounds worried and angry.

My chest hurts, humagulgol ako sa kawalan ng magagawa sa sarili ngayon lalo pa sa huling sinabi ng kanilang kasambahay. Biglaang nawala si Antonia sa aking ibabaw at napaupo sa semento dahil sa paghila ni Elos sa kanya paalis sa akin, mabilis akong dinaluhan ni Elos na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa bandang ibaba ng aking pantalon. His brows furrowed, umigting ang panga niya.

"I will fucking kill you, Antonia." nanggagalaiti niyang sambit.

I screamed in twisting pain, ramdam ko ang pagwawala ng aking tiyan sa loob at hindi ko iyon matiis. I cried frantically, suminghap si Elos at agad kong nakita ang pamumula ng mga mata at ilong. Bakas ang sakit at galit na mas lalong nagpasakit sa kabuuan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin kundi ang humagulgol lang at mapadaing sa sakit.

Mabilis ang kanyang kilos na binuhat ako at tinakbo sa kanyang sasakyan, I saw my Dad running towards us. Umalalay din siya sa pagpasok sa akin sa likuran ng sasakyan ni Elos, Dad was holding me while Elos is owning the road.  Iyak lang ako ng iyak sa lahat at dumadaing dahil sa pagsakit ng tiyan. Nagsama ang lahat ng sakit sa akin, pinakamalala ang sakit ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.7K 51 15
This book contains snippets and special chapters of my completed stories. Make sure you finished them first before reading this as this contain spoil...
280K 14.5K 49
Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a prev...