Grabe guys, patayin niyo na ako. Mga ilang weeks akong hindi nakapag-update? Mga 3 weeks na nuh? Kasi naman po, sobrang busy talaga ako. Dami kong trabaho. Nung June, busy po kami Student Council sa mga pacontest tungkol kay Rizal. Nung July naman, mas busy kami kasi halos nagsabay yung Nutrition Month tsaka yung Leadership Seminar namin. Tapos ngayong August naman, ayun, Buwan ng Wika. Di ko naman maiwan-iwan yun kasi member ako ng Filipino Club eh kami ang organizer. Tapos ang dami pang projects then nag-monthly test kami. Grabe, sorry talaga. As in. Sorry talaga.
***
Dedicated nga pala ang chapter na ito kay asdfghjkljazmine. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Pasensya ka na kung medyo natagalan. Pero at least, eto na talaga. Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*
***
This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: iHeartCMU
All Right Reserved | 2012
***
Chapter 47 – Pagkakatugma-tugma
“Di kayo magkapatid ni Drei.”
“Ano bang pinagsasasabi mo kuia?” sabi ni Rhian sa kapatid niya na tila kinakabahan na masyado sa pinagsasasabi nito.
“Di mo siya kapatid Rhian.”
“That’s impossible. Kapatid natin siya. Anak siya ni dad.”
“Ako hindi ko kapatid si Drei. Alam mo naman sigurong ampon lang ako diba? Isa pa, inampon lang naman ako ni dad para palitan ang pwesto ni Drei. Kaya nga Brian Marcus ang pangalan ko. Sunod sa totoong pangalan ni Drei.”
Alam na ni Rhian ang tungkol dito. Bago pa man daw ikasal ang mga magulang niya ay inampon na ang kapatid niyang si Brian ng tatay niya.
Kaya nga lumaki siya na di masyadong kasama ang kapatid ay dahil hindi ito malapit sa pamilya. Siguro ay dahil na rin sa kadahilanang hindi naman siya totoong parte nito.
“Sige, sabihin na nga nating hindi kayo magkapatid. Pero kuia, ako, kapatid ko siya. Anak ako nila mommy at daddy.” Pagpapaliwanag ni Rhian sa kapatid.
“You’re wrong Rhian.”
Tila naguguluhan na si Rhian sa nangyayari. Naisip niya, nasisiraan na ba ng bait ang kapatid niya? O baka naman lasing ito? “Ano bang – Ano bang sinasabi mo kuia?”
“Hindi ka totoong anak ni mommy at daddy.”
“Panung? Anong? Joke ba to?”
“Seryoso ako Rhian. Matagal na akong may hinala pero hindi ko sinasabi kasi hindi ko pa alam ang lahat. Pero kamakailan lang, nakumpirma ko ngang tama ang mga hinala ko.”
Hinala? Kumpirma? Ibig sabihin, matagal na siyang may tinatago sa kanya? Pero panu? Ano ang mga basehan niya rito?
“Nalala mo nung araw ng 5th birthday mo?”
- - - “Anak, may pupuntahan lang ako sa probinsya. Kukunin ko lang ang regalo mo dun. Babalik din ako agad para bukas, sa birthday mo, maibigay ko na ang regalo ko sayo.” - - -
“Hindi ba’t di siya dumating kinabukasan? Tapos nagtampo ka sa kanya at di siya kinausap ng halos isang linggo?”
Oo, tama. Nagkatampuhan nga sila ng ina niya noon dahil hindi ito tumupad sa kanilang usapan. Ang paalam kasi ng ina ay may pupuntahan lang ito sa probinsya para bisitahin ang kung sino man. Ngunit hindi ito dumating kinabukasan.
“Eh nung 2nd year high school ka? Nung nagpumilit kang sumama sa kanya?”
- - - “Ma naman eh! Sama mo nalang ako! Please? Sige na, wala akong magawa dito sa bahay eh. Tsaka para makita ko na naman kung anong klaseng lugar yan. Ba’t ba naman kasi ayaw mo? Eh malaki na naman ako. Di na ako pasaway. Behave na ako.” - - -
Hindi nga siya pinayagan ng kanyang ina nung mga panahong yun. Pero di naman niya yun pinansin. Naisip kasi niya, siguro iniisip lang ng ina niya namakakasagabal siya.
“Pero kuia, anong koneksyon?”
“Nung nagkarun kayo ng project sa high school? Yung survey sa blood type ng family members?”
- - - “So, ikaw daddy, blood type mo ay B+. Ikaw kuia, AB+. Pareho lang kayo ni mommy. Ahy, ba’t naiba ako? O-negative yung sakin? Diba dapat namana ko yung dugo ko kahit man lang sa isa sa inyo? Ba’t ganun? Tsk.” - - -
“Diba nga kuia, sabi ni mommy na nakuha ko yun kay lolo?”
“Totoo ba talaga yan? Nagawa mo bang makumpirma kung totoong O-negative ba talaga si lolo?”
“What does that mean?”
“I did some research. Parehong hindi O-negative ang dugo ng lolo natin either sa mother side or sa father side. Ngayon, kung tatanungin mo ko na baka sa lola mo nakuha, hindi rin. Dahil sa pagkakaalam ko, walang O-negative sa parehong pamilya.”
“So anong pinapalabas mo kuia? Na ampon ako?” halos pasigaw na sabi ni Rhian.
“I’m really sorry. Alam kong masasaktan ka at malamang di mo ko paniniwalaan kung wala akong dalang pruweba kaya I did this.”
“Did what?”
“DNA Test. Here. Read it yourself. I know you’ll be hurt. Pero tandaan mo, kahit na anong mangyari, you’ll always be our girl. Isa pa, look on the bright side. I want you to be happy.”
Akmang tatalikod na sana ang kapatid niyang si Brian ng humarap ulit ito sa kanya at nagsalita. “One thing Rhian, time will come na malalaman mo ang lahat. Tandaan mo, huwag kang magpapabulag sag alit. Use your heart.”
“Kuia! Kuia!” sigaw ni Rhian sa kapatid na nawala na agad.
Naiwan na lamang si Rhian na tila wala sa sariling tinitingnan ang sasakyan ng kapatid na kaaalis lamang. At sabay nito ay ang kaba ng kanyang nadarama dahil sa bagay na hawak niya. Ang diumanoy resulta ng DNA Test nila ng kanya at ng mga magulang niya.
***
A/N: Sorry. Uulit-ulitin ko po talaga yan sa tagal ba naman ng araw na hindi ako nakapag-update. Ang busy ko po kasi talaga. Sana maintindihan niyo ko. Student pa lang po ako kaya sorry po. Sana po, patuloy niyo pa ring supurtahan ang story ko. Pasensya na po talaga.
P.S.: Sa mga nagtatanong nga po pala kung nagbibigay ako ng soft copies, pinag-iisipan ko pa po siya. Tsaka di pa naman po to tapos. Siguro kung tapos na, baka pagbigyan ko kayo. :)
Love, Tine (^_^)